Share

Chapter 4

          "Bye Fritz! Thanks again. See you when I see you." pamamaalam pa ni Betty.

          Minsan pa niyang nilingon si Betty. "Bye Betty. Thanks din."

          "Ikumusta mo na lang ako kay Papa Zeus." malanding bilin pa nito sa kaniya.

          Sa huling sinabi nito, she couldn't help but rolled her eyes. 

        Gayunpaman, magaan sa pakiramdam na lumabas sa Bratinella Salon si Fritzene. She had her hair cut. For the longest time she kept her hair long. Ngayon lang niya muli naisipan at napagdesisyunan na magpagupit. For a change. At mukhang bumagay naman sa kanya ang kanyang bagong hairstyle. Sabi nga ni Betty, ang hairstylist niya kanina, mas lalong naging kahawig niya ang aktres na si Iyah Villania. Actually marami  naman talaga ang nagsasabi sa kanya na kamukha niya ang nasabing aktres. Fan din naman siya ng aktres. 

        Sa halip na kumain sa fastfood chain malapit sa salon, agad na pumara ng tricycle si Fritzene upang sa kanilang bahay na maglunch kasama ang mga magulang. Siguradong naghanda si Ate Tinay ng masarap na tanghalian. Mas gusto pa rin niya ang lutong bahay. Hindi pa man nakakarating sa kanilang tahanan ay nasiraan ang sinasakyan niyang tricycle. Anumang pilit ng pagpadyak ay hindi ito mapa start ng driver.

        'Naku naman. Kung hindi ka naman minamalas talaga, oo'

        Napapalatak sa isip niya si Fritzene. Dahil medyo malapit - lapit na rin naman ang kanilang tahanan ay naisip niyang bumaba na lamang at maglakad matapos iabot sa driver ang kanyang bayad.

        "Manong, bayad ko po." aniya sa driver at nagsimula nang maglakad upang makarating sa kanilang tahanan. 

         Agad naman niyang natanawan ang paparating na si Zeus. Mataman itong nakatingin sa kanya kaya't agad niyang iniiwas ang kaniyang tingin. 

        "You cut your hair." malamig na tinig ni Zeus nang magkatapat na sila.

        Hindi niya ito pinansin at dumiretso lang siya sa paglalakad. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay sasabayan siya nito sa paglalakad pabalik sa direksiyon na pinagmulan nito.

        "Alin ba ang harap mo at likod? Hindi ko matukoy" sabi pa nito 

        Nanlalaki ang matang napatingin siya rito. 

        "And your hair? Hindi bagay sa'yo." anito pa na lalong nagpadagdag sa inis na nararamdaman niya rito. 

        'Arghhh' Naikuyom niya ang kanyang mga palad.

        Pinaningkitan niya ng mata ang binata. "Walang may pakialam sa opinyon mo, okay." asik niya at tinaasan pa ito ng kilay bago mabilis na naglakad para iwan ito.

        "Sungit!" sigaw pa nito na hindi na nagtangka pang sumunod sa kanya.

        'Zeus the bully as ever!'

**********************

        "What's with the long face?" tanong ni Ashley sa kanya habang naghihintay ito kay Zanjoe sa counter.  As usual, laging laman ang dalawang ito sa kanilang mini - mart with their usual order cookies and cream flavored ice cream. They all think that these two are more than friends. Simula pagkabata ay palagi nang magkasama. They've been very supportive and sweet to each other. Lalo na si Zanjoe na overprotective kay Ashley. Dinaig pa ang isang yaya kung mag - alaga. Kabaligtaran naman nila ni Zeus na simula pa pagkabata ay palagi nang magka away. Bangayang bangayan.

        It's weekend at siya ang nakaduty ngayon na magbantay sa kanilang mini - mart. Hindi lang talaga siya maka move on sa inis kay Zeus. Pati ba naman pagpapagupit niya pupunahin nito. Ano naman kung hindi nito nagustuhan ang bagong hair style niya? His opinion doesn't matter anyway. 

        "Nag - away na naman kayo ni Zeus?" sa tono ni Zanjoe, hindi siya nagtatanong. It's more of accusation. Sabagay, totoo naman. Nagkasagutan naman talaga sila kanina. As usual. Walang bago. Lumang tugtugin na iyon sa kanila. Himala na siguro kung hindi sila mag - aangilan once na magkasama sila. Naging immune na nga ang mga tao sa paligid nila. Sila na lang yata ang hindi sanay sa sitwasyon nila.

        "Alam mo naman yang kaibigan mo, napaka bully. Bata pa lang tayo, walang ibang pansinin kundi ako. Wala na nga yata akong magandang ginawa para sa kanya eh. Lahat mali. Lahat hindi pasok sa panlasa niya. And who cares anyway?" himutok pa niya kina Zanjoe at Ashley.

        Iniabot sa kanya ni Zanjoe ang bayad sa ice cream. Agad naman niya itong sinuklian. 

        "Kumain ka na rin ng ice cream nang lumamig yang ulo mo." alok sa kanya ni Zanjoe ngunit umiling lamang siya. Hindi talaga siya mahilig sa sweets. Mas hilig niya ang mga spicy foods. "O baka naman inlove na kayo sa isa't isa? Nagku cover up lang kayo ng inyong mga nararamdaman."

        "Zan.. nagpapatawa ka?" sarkastikong tanong niya sa kaibigan. "He he.. not funny."

        Natatawang tinapik naman ni Zanjoe ang kanyang balikat.

        "Who knows?" ang nasabi na lamang ni Ashley. 

        "Eww, kilabutan ka Ash." aniya kay Ashley.

        Nangingiting napailing na lang sa kaniya ang dalawa bago tuluyang pumunta sa napiling puwesto sa Mini - mart.

       

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status