Share

Chapter 30

After 3 Days....

"Babe, where are you?" Tanong ko kay Anthony mula sa kabilang linya.

"I'm on the way na sa office, Babe. Why?" Sagot nito.

"Ohh, okay. Ingat ka" sagot ko na lamang.

"May problema ba?" Tanong nito.

"Wala naman. Parating na kase ang orders ko para sa gagawing wedding gown. Wala kaseng kukuha doon, pero okay na. I'll message Danica na lamang or 'yung other staff ng shop" sagot ko.

"Okay, Love. Call me kapag walang kukuha. Ako na ang bahala doon" ani nito.

"Alright, thanks Love. I love you" ani ko saka ibinaba na ang tawag.

Sunod ko namang tinawagan si Danica.

Agad naman itong sinagot ng dalaga.

"Yes, Ma'am. Is there something wrong?" Bungad ni Danica mula sa kabilang linya.

"Danica, busy ka ba ngayon?" Tanong ko agad dito.

"Medyo po, Ma'am" sagot nito.

"May ibang staff ba d'yan na hindi naman sobrang busy?" Tanong kong muli.

"Tingnan ko, Ma'am" sagot nito.

Maya-maya pa ay umimik na itong muli mula sa kabilang linya.

"Ma'am, si Jairus daw po, hindi busy"

"Alright. I'll send you the address na lamang at 'yung pera, then, pakisabi kay Jairus, kuhanin doon sa Roy's Warehouse ang package for Enchanté Attire. Pakidala na lang muna d'yan sa shop ang package and ipapakuha ko na lang din mamaya" ani ko rito.

"Sige po, Ma'am. Noted po" sagot ni Danica.

Nang matapos ang usapan na iyon ay ibinaba ko rin agad ang tawag saka nagtipa ng mensahe para kay Anthony.

To Babe:

Babe, okay na. Si Jairus na lamang ang kukuha ng package ko sa Roy's Warehouse since he's not busy naman. Jairus is my staff nga pala sa shop. :)

Nang maisend ko ito ay mabilis rin naman itong nag reply.

Babe :

Alright, Babe. I'll text Clark na lamang kung busy s'ya and kapag hindi, s'ya na lamang ang kumuha ng package sa shop mo. Don't forget to message me nga pala kapag nasa shop na ang package mo para maitext ko kaagad si Clark. Love you.

Halos hindi ako mapakali habang naghihintay ng message ni Danica. Excited na kinakabahan ako sa pag gagawa ng wedding gown.

.

.

.

.

I spend my day and night working about the wedding gown of Andrea. Naisip ko rin na magpatayo ng bagong branch somewhere along Visayas, Mindanao, and other part of Luzon pa.

Kuya Darwin, Clark, and Anthony agreed naman about it. Boys also say's that no matter what, nandito lamang sila sa likod ko, palagi.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa alarm ko. May photoshoot nga pala ako ngayon.

Dali-dali akong naligo saka ginawa ang skin care routine ko. Naglagay lamang ako ng lipstick saka powder dahil I know, mamake up-an din naman ako doon sa studio later.

"Marisse, I mean Ivy, you look so gorgeous today kahit na I know wala kang make up" salubong ni Jei, isang gay make up artist ko.

"Palagi naman" sabat ni Anthony mula sa likod ko.

Tama nga ang sinabi niya noong isang araw, aabsent nga talaga si Anthony sa trabaho para samahan ako.

"I agree, Sir" ani ni Jei kay Anthony.

Nakipagbeso naman ako kay Jei saka iginaya ako sa chair ko.

"Kamusta?" Tanong ko kay Jei habang minemake up-an ako.

"Ito, happy sa boyfriend ko. Eight months na kami sa 10" sagot nito.

"Stay strong sa inyo" ani ko na lamang saka tumingin kay Anthony.

Napansin ko kase na pasimple n'ya akong kinukuhanan ng picture.

Ngumisi naman ang loko.

Habang minemake up-an ako ni Jei ay dumating na 'yung hair stylist ko at sinimulan nang ayusin ang buhok ko.

Simple lamang ang kinalabasan ko kase hindi naman hahagipin ng camera ang mukha ko.

"Ivy, go na there. Kuhanan na kita" ani ng aking photographer pagkalabas ko pa lamang sa fitting room.

I am now wearing my collection. Mas mabuti na puro gawa ko ang isoot ko during my shots.

They started taking shots of me. Medyo kinakabahan pa ako dahil hindi naman ako sanay sa ganito pero still, nagawa ko rin ang part ko.

"Perfect!" Sabi ni Direct.

"Pakitawag na si Anthony" Napatigil ako sa sinabi ni Direk saka hinanap si Anthony. Umalis pala ito. Bakit hindi ko man lamang napansin.

Sa may pintuan ng men's fitting room ay iniluwa noon si Anthony na naka topless at nakasoot ng shorts na gawa ko.

Ngumiti naman siya ng makita n'ya ako.

"Seriously, kailan pa s'ya naging model?" Tanong ko sa aking isipan saka mahinang natawa.

"Okay, Ivy and Anthony, I know na sobrang bagay kayo and We know na maasahan at mapagkakatiwalaan namin kayo. Takot na lamang namin kay fafa Darwin. Body lamang naman ako kukuhanan namin ng picture n'yo" panimula ni Direk.

"I'm sorry Ivy, I know confused ka sa nangyayari" dagdag pa nito.

Nagsimula na akong kabahan. What's wrong?

"Kanina lang ay naisipan namin na isama ang isang lalaki sa shoot mo, you know and ipapaalam sana namin sa'yo at ihahanap ng kapares sa picture pero Anthony insists. S'ya na raw at huwag na namin sabihin sa'yo para surprised" ani nito.

