Share

011: King Of My Heart

"Sino bang may kasalanan?" tanong ko sa kaniya at napayuko siya.

Nagpakawala muna siya ng isang buntong-hininga bago nagsalita.

"I'm sorry. I'm at fault." sabi niya.

"Pa'no mo nagawa 'yun? Iniintindi kita, 'e... pinipilit ko kahit mahirap kasi mahal kita." pagsisimula ko.

"I... I can't tell you the reason." hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Bullshit, Jedrick! Apat na taon na nakakalipas, wala ka pa ring maibigay na rason? Tapos ano, susulpot ka dito bigla at iba na pagkatao mo ganu'n? Ang hilig mo naman akong biglain..." hindi ko napigilang bulyaw sa kaniya.

"Hindi ko naman sinasadyang gawin 'yun. Oo, nagkamali ako pero hindi ko sinasadya. Siguro hindi mo pa nakikita sa ngayon pero ginawa ko lang din 'yun para sa'yo." sabi niya.

Bakit nagagawa niya pa ding magpalusot?!

"Para sa'kin? Anong para sa'kin? Binigyan mo ako ng rason para mabuhay, at nagpapasalamat ako sa'yo para 'dun pero sa huli pinamukha mo din sa'kin na hanggang doon lang ako 'e." hindi ko na napigilan ang sarili ko at ang pagpatak ng mga luha ko.

Sinubukan niya akong lapitan ngunit umatras ako dahilan para mabangga ko ang sink at tumunog ng malakas dahil sa lakas ng pagpipiglas ko.

"Ano, 'yun?" rinig kong sabi ng guard sa labas.

Agad akong humarap sa salamin, pinunasan ang mga luha at naglakad na pabalik sa puntod ni Ram.

Hindi ko na kaya...

Gusto kong ilabas lahat pero ayokong umiyak sa harapan niya dahil mas kaaawaan niya lang ako.

At ayokong mangyari ulit 'yon.

Ayokong makaramdam ng awa galing sa kaniya.

Ayokong maramdaman ulit 'yung pagmamahal niya dahil lang naaawa siya.

Alam ko naman kanina na kaya lang siya mabait sa'kin, kaya lang siya nag-offer ng company ay dahil naaawa siya dahil natatakot ako.

Sinubukan ko namang pigilan 'yung sarili ko pero wala, 'e!

"Huy, ate anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Sab.

"Nagsuka lang." sabi ko sa kaniya at binigyan ng pilit na ngiti.

"Anong nangyari Kybs, may hindi ka ba nagustuhan sa pagkain na dala ko?" tanong ni tita Remy.

"Na'ko, hindi po tita! Masarap nga po kaya napadami ang nakain ko 'e, lumagpas sa dami ng pagkain na kailangan ko lang kainin kaya nagsuka ako, pero okay lang po ako normal naman po sa sitwasyon ko 'yung magsuka." pagpapaliwanag ko sa kaniya para gumaan ang loob niya dahil masarap naman talaga 'yung pagkain.

"Oy, may nagpapabigay kainin mo daw para gumaan pakiramdam mo at hindi ka na masuka." sabi ni kuya Larry, pinuputol ang usapan namin ni tita Remy para lang sa isang candy.

"Thanks kuya..." sabi ko.

"H'wag ka sa'kin magpasalamat." sabi niya at umalis na.

Naglakad pabalik sa pwesto nila ni Jedrick na nakatingin lang sa langit, hindi mapakali at panay ang buntong-hininga.

Maya-maya pa ay napagpasiyahan na namin umuwi dahil sinabi ko na ayaw ko abutin ng gabi sa daan.

Sumabay ulit sa'kin si Jedrick pauwi at hinatid niya pa ako sa bahay pero hindi na kami nag-usap pa.

Natapos ang bakasyon na ang pinagkakaabalahan ko lang ay ang magsulat, at tumulong kay mama sa bahay.

Ginawa ko ang lahat para makuha ang loob niya pati ni papa, kaso mahirap kasi madalas siyang wala sa bahay. Magigising ako ng wala na siya tapos sa gabi na siya uuwi saktong oras para matulog na ako.

