Share

Chapter 25

"Good morning, sweetie" ani ni Anthony sa akin pagmulat ko pa lamang ng mata.

Ito ay nakangiting nakatingin sa akin.

"Good morning" bati ko rito. "Anong meron?" Tanong ko.

"Check your phone" ani na lamang nito saka umalis sa tabi ko.

"C'mon, bilisan mo na maghilamos, ipagluluto kita ng gusto mong pagkain. Ano-ano ba 'yon?" Dagdag pa nito.

"I want pancakes" sagot ko rito.

"Yon lang ba?" Tanong muli nito.

"Scrambled eggs and omelette" sagot kong muli. "Plus, hotdog and Ticino" dagdag ko pa.

"Okay, copy" ani nito saka lumabas na sa silid.

Ako naman ay nagtungo sa comfort room dito lamang din sa aming kwarto saka naghilamos at ginawa ang morning skin care routine ko.

Nang matapos sa pag-aayos ng hitsura ay lumabas rin agad ako sa banyo saka nagpalit ng damit.

Wala naman akong lakad ngayong araw kaya naka pambahay lamang ako. Magdidisenyo lamang naman ako ngayong araw ng mga damit.

Lalabas na sana ako sa room namin nang maalala ko ang sinabi ni Anthony kaya naman ay dali-dali kong dinampot ang aking cellphone na nakapatong sa cabinet, saka binuksan ito at nag scroll sa internet.

Doon ay bumungad ang picture ng aking dalawang mata. Kalat na kalat na ito sa internet at number 1 trending agad sa buong Asia. Wow, as in wow.

Agad kong ini-log ang sa aking cellphone ang page ng Business ko. Sobrang daming notifications, messages, likes and share, at tags rito.

@Celine_Lopez

Omyghod😍😍 mata pa lamang ng owner, designer at stylist ng @Enchanté Attire, kabog na. Can't wait na makita s'ya personally, or kahit sa picture lamang. Manifesting sana next time buong face and body na n'ya ang naka-post. Thanks, Enchanté Attire sa napaka-gaganda kong dresses. 😘

Ani ng isang sikat na artista.

Mabilis akong nagtipa ng comment rito pero agad ko din itong binura. Hindi pwede.

@Danica_Lee

Araw-araw na akong tatambay sa Enchanté Attire, baka mamaya makasalubong ko 'yung owner HHAHAHAH kimmy. Love it! Ganda ng mata n'yo po!

Ani ng isang commentor.

Masaya akong nagsscroll sa internet nang biglang tumunog ang isang cellphone ko.

Danica calling....

Agad ko naman itong sinagot.

"Good morning, Ma'am" bati nito mula sa kabilang linya.

"Good morning" bati ko naman.

"Ma'am, congratulations po" ani nito.

"Thank you. Kamusta ang shop?" Ani ko rin.

"Ma'am sobrang busy po ng shop. Maya't-maya ang dating ng mga customers, 'yung mga artista nandito po kanina" pagkukwento nito.

"Hmmm" ani ko na lamang.

"Kakabukas pa lang ng shop ngayong araw, right?" Tanong ko rito.

"Yes po, Ma'am. Naku, kakarating pa lamang po namin dito sa shop, pila na 'yung mga tao. Hindi pa nga po kami nakakalinis sa shop, pinapasok na sila ng guard" ani muli nito.

"What? Why?" Tanong ko.

"Tinawagan na po kase namin si Sir Darwin po. Alam ko po kase ay tulog pa po kayo kani-kanina" sagot nito.

"Ohh, okay. Kumain na ba kayo?" Tanong ko.

"Yung iba po, Ma'am, pinauna ko na po na papag-almusalin. Mamaya na lamang po kami pagkatapos nila" sagot nito.

"Okay, kain kayo sa tamang oras ha. Kayo na muna ang bahala sa shop" bilin ko rito.

"Yes, Ma'am. Makakaasa po kayo" ani nito.

Hindi rin nagtagal ang usapan namin na iyon. Ibinaba na rin agad niya ang tawag dahil dumarami na daw ulit ang tao sa shop.

Nagpatuloy naman ako sa pag scoll. May nakita rin akong ilang post ang news company ng billboards ng mata ko all over Luzon, Visayas and Mindanao.

Bawat post na madaanan ko ay tintingnan ko rin ang bawat comments ngunit isang comment ang pumukaw ng atensyon ko.

"Love, parang gusto ko ay ang Enchanté Attire ang gumawa ng wedding gown na sosootin ko sa wedding natin, huhu. @Martin.

