Share

008: Should've Said No

Nakikipaghabulan ako ngayon sa tindera ng Mini-House Bank dito sa School na si ate Polly dahil kailangan ko siyang interviewhin para sa article na gagawin ko. Ang dami kasing bumibili ng mga binebenta niya at hindi ako makasingit.

"Ayan, finally wala ng pila!" Lumapit ako kay ate at kinuha ko ang phone ko sa bulsa para irecord ang mga sasabihin niya.

Hinawakan 'yung isang Mini-House Bank. It is made from wood, popsicle sticks, and paper and it isn't just a normal money bank because it has a boundary that you can separate the coins. It's an upstairs wooden square house painted cream and dark brown. Downstairs has two windows on the left side and three doors. I believe it's a sliding door in a real house. There is a pool in the backyard which is surrounded by plants. It has also room upstairs on the left side with a door in the middle and an open space on the other side that can be used for parties and downstairs it is a garage.

"Ate ang ganda naman po ng binebenta niyo, pwede ko po ba kayo mainterview?" diretso kong sabi.

"Tungkol dito sa bahay ba?" tanong niya pabalik.

Alam niya na agad?

"Opo sana kung pwede lang kailangan lang namin sa publication." pagsabi ko ng totoo.

"Sige, iha tutal ay wala pa namang bumibili." pagpayag niya.

"Ate irerecord ko ha? Saka may kukuha dito ng pictures ng mga tinda niyo mamaya. Hindi pa kasi siya dumadating 'e." pagpapaalam ko ulit.

"Okay sige, basta mas makikilala kami dito ah?" paniniguro niya pa.

"Opo, ate promise akong bahala sayo! So, paano po nagsimula 'yung idea niyo sa paggawa at pagbenta ng ganito? Kayo po ba gumagawa niyan? Gaano katagal na po?" sabay-sabay na pagtatanong ko sa kanya.

Pagkatapos kay ate Polly ay lumipat naman ako sa iba pang booth at nag-interview pa tulad ng tindera sa Amron Souvenir Shop na may theme for Valentines Day dahil Foundation Week falls on the month of February.

Maya-maya ay dumating na si Kang dahil siya ang nakatoka para kumuha ng pictures dito.

"Kybelle, kanina ka pa dito?" tanong niya pagkalapit sa'kin.

"Oo, kanina pa. Nasa kalahati na nga dito mga nainterview ko 'e. Ikaw bakit ngayon ka lang?" tanong ko pabalik dahil mag-iisang oras na yata siyang late.

"Nalowbat 'yung battery ng cam sa jeep 'e, kaya umuwi ulit ako tapos nanghiram ng extra sa pinsan ko." aniya.

"Picturan mo na 'yan isa-isa, sinabihan ko na sila na darating ka." pag-uutos ko.

"Ang sipag mo naman." hindi ko alam kung pinupuri niya ba ako o nang-aasar lang siya 'e.

"May klase pa'ko buti nga dito ako na assign sa lobby 1 para masisilip ko kung may teacher na." sabi ko pa.

Katulad nga ng sinabi ko kay Kang ay pumasok ako sa klase pagkatapos ko interviewhin lahat.

Hindi naman lahat talaga ng mga 'yon isasama ko talaga sa article na isusulat ko. Extra lang kumbaga in case na kailanganin.

Pagkatapos ng klase ay nagmeeting ulit kaming journ sa lobby 3. Ito na 'yung every day routine na nakasanayan namin bago at pagkatapos ng klase.

Magkita-kita muna kaming lahat dito para mapag-usapan 'yung newspaper pero hindi lahat nakakapunta kasi magkakaiba kami ng schedule. Pero may iilan din na priority ang journalism at kami ang palaging nandito. Minsan nagsusunduan pa kami sa classroom para iexcuse ang isa't-isa.

Mayroon namang iba na ayaw talaga makipag-cooperate kahit na sino pa ang kumausap. Kaya literal talaga na hindi na kailangan ni Ms. Myrtle kumain pa ng barbecue para mahighblood kasi sa journalists niya pa lang ay wala ng palag 'yung barbecue na ipapakain namin sa kaniya.

Umabot din kami sa point na nadepressed 'yung dapat EIC namin kasi may family problems daw siya.

