ILANG beses na napakurap-kurap si Hope nang magising. Nagtataka siya dahil iba ang lugar na kinaroroonan niya. Malaki at eleganteng kwarto ang bumungad sa pag-gising niya. Nakahiga siya sa Queen Size bed at kulay puti lahat ang gamit, from beddings, comforter pati ang mismong bed na iyon, ang bahay ay yari sa salamin. Mula sa kama na kinaroroonan niya ay matatanaw ang magandang hardin sa labas. May iba-ibang uri ng makukulay na bulalak ang nakapalibot sa fountain na nasa limang talampakan ang taas.
Sa bandang kanan doon ay makikita ang oblongated na malaking pool na nasa sampong metro ang haba at anim na metro ang lapad at kumikislap-kislap pa ang asul nitong tubig. Nalilito siya at pilit inaalala kung paanong napunta siya sa hindi pamilyar na lugar.
Hindi pa man kasi siya nagkakamalay kagabi ay pinilit nang iniuwi ni Sam. Sa private house nito sa Parañaque, nang malamang maayos lahat ang resulta niya. Kumuha na lang ito ng private nurse na sumama sa kanila. Per
PIKIT matang dinadama ni Hope ang malamig na simoy ng hangin. Nakaupo siya sa bench na may sandalan, sa tabi mismo ng fountain. Dalawang araw at pangatlong gabi na siya na nasa bahay ni Sam. Ang mga nagdaang gabi ay hindi katulad ngayon na maliwanag at maraming bituin. Naroon pa rin ang lungkot sa puso niya sa mga nangyari. Pero pilit niyang iwinawaksi sa isipan niya ang nakaraan. She wanted to start a new life... pero wala siyang ideya kung paano. Napabuntunghininga siya at tumingala sa itaas."Talking to the moon?"Agad na napalingon si Hope sa likuran niya. Nang marinig si Sam. Marahan siyang umiling na sinamahan ng ngiti."Nasisiyahan lang ako dahil napakaganda ng buwan, piruin mong makulimlim maghapon pero pagsapit ng gabi, napakaliwanag at napakaganda ng langit," natutuwang bigkas nito.Nakahahalina kasi ang paligid. Malamig ang simoy ng hangin at ang liwanag din, dala ng maliwanag na buwan, samahan pa ng nagniningning na mga
Naging matulin ang paglipas ng panahon, Siyam na buwan na ngayon ang tiyan ni Devine, at ano mang oras ay manganganak na siya. Sa loob ng walong buwan ay wala man lang siyang naging balita na hinahanap siya ni Garrett.Napa-hugot siya ng malalim na hininga kasabay ng paghaplos niya sa kanyang tiyan, dahil sa biglaang paggalaw ng bata sa sinapupunan niya. Nasa balcony siya ngayon at inaaliw ang sarili sa panunood sa hardin. May tatlong buwan nang dalawa lang sila ng katulong ang nasa bahay ni Sam, dahil bumalik na ito sa New York.Madalas din namang dumadalaw sa kanya si Sage. Pero nitong nakaraang dalawang linggo ay dalawang beses lang dahil naging mahigpit daw ang amo ni Sage sa Kumpanyang pinagtatrabahuhan niya, ayon kay Sage ay dahil nagpalit sila ng CEO.Ilang sandali pa ay naagaw ang atensyon niya sa pagdating ng itim na Mercedes G63. Mula sa kinauupuan ay matatanaw niya ang tao sa labas. Tumayo siya upang lalo pang makilala kung sino ang dumati
It wasn't always easy to forget someone that once broke your heart into pieces. Pero minsan kung gaano kasakit ang ginawa sa iyo ng isang tao. Ganoon din kalaki ang maidudulot na kaligayahan at biyaya. Sometimes pain makes us be firm and realize our worth... at ang tao na iyon ang dahilan.Halos hindi makapagsalita si Devine sa saya. Noong marinig niya ang iyak ng anak niya. She may regretted loving the first man in her life, but not the blessing and angel from God above, na bunga ng maling desisyon at pagmamahal niya."Wow! Ang gwapong bata!""Oh, kay lusog-lusog naman iyang baby na iyan e,"Napapangiti si Hope, kasabay ng mga luhang tumatakas sa mga mata niya. Habang pinapakinggan ang mga nurse na nag-aasikaso sa anak niya. Sobrang worth it ang sakit na pinagdaanan niya kanina. Lalo na noong mahawakan at mahagkan ang anak niya."Tears of joy?" nakangiting tanong sa kanya ng babaeng nurse. Kasabay ng pagpunas nito ng luhang kumaw