Si Jodi naman hindi ko na nakausap pa. Kahit sa iba naming kaibigan hindi siya nagpaparamdam tapos dinelete niya pa 'yung Twitter at Telegram account niya.

Wala na din akong naging balita kay Jedrick mula nung huli naming pagkikita.

Sa loob ng halos tatlong buwang bakasyon ay Phantom lang ang kaisa-isang nakakausap ko.

Oo, tapos na ang newspaper namin pero gaya nga ng sabi ko, hindi doon nagtatapos ang tungkulin.

Hindi naman kasi kami nagpapamalas ng talento dahil gusto namin makapagpublish ng Dyaryo. Hindi rin kami nagpapamalas ng talento dahil gusto namin ng medalya 'nung graduation.

Ginagawa namin 'yun dahil gusto namin at 'yun ang nagpapasaya sa amin.

At masaya kami sa isa't-isa. Masaya kami kapag nagsasama-sama.

Hindi naman kami makakatapos ng dyaryo kung hindi di'ba?

Sa totoo lang hindi mo naman kailangan ng kahit na anong kapalit sa lahat ng paghihirap na ginagawa mo 'e. Hindi mo din kailangan ng validation ng ibang tao basta may isang natatangi na nakakaappreciate sa'yo, makuntento ka na dapat.

At naappreciate namin ang isa't-isa. Proud kami sa lahat ng paghihirap na dinanas namin magkakasama hanggang sa narating namin ang dulo.

At sapat na 'yun para sa'min.

"Uy, naaalala niyo ba si Sunny na naexpelled dati? May sakit pala 'yun." pagbasa ko sa chat ni Miggy.

Bilang mga journalists, lagi kaming updated sa mga balita hindi lang sa loob ng campus kundi sa buong mundo.

Chismosa of the Year and not Journalists talaga dapat!

Wala naman kasing limitasyon ang mga tulad namin. Pwede mong palaganapin ang katotohanan ng walang takot hanggang sa gusto mo.

At hindi bihira ang mga tulad namin dahil madaming tao ang takot sa katotohanan. Meron din namang mga taong pilit na pinagtatakpan ito kahit singaw na singaw na para sa mga pansarili nilang intensyon.

Mahirap mabuhay dahil walang tiyak sa mundo pero hahayaan mo bang mas pahirapan ka dahil tinatago sa'yo ang totoo?

Sa mga oras na pakiramdam kong mag-isa ako, journalism at The Phantom ang kinapitan ko.

Dahil pinapaalala nila na kailangan ko lang maging totoo kaya ayon ang ginawa ko.

"Magkita-kita na tayo miss ko na kayo." chat ni Ahmad sa GC.

Clingy mo naman bestie, but same!

"Ano na bang ganap sa journ Ahmad?" tanong ni ate Teresa.

"Printing na Dyaryo natin tapos 'yung second batch ng T.P. nagsisimula na gumawa ng second issue." sagot naman niya.

"Kaso nahihirapan naman sila sa paggawa." dagdag pa niya.

"Ha? Bakit, di'ba magagaling sila?" nagtatakang tanong naman ngayon ni ate Teresa.

"Di nga namin alam ni Ms. Myrtle 'e, baka tinatamad lang sila." sagot ni Ahmad dito.

"Ay ano ba yan ang pangit!" sabi naman ni ate Queen.

"Stress na nga si Ms. Myrtle kasi ayaw daw makinig sa kaniya." pagkwento ni Ahmad.

"Baka kulang lang sa moral support?" sabi naman ni Yuri.

"Baka sa bondings kamo. Kailangan nila ng inspirasyon kung pano matuto makisama para maging close sila." sabi ko.

"Kaya nga 'e, ganyan din naiisip namin na dahilan kasi as in hindi sila nag-uusap sa meetings ng katulad sa'tin na nagkukulitan pa. Tahimik lang sila 'e may mga sariling mundo." pagsang-ayon naman ni Ahmad sa sinabi ko.

