Share

Chapter 14

Walang buhay na pinapanood ni Hope ang mga itik na nagsisikain ng suso na  itinatapon ni Sage sa may Fishpond.

Nasa Nueva Vizcaya sila ngayon, isinama kasi siya ni Sage na magbakasyon ng tatlong araw sa bahay ng Lola nitong si Aling Esmi, para daw maibsan kahit kaunti ang problema niya.

Itinaktak ni Sage ang timbang lagayan ng suso at tinanggal din ang gloves pagkuwan ay naglakad at naupo sa tabi ni Hope sa tuyong kahoy ng ko melina.

Bumuntonghininga muna si Sage bago nagsalita, "Iyan ka na naman. Nasa probinsya tayo, pero nasa syudad ang isip mo."

Malungkot na nagpakawala ng hangin si Hope at nilingon siya.

"Paano kung hindi na talaga ako balikan ni Garrett?" nalulungkot na tanong niya.

Simula kasi noong nagkagulo sa Penthouse nito ay hindi na siya nagpakita pa. Marahil ay ayaw na nga niya talagang makita pa si Hope. Gustong-gusto niyang magtanong kay Don Fernando, pero natatakot siyang baka iyon pa ang maging dahilan para hindi makuha ni

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status