It wasn't always easy to forget someone that once broke your heart into pieces. Pero minsan kung gaano kasakit ang ginawa sa iyo ng isang tao. Ganoon din kalaki ang maidudulot na kaligayahan at biyaya. Sometimes pain makes us be firm and realize our worth... at ang tao na iyon ang dahilan. Halos hindi makapagsalita si Devine sa saya. Noong marinig niya ang iyak ng anak niya. She may regretted loving the first man in her life, but not the blessing and angel from God above, na bunga ng maling desisyon at pagmamahal niya. "Wow! Ang gwapong bata!" "Oh, kay lusog-lusog naman iyang baby na iyan e," Napapangiti si Hope, kasabay ng mga luhang tumatakas sa mga mata niya. Habang pinapakinggan ang mga nurse na nag-aasikaso sa anak niya. Sobrang worth it ang sakit na pinagdaanan niya kanina. Lalo na noong mahawakan at mahagkan ang anak niya. &n
Halo-halong emosyon ang naghahari kay Garrett sa pagkakataong ito. Gusto niyang mainis na lang dahil sa sementeryo siya dinala ni Sage. Pero mas nanaig sa kanya ang takot at kyuryosidad.Pabagsak niyang isinara ang pintuan ng kanyang sasakyang. At iritadong tinignan si Sage na nauna nang naglakad sa kanya. Nagpawewang siya. "What the hell we are doing here!" Mataas na boses niya.Inis na ngumiti si Sage. Bago nito nilingon si Garrett. "Hindi ba't gusto mong makita si Hope!?" Sigaw niya. Seryoso siya at wala man lang kahit anong duda sa sinabi niya. Pero hindi pa rin makumbinsi ni Garrett ang sarili niya."You! F*ck! Hindi ako nakikipaglokohan sa iyo!" Iritadong sigaw niya. Ngayon ay hindi na niya makontrol ang galit niya dahil sa akala niya ay pinagloloko siya ni Sage.Hinarap siya ni Sage at inis na nagpa-mewang. Tumaas din ang kilay niya. "Hindi din ako nakikipaglokohan sa iyo! Kung gusto mong malaman kong ano talaga ang nangyari kay Hope, sumunod
MATAMAN na pinapanood ni Devine, ang kaibigang si Sam. Sinasayaw at hene-hele kasi nito si Reinver. Dalawang araw na sila ngayon sa Hospital.Hindi niya namamalayang tumulo ang luha niya, nang sandaling maisip ang sitwasyon nila ng anak niya. Kung hindi ba siya umalis sa piling ni Garrett, aalagaan ba niya sila? Tulad sa pag-aalaga sa kanila ni Sam? Kung nanatili ba siya sa piling ni Garrett? Mamahalin at tatanggapin kaya niya ang anak nila? Matamlay siyang bumuntonghininga. Bumigat din ang dibdib niya nang sandaling sumagi si Garrett sa isip niya.Though it's been a long time... long burden, pain and calvary. Naroon pa rin ang puso niya.Siguro ganoon talaga. You can change everything in you: The way you think, the way you speak, the way you act, your name at buo mong pagkatao. Pero kahit anong gawin mo, hindi mo kayang baguhin ang tinitibok ng puso mo. Lalo pa't mas makapangyarihan ang puso kaysa sa utak ng tao. Puso ang pinaka traidor na parte ng katawan nati
"Dalawang araw ka nang hindi pumapasok sa opisina Garrett," si Don Fernando. May pag-aalala sa sinabi niya.Kung dati ay sukdulan ang galit nito sa Apo dahil sa pag-alis ni Hope. Ngayon ay natanggap na niya ang lahat. Wala din siyang magagawa para itama pa ang maling desisyong pamimilit sa apo na mag pakasal kay Hope."May problema ka ba?" tanong muli ng Don. Humakbang pa ito palapit kay Garrett.Mariing napalunok si Garrett at humigpit ang hawak niya sa kanyang baso, na may alak. Balisa, malayo ang tanaw at hindi mawari kung saan ba ang tingin. Kung sa malawak na damuhan o sa kawalan.Nasa balcony sila ngayon, sa ikalawang palapag ng bahay ni Don Fernando.Pinuno niya ng hangin ang kanyang dibdib, pag kuwan ay nagpakawala rin. "Bakit kailangang magdusa ako ng ganito?" malumbay at wala sa sariling tanong niya.Kasabay ng pagbagsak ng kanyang luha... luhang pait at galit ang pinapahiwatig sa tuwina.Kumunot ang noo ng Don
MATAPOS puntahan ni Don Fernando si Carmelita ay tumungo ito sa mansyon ng mga Valdez."Napadalaw ka Amigo?" Pagsalubong ni Don Romulo kay Don Fernando. Niyakap niya ito at tinapik sa likod. Iginiya niya si Don Fernando sa malawak na sala ng mansyon.Sa pagpasok nila'y sinuyod ni Don Fernando ang kabuan ng malaking bahay. Kulay Puti at yellow ang tema ng bahay. Ganoon din ang kagamitan sa loob. Pero mas cheap itong tignan kung ikukumpara sa mansyon na pag-aari ni Don Fernando. Valdez's wealth is nothing compared to Del Valle's. Nag-umpisa iyon nang si Garrett ang namahala sa kumpanya nila."Mag-isa mo lang ba dito Amigo?" Si Don Fernando, humawak pa ito sa mga tuhod niya paupo sa sofa."The others are upstair," Sinundan ng tingin ang hagdan paakyat.Huminga ng malalim si Don Fernando. "I came to your house, but I didn't find you there. Sabi ng katulong mo ay dito raw kita makikita.""As usual. Amigo," Humalakhak pa ito ng mahina.