"Bisita kayo minsan, busy ba kayo?" tanong nito sa'min.

"Hindi naman gaano kasi walang gawain sa Church ngayon." si Yuri ang sumagot.

"Si @Eunice kaya?" tanong ni ate Queen.

"May gagawin ako pero kaya naman siguro tapusin ng maaga." sagot niya.

"Hala ayun pala 'e punta kayo bukas at manggulo tayo!" sabi ni Ahmad, halatang excited.

"Bat ako 'di niyo niyayaya?" sabi ko.

"Kahit naman hindi ka yayain lagi ka naman napunta." sagot ni Ahmad, totoo lang.

"Bukas ha punta kayo lahat! Anong oras kayo pupunta? Agahan niyo na para matagal tayong magkakasama free naman kayo 'e." pagkukumbinsi pa nito.

"Hala sakto dadalawin ko lola ko bukas sa MC." pagsulpot naman ni Tracy bigla.

"Saan ba magkikita sa A.C. Ahmad?" tanong ni ate Teresa.

"Sa lobby 1 na lang tapos sabay-sabay na tayo umakyat sa fifth floor." sagot niya.

"Sige." ani ate Teresa.

"Hoy sure kayo bukas ah? Sabihan ko na si Ms. Myrtle para papuntahin niya lahat ng bago para mameet niyo!" sabi ulit ni Ahmad.

Kinabukasan ay nalate ako ng gising tapos pinagbantay pa ako ni mama saglit ng bahay kasi may pinuntahan siya kaya kinailangan ko muna siyang hintayin bago ako makaalis.

"Hoy, @Kybelle asan ka na buhay ka pa ba andito na kaming lahat." sabi ni Ahmad.

"Oo papunta na maya-maya." sagot ko naman.

"Wow ganda ka ba?" sabi pa uli niya na hindi ko na pinansin kasi naririnig ko na 'yung kotse sa labas.

Nandito na si mama!

Kinuha ko na ang bag ko at sinalubong ko na siya sa labas.

"Ma, alis na'ko!" paalam ko sa kaniya at sumakay na ng jeep.

Tumatakbo na ako sa hagdanan papunta sa classroom kung nasaan sila.

Ano ba 'yan, ang haggard ko na hindi pa ako nakakarating.

Pagdating ko'y naabutan ko silang nag-iingay, magulo ang classroom at hiwa-hiwalay ang mga upuan.

"Ayan na oh!" sabi ni Eunice pagkakita sa'kin.

"Tagal mo naman." sabi ni Tracy.

"Tumakbo na nga ako 'e, tignan niyo naman pawis ko." sabi ko naman at umupo sa tapat ng aircon.

"Akala ko ba nandito lahat?" tanong ko, nagtataka.

"Oo nga kanina, late ka na kasi kaya hindi mo na naabutan." sabi ni ate Queen.

"Oy, guise ito pala si Kybelle. Kilala niyo na siya di'ba?" sabi ni Ahmad sa lahat kaya nabaling sa'kin ang kanilang attention.

"Siya ba 'yung sinasabi niyong nanlibre sa McDo?" sabi ni SJ kay Neville.

"Oo siya 'yon. Hi ate!" pagbati niya sa'kin.

"Hello, anong ginagawa ninyo?" tanong ko.

"Articles po." sabi naman nung isang babae na itinigil ang pagsusulat para kausapin ako. Janel yata pangalan niya kung hindi ako nagkakamali.

"Kybelle may napag-usapan kami kanina." pagpapaalam sa'kin ni Ahmad

"Ano?" tanong ko.

"Susubaybayan natin sila sa paggawa ng Dyaryo. Bawat estudyante nakatoka sa'ting B.O.E.'s." sabi niya.

"Wow, ha! Seryoso ka ba d'yan? Ano sila Elementary?" sagot ko naman, hindi makapaniwala.

"Ay Ms. Myrtle nagrereklamo oh, hindi na daw sila Elementary para bantayan pa!" pagsusumbong naman niya agad sa SPA.

