Share

Chapter 16

"Marisse" pagtawag ng kung sino man.

"Wake up, aalis na tayo mamaya" dagdag pa nito.

"Okay, coming" sagot ko.

Sa boses, alam ko na kung sino ito. It was Anthony.

Agad na rin akong bumangon saka naghilamos bago lumabas sa kwarto.

"Kain muna" ani ni Darwin pagkalabas ko.

Agad naman akong naupo sa tabi nila.

"Sino ang nagluto ng pagkain natin ngayon?" Tanong ko sa dalawa habang kumakain kami.

"Uhmm, actually it was me. Why, h-hindi mo ba nagustuhan ang lasa?" Sagot ni Anthony.

"No no no, it was good. I'm just asking" usal ko. "Ang dami nito" dagdag ko pa.

"Yeah, just like the old days" sagot ni Anthony. "Ang payat mo na ngayon" puna niya sa sarili ko. Maski ako ay napansin rin iyon. Pilit ko na lamang na nginitian si Anthony.

Habang kumakain at kung minsan ay mayroong ilang kwentuhan ay ini-on naman ni Darwin ang TV.

"Headline: Bangkay ng isang babae, natagpuang s*nog sa bahay sa Wood Street, Batangas City"

"Guys, look" ani ni Darwin. Almost whispered.

Agad naman kaming napatingin sa TV. Nanlamig ang buong katawan ko nang makita ang headline sa isang balita.

Maya-maya pa ay pumasok na ang reporter.

"Ayon sa ulat, ito ay hinihinalang si Marisse Dela Fuente, 20 anyos. Ayon sa report na ibinigay ng mga police, ang nasabing dalaga ay nakidnap dati, dalawang taon na ang nakalilipas. At kagabi, isang tawag ang kanilang natanggap na mayroon daw na nasusunog na bahay sa gitna ng gubat. Ayon sa report ay dito siguro ginawa ang krimen tungo sa dalaga"

Hindi ko na naenjoy ang pagkain dahil roon. So, dahil sa news, ang alam ng lahat ay patay na ako. Mayroon sa aking puso na masaya dahil matatahimik na ang buhay ko. Gusto ko na lamang ng payapang buhay. Ngunit, mayroon rin naman sa isip ko na nalulungkot dahil sa nangyari. Lalo na at mayroon pa rin ilang importanteng tao ang ngayon ay nagdadalamhati sa fake death ko.

Nang makakain kami ay pinalaghanda na agad kami ni Darwin. Siya na lamang daw ang maglilinis ng pinagkainan namin.

Agad akong naligo saka naghanap ng masosoot. 2:28 pa lamang ng makatapos kami.

Bitbit ni Anthony at Darwin ang aming mga maleta, ako naman ay bitbit ang iba ko pang bag na may laman na damit. Mayroon rin akong bagong cellphone na ibinigay ni Darwin kanina lang.

Binilin n'ya rin na huwag akong mag open ng social media accounts para sa kaligtasan ko.

Nang makarating kami sa rooftop ay mayroong ilang lalaki roon. Ito siguro ang sinasabi ni Darwin kagabi na bodyguards n'ya na hindi naka soot ng uniform.

At tama nga ang hula ko. Tauhan nga ito ni Darwin.

"Ingat kayo, Sir, Ma'am. Kami na po ang bahala sa inyo. Ngayon po ay mayroon na din sa Isla na bodyguards. Don't worry po, lahat po sila ay hindi naka uniform. Magiging kapitbahay n'yo po sila doon" ani ng isa.

Nginitian ko na lamang ito.

"Thanks, Tim" ani ni Darwin rito.

Inalalayan naman ako ni Anthony paupo doon sa helicopter.

Nang makaupo na si Darwin sa tabi namin ay agad na kaming lumipad.

I'm pretty sure na mamimiss ko ang bayan na pinagmulan ko, pero kailangan ko rin na lisanin ito para sa ikabubuti ko.

"Hey, you can sleep if you want. Malayo pa tayo" ani ni Anthony sa gilid ko.

Napapag gitnaan ako ni Anthony and Darwin.

"Saan nga ba ang island nina Cedric?" Tanong ko rito.

"Sa Cebu" sagot ni Anthony.

"Anthony, kamusta na nga pala si Patricia and Angelo? Okay na ba sila?" Tanong ko rito.

"Yes, they we're so good. I don't know kung mag girlfriend and boyfriend na ba sila. Parang oo, parang hindi. But I think, may label na sila. Nahihiya lang sigurong magsabi si Angelo sa amin, you know, we're friends" sagot ni Anthony saka natawa.

Napatango naman ako rito. "I'm so glad to hear that" ani ko saka ngumiti. "Sana lamang ay hindi siya lokohin ni Angelo" dagdag ko pa.

