Share

Chapter 21

"Yes babe, bye" ani ko kay Anthony saka pinatay ang telepono.

Tumawag kase ito para paalalahanan na mag-ingat ako sa site. I'm now on the way na para pumunta sa site kung saan ay sinisimulan nang itayo ang aking shop.

Infiarness, hindi ko nakikita ang mga tao na sumira ng buhay ko. I wonder kung ano na ang ganap sa kanila. Matagal na kase akong walang balita sa kanila, I think three to four years na ang nakalilipas?

Nang makarating sa site ay naghanap na agad ng mapapag parkingan ang aking driver. Iginaya naman ako ng isa kong bodyguard papasok sa mismong site.

"Good morning, ma'am" ani ng Engineer rito.

"Good morning, too, Engineer Legaspi" bati ko rito.

Gayundin sa construction workers na narito; binati ko rin sila.

"I really appreciate this, Engineer" ani ko saka pumasok sa ginagawa pa lamang na shop.

It was a big big shop! Ang bilis nilang gumawa ng shop, maya-maya pa siguro ay may second floor na ito.

"Well, para sa napaka ganda kong client" ani nito saka ngumiti.

Nginitian ko na lamang ito.

"By the way, ano nga pala ang sadya mo at napadaan ka rito?" Tanong ni Engr. Legaspi.

"Nothing, masama bang bumisita sa future shop ko?" Tanong ko saka tumawa.

"Syempre, obvious naman" ani nito sa akin.

Nang dumating ang tanghali ay naisipan ko na umalis na. May aasikasuhin pa akong designs para sa gown naman. Sana lang ay wala pa sa bahay si Anthony dahil kung naroon ay baka hindi ko na naman magawan ng designs ang mga gown.

Nang makarating sa penthouses ay nadatnan ko si 'nay Lydia na naglilinis sa sala. Malinis pa naman ito ah.

"Nay" bati ko rito nang makapasok na ako.

"Nandyan ka na pala, 'nak. Kanina ka pa ba? Gutom ka ba? Halika ipaghahanda kita ng pagkain. Ano nga pala ang gusto mo?" Ani nito, natataranta.

Natawa naman akong lumapit rito. "ikaw talaga, 'nay, hindi na po kailangan. Busog pa ako. Nag drive thru na lamang po kami kanina" ani ko rito saka nginitian siya.

"Oh sya, ganon ba? Sigurado ka d'yan ah" ani nito.

"Syempre naman, 'nay" sagot ko rito. "Ikaw 'nay, malinis naman itong area ah, bakit naglilinis ka pa" puna ko rito saka inagaw sa kaniya ang mop na hawak n'ya.

"Nak, hayaan mo na ako. Nabuburyo lang kase ako rito sa bahay kapag ako lang mag-isa, hayaan mo na" ani nito.

Sa huli ay pumayag s'ya na magpahinga na lamang at manood sa TV.

Bukas ay ibibili ko sila ni Lyka ng cellphone nang sa ganon ay hindi sila mahuli sa balita.

Nang makapasok sa kwarto ay agad ko itong inilock saka nanghihina at naiiyak na naupo sa kama. I miss you so much, Nanay at Tatay.

Bigla ko silang namiss lalo na kapag inaasikaso talaga ako ni 'nay Lydia, na parang ako ay tunay rin niyang anak.

“pangako, 'nay, 'tay, dadalaw ako sa puntod n'yo sa sandaling maging maayos na ang lahat. 'nay, 'tay, malapit na po nating makamit ang hustisya. Nagsisimula na po ako” bulong ko sa hangin na animo ay naroon ang aking namayapang magulang.

Ilang sandali pa akong ganoon nang maisipan ko na maglinis ng katawan.

Nang malinis ang katawan ay agad na akong nagsimula na magdesign ng sa mga gowns. Kakatapos ko lamang kahapon ng designs sa mga t-shirt and dress.

"Babe, wake up" isang boses ang pumukaw sa akin.

Nakatulog pala ako habang gumagawa ng designs.

"Hmmm" ani ko.

"Hey, Babe, wake up. Gabi na" ani ni Anthony.

"Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo. Kanina pa akong kumakatok, hindi ka naman sumasagot. Tulog ka lang pala" natatawang dagdag pa nito saka hinalikan ang tungki ng ilong ko.

"Kararating mo lang?" Tanong ko rito saka hinarap siya.

"Kani-kanina lang po" sagot nito.

"Hintayin mo ako rito, magbibihis lang ako. Sabay na tayong pumunta sa kusina" ani ni Anthony saka pumasok na sa cr.

Nang makalabas ito ay sabay na nga kami na pumunta sa kitchen para kumain.

Doon ay nadatnan namin si Nay Lydia at Lyka na naghahanda na ng pagkain.

Nang maihanda ay sabay-sabay na rin kaming kumain.

"Naku, ate Ivy, sobrang nag-aalala kami kanina ni Nanay sa'yo. Mag gagabi na ba naman kanina, di ka pa lumalabas sa kwarto tapos tawag ng tawag at katok kami ng katok, 'di ka naman sumasagot" ani ni Lyka habang kumakain kami.