"Hayaan mo siya. Salamat na lang sa lahat." sabi sa'kin ni Ms. Myrtle.

"Welcome." sagot ko naman.

"Ayaw mo sa'min ate?" sabi ni Keith kaya napalingon ako sa kaniya.

Oo, kasi siya lang naman gusto ko.

"Ayaw mo ba?" tanong ni Ahmad.

"Hayaan mo na Ahmad sakto lang naman sa bilang natin 'e. Anim na lang sila oh!" sabi ni Eunice kaya hinayaan na nila ako.

Nanonood lang ako sa kanila habang pinapanood din ang mga nakatoka sa kanilang journalists magsulat ng articles. Tinitignan kung tama ang ginagawa at kapag mali, itatama nila.

Minsan naman ay dinadaldal ko si Ms. Myrtle at nanonood kami ng random youtube videos.

Pauwi na sana kami ng biglang may dumating.

"Ano ba 'yan Jedrick pauwi na sila tapos ngayon ka lang dadating." pagalit ni Ms. Myrtle dito.

Ako agad ang nakita niya pagpasok.

"Sorry po, late na kasi natapos 'yung game nila Jodi 'e." alibi niya naman.

"Wala ka ng gagawin." sabi ni Maria.

"Anong walang gagawin? Gagawa din 'yan article ngayon di'ba ma'am tapos uuwi na kami maiiwan siya dito? Ayoko pumayag pag hindi!" sabi ni Neville, ayaw magpatalo sa kaibigan.

"Narinig mo Jedrick? Babantayan ka ni Kybelle dahil wala yang ginawa kanina, nag-iinarte." utos ni Ms. Myrtle sa'min at napakamot na lang ako ng ulo, walang magawa.

"Tara na dito." inayos ko ang pinakamalapit na upuan sa'kin at naupo doon.

Sumunod naman sa'kin si Jedrick kaya napakunot ako ng noo.

"Tracy halika na tawagin mo sila Yuri." pagtawag ko sa kaniya.

"Girl, uuwi na kami hapon na." sabi niya naman.

"Ha, iiwan niyo ko? Sinong kasama ko?" tanong ko.

"Uy, Ahmad sabay tayo uuwi di'ba?" pagpapaalala ko sa kaniya.

"May gagawin pa'ko, bahala ka diyan." sabi niya naman.

"Patayin niyo 'yang aircon kapag natapos kayo ah." bilin ni Ms. Myrtle at sabay-sabay na silang umalis.

"Hoy!" tawag ko pa pero naisara na nila ang pintuan.

"Ano ba yan." pagrereklamo ko.

"Article." rinig kong sabi ng katabi ko.

Nagsisimula na pala siya.

"Isipin mo na lang ibang tao ako." sabi niya.

"Ibang tao ka naman talaga. Impostor!" sagot ko naman sa kaniya.

Hindi niya siguro inaasahan ang sinabi ko kaya natawa siya at napatingin sa'kin ng sarcastic.

"Ibang tao? Paano?" tanong niya naman nanghahamon.

"Wala! Tapusin mo na 'yan, para macheck ko na." utos ko, iniiba ang usapan.

"Sino nagsabing tatapusin ko'to?" aniya, nanghahamon.

"Ako!" sabi ko.

"At bakit naman kita susundin? Girlfriend ba kita?" sagot niya naman, namemersonal.

"Bakit, sa girlfriend ka lang ba dapat susunod? Dapat sa'kin din!" sabi ko pa, hindi na natutuwa sa usapan.

"Okay... pero hindi ako ibang tao, ako pa rin 'yun." sagot niya, nagpapatalo na.

Talaga ba? Sana hindi na lang, kasi ayoko na sa nang-iiwan sa ere.

"Saan ka pupunta? Wala ka na namang gagawin? Turuan mo ako dito at bantayan sabi ni Ms. Myrtle." pagtawag niya sa'kin ng umalis ako sa tabi niya.

"At bakit naman kita susundin? Boyfriend ba kita?" pagbabalik ko ng sinabi niya sa'kin.

