Share

Chapter 23

"Good morning, princess" bati ni Anthony pagkamulat ko pa lang.

"Good morning" bati ko rin.

"Bangon na, tanghali na" ani ni Anthony.

"Di ko kaya" mahinang ani ko.

"Ha?" Tanong nito, naguguluhan.

"M-masakit ang puson ko" sagot ko rito.

"Meron ka ba ngayon?" Tanong nito.

Sinamaan ko naman ito ng tingin. "Malamang"

Nang maisigaw ko iyon ay dali-dali siyang bumangon saka nagbihis.

"Dito ka lang. Babalik rin ako" ani nito saka mabilis na lumabas sa kwarto.

Problema non.

Naiwan naman akong nananatiling nakahiga habang hawak hawak ang puson na namimilipit na sa sakit.

Ika-26 nga pala ngayon. Buwanang dalaw ko na naman.

Agad na kumalat ang takot sa aking sistema. Tuwing nagkakameron kase ako ay hindi rin maiiwasan na magkaroon ako ng lagnat, sipon, at ubo.

Habang nag-iisip ay biglang bumukas ang pinto. Iniluwa noon si Anthony na humihingal.

"Saan ka galing? Ba't ganiyan ka?" Tanong ko rito.

"Pumunta lang ako sa pinaka-malapit na convenience store. I brought you this" ani nito saka inilahad sa akin ang limang balot na napkin. Iba't-iba ang brand nito.

"Pasensya na. 'di ko kase alam kung ano 'yung ginagamit mo kaya binili ko na 'yung mga nakita ko doon" ani nito. Napansin siguro ang pagtitig ko sa mga napkin.

"Go, clean yourself na. Aalalayan kita" ani nitong muli saka inalalayan ako na makapasok sa cr dito sa kwarto namin.

"Dito lang ako sa labas" ani nito nang makapasok na ako.

"Okay" sagot ko na lamang saka nagsimulang linisin na ang katawan ko.

Nang makalabas ako ay nadatnan ko si Anthony na nakapikit habang nakapamulsang nakasandal sa wall.

"Antok ka pa ata" ani ko na lamang rito.

Mabilis naman itong nagmulat ng mata pagkasabi ko noon.

"H-hindi. Nag-aalala kase ako, ang tagal mo kase sa loob" sabi na lamang nito. "Let's go na, nagpaluto na ako kay 'nay Lydia ng soup para mainitan ka. Pagkatapos natin kumain, magpahinga ka na ulit dito sa kwarto" ani nito.

Tumango na lamang ako.

"Salamat"

"No worries. Obligasyon kita" sagot nito.

Nang makarating kami sa kusina ay sumalubong ang nag-aalalang mukha nina Nanay Lydia at Lyka.

"What's with that face?" Tanong ko sa mga ito.

Mabilis namang lumapit sa akin si Lyka saka hinipo ang leeg ko.

Huh? Anong meron?

"What's happening?" Tanong ko sa mag-ina.

"Medyo mainit ka ate" sabi ni Lyka.

"Yeah. Ganito ako kapag nagkakameron. Palagi akong nagkakasakit" sagot ko sa dalaga.

"What the" usal ni Anthony sa likod ko.

"Ano?" Tanong ko rito saka hinarap siya.

"Hindi mo sinabi sa akin na ganiyan ka pala. Nanay Lydia may stocks pa ba tayo ng medicines?" Tanong ni Anthony kay Nanay.

"Oo 'nak. Marami pa" sagot ni 'nay Lydia.

"Goods" and then Anthony chuckled.

"Oh s'ya, Tara na kumain" ani ni Lyka.

"Gutom na ako" dagdag pa ng dalaga.

Ipinagsandok naman ako ni Anthony ng pagkain.

"Ayoko na" ingit ko kay Anthony.

"No, ubusin mo 'yan" ani ni Anthony.

Nginusuan ko naman ito. Hmp! Ayoko na nga sabi e.

"Kahit konti na lang, babe, please" dagdag pa nito.

Tumango naman ako saka nagsimulang kainin ang natitira ko pang pagkain.

"Magpahinga ka na, 'nak" ani ni Nanay Lydia sa akin pagkatapos namin kumain.

Tumango naman ako rito.

"Samahan mo 'yan, Anthony" baling ni Nanay kay Anthony.

"I will, 'nay" sagot ni Anthony rito saka inalalayan ako papasok sa aming kwarto.

"Kuha lang kita ng gamot" ani ni Anthony nang makaupo na ako sa kama. Mabilis naman itong umalis. Mabilis rin nakabalik at may dala-dala na itong gamot at tubig.

"Drink this" ani nito saka inilahad sa akin ang gamot.

Tinanggap ko naman ito saka ininom.

"Pahinga ka lamang saglit d'yan, Babe. Mamaya ka na matulog. Bagong kain ka pa" ani muli nito.

"Wala kang trabaho ngayon?" Sa halip ay tanong ko rito.

"Meron" walang paligoy-ligoy na ani nito.

"Go na, Anthony. Pumasok ka na. Kaya ko na ang sarili ko" pamimilit ko rito.

