Share

010: Forever & Always

The way he makes poetry out of nowhere.

I knew it, it's him!

And he knows me!

Hindi ko pa rin makalimutan 'yung mga nangyari ngayong araw na'to.

First time ko yatang mag stay up all night ng hindi dahil umiiyak o nagsusulat kundi dahil masaya ako.

No plans for overthinking basta ang alam ko ay masaya ako.

Pero si Jodi...

Huminga ako ng malalim at kinuha ang aking cellphone.

"Jodi, are you there?" paghahanap ko sa kaniya.

"Can we talk, pls?" paghingi ko ng permiso niya.

"I have to tell you something." pag-amin ko.

"Alam mo ba andaming nangyari ngayong araw. Gusto mo bang malaman?" pag-alok ko sa kaniya ng hindi siya sumasagot.

Naghintay pa ako ng lima, sampung minuto, ng walang natatanggap na sagot galing kay Jodi hanggang sa makatulog ako.

Kinabukasan ay maaga pa akong nagising sa tunog ng alarm clock ko.

6 am pa lang at 7 am ang usual start ng routine ko every day kaya nagkaroon pa ako ng extra time para magsulat ng tula.

Oo, napakaaga at tula ang ginagawa ko.

I need to energized myself at dito sa pagsusulat ng tula ko naisipan maghanap ng lakas ng loob para humarap sa panibagong araw.

Writing is my rescue and I have to rescue myself at the beginning kasi walang nakakaalam ng mangyayari mamaya kapag nagkita ulit kami ni Jedrick.

I need to stay composed.

Pagkatapos kong magsulat ay siyang tunog ng alarm ko. Niligpit ko ang notebook at ballpen ko at saka lumabas ng kwarto upang mag-almusal.

"Mabuti naman at gising ka na. Kakahanda ko lang ng pagkain sa lamesa, kumain ka na." sabi ni mama.

"Ma, pwede ba ako ulit umuwi ng late mamaya?" tanong ko, nagbabakasakali.

"May lakad ka? Sige, titirhan ka na lang namin ng ulam." aniya.

Pumayag siya?

"H'wag na po ma, baka sa labas na lang ulit kami kumain ng mga kaibigan ko." pagpapaalam ko sa kaniya ng nakangiti.

Napatingin siya sa'kin at natigilan saglit.

"May mga kaibigan ka na?" tanong niya, nagulat sa sinabi ko.

"Opo, ma! Sa wakas di'ba?" nakangiti ko pa ring sabi.

May nanay na din ako.

Umaayon na sa'kin ngayon ang tadhana, nakakalungkot nga lang isipin na wala si Kyrine upang masaksihan ang lahat ng nangyayaring pagbabago sa buhay ko.

Pagkatapos kumain ay naligo na agad ako at naghanda ng umalis.

Pupunta ko ngayon ng Laguna para bisitahin si Ram sa puntod niya dahil never ko pa siyang napuntahan.

Kasama ko ang mga internet friends namin ni Ram.

Si Jodi din ay niyaya namin pero hindi siya sumasagot, hindi rin siya sumagot sa mga chats ko sa kaniya kagabi.

Ano kayang problema 'nun? Hindi naman siya gano'n 'e.

Para kay Ram din 'yung tula na ginawa ko kanina at balak ko 'yun basahin sa harapan niya at ng mga kaibigan namin mamaya.

Sayang nga lang kasi hindi niya na maririnig.

Hindi ko pa nga alam kung paano pumunta doon pero buti na lang ay kilala ko ang mama niya kaya tinuro niya sa'kin 'yung daan.

'Yung ibang mga kaibigan ko naman na kasama ko ngayon halos lahat nakapunta na sa Laguna kaya familiar na sila.

Ako lang talaga ang nag-iisang taga probinsya.

Sinabi din sa'kin ni tita Remy ay dadalawin niya din daw ang anak niya ngayon para may kasama kami.

Ang sweet naman ni tita, ang swerte ni Ram sa kaniya.

Palinga-linga ako sa biyahe, kinakabahan dahil ito ang first time kong lumuwas tapos mag-isa pa ako.

Hindi ako sanay makakita ng iba't-ibang tao at natatakot ako dahil baka maligaw ako.

At sa kasamaang palad, naligaw nga ako!

Malayo pa pala sa bababaan ko 'yung nababaan ko. No choice tuloy ako kundi maglakad at magtanong-tanong. Ingat na ingat pa ako sa sarili ko dahil baka may biglang mambastos sa'kin dito.