"Bakit, sa boyfriend ka lang ba dapat susunod? Dapat sa'kin din!" panggagaya niya din sa sinabi ko.

Hindi ko siya pinansin at tumalikod na ulit, palayo na dapat ako sa kaniya ngunit nakuha niya ang braso ko at sinandal ako sa pader.

Ano bang meron sa braso ko at bakit hila siya ng hila? Puro buto na nga 'e, hindi pa naawa!

"Susundin mo ba ako?" aniya sa mabagal na boses habang nakatitig sa mga mata ko.

Nilabanan ko ang mga titig niya at pinilit ang sariling hindi matunaw sa mga ito.

"Hindi." matigas na sabi ko.

"Bakit?" tanong niya.

"Kasi hindi ako inutusan dito para magpaalipin sa'yo kaya pwede ba magseryoso ka na? Be professional at 'wag magpadala sa nararamdaman mo?" sagot ko sa kaniya.

"Bakit, ano bang nararamdaman ko Kybelle?" nanghahamon niya pang tanong.

Napangisi ako at tinignan ang labi niya.

"Mukhang hayok na hayok ka 'e." sabi ko at bigla niya akong binitawan sa hiya at lumayo.

"A-anong hayok? Saan?" tanong niya, nagkukunwari pa.

"Ewan ko sa'yo. Saan ba, Jedrick?" sabi ko sa malambing na boses, nang-aasar.

"Tapusin 'yung article." alibi niya naman.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA Okay. Sige na, tapusin mo na." sagot ko.

"Sabi magseryoso tapos tawa ng tawa." bulong niya sa hangin pero narinig ko pa rin.

"Bakit sino bang bigla-biglang manghahatak tapos sabay corner sa pader? 'Yun ba 'yung seryoso?" sabi ko naman sa kaniya.

"Whatever." aniya at pinagpatuloy ang pagsusulat.

"Alam mo napaka disrespectful mo, paano ka naging journalist?" pamemersonal ko na din.

"Maayos naman ako kapag wala ka." sabi niya naman na ikinagulat ko.

So, ayaw niyang nandito ako? Ayaw niya na akong makita?

"Pero masaya ako kapag nandiyan ka." dugtong pa niya, nakayuko na.

Ano ba naman 'tong lalaking 'to, bigla-biglang umaatake baka mamaya ako ang atakihin sa puso!

"Pwede mo naman 'yon magawa pareho." sabi ko, pinapagaan ang loob niya.

"Paano? 'E sa tuwing makikita pa lang kita, kahit sa malayo pakiramdam ko ibang mundo na ginagalawan ko. 'Yung mundong ikaw ang may-ari tapos gugustuhin ko na lang magpasakop sa'yo." seryosong sabi niya.

"Control yourself. Be firmed. Remember what you are. Hindi tayo palaging nasa Laguna kaya hindi ka pwedeng umasta ng ganiyan." sabi ko.

Hindi siya sumagot kaya nagsalita ako ulit.

"Kasama mo ako, tutulungan naman kita pero mas mahalaga ang tulong galing sa sarili mo. Sabi mo gusto mong magpasakop sa'kin di'ba? Ito 'yung mundong ginagalawan ko..." sabi ko pa.

"Totoo ba 'yang mundo mo?" tanong pa niya, mukhang nakukumbinsi na.

"Hindi lang totoo kundi matapang din sa lahat ng bagay." sagot ko, mula sa puso.

"Kahit sa pagmamahal?" tanong niya ulit, naninigurado.

"Kahit sa pagmamahal." sabi ko.

Natapos ni Jedrick ang pinapagawa ko at wala naman akong masyadong nabago doon sa sinulat niya dahil magaling naman na siya.

Aaminin kong napamangha niya ako ng totoo niyang tinutupad 'yung sinabi niya na makikinig siya sa'kin at nagtitiwala din siya sa sarili niya.

At totoo din talaga na he's the...

King of my heart.

────────────────────────────────────────────────────

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status