Hindi naman sa iniinvalidate namin 'yung pinagdadaanan niya pero kasi once you commit, you need to work or at least communicate kaso anong magagawa namin kung daig niya pa 'yung multo sa hindi niya pagpaparamdam kahit nasa iisang Campus lang kami? Hindi naman pwedeng porket wala siya ay hindi na kami kikilos at magttrabaho.

May incident din na binigyan kami ng agarang deadline ni Sir J, ang principal ng School kahit rush na 'yung pinapagawa niya na ifeature lahat ng naging events sa dito sa A.C. kahit nakalipas na 'yung iba. Tapos 'yung ibang mga journalists hindi pa rin nakakapagpasa ng articles nila kahit lagpas na sa deadline.

Kasalanan ba namin na saka lang siya darating dito sa A.C. kung kailan patapos na ang School Year?

Pero sa kabila ng masikip at pasikot-sikot na daan ay nagawa naming makaalis.

Sa tulong ng patuloy na pagtitiwala sa isa't-isa at pagbibigay ng walang humpay na inspirasyon upang makamit ang pangarap ay hindi kami nawalan ng pag-asa.

Ako kasama sina Ahmad, Tracy, Yuri, Queen, Teresa, Eunice, Janine, at Nielsen na nanatili ang pagsisikap sa gitna ng unos ay pinatunayan na kaya naming makatapos sa takdang oras.

Sinalo naming lahat ng trabaho.

From writing articles to proofreading, to layout.

Pero gaya nga ng sinabi ko, balance ang samahan namin dito.

Stressful na mga linggo para sa mga stress na journalists.

Pero gaya ng mga kalog sa grupo, paglubog ng araw uuwi pa din kaming masaya katulad ngayong araw na 'to.

Pabalik na kami ng A.C. galing sa Church nila ate Teresa, Queen, at Yuri para magmeeting kasama sila ng sa hindi inaaasahang pagkakataon ay biglang natalisod at nadapa si Miggy dahil hindi siya nakatingin sa dinadaanan kaya hindi niya napansin ang mataas na humps.

"Hala, Miggy okay ka lang?" paglapit ni Ahmad sa kanya at tinulungan tumayo dahil nahihirapan siya.

"Nahihirapan ako maglakad." sabi niya, kita sa mukhang nahihirapan talaga.

"Magtricycle na lang tayo." suggestion naman ni Eunice dahil worried na din siya.

"Sige, tara. Tumawag na kayo ng tricycle tapos alalayan natin si Miggy." sabi naman ni ate Queen.

Katulad ng sinabi ni ate Queen ay naghanap kami ng tricycle kahit walking distance lang dito pabalik sa A.C.

Habang ang lahat ay nag-aalala, ako nasa gilid lang at nagpipigil ng tawa.

"Tangina mo Miggy nagulat kami sayo bigla-bigla ka na lang madadapa jan." ani Ahmad.

That's my cue!

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA ang tanga mo Miggy." sabi ko.

"Bakit kasi hindi ka nakatingin sa dinadaanan mo? HAHAHAHAHAHA Ayan tuloy nadapa ka." sabi naman ni Eunice.

Sabay-sabay kaming tumawa hanggang sa makabalik sa School para gumawa ng Dyaryo kahit madilim na.

Pagdating namin, sakto ay nakasalubong namin si Sir J papalabas na ng A.C. kaya hinarang namin siya.

"Sir J, magpapacheck kami ng Dyaryo!" ani Ahmad.

"Bukas na lang pauwi na ako, 'e." sagot naman nito at umalis na.

"Badtrip naman nadapa na ako't lahat-lahat para sa Dyaryo tapos uuwian lang tayo ni Junjun?" pagrereklamo naman ni Miggy kaya nagtawanan ulit kaming lahat at nagpasayng sabay-sabay ng umuwi dahil parating na rin ang dilim.

Magic-carpet emotions lahat ng pinagdaanan namin at ngayon ay pinapanood na namin ang isa't-isa tumanggap ng diploma at medalya sa harap ng halos dalawang libong tao.

We made it!

"Kita-kita tayong lahat mamaya after ng graduation! Anong number niyo?" chat ni kuya JM.

"09** ... ayan sa'kin." sabi ni Paula.

...at isa-isa nga kaming naglapag ng cellphone number para macontact ang isa't-isa mamaya.

"Kain tayo pagkatapos," pag-aaya naman ni Ahmad.

