Share

26

Kumaway ako sa anak ko bago pumasok sa kotse at pinaharorot na papuntang opisina ko. Sabi ni Shannon may bago raw akong kliyente ngayong araw.

Dahil malayo ang eskwelahan ni Sav sa opisina ko sa kanyang Ninang Clouie na siya sumasabay tuwing papasok at uuwi. Gusto kong ihatid ang anak ko sa eskwelahan niya pero dahil tambak ang trabaho at maraming babasahin at aasikasohin ay kailangan kong pumunta ng maaga sa opisina ko. Siguro, sa susunod na araw ko na lang ihahatid ang anak ko kapag hindi na busy.

Pagdating ko ay pinarada ko kaagad ang kotse ko at lumabas. Bago pumasok sa building ay may napansin akong bago.

Huminto ako sa paglalakad at bumaling sa isang honda na kotse, luma na ang sasakyan at may mga gasgas pa.

Kanino naman itong sasakyan? Ngayon ko lang ito nakita sa parking lot.

Ikinibit balikat ko na lang 'yon at nagpatuloy sa paglalakad. Baka sasakyan 'yon ng kliyente ko.

Ngumiti ako sa mga empleyadong nadadaanan ko at bumabati sa mga attorney.

Nakakapagtaka, hindi man lang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status