"I'm sorry, nakatulog lang pala ako habang nagdedesign" ani ko rito.

"Pati ako pinapag-alala mo" ani ni Anthony sa tabi ko.

Natawa na lamang ako. Sobrang na appreciate ko ang concerns at tulong nito.

"Ate, kapag nag open na 'yung shop mo, dapat present din kami doon ah" ani ni Lyka.

Ang daldal nito ngayon.

"Syempre naman" sagot ko.

"Yown" ani ng dalaga.

"Kayo ang magiging mata ko doon" ani ko sa mga ito.

Halata na nag loading sila sa sinabi ko.

"What do you mean, ate?" Tanong ni Lyka.

"Si ate Ivy mo ay hindi pa maaring makita ng publiko. Alam n'yo naman ang past n'ya. May tamang panahon pa para lumabas s'ya at magpakilala, syempre, hindi pa 'yon sa ngayon" si Anthony.

"E paano po yung binilhan n'yo ng lupa? Tapos yung poging Engineer pa at construction workers?" Tanong ni Lyka saka uminom ng orange juice.

"Syempre 'yung company na nilapitan ng ate mo ay may sama ng loob or what so ever tungkol doon kina Adrian and Mayor Acosta. Ganoon din si Engineer Legaspi" sagot ni Anthony. "Pero, don't worry. Pina-alam namin sa kanila ang plano namin. Syempre, g naman sila" dagdag pa nito.

"Siguraduhin n'yo lamang na hindi kayo mapapahamak d'yan ah" pagsingit ni 'nay Lydia.

"I will, 'nay" sagot ni Anthony.

"S'ya nga pala, may balita na ako about kay Adrian and friends, as well as sa ate mo, Ivy. Well, nakahanap na rin ako ng magiging kakampi pa natin. Nabalitaan ko kase na nananakit ng tauhan or katulong si Mayor, so" dagdag pa nito.

Natigilan naman ako. "Really?"

"Yes, babe. Gusto mo na bang malaman? Handa ka na ba?" Tanong nito.

Tumango naman agad ako.

"Si Mayor Acosta, pansin n'yo na ba palagi na lamang nakasoot ng long sleeve ang secretary nito?" Panimula nito.

Tumango naman ako.

"Well, the reason is, sinasaktan pala nito ni Mayor sa office. Mayroon din na ibang tauhan na sinasaktan n'ya rin. Alam ko na kung nasaan sila. Nakausap ko na rin sila about the issue. Recorded pa 'yon" ani ni Anthony saka mahinang natawa.

"And this up on election, for the first time ever, may makakalaban na sa pagka-mayor si Mayor Glenn. Ayon sa survey at balita, mas malakas daw ang kalaban nito" dagdag pa nito.

"Well, that's good" sagot ko na lamang.

"Hindi ko s'ya kilala, pero sana matalo s'ya" pagsingit ni Lyka.

Natawa naman kami.

"Si Adrian, ayon sa private investigator ko, ang mamahaling sasakyan raw nito ay ipinagbenta na. Malapit na rin itong malubog sa utang sa bangko. 'yung Daddy n'ya, ganoon na rin" ani ni Anthony.

"Deserve" si Nay Lydia.

"Ang ate mo, may trabaho s'ya. Sa Clark's Company s'ya nagtatrabaho" ani ni Anthony. "As Janitress" dagdag pa nito.

Napatango na lamang ako. "Actually, nakita ko s'ya noong pumunta ako sa CC"

"Nakita ka ba n'ya?" Tanong ni Anthony.

"Muntik na" sagot ko saka natawa na lamang.

"Are you sure na hindi ka n'ya nakita? Mahirap na" paninigurado ni Anthony.

Para makasigurado ito ay ikinuwento ko na rito kung ano talaga ang nangyari noong araw na iyon. Walang labis at walang kulang ang aking ikinuwento, dahilan para maniwala sila.

"How about the boys?" Tanong ko kay Anthony.

"Matteo and Leonard, nasa jail na sila" sagot ni Anthony.

Agad nanlaki ang aking mata.

"Why?"

"Kasong r*ape sa menor de edad" sagot ni Anthony.

"Kawawa naman 'yung mga nabiktima" pagsingit ni Nay Lydia.

"True, 'nay" pag sang-ayon ko na lamang.

"How about the others?" Tanong ko, hindi mapakali kung ano na ang balita sa kanila.

"Yung dalawa, I forgot their name pero wanted sila. May mabigat rin na kaso e" sagot ni Anthony.

"So si Adrian na lamang pala ang hindi pa wanted or nakukulong" ani ko.

Tumango naman ito.

Natapos ang aming kainan na puno ng kwentuhan tungkol doon.

Nakahinga ako ng maluwag nang mabanggit iyon ni Anthony.

At least ngayon alam ko na kung papaano sila sasalakayin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status