"Hindi pwede, aalis kami." pagkontra ni Kang.

"Oo nga next time na lang! Reunion tayo." sabi naman ni Miggy.

"Pag napublish newspaper!" ani Tracy.

"Oo dapat kumpleto tayo 'nun!" masayang wika ni ate Queen.

"Kasama ba si Lester na laging depressed? HAHAHAHAHAHA!" tanong ni ate Teresa.

"Ah? Wala naman siyang inambag sa dyaryo, bakit siya sasama?" pagkontra at pagmamaldita agad ni Ahmad.

"Baka depressed pa din." sabi naman ni Kang.

"Congrats, sa inyong lahat!!! Mahal ko kayo!" pagsinggit na pagbati naman sa'min ni Ms. Myrtle.

Gaya ng napag-usapan ay nagkikita-kita nga pagkatapos ng graduation pero hindi na kami nakasama nila Rain, Paula at Diana dahil strand namin ang pinakahuling lumabas at lahat sila ay nauna kaya pagkalabas namin ay nakaalis na sila.

1800 graduates ba naman tapos nasa pinakadulo track mo?

Nakagraduate kaming lahat ng hindi pa rin natatapos ang Newspaper kaya wala kaming nakuhang Journalists of the Year Award.

Mali! Wala kaming natanggap na medalya pero kami pa rin ang Journalists of the Year! And take note, first award in A.C. ever.

Who can beat the hard work we put in?

Extra-curricular activities lang pero naibigay pa din namin lahat ng best na mayroon kami.

Dahil kami nga ang Journalist of the Year, tinapos namin ng bakasyon ang Newspaper.

Yes, graduate na kami pero tinutupad pa din namin 'yung aming sinumpaang tungkulin.

Dapat lang naman di'ba?

Idagdag na din na nasanay kami sa company ng isa't-isa kaya kahit bakasyon ay hindi na kami mapaghiwalay.

Wala na ding nagpapataasan magmula ng hindi magparamdam pa si Lester.

Lahat kami pantay-pantay.

Iba-iba man ang nakasulat na position sa pangalan ng bawat isa sa Dyaryo, para sa'min lahat pa rin kami ay EIC.

"May seminar workshop 'yung Phantom sa May punta kayo para makilala natin kung sino mga papalit sa'tin!" pag announce ni Ahmad sa GC ilang linggo pagkatapos gumawa ng Dyaryo na ngayon ay hinihintay na lang i print.

"Sige, ilang linggo ba yan?" tanong ni Miggy.

"Dalawa." pagsagot ni Ahmad.

"May bago na naman kaming bubulabugin ni Kang maganda yan!" sabi naman ni kuya JM.

"Hindi ako makakapunta eleksyon 'e, madaming gagawin." sabi ko naman as a supportive daughter sa aking politician father na walang pakialam sa sarili niyang anak.

"Pumunta ka na Kybelle sa eleksyon ka na lang umabsent." pagpilit naman sa'kin ni Ahmad.

"Sige susubukan kong tumakas pero hindi ko makukumpleto yung dalawang linggo." pagdedesisyon ko.

Gaya ng sinabi ko, pumunta ako ng first day seminar kaso late ako dahil madami talagang preparations ang ginagawa namin sa bahay dahil politician ang tatay ko.

Kahit 'di kami nagkikibuan 'nun tumutulong pa din ako at sinusuportahan siya sa kampanya.

Hindi pa ako nakakapasok sa pintuan ay may natanaw na akong isang lalaki.

Mas nagulat pa ako ng marinig kong tinawag siya ni Ms. Myrtle para sumagot sa recitation at tinanong ang pangalan niya.

"Yung nakawhite sa likod, anong pangalan mo?" aniya.

"Jedrick po." pagsagot nito na siyang nagpabilis ng tibok ng puso ko.

This can't be!

Hindi naman siguro siya 'yun di'ba?

Hindi lang naman siya ang nag-iisang journalist na lalaki sa buong mundo na Jedrick ang pangalan? Di'ba?

Pero kahit anong pilit kong panloloko sa sarili ko alam kong siya 'yun.

Nararamdaman kong siya 'yun.

'Yung kaisa-isang lalaking una kong pinagkatiwalaan pero winasak 'yung puso ko.

What have you done, Kybelle?

you should've said no.

────────────────────────────────────────────────────

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status