Share

Chapter 28

"Good morning, Ma'am. Sorry for waking you up po, on the way na raw po si Ms. Andrea together with her soon-to-be husband po" boses ni Danica mula sa kabilang linya.

It was 5:00am in the morning pa lamang.

Humihikab hikab pa ako na bumangon mula sa kama.

"Okay. Update me na lang kapag okay na and kung ano 'yung napag-usapan" sagot ko.

"Sige po, Ma'am. Tulog na po ulit kayo, hehe" ani nito saka pinatay ang tawag.

Pwede naman na itext na lang ako e.

Nang makahiga akong muli sa tabi ni Anthony ay niyakap naman niya ako.

"Good morning" bati niya gamit ang sleepy voice.

"Good morning, Love" bati ko.

"Aga mong nagising ngayon. Don't tell me dahil na naman 'yan sa mga gowns?" Ani nito.

"Nah, tumawag kase si Danica. Informing me na on the way na raw 'yung client" sagot ko.

Tumango naman ito. "pwede naman itext na lamang" ani nito saka ngumuso.

"Yeah" ani ko.

"What time is it?" Tanong niya.

"5:39" sagot ko nang matingnan ang oras mula sa wall clock.

"Aga pa. Let's sleep pa" ani nito saka hinapit ako palapit sa kaniya.

Nakatulog naman agad kami pagkatapos ng ilang sandali.

.

.

.

Nagising na lamang ako dahil sa sikat ng araw. Nang tingnan ko ang wall clock ay ala-una na pala ng hapon.

Dali-dali akong bumangon saka pumunta sa cr para maghilamos.

Wala na si Anthony sa tabi ko nang magising ako.

Pagkatapos maghilamos ay pumunta na agad ako sa kusina. Sobrang gutom ko na kase.

Sa papunta sa kusina ay nadaanan ko si Anthony sa Sala. May hawak pa itong pop corn habang tutok na tutok sa pinapanood niyang basketball game.

"Booo" pang gigitla ko rito.

"Kala mo naman hindi ko s'ya nakita na palapit sa akin" pabulong na ani nito.

Agad akong nakaramdam rito ng inis kaya naman ay inis akong pumasok sa kusina. Hindi ko rin siya nililingon kahit na kanina pa niya akong tinatawag.

Pagdating sa kusina ay nadatnan ko si Nanay Lydia na naglalagay ng stock sa refrigerator.

"Sarap ng tulog mo 'nak, ah" ani ni Nanay Lydia sa akin.

"Oo 'nay e, napagod kahapon sa kakaisip at kaka sketch" ani ko.

"Huwag mo nang uulitin 'yon bata ka. Kapag ikaw nagkasakit dahil sa pag skip mo ng pagkain" pangaral nito.

"Opo, 'nay" sagot ko na lamang dito saka naupo na sa upuan.

Mabilis naman itong lumapit sa akin dala-dala ang kanin at ulam.

Nang maipaghayin na nito ako ay hindi na ako nag aksaya pa ng oras. Mabilis na akong kumain.

"Nanay Lydia sino 'tong tao na 'to?" Maya-maya ay tanong ni Anthony kay Nanay Lydia saka bumaling sa akin.

Inirapan ko na lamang ito. Nakaka-inis, kakagising ko lamang ay tanging pang aasar pa ang ginagawa sa akin.

Samantala, natawa naman si Nanay Lydia kay Anthony.

"Huwag ka muna diyang maingay, Hijo. Bagong gising iyan at gutom na gutom pa" ani ni Nanay kay Anthony.

Naupo naman si Anthony sa tabi ko habang may hawak pang popcorn. Nakahalumbaba pa ito habang tinitingnan ako habang siya ay kumakain ng popcorn.

"Ganda ganda mo" ani nito sa akin. Pakiramdam ko ay nawala lahat ng inis ko sa kaniya.

"I know" sagot ko, kunwari ay hindi kinikilig.

"Wala kang trabaho?" Maya-maya ay tanong ko rito. Hindi ko mapigilang kausapin siya. He's the one na nga.

"Meron" sagot nito.

Dahil sa sagot niya ay mabilis akong lumingon rito habang nakakunot ang noo.

"I'm the Boss, puwede kong gawin ang kahit na anong gusto ko" dagdag pa nito.

Hindi ko maiwasan na mapabuntong hininga na lamang saka hinilot ang noo ko. Kahit kailan talaga!