Nawala naman agad ang kaba ko saka bumaling kay Anthony na ngayon ay nakangiting sa akin.

"Surprise Love" ani nito.

Ngumiti na lamang naman ako rito.

"It's okay, Guys. We have each other naman. Nothing to worry" baling ko kina Direk.

"Oh, ayon naman pala" sabi nung isang staff.

"Ivy and Anthony, just follow my instructions, okay? I'm pretty sure na magiging maganda ang kinalabasan ng shoot n'yo and I swear, magiging viral pa ito kesa sa picture ng mata mo" ani ni Direk.

Tumango naman ako.

"Tayo kayo ng ayos and lapit lapit naman d'yan sa isa't-isa. Para naman kayong hindi magkasintahan n'yan" ani ni Direk.

Napatawa na lamang ako saka lumapit kay Anthony.

"Perfect" maya-maya ay ani ni Direk.

Marami pang shots ang ipinagawa sa amin at umabot ito ng isang oras.

Hapon na nang makauwi kami sa penthouse.

.

.

.

"Kamusta ang photoshoot mo, ate?" Tanong ni Lyka sa amin habang kumakain kami ng dinner.

"Namin" pagsingit ni Anthony.

Natigilan naman sa pagkain ang bata, maging si Nanay Lydia.

"Kasama ko s'ya sa shot kanina, Lyka and Nanay" pangunguna ko.

"Wow" ani ni Nanay.

Natawa naman si Lyka. "Luh, kailan ka pa naging model, Kuya?" Tanong ni Lyka.

"Kanina lang" sagot ni Anthony.

"Kidding aside, wala man ako sa mismong shot n'yo kanina pero I'm pretty sure na perfect talaga 'yon. And syempre, super viral na naman 'yon. Magiging si Ate na naman ang laman ng news feed ko sa kahit na anong social media ko" ani ni Lyka.

"Ganiyan kasikat ang ate mo. Hindi pa tuluyang nakakapag reveal pero sikat na sikat na" ani ni Nanay Lydia.

"Panoorin mo ako sa shot ko next time" ani ko na lamang kay Lyka.

"Kapag hindi ako busy, ate" sagot nito saka sumubo ng ulam.

"Ikaw rin, Nanay Lydia" baling ko naman kay Nanay.

"Naku, huwag na anak. Dito na lamang ako sa bahay" tanggi ni Nanay.

"Nay" pagtawag ni Anthony rito.

"Ano 'yon, 'nak?" Ani ni Nanay Lydia kay Anthony.

"I think, next time, sumama kayo kay Ivy sa shot. And, anong araw bukas?" Tanong ni Anthony.

"Thursday" ako na ang sumagot.

"May pasok ka ba bukas, Lyka?" Tanong ni Anthony sa bata.

"Wala naman akong schedule bukas, Kuya" sagot ni Lyka.

"Great. I'll give you the money and bukas nang umaga, huwag kayong gagawa ng gawaing bahay" ani ni Anthony.

Nangunot naman ang noo ni Nanay Lydia. Nagtataka siguro.

"Because bukas ay family day n'yo ni Lyka. Spend the money all you want. Bilihin n'yo ang gusto niyong bilhin, mag enjoy kayo. Pumunta kayo sa gusto niyong puntahan" ani muli ni Anthony na nakatanggal sa kaba ni Nanay Lydia.

"Hala Kuya" si Lyka.

"Kung iniisip n'yo na ibabawas ko 'yan sa sahod mo, Nanay Lydia, at kung iniisip mo na bawas 'to sa allowance mo, Lyka, then you guys are wrong. Libre ko ito sa inyo" ani ni Anthony.

"Naku, hindi naman na kailangan, anak" ani ni Nanay.

Kahit kailan ay never pa s'yang humiling sa amin. Palagi na lamang itong tumatanggi.

"Magtatampo ako, 'nay" ani ni Anthony kay Nanay.

"Sige na po, pagkatapos nito, ako na ang bahala sa linisin rito sa kusina. Magpahinga na agad kayo. Bawal kayo tumanggi" pagtatapos ni Anthony.

Natapos ang pagkain namin ng hapunan na puro pasasalamat ang lumalabas sa bibig ng mag-ina. Katulad ko, alam ko ay sobrang swerte rin nila kay Anthony at Kuya Darwin.

Nang matapos ang aming pagkain ay pinapunta na agad ni Anthony ang mag-ina sa kwarto at sinabi na mamahinga na.

Naiwan naman kami ni Anthony sa kusina.

"Ako na rito, Love. Pasok ka na sa kwarto natin" baling ni Anthony sa akin.

"No, I'll help you here" angil ko.

"Alright, Boss. Ako na ang maghuhugas ng plato. Ikaw na lamang ang maglinis ng kalat d'yan sa table" pagsuko nito saka mahinang natawa.

Nang matapos ako sa paglilinis sa table ay naghuhugas pa rin s'ya ng plato.

Nakahalumbaba akong nakatingin sa kaniya habang naglilinis ng plato.

I am so so lucky to have this man in my life.

"In love ka naman lalo sa akin" maya-maya ay ani ni Anthony habang nakatalikod pa rin sa akin.

Naghuhugas pa rin s'ya ng plato.

"Kapal mo naman" sagot ko na lamang rito.

.

.

.

.

Author's Note.

Hello, dear readers! Anong masasabi n'yo kay Anthony so far? Sa ugali n'ya? Hehe. Sana all kay Ivy diba?

Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
Mayfe de Ocampo
waiting for update author..
goodnovel comment avatar
Lucila Sabile
update po please
goodnovel comment avatar
Rose Maglangit Donggon
Ang tagal mag update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status