Share

Chapter 22

"Sleep tight, babe" ani ni Anthony sa akin nang sandaling mahiga na kami.

"Good night, babe" ani ko rito saka natulog na.

"Omg, ate Ivy. Laman na ng balita at dyaryo ang shop mo" ani ni Lyka sa akin.

Kakagising ko lamang. Teka, ano ba ang pinagsasasabi ng batang ito.

"Ha?" Tanong ko, naguguluhan.

"Ate naman! Mag open ka kaya ng social media mo, o kaya ay magbasa ka din minsan ng dyaryo" natatawang ani nito sa akin.

Mabilis naman akong naupo sa tabi nito saka hinablot ang dyaryo na hawak n'ya.

"See ate" ani nito nang mabasa ko na.

"Papaano?" Tanong ko, naguguluhan pa rin.

"Tinatanong pa ba 'yan? E'di syempre ang ganda ganda kaya ng mga designs mo. Pak na pak" sagot nito.

"How come? E kakabukas ko lamang n'yan last week" tanong kong muli.

"Syempre, design ba naman ng isang Ivy San Francisco iyon, e'di goods na goods. Sikat na sikat agad" natatawang sagot ni Lyka.

"Look ate oh, palaisipan daw kung sino ang owner at designer ng mga damit na 'yon" natatawang aning muli ni Lyka sa tabi ko. Ngayon ay cellphone na ang hawak nito.

"Tingnan mo, ate" ani nito muli.

Kinuha ko naman ang cellphone na hawak n'ya saka tiningnan iyon.

Oo nga!

"Ang galing ko" ani ko.

"Sobra" sagot ng kung sino sa likuran ko. Si Anthony pala.

"Good morning, babe" nati nito sa akin saka hinalikan ang pisngi ko.

"Good morning" bati ko naman.

"Ang aga-aga pa, mga ate at kuya" ani ni Lyka sa tabi ko.

Natawa naman kami ni Anthony.

"Bitter" bulong ni Anthony.

"Rinig ko 'yon, Kuya" ani ni Lyka.

"I know, sinadya ko 'yon" Anthony chuckled.

"Gising na pala kayo, halina kayo at kakain na" ani ni Nay Lydia nang makita n'ya kami.

"Susunod na po, 'nay" si Lyka.

Nang umalis si Lyka at naglakad papunta sa kusina ay sumunod na din kami.

Habang kumakain ay hindi pa rin maiiwasan ang kwentuhan. Siguro kung naririto si Angelo ay paniguradong maiinis na naman 'yon.

Kamusta na kaya sila ni Patricia?

"Congratulations nga pala, 'nak Ivy sa shop at business mo. Akalain mo 'yon, sikat ka na agad" ani ni Nanay Lydia.

"Salamat, 'nay" sagot ko rito.

"Ganda kase ng designs" puri ni Lyka.

"Syempre, maganda ang gumawa" ani ko naman.

Natawa naman ang bata.

"Bakit ka tumatawa?" Ani ni Anthony. Parang bata.

"Wala, happy lang" sagot ni Lyka.

"Nak" saway ni Nanay Lydia sa anak.

"Oh no, 'nay Lydia. Normal na po iyan sa kanilang dalawa. Palaging nagbabardagulan po" natatawang ani ko.

"Kahit pa. Kuya mo pa rin siya, mas nakatatanda siya sa'yo, gumalang ka pa rin" saway ni Nanay Lydia.

"Opo, 'nay. Sorry Kuya Anthony" ani ni Lyka sa aking kasintahan.

"Both worries. Nag aasaran lang naman tayo" si Anthony.

Nang matapos Kumain ay umalis rin agad si Anthony. May biglaang meeting raw ito pero makakauwi agad. Si Lyka naman ay umalis rin, aniya ay may practice daw ang grupo ng mga ito para sa sayaw sa performance task sa isang subject nila kaya naman ay kaming dalawa ni Nay Lydia na naman ang naiwan.

Habang naglilinis ng pinagkainan namin si Nanay Lydia ay pumasok naman ako sa aming kwarto saka nag scroll sa internet.

Sikat na nga ako. I mean, ang pangalan ko sa ngayon.

'Owner, CEO, and Designer ng isa sa sikat na sikat na clothing business sa Manila, hindi pa nakikita ng publiko kung ano ang itsura'

Agad akong nagtipa ng mensahe para mag comment pero agad ko rin itong binura.