"I'm sure he won't. Takot lang non sa amin" ani ni Anthony saka natawa.

"How about Cedric, where is he? Parang one week ko lang s'yang nakita nung Senior High School pa lang tayo, ah" usisa kong muli.

"Uhuh, he's in Italy na. Kinuha na s'ya ng family n'ya. Mag-isa na lang kase s'ya rito sa Pilipinas nung Senior High tayo, so ayon" pagkwento nito.

"So, half s'ya?" Tanong kong muli.

Natawa naman ito. "No, may business kase doon ang family n'ya. Bale, dalawa lamang silang magkapatid. Si Cedric at ate Celine. Si ate Celine ang nagmamanage ng isang business nila roon, while Cedric, sabi n'ya, nagtatraining na raw s'ya for CEO" pagkwento nito.

"Wow" tanging sagot ko. "Buti at inoffer n'ya ang island nila, right?" Ani ko pa.

"Yeah, mabait naman 'yon, hating gabi rito sa atin nang tumawag ako sa kaniya kase nga nasabi sa akin ni Kuya Darwin na ganoon, he saw you and you know, ayon, s'ya na ang nag offer na doon daw muna tayo sa island nila. Though, sa kaniya naman nakapangalan ang island na 'yon" kwento n'ya.

Naluha naman ako. Kung dati ay puro luha dahil sa sakit ngayon ay dahil sa relieved.

"Hey, may nagawa ba akong mali? May nasabi ba akong mali?" Sunod-sunod na tanong ni Anthony.

"Anthony, ano ba 'yang ginawa mo" ngayon ay nakisali na rin si Darwin.

Umiling naman ako sa kanilang dalawa. "Tears of joy lamang ito, guys. Thank you so so much sa lahat ng effort n'yo. I know, hindi sapat ang salitang 'thank you' pero, I'll promise, I'll do my everything para makahiganti sa kanila".

Pagkatapos kong sabihin ang bagay na iyon ay sabay naman akong niyakap ng dalawa.

"Ahem" tikhim ni Anthony.

Agad namang bumitaw si Darwin mula sa pagkakayakap sa akin.

Maya-maya pa ay nakatulog na ako.

"Marisse, wake up. We're here na" boses ni Anthony. Nakatulog nga pala ako.

Nang luminga ako sa paligid ay isang maliit na bahay na mayroong kubo sa itaas, sa tabi ng bahay na iyon ay mayroong iba pang maliliit na bahay.

Sa hindi kalayuan ay mayroon rin akong nakita na dagat, mayroon ring kakahuyan.

Hindi ko maiwasang mapahagulhol. Agad na nag flashback sa akin ang lahat ng nangyari. It was so fvcking traumatic.

"H-hey, Marisse. Why are you crying so loud?" Tanong ni Anthony.

"Dagat, kakahuyan" sagot ko na lamang.

"Oh crap, Kuya Darwin" ani ni Anthony sa pinsan.

"Marisse, huwag kang aalis dito sa loob ng helicopter, okay? Mag uusap lang kami saglit sa labas" ani ni Darwin. "Kuya, pakibantayan nga po pala si Marisse dito sa loob" bilin niya sa tauhan.

Magpoprotesta pa sana ako nang maiwan na nila ako sa loob.

Samantala ay hindi pa rin ako matigil sa pag-iyak.

Tulad ng sinabi ni Darwin ay bumalik rin kaagad sila ni Anthony pagkaraan ng ilang sandali.

Agad namang tumabi ang dalawa sa akin. Ang mga gamit namin ay naroon na raw sa loob ng magiging bahay namin. Agad kong tiningnan kung anong oras na. 7 na pala ng umaga.

"Marisse" pagtawag ni Anthony.

Natigil naman na ako sa pag-iyak saka hinarap siya.

"Hmm?" Tanong ko rito habang pinupunasan ang luha.

"Let's go outside. Punta na tayo sa magiging bahay natin para makapagpahinga ka na ng ayos" ani ni Anthony.

Agad naman akong umiling na parang bata. "P-please, ayoko, Anthony. Natatakot ako" parang batang sumbong ko rito.

"Don't. Huwag kang matakot, okay? We're here for you, always. At promise namin sa'yo, hinding-hindi ka na masasaktan ng iba. Safe ka dito" ani ni Anthony.

"Sa dagat naman at kakahuyan, don't. Huwag ka rin matakot. Maging matapang ka, Marisse. Labanan mo ang takot na nararamdaman mo" si Darwin or should I say, Kuya Darwin.

Ilang sandali pa kaming nanatili sa loob bago nila ako napalabas sa helicopter.

Abot abot ang kaba at panginginig ng tuhod ay nagawa ko pa rin na makalabas sa helicopter sa tulong ng dalawang mag-pinsan, pati na rin ng mga tauhan ni Darwin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status