Nang makakain ay sinabihan ako ni Anthony na doon raw naman kami sa Sala tumambay. Palagi na raw kaseng sa kwarto kaya naman ay mabilis akong nagtungo sa aming kwarto para kuhanin ang laptop at ilang gamit ko.

"Any update doon sa customer n'yo?'' tanong ni Anthony nang makaupo ako sa tabi n'ya.

"Oh sh*t" sagot ko na lamang saka natataranta na ini-log ang account ng page namin sa laptop ko.

Nang successful ko na itong nai-log ay mabilis kong hinanap ang conversation namin ni Andrea. On the other hand, si Anthony naman ay binuksan ang isa kong cellphone para tingnan ang mga mensahe ni Danica.

Andrea Lavera : Hi, Enchanté Attire! First, I just want to say Thank you. Every details na gusto ko ay naroon, kuhang-kuha. Labis pa nga e. Salamat din sa effort mo na mabilis na nag isip at nag sketch ng designs. I really really loved it! Even my Fiancé loved it. I hope your secretary message you na about sa napag-usapan kanina pero I'll message you na rin.

Andrea Lavera : Napag desisyonan namin na 'yung sketch number 10 na ang wedding gown ko. About nga pala sa details, isesend na lamang raw po ng secretary mo iyon. Thank you so much again! Rooting to meet you Personally! Sana maka-attend ka sa wedding namin, hihi.

Nag react lamang ako ng heart sa message na ito.

"Sketch number 10 daw ang napili" baling ko kay Anthony.

"Hmmm. Maganda naman nga talaga e. Lahat naman" sagot nito.

"Ano ang sabi ni Danica?" Tanong ko rito.

"Here's the wedding gown na napili. Nandito na rin 'yung details and sukat" sagot ni Anthony saka inilahad sa akin ang cellphone ko.

"Thanks" sabi ko na lamang.

Nang masabi ko iyon ay mabilis kong iminessage ang company na bibilhan ko ng mga kagamitan.

Nang maisend ko ito ay hindi naman ako nabigo. Mabilis na nag reply ang mga ito at sinabing it takes 2-4 days pa bago makarating dito ang orders ko since mahal ito and from other countries pa.

Nang ma log-out ko na ang account ng page namin ay bumaling naman ako kay Anthony.

"It takes 2 to 4 days pa bago makarating ang orders" sabi ko rito.

"Umorder ka na kaagad?" Tanong nito.

"Malamang" sagot ko na lamang.

"It's good then. Para naman magkaroon tayo ng bonding man lamang sa loob ng 2-4 days na 'yon. Stress na ako sa office tapos hindi mo pa ako nilalambing" ani nito saka ngumuso.

Natawa na lamang ako. "Excuse me, super busy ko din kaya. Stress na stress na rin ako araw-araw tapos wala ka pang ginagawa kun'di asarin ako" ani ko rito.

"Then, let's watch a movie" anyaya nito saka tumayo.

"Where are you going?" Tanong ko rito.

"I'll just get popcorn, pizza, donuts, and juice" ani nito.

Tumango na lamang ako.

Nang makabalik ito ay kasunod na niya si Nanay Lydia. Parehas silang may bitbit na brown box.

Nang mailapag na ni Nanay ang kaniyang bitbit ay walang pasabi na umalis na lamang ito.

"Sabi mo popcorn, pizza, donuts, and juice lamang. Bakit ang damit nito?" Ani ko kay Anthony habang nakatingin sa mga pagkain.

Mayroon din dito na waffles, fries, pancakes, and pretzels.

"Hayaan mo na, kaunti lang naman 'yan" ani nito saka umupo na sa tabi ko.

"What do you want to watch?" Tanong nito.

"500 Days of Summer, Love" sagot ko.

"Alright! After that, horror movie naman" ani nito. Tumango na lamang ako.

"The conjuring, maganda 'yon" dagdag pa niya.

"Alright. Let's watch na" ani ko rito.

.

.

.

Napuno ng takutan, asaran, tawanan at sweet moments namin ang buong oras na panonood namin.

Parang ngayon lamang ulit kami nagkaroon ng bonding tulad nito makalipas ang isang buwan. Nakaka-miss din pala.

Sa pagtatapos ng movie ay ang pagtatapos rin ng aming mga pagkain kaya naman ay natawa na lamang kami.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mayfe de Ocampo
thanks sa update author,,kakaexcite na bawat chapter, paano mag revenge si marisse aka ivy sa mga nang api sa knya,ano magiging reaction lalo na ung adrian na un at ung ate vanessa nya.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status