Share

27

Pagkatapos kong maihatid ang anak ko sa eskwelahan niya ay dumiretso na ako sa opisina ko.

Wala na naman akong nakitang Shannon na sumalubong sa akin, siguro nilalandi na naman si Sammuel sa loob.

"Attorney,"

Nanlaki ang mata ko nang makita si Shannon na bigla na lang sumulpot sa tabi ko. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, gulat na gulat.

"Oh? Akala ko nasa loob ka ng opisina,"

Umirap siya. "Ayaw ko doon."

Sumingkit ang mata ko, tinignan ko siya muli mula ulo hanggang paa. Ano na naman ang problema ng babaeng 'to?

"Bakit naman, ha?"

"E, nandoon ba naman ang girlfriend niya sa loob ng opisina mo, Attorney." Umirap ulit siya pagkatapos ay humalukipkip.

Tumaas ang kilay ko at diretsong tumama ang mata ko sa pintuan ng opisina.

"Mas maganda naman ako doon sa girlfriend ni Prosecutor Sammuel, eh!"

Napabaling ulit ako kay Shannon, ang sungit niya ngayong araw halatang bad mood dahil na doon si Marry sa loob ng opisina ko.

Inilingan ko na lang si Shannon pagkatapos ay naglakad na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status