"No" ani nito.

"Babantayan kita ngayon. Papasok lamang ako kapag magaling ka na, okay?" Dagdag pa nito.

Tumango na lang ako. Alam ko kase na hindi ko na siya mapipilit pa.

Nagising na lamang ako nang maramdaman ko ang medyo mainit na bagay sa puson ko.

"Hey, nagising ba kita?" Tanong nito.

Umiling na lamang ako.

Naluluha na naman ako.

"Shhh, kung hindi mo pa kaya, huwag mo muna pilitin" ani nito.

Tumango naman ako.

"Naglagay nga pala ako ng maligamgam na tubig sa bote. Nilagay ko na rin dito sa tapat ng puson mo to lessen the pain" ani nito.

"Thank you, babe" ani ko rito.

"My pleasure" ani naman niya.

Pagkatapos noon ay hinayaan n'ya rin na matulog ako kaagad. Nagising na lamang ako nang gisingin n'ya ako para kumain.

Doon sa kwarto ay naroroon ang mga pagkain; lugaw, sliced apples, mayroon din Oranges and banana, Milk and water. Also, the medicines.

Sinubuan n'ya lamang ako hanggang sa mabusog na ako.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko rito.

"Not yet" ani nito.

"Why?" Tanong ko.

"Papakainin muna kita bago ako" sagot nito. Tumango naman ako.

"Hayaan mo na alagaan kita ngayon, hmmm?" Dagdag pa nito.

Tumango naman ako rito. Wala naman na akong magagawa.

Kinabukasan, nagising na lamang ako na maayos na ang pakiramdam ko.

Naroroon pa rin si Anthony sa tabi ko at tulog pa. Napagod siguro kita sa pag-aalaga sa akin kahapon.

Bumangon na rin ako para mag-linis ng sarili dahil may kailangan pa akong aasikasuhin ngayong araw.

"Akala ko kung nasaan ka" bungad ni Anthony pagkalabas ko sa comfort room.

"B***w, saan naman ako pupunta?" Pabirong tanong ko rito.

Tumawa naman ito saka lumapit sa akin. Nang makalapit ito ay niyakap na niya ako.

"Kamusta naman na ang princess ko?" Tanong nito sa akin sa malamlam na boses.

"I'm good naman na. Galing ba naman ng nag-aalaga sa'kin" sagot ko rito.

Tumawa naman itong muli saka hinayaan ako na mag-ayos pa ng sarili habang siya ay naliligo.

Pagkatapos sa kanya-kanya naming gawain ay sabay na rin kaming pumunta sa kusina.

Nagugutom na ako. Hindi kase ako nakakain ng ayos kagabi dahil masama pa rin ang pakiramdam ko.

Pagdating namin sa kusina ay naroroon si Kuya Darwin.

"Good morning, lovers" bati nito sa amin.

"Good morning, Kuya" bati ko naman.

"Morning, Bro" ani ni Anthony sa pinsan n'ya.

"Tara na muna mag breakfast" ani ni Kuya Darwin sa amin.

Naupo naman na kami sa kanya-kanya naming upuan saka kumain na. Naroroon na din si Nanay Lydia at Lyka.

"Kamusta ka na, Lyka?" Tanong ni Kuya sa dalaga.

"I'm good naman po, Kuya. Kasali rin po ako sa Top Performing students sa school po namin" sagot ni Lyka.

Ngayon ko lamang ito nalaman. "Wow" ani ko.

"Kung maka-wow ka naman, akala mo naman ay hindi ka nangunguna sa klase n'yo" sabat ni Anthony.

"Huwag makisali sa usapan kapag hindi kausap" ani ko rito. Ang aga-aga pa n'ya para mang-inis.

"Tama na muna 'yung jokes at away, guys" saway ni Kuya Darwin.

"Hindi naman kami nag-aaway, Bro. Love language ko 'yon" ani ni Anthony.

"Whatever" ani ni Kuya Darwin.

Natawa na lamang ako sa mag-pinsan.

"Actually, kaya ako narito ay bukod sa gusto ko dito mag breakfast ay gusto kong ipaalam sa inyo, specially sa'yo Ivy" baling nito sa akin. Napalunok naman ako.

"Hindi sa pagmamadali pero, ayon sa source ko, mahina na raw ang kalaban. You know. And simula sa Friday, magsisimula na ang kampanya" dagdag pa nito.

"So?" Tanong ko naman.

"I want you guys na kumilos" ani nito.

"Marami ang tao na kakampi sa kalaban ni Mayor Acosta, gusto ko ay mas dumami pa iyon. Alam n'yo na ang gagawin" ani nito.

Tumango naman ako kahit medyo naguguluhan pa. Kakagaling ko lamang sa sakit e!

"Kapag natalo si Mayor Acosta, doon natin sisimulan ang plano. Kahit ano ang gawain mo sa kanila, Ivy. Nandito lamang kami sa tabi mo" ani muli nito.

"Thanks, Kuya" ani ko naman.

"So, malapit na pala ang exciting part" dagdag ko pa saka ngumiti.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status