"Kuya saan po dito 'yung sakayan papuntang Forest Lake Memorial Park?" tanong ko sa lalaking nadaanan ko.

"Hindi ko alam, dayo lang din ako dito." sabi niya kaya bigla akong lumayo.

Nakakatakot 'yung itsura niya tapos namumula 'yung mata. Adik yata.

Napatingin ako sa iba dahil naghahanap ng mukang mabait pagtanungan ngunit halos lahat sila mapupula ang mata.

Jusko, ano ba naman 'to napadpad pa ako sa lugar ng mga adik!

Wala bang Superman d'yan na magliligtas sa'kin?

Uto-uto pa naman ako. Isang yaya lang sa'kin sasama talaga ako!

Kasi I always believe in the goodness of people.

Binilisan ko ang lakad ko kaya natapilok ako sa isang lalaki.

Ano ba 'yan, napakamalas naman ng araw ko.

Ganito ba talaga ang experience kapag first time?

Ganito ba talaga ang nangyayari kapag kinakabahan?

'E sa taga bundok ako at ngayon lang nakalabas ng bahay magmula pagkabata.

Dapat pala nagpasama na lang ako kay nanay kahit hindi pa kami gano'n kaclose.

"Huy, Kybelle kinakausap kita bakit nakatulala ka lang? Crush mo ba ako?" natauhan ako ng biglang nagsalita si Jedrick.

Ha? Jedrick?!

Nandito siya?

Napalingon ako sa likod at humarap ulit.

Putek, nandito nga siya!

Sa harapan ko!

Anong ginagawa niya dito?

"Pinagtitripan mo ba'ko?" tanong niya, nakakunot-noo at halatang naiinis na sa pinapakita ko.

"U-uy, hi! And'yan ka pala anong ginagawa mo dito?" tanong ko pabalik, mas kinabahan sa presensya niya.

"Ikaw ang tinatanong ko kung bakit ka nandito di'ba?" sabi pa niya, halatang naiinis pa din.

"Ay, tinanong mo ba'ko? Sorry hindi ko narinig occupied kasi isip ko. Tignan mo nga oh, ngayon lang kita napansin kung hindi mo pa ako tinawag." pagpapaliwanag ko.

Bakit ako nagpapaliwanag?! As if he care!

Bakit rin nag-uusap kaming dalawa as if wala siyang sinabing nakakairita kagabi?!

Hindi ko maintindihan ang nangyayari at mas naiinis ako!

Bakit nga kasi nandito din siya???!

"Hindi mo pa din sinasagot 'yung tanong ko." sabi pa niya na tila nauubusan na ng pasensya sa'kin.

"Why are you so grumpy?" tanong ko dito, kanina pa siya 'e!

Hindi niya ako sinagot at naglakad na.

"Huy, Jedrick ano ba! Wait for me, ayokong mag-isa natatakot ako!" sigaw ko at saka siya hinabol.

Lagi naman akong naghahabol sa kaniya.

Kailan ba 'yung siya ang naghabol sa'kin?

Pagkalapit ko sa kaniya ay bigla niyang kinuha ang braso ko at ipinulupot sa kaniya.

"Hoy, ano ba bitawan mo nga ako!" singhal ko sa kaniya ngunit hindi niya sinunod ang utos ko.

"Akala ko ba natatakot ka?" tanong niya, nakikipagmatigasan ang tingin.

"O-oo nga! Natatakot ako!" sabi ko, nauutal dahil sa gulat sabay iwas ng tingin, naiilang.

"Edi 'wag ka bumitaw para hindi ka matakot." sabi pa niya na nagpalambot ng puso ko.

Nakakatakot naman talaga bumitaw sa'yo.

Pero proud ako sa sarili ko kasi nagawa ko.

"Dito ka nga sabi sa'kin!" nagulat ako sa pagsigaw niya pagkatapos kong makawala sa kaniya.

Napatingin ako sa paligid at halos lahat nakatingin sa'min.

Inikot niya ako at hinila palapit sa kaniya at nasubsob ako sa dibdib niya.

Narinig ko 'yung malakas na pagkalabog nito.

Ha! Someone is kinikilig!

Huli ka pero 'di ka kulong!

Parang bumalik ang energy ko kanina at nawala ang takot ko.

Gusto ko na lang talagang kumapit sa kaniya at 'wag bumitaw.

Walang past, present lang.