Bahala kayo diyan na macurious about sa akin.

Huwag mag-alala, may panahon rin para diyan.

Nang magsawa na sa kakascroll ay agad na akong nag-isip pa ng iba pang designs.

Habang gumagawa ay biglang tumunog ang telepono ko.

Danica calling...

She's my secretary there. Mabuti ang isang 'to. Walang pinagsasabihan kahit na sino. Puno rin ng guards ang buong shop kaya't walang magtatangka ng masama sa shop ko at sa mga trabahador ko.

'yes, Danica' sagot ko.

'Ma’am, nandito po 'yung asawa ni Mayor Glenn Acosta. Gusto n'ya raw po kayong makausap personally. Gusto po ata na mag invest" sagot ni Danica mula sa kabilang linya.

"Nandyan pa ba s'ya?" Tanong ko.

"Opo, ma'am. Nasa labas pa po" sagot nito.

"Sabihin mo hindi ako naghahanap ng investor" ani ko saka binaba ang tawag.

Well well well, ano kaya ang kailangan sa akin ng babaeng ito.

"Hey, kumain ka na?" Ani ni Anthony pagkarating nito.

May dala-dala itong mga pagkain. Ang dami-dami naman.

"Ang dami naman" puna ko.

"Syempre para mabusog ka" ani nito.

"Tataba ako, Anthony. Papaano na lamang 'yung grand entrance ko soon, e'di ang pangit ko tingnan" ani ko rito.

"Sus, kahit ano ka pa man, napakaganda mo pa rin. Bagay kaya sa'yo kahit ano. Huwag lang kahit sino kase ako lang ang bagay sa'yo" And then He chuckled.

"Corny" ani ko saka ngumiwi.

"Nag effort 'yung tao na bumanat tapos 'di mo man lang na appreciate" ani nito saka parang bata na nagtatampo.

"Huwag na magtampo ang baby ko" ani ko sa tono na parang nag-aalo na Nanay.

"Anyway, maiba ang usapan. Tumawag si Danica" ani ko rito.

Agad naman nangunot ang kilay nito. "Sino 'yon?" Tanong n'ya.

Sinasabi ko na nga ba, hindi n'ya kilala. Pero naikwento ko naman na sa kanila dati. Nakita na nga n'ya Personally e.

"Secretary ko po" sagot ko.

"Ah, okay. Nakalimutan ko lang" ani nito saka ngumiti.

"Ganiyan talaga kapag tumatanda na" ani ko sabay tawa.

"Hey ano na" ani ni Anthony.

"Anong ano na?" Tanong ko rito.

"What's with the call time with Danica?" Tanong n'ya.

"Pumunta daw doon ang asawa ni Mayor" panimula ko.

"Naghanap ba ng away sa shop?" Tanong nito.

Agad naman akong umiling.

"Then ano?" Tanong nito.

"Maghintay ka kase. Magkukwento pa 'yung tao" ani ko rito saka inirapan s'ya.

"Sabi kay Danica, gusto n'ya raw akong makita or makausap personally. Gusto raw mag invest sa business ko" sabi ko at bahagyang natawa.

"Seriously?" Kahit si Anthony ay hindi rin makapaniwala saka natawa na rin.

"Yeah" ani ko. "Pero sabi ko kay Danica, sabihin doon na hindi ako naghahanap ng investor" dagdag ko pa.

"And?" Tanong nito.

"Pinatay ko na ang tawag. Sayang lamang oras ko doon" ani ko.

"Great job, Babe" ani ni Anthony.

"Ang dami-dami mo nang natutunan" dagdag pa nito.

"Ikaw ba naman ang master" natatawang ani ko.

"Proud ako sa'yo" He then says. Sincere n'ya itong sinabi.

"Hindi ko alam kung ano na ang buhay ko ngayon, siguro ay kasama ko na sina Inay at Tatay pero dumating ka, dumating kayo ni Kuya Darwin. I'm so happy na nakilala ko kayo. You both are my savior. Thanks a lot" ani ko.

Binigyan naman n'ya ako ng yakap saka hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"I love you" bulong nito.

"You're my everything, mahal na mahal kita" dagdag pa nito.

"I love you so much" ani ko naman.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status