Share

Chapter 31

"I'm going to office na, Love" ani ni Anthony sa akin habang ibinobotones pa ang kaniyang polo.

"Alright. Take care" sagot ko rito saka lumapit sa kaniya para iayos ang kaniyang necktie.

"I love you" ani nito habang inaayos ko ang necktie n'ya.

Ngumiti naman ako rito.

Nang maiayos ko na ito ay umalis na rin s'ya kaagad dahil tanghali na. Isa pa ay pinaalis ko na rin s'ya dahil kapag tinamad na naman ito ay aabsent na naman s'ya. Kawawa naman ang tauhan n'ya sa kompanya nila.

Nang masiguradong naka lock na ang pinto at mga bintana ay pumasok na ako sa aming kwarto.

Nothing to worry naman na ako lamang mag-isa sa penthouse ngayon. Mayroon din naman kaseng CCTV's sa buong bahay.

Ginugol ko ang oras ko sa pag gagawa ng wedding gown ni Andrea. Siguro kung sa iba ay hindi nila ito tatanggapin kase sino nga ba naman ang maggagawa ng wedding gown ng isang babae na ang mapapangasawa ay ang lalaking una mong minahal, ang lalaki na pinangakuan ka pero sa iba ginawa.

Naisip ko na ito dati. Na tanggihan ang opportunity na ito pero hindi puwede. Masisira ang image ng Enchanté Attire. Isa pa, Business is Business, be professional na lamang, and of course, past is past.

I have my Anthony naman na and kuntento na ako sa lalaking ito.

Dapat sana ay dati ko pa na appreciate si Anthony. Hindi sana ako masasaktan ng kaganoon.

But it was somehow okay. Nang dahil kay Martin ay nasaktan ako, nag grow at ngayon, matatag na at handa nang lumaban.

Habang gumagawa ng gown at the same time ay nagmumuni-muni, bigla ko na lamang naisip ang aking nakatatandang 'kapatid'. I wonder how she is. Though, may parte sa akin na nagsasabing deserve n'ya ang nararanasan n'ya ngayon. Actually, kulang pa nga iyon sa lahat ng pasakit at pagwasak nila sa buhay ko. Kung hindi lamang dahil kay Nanay at Tatay ay tuluyan ko nang papalitan ang pangalan ko. I hate Marisse. I hate her name, I hate her for being so weak that time.

Nasaan na kaya ang kayamanan namin? Inubos ba ito ng magaling kong kapatid para sa mga wants at luho n'ya sa buhay? How about the millions na ipinagpalit n'ya sa akin bilang kapatid n'ya? How about the bukid? Kamusta na kaya ang mga tauhan namin doon.

Nang isipin ang mga bagay na iyon ay lalo akong nakaramdam ng galit. Papaano n'ya nagawa sa akin ito. Kapatid n'ya ako. Dapat kami ang nagtutulungan pero hindi. Tinalikuran n'ya ako kapalit ng pera. At noong oras at panahon na ipinagpalit n'ya ako sa pera, ay oras at panahon rin na kinalimutan ko na s'ya bilang kapatid o kadugo.

.

.

.

"Hello, Ma'am" ani ni Danica mula sa kabilang linya.

"Hello, what is it?" Tanong ko. Ang aking cellphone ay nasa pagitan ng leeg at tainga ko, samantalang busy naman ang mga kamay ko sa pananahi.

"Ma'am, may makulit po kaseng babae sa labas" pagsusumbong ni Danica.

"Sino daw s'ya? Anong kailangan n'ya?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Gusto raw po mag apply, Ma'am. E hindi naman po tayo hiring" ani ni Danica. "Vanessa Dela Fuente daw po ang pangalan" dagdag pa nito.

Nang marinig ko iyon ay hindi agad ako nakagalaw dahilan para matusok ako ng karayom.

"Aray" d***g ko habang nakatingin sa daliri ko na may dugong lumalabas.

"Hala, Ma'am. Anong nangyayari d'yan?" Nag aalalang tanong ni Danica.

"I'm okay. Namali lang ng konti yung ginagawa ko kaya natusok ako ng karayom" sagot ko na lamang. Lie.

"Sabihin mo sa babae d'yan na hindi n'ya ba alam na hindi naman tayo hiring" dagdag ko pa.

Ano nang nangyari sa 1 million pesos na ipinagpalit n'ya sa akin? Ano na ang nangyari sa ari-arian na iniwan nina Nanay at Tatay?