Nang tumingala ako sa kaniya ay bigla niya akong tinulak at umiwas ng tingin, narealised siguro ang ginawa niya.

"S-saan ka ba talaga kasi pupunta? Sabihin mo na please?" sabi niya, nauutal kasi nahihiya.

Cute mo naman, kamukha mo aso ni Jashley.

"Sa Forest Lake." pagsagot ko, mabait na.

"Anong gagawin mo 'dun?" tanong niya ulit.

"May bibisitahin lang ako, ikaw bakit ka ba nandito?" tanong ko din sa kaniya.

"May inaasikaso lang." sagot niya naman.

"Ah, okay bye!" sabi ko at naglakad na ulit palayo sa kaniya.

"Hey, Kybelle wait!" pagtawag na naman niya.

Naiinis na talaga ako!

Ano bang gusto nito?

"Bakit na naman? Malapit na 'ko malate, magtatanong pa'ko ng daan." sabi ko, nagmamadali.

"Hatid na kita." pag-aalok niya bigla.

Ano daw?

"Saan?" tanong ko, kunwaring hindi alam ang tinutukoy.

"Sa cemetery." aniya.

"Ah, akala ko kung saan mo na'ko dadalhin 'e." sabi ko sabay ngumisi, nang-aasar.

"Bakit saan mo ba gustong dalhin kita?" tanong niya naman, makulit.

Pero okay lang, dahil narealised ko na madami pala akong gustong puntahan noon na hindi ko magawa, una dahil wala akong kasama, pangalawa ay hindi ako papayagan.

"Sa Tagaytay." sagot ko.

"Pero next time na, kasi mas mahalaga best friend ko kaya tara na." dagdag ko pa sabay hila sa kaniya.

Tahimik na kami ulit na naglakad at natatanaw ko na ang Cemetery ng bigla siyang huminto.

"Bakit?" tanong ko.

"Hindi ka ba bibili ng bulaklak? May nadaanan tayo kanina." sabi niya.

"Bakit ngayon mo lang sinabi kung kailan malapit na tayo? Ang sakit na ng paa ko, ayoko na bumalik." sagot ko naman.

Napabuntong-hininga siya at yumuko.

"Oh, 'diba pagod ka na din!" pagrereklamo ko.

Pero nagulat ako ng tinapik niya 'yung likod niya.

"Sumakay ka na bago pa magbago isip ko." pag-aalok niya kaya sumakay na'ko kasi masakit na talaga paa ko.

Bakit kasi ako nag heels?

"Mabigat ba?" tanong ko.

"Alin?" tanong niya din.

"Baka 'yung nararamdaman mo? Syempre ako!" pagbabara ko sa kaniya na ikinatawa niya.

"Hindi ka mabigat, hindi rin mabigat 'yung nararamdaman ko... after how many years." sabi niya at hindi na lang ako nagsalita.

Parehas lang naman kami ng nararamdaman 'e.

Pakiramdam ko din okay na'ko at napatawad ko na siya.

Pagkabili namin ng bulaklak ay sa wakas nagdiretso na talaga kami sa Cemetery.

Pagkapasok ko pa lang sa loob ay tumakbo kaagad ako papunta sa puntod ni Ram.

Wala pa si tita?

Wala pa din mga kaibigan ko.

Ano ba naman 'yung mga 'yon sila na nga mas malapit dito sila pa ang late!

Ang dami ko ng pinagdaanan sa journey ko makapunta lang dito, tapos sila? Hays, it's so unfair!

"Hi, Raaaaaam!" sigaw ko ng makalapit sa kaniya.

Agad namang lumapit si Jedrick at tinignan din ang puntod ni Ram.

"Kilala mo ba'ko, Ram? Hahaha!" sabi ko sa kaniya at naupo sa upuan. Sinabihan siguro ni tita 'yung care taker na bibisita kami kaya naghanda sila ng mauupuan.

Para akong batang ngayon lang nakapunta sa park.

Ang saya-saya ko. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Parang naglaho lahat ng paghihirap ko mula bata ako.

Kasi nandito si Ram.

Siya lang pala ang kailangan ko.

Tahimik lang si Jedrick na nakikinig sa mga kwento ko kay Ram sa mga bagay na namissed niya sa buhay ko simula 'nung mawala siya.

Minsan napapasulyap siya sa'kin, hindi siguro makapaniwala sa mga pinagdaanan ko.

"Pero alam mo ba Ram okay na'ko kasi nandiyan ka na." sabi ko sa kaniya ng nakangiti.

Biglang humangin ng malakas at muntik na akong matumba sa kinauupuan dahil sa patpatin kong katawan pero buti na lang nandoon si Jedrick sa likod ko at sinalo niya ako.

Nagkatinginan kaming dalawa at tumawa ako tapos siya naman ngumiti.

Nakakatunaw naman 'yang ngiting 'yan.

Napabalik ako sa pwesto ko ng may marinig na tunog ng sasakyan at lumabas si tita Remy.

"Hi, Kybs! Kanina pa kayo dito?" tanong niya sa'kin ng nakangiti.

Ang cute naman ng Kybs.

First time lang may tumawag sa'kin niyan.

"Hi, tita! Kakarating lang po namin. Naligaw pa nga po ako 'e tapos nakita ko 'tong lalaking 'to at nag offer siya na ihahatid niya na daw po ako dito." pagkwento ko agad.

Sobrang ganda naman talaga ng mood ko ngayon bigla, ano? Nagiging makwento ako out of the blue.

"Oo nga pala, aalis ka na ba Jedrick?" tanong ko sa kaniya.

"Ha? Bakit aalis na agad 'e kakarating ko pa lang?" nagtatakang tanong naman ni tita Remy.

"May inaasikaso daw po kasi siya dito sa Laguna tita." sagot ko.

"Okay lang po tita, may next time pa naman po para ayusin 'yun atsaka napagod din po kasi ako sa biyahe." sabi niya naman, nagbago ng plano.

Nagkwentuhan muna kami ni tita Remy tungkol kay Ram. Kung paano kami nagkakilala at kung bakit hindi ko alam kung anong tunay na nangyari sa kaniya.

Maya-maya pa ay dumating na ang iba ko pang kaibigan.

Si Sab, Kael, at kuya Larry.

Kaso wala si Jodi.

Pero mabuti na din siguro 'yon dahil hindi ko din kasi talaga siya kayang kausapin ngayong nandito din si Jedrick. Sa dinami-dami ba naman kasi ng taong makakasabay 'e!

"Wow, ang aga niyo ha!" pagsalubong ko sa kanilang tatlo.

"Girl, ang traffic kaya d'yan papasok sobra!" sabi ni Sab.

"Ay, weh totoo traffic? Edi swerte pa pala tayo noh?" paglingon ko kay Jedrick.

"Oo, tapos ang arte mo." sabi niya naman sa'kin.

"Excuse me sir, ikaw kaya maglakad ng malayo ng naka heels hindi ka ba mag-iinarte?" pagtataray ko sa kaniya.

"Hindi." sagot niya na mas nagpainis sa'kin.

"Naglakad ka?" sabi ni kuya Larry.

"Oo kuya kasi naligaw ako hahahaha." sagot ko naman.

"Ikaw lang 'yung naligaw na tuwang-tuwa pa." sabi naman ni Kael.

"Paano hindi matutuwa 'e may kasamang pogi." sabi naman ni Sab, pinupuri si Jedrick.

"Sab, ano ba wala ka talagang taste." sabi ko at umirap.

"Uy, gwapo nga si kuya! Anong pangalan mo? Jowa ka ba ni Kybelle?" pag-usisa niya naman kay Jedrick.

"Ano ba Sab tumigil ka na nga." naiinis kong sabi sa kaniya.

"Tinatanong ko lang naman 'e, ba't ka nagagalit, ha?" sabi niya, halatang nang-aasar.

"So, ano nga pangalan mo kuya? H'wag mo pansinin 'tong babaeng 'to." pangungulit niya pa dito.

"Jedrick." pagsagot ng kupal.

"Ay, ganern? Akala ko ikaw 'yung isang internet friend din namin, kahawig mo kasi." sabi niya at napatingin kami ni Jedrick sa isa't-isa.

"Tama na muna 'yan, kumain na muna tayo." pagsingit ni tita Remy.

"Oh, hi tita and'yan ka po pala hindi ka namin napansin sorry." sabi ni Sab.

"Pa'no mo mapapansin 'e gwapo lang naman nakikita ng mga mata mo." sabi ni Kael na punong-puno ng pagkain ang bibig.

"Ikaw nga hindi mo napansin si Jedrick kasi pagkain lang nakikita ng mga mata mo 'e." pagbabalik naman nito ng asar.

"At least hindi ako rejected ng pagkain." pagsagot naman ni Kael.

Nagbangayan pa silang dalawa at natatawa na lang ako... kahit