Mabilis kong inistalk ang profile ng babae saka clinick ang cover photo nito.

Halos hindi ako makapaniwala sa cover photo nito. It was the girl named Andrea and Martin. Kapwa may soot na singsing ang dalawang ito. May caption pa na "Save the Date. 03. 17. 2024"

Halos hindi ko agad maiproseso ang nakita. I was shocked, still. May kung ano na nangyari sa loob ko. Hindi dapat ako masaktan ng ganito, lalong higit ay hindi ko dapat iyakan ang lalaking iyon.

Matapos maistalk ang babae ay si Martin naman ang inistalk ko. Mula sa profile picture at cover photo ay picture nila ng babae ang naroon. Sa Highlights ay doon din. May recent post din siya tungkol sa proposal n'ya sa babae na may caption na "Finally, after 3 years. She said Yes!"

Para akong namanhid. He's everything my first. First boyfriend, first love and first heartbreak.

Minahal ko lang naman s'ya pero ano ang ginawa niya sa akin. Niloko n'ya ako, niloko nila ako ng ate ko at ngayon, ikakasal na siya.

Bigla na lamang nag flashback sa akin ang pinangako niya.

"I promise, sa harap ng ilong na ito na saksi ng pagmamahal ko sa'yo, pagdating natin sa tamang edad, pakakasalan kita, hindi kita paiiyakin, hindi rin paluluhain. Lahat ng masasayang bagay ay ipararanas ko sa iyo dahil deserve mo 'yan. Hindi mo deserve na lumuha"

Nang maalala iyon ay hindi ko maiwasang maluha. Ako ang pinangakuan ng kasal at ang nangyari ngayon, ako pala ang magdidisenyo sa gown ng babaeng ihaharap niya sa altar.

"Babe, why are you crying?" Nag-aalalang tanong ni Anthony nang makapasok na ito. May soot pa rin itong apron.

"Nothing, babe. I'm just overwhelmed about sa business natin" sagot ko rito. Liar. Mabilis ko namang ibinack ang cellphone ko para hindi niya makita ang tinitingnan ko.

"You deserve it all" ani ni Anthony habang yakap yakap pa ako.

"Let's go na, kain na tayo" anyaya nito.

Tumango naman ako rito saka sumunod sa kaniya papunta sa kusina.

Pagdating sa kusina ay nakaupo na si Nanay Lydia at Lyka. Si Anthony naman ay ipinaghila ako ng upuan at nang makaupo na ako ay umupo na rin siya.

"Napaka shalla ng mata mo ate" ani ni Lyka habang kumakain kami.

"Bakit naman?" Tanong ko rito.

"Mata mo pa lamang 'yan ha, papaano pa kaya kapag mukha mo na. Mamaya nasa TV ka na naman" natatawang ani nito.

Natawa na lamang din ako.

"What if may magkagusto sayong poging artista, sino ang pipiliin mo, ate? Si Kuya Anthony ba or 'yung poging artista?" Maya-maya ay tanong ni Lyka saka tumingin kay Anthony.

Tumigil naman si Anthony sa pagkain saka tiningnan ng masama si Lyka.

"Next time, huwag ka na makikain sa luto ko" ani ni Anthony rito. Halatang napipikon na naman.

"Lyka, tama na 'yan" ani ni Nanay Lydia.

"Hey guys, stop the bangayan na muna. Kumakain tayo. We supposedly enjoying our breakfast" ani ko naman.

"Sorry" sabay na sabi ng dalawa saka natawa.

"Para talaga kayong ano" naiiling na sabi ko na lamang.

"By the way, how was the food, babe?" Tanong ni Anthony.

"It was good. Pwede na" sagot ko.

"What, anong pwede na. Masarap ba s'ya or what?" Tanong ni Anthony. Kinakabahan na siguro.

"Masarap s'ya, to be honest" sagot ko.

"Pwede ka na maging asawa ko" dagdag ko pa.

"Hala, si Kuya nagbablush" pagsingit ni Lyka.

"H-hindi no" depensa ni Anthony.

Natawa na lamang kaming dalawa ni Lyka.

"Hindi pa kase ako tapos magsalita, oa ka naman agad d'yan" ani ko kay Anthony.

Tumawa naman si Lyka "Oa daw" ani nitong muli saka tumawa na naman.

"Nay Lydia oh, inaaway ako ni Lyka" parang bata na sumbong nito kay Nanay Lydia.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status