Tsk tsk.

"Ma'am, pinapasabi po ng owner namin na hindi po kami tumatanggap ngayon ng tauhan. We're not hiring po" ani ni Danica mula sa kabilang linya.

"Nasaan ang owner nito?" Rinig kong tanong ni 'ate' mula sa kabilang linya.

"Hindi pa po s'ya nagpapakita sa publiko" sagot ni Danica.

"Please kahit sa call lamang. Kakausapin ko s'ya. Kailangan ko lamang ng trabaho" pagmamaka awa ni 'ate' mula sa kabilang linya; kausap pa rin si Danica.

"No" malakas na ani ko. Sapat na siguro iyon para marinig ng dalawa mula sa kabilang linya.

Nang masabi ko iyon ay agad ko ring ibinaba ang tawag. This is nonsense. Sayang lamang ang oras ko.

Sunod ko namang tinawagan si Clark.

"What's with the call, pretty Ivy" bungad ni Clark mula sa kabilang linya.

"Loko ka" bungad ko rin rito saka tumawa.

"Ano na namang kasalanan ang nagawa ko?" Patanong na ani nito. "Palagi n'yo na lang akong inaaway. Nagiging harsh na kayo sa akin. Ang sasama ng ugali n'yo" madramang ani pa nito.

"What" ani ko muli. This time, hindi ko na talaga mapigilang matawa.

"Tinawagan kita because tumawag sa akin ang secretary ko" dagdag ko pa.

"Ha? E hindi ko nga kilala ang secretary mo e" sagot nito.

"B***w. Hindi pa ako tapos. Wait ka lang kase" ani ko.

"Danica, my secretary called me just earlier. She said na may makulit raw na babae na gustong mag apply sa amin. E we're not hiring naman, duh. Wanna know kung anong name nung girl?"

"Ano?" Tanong nito mula sa kabilang linya.

"Vanessa Dela Fuente" sagot ko.

"Loko, kakakita ko lang s'ya sa company mo a month ago, bakit wala na s'ya d'yan?" Tanong ko habang natatawa pa.

"Wala lang. I just want to" sagot nito.

Lalo pa akong natawa, maging si Clark mula sa kabilang linya ay natawa na rin.

"Ayon lang, kaya ako tumawag" ani ko.

"What? Ayon lang?" Tanong nito.

"Yeah, bakit may ineexpect ka pa ba?" Tamad na tanong ko.

"Alam mo ba na ang dami kong paper works na inaasikaso and tumawag ka pa para lang d'yan?" Ani nito. Mukhang masama na ang loob.

"Whatever" sagot ko saka ibinaba na ang tawag.

Nang tingnan ko ang isang cellphone ko ay nakita ko ang mga message ni Lyka and Anthony.

It was 11:16 na pala.

Tumayo ako saka pumunta sa kusina para maghanap ng malulutong pagkain.

I found sliced of cake sa loob ng refrigerator, kinuha ko iyon saka inilagay sa aking plato.

Nang libutin ko ang buong refrigerator ay nakakita ako ng grapes. Aha, mayroon agad na pumasok sa isip ko.

Kinuha ko ang grapes na naroon, kinuha ko rin ang yogurt na nakita ko, Honey, and Lemon Juice.

Mabilis kong hinugasan ang grapes na hawak ko. Saka inalis ang stems noon.

Nang mahugasan ay inilagay ko naman ang mga grapes sa blender saka inilagay ang yogurt, honey and lemon juice.

Nang matapos na ito sa pag blend ay kumuha na ako ng baso saka inilagay ang ginawa kong grape yogurt.

Bitbit ang grape yogurt na ginawa ko pati ang plato ay bumalik na ako sa kwarto. Nang mailapag ko ang mga dala-dala ko ay bumalik muli ako sa kusina.

Mabilis kong kinuha ang strawberries na nakita ko doon saka mabilis rin itong hinugasan.

Nang mahugasan ko ito ay inilagay ko na ito sa maliit na bowl. Sunod ko namang kinuha ang natitira ko pang yogurt.

Nang maayos na ito ay dinala ko na ito sa kwarto.

Doon na lamang ako kakain.

I felt so comfortable pala kapag ako lamang mag-isa.

.

.

.

.

.

Author's Note:

Hello, enjoy reading!

I'm so sorry po kung hindi ako nakakapag update this past few days. I'm just busy with my school life po huhu.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mayfe de Ocampo
thanks sa update author...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status