Share

Chapter 24

Hello, dear Readers! I just want to say Thank you huhu. Napaka unexpected po ng numbers of reads, follows sa akin and sa pag-add ng story ko sa library n'yo; pagbabasa. Maraming maraming salamat po! Parang kailan lang, sobrang saya ko kapag mayroong 3 reads or views ang story ko hanggang sa mag fifty reads na s'ya, and kanina lang, pagkagising ko, I was shocked sa dami ng number of reads or views + followers pa and kanina pagkatapos ko kumain, chineck ko ulit and omg, am I dreaming?! Ang bilis naman huhu. Salamat po ulit! At dahil d'yan, Sabi ko sa sarili ko, hindi pwede na hindi ako mag uupdate ngayong araw kahit may pasok pa ako mamaya. Lol. So here. Enjoy!

-----

"Naku, sino kaya ang nasa likod ng successful na clothing industry na Enchanté Attire" ani ng isang Ginang sa kabilang table, hindi kalayuan ang pwesto nila sa pwesto ko.

"Oo nga, Mars, pati 'yung anak ko, si Nicole, naku halos araw-araw na yata na nandoon sa Shop na 'yon, araw-araw din bumibili, baka daw matetyempuhan n'ya 'yung owner. Fan na fan" ani naman ng isa.

Ako naman ay tahimik na umiinom ng juice habang pasimpleng nakikinig sa kanila.

"Thanks to their daughter" ani ko sa aking isipan.

I am now wearing a Valentino Garavani crystal embellished pink gown with a pair of Gucci GG1605SK Sunglasses. Nakalugay lamang ang buhok ko, mahirap na at baka mamaya ay may makakilala pa sa akin.

Napadaan ako rito sa Brewberry cafe para makalakas man lamang sa penthouse namin. Isa pa, dito na lamang ako maghihintay ng oras. Mamaya kase ay may usapan kami na ngayon ang umpisa ng photoshoot ko.

Ayon sa mga kasosyo namin, mas maganda raw na paunti-unti akong magpapakita sa publiko kaya naman ay mga mata ko lamang sa ngayon ay kailangan.

Bukas na bukas rin ay ilalabas na ang picture ng aking mata. I can't wait.

Nang mag-alas oncé na ay napagpasyahan ko na umalis na sa shop na iyon. Malapit lamang naman ang studio na pagdarausan ko ng photoshoot mula rito kaya ayos lamang, ala-una pa naman ng hapon ang photoshoot.

Habang papunta sa studio ay syempre, hindi maiiwasan na mastock sa gitna ng traffic. Napagpasyahan ko na lang na mag scroll sa internet and obviously, mainit pa rin sa mga tao ang pangalan ng aking clothing business. Malaking palaisipan pa rin sa mga tao kung sino ang nasa likod nito.

Na-feature na rin ako sa ilang sikat na magazines and news. Maski ang ilang artista ay nakitaan ko rin ng post na nandoon sila sa shop ko.

I can't help but to smile. Para sa inyo ito, Nanay at Tatay. Excited na rin ako na madalaw ulit kayo sa bago nyong tahanan makalipas ang ilang taon kong pagkawala.

Habang nagsscroll ay naramdaman ko na may nakatingin sa akin, I mean sa sasakyan na sinasakyan ko. Though, tinted naman ito.

Nang lingunin ko ito ay laking gulat ko na lamang ng makita ko si Adrian na nakatitig sa sasakyan ko.

Dahil tinted naman ito ay sinamantala ko na ang oras na pagmasdan siya.

Nawala na ang tikas ng kaniyang mukha, buti nga! Para na itong napag-iwanan ng tadhana, napaka-lago na ng buhok nito, ang laki ng eye bags na akala mo ay ilang taon na na hindi nakatulog. How funny!

Ilang sandali pa akong natawa habang nakatingin sa kaniya hanggang sa umandar na muli ang sasakyan.

Nang makarating ako sa photo studio ay naroon na si Kuya Darwin, Anthony, at Mr. Clark.

"Hi, Boys" bati ko sa mga ito pagpasok ko pa lamang.

Agad naman silang napalingon sa akin.

"Hi, babe" bati ni Anthony sa akin.

Naglakad naman ito papalapit saka hinalikan ang pisngi ko.

"How are you?" Tanong nito sa akin.

"I'm good. Very very good" sagot ko rito.

"Something's fishy ah, anong meron?" Tanong nito habang nakasunod sa akin.

Nang marating ko ang kinaroroonan ng dalawang lalaki ay naupo na agad ako. Naupo naman din sa tabi ko si Anthony.

"So, anong meron?" Tanong muli ni Anthony.

"Wala lang, natutuwa lamang ako sa achievements natin" sagot ko rito.

"Mo. Achievements mo" pag-uulit ni Kuya Darwin.

Napatango na lamang ako.

"Nagla-lunch pa ang photographer and make up artist, kung iyan ang hinahanap mo" ani ni Mr. Clark. Napansin siguro ako nito na lumilinga sa paligid.

"Okay" ani ko na lamang.

"I have a tea, guys" ani ko sa mga ito, ilang sandali.

"Spill" ani ni Kuya Darwin.

"I saw Adrian" wala nang paligoy-ligoy na ani ko.

Nakita ko ang gulat sa kanilang mukha kaya naman ay hindi ko maiwasang matawa ng malakas.

"Anong nakakatawa?" Masungit na ani ni Anthony.

"Para kayong ano" sagot ko saka natatawang muli. "Syempre hindi niya ako nakita" dagdag ko pa.

"Tinakot mo kami" ani ni Anthony.

"Oa" ani ko na lamang rito.

"So papaano mo s'ya nakita?" Tanong ni Kuya Darwin.

"Kanina, habang papunta kami dito, syempre na stock kami sa traffic and while scrolling on internet, naramdaman ko na lamang na parang may nakatingin sa akin" panimula ko.

"Pagharap ko, si Adrian pala. Nakatitig sa sasakyan ko. Syempre dahil tinted naman, tumingin rin ako dito" dagdag ko pa.

"And?" Tanong ni Mr. Clark.

"I saw his funny face" ani ko saka pekeng tumawa.

"Para s'yang napag iwanan ng tadhana. Ang lago ng buhok n'ya, ang pangit na n'ya, 'yung eye bags n'ya, ang laki-laki. Akala mo ay hindi natulog ng ilang taon" pagtatapos ko.

"How funny" ani ni Kuya Darwin.

"Miserable na nga, matatalo pa sa eleksyon ang ama" ani naman ni Clark.

Natawa na lamang ako.

Ilang sandali pa kaming nagkwentuhan nang bumukas ang pinto ng shop. Iniluwa noon ang ilang tao.

Ito siguro ang photographer at make up artists ko.

"Good morning, Ma'am and Sir" bati ng isa sa amin nang makalapit na ang mga ito sa amin.

"Good morning" bati ni Kuya Darwin.

"S'ya na ba si Miss Ivy, Sir?" Tanong ng isa kay Kuya Darwin saka itinuro ako.

"Yes, she is" sagot ni Anthony.

"Okay po" sagot ng lalaki.

"Ah, Ma'am, this way po. Sisimulan na po namin kayong ayusan. Though, hindi naman na po kailangan. Ang ganda ganda n'yo na po e" ani ng lalaki sa akin.

"Ehem" tikhim ni Anthony sa tabi ko saka hinawakan ang bewang ko.

"Possessive naman, Bro" natatawang ani ni Kuya Darwin sa kaniyang pinsan.

Nang makaupo na ako ay inumpisahan na nilang ayusan ako. Though, mata pa lamang naman ngayon ang kailangan sa shoot.

Kung ano-ano ang nilagay nila sa mukha ko. At nang matapos na ay hindi ko mapigilang mamangha. Wow!

"You look so fvcking good" ani ni Anthony.

"Simulan na po natin, Ma'am. Pwesto na po kayo doon" ani ng photographer sa akin.

Agad naman akong pumunta sa pwesto na sinasabi niya.

Nang matapos ang pictorial ay nanatili pa kami doon.

Maya-maya pa ay ipinakita na sa amin ng photographer ang shoot na kuha n'ya. It was all nice, pero isa lamang ang kailangan ilabas bukas.

"Ang hirap naman pumili" reklamo ko.

"Yeah, agree" ani ni Anthony.

"Ganito na lamang, majority wins" ani ko sa mga ito.

Umagree naman sila.

"Go na, Kuya, tawagin mo na rin ang ibang staff dito para maka vote rin sila" baling ko sa photographer.

Mabilis naman itong umalis at mabilis rin nakabalik kasama ang buong staff ng studio na ito.

Sa huli, napagpasyahan rin namin ang pangalawang shoot. Kahit mata lamang ay kitang-kita mo at ramdam na ramdam mo ang nagliliyab na damdamin ko. Napaka fierce ko rito. Tiyak ay magiging trending na naman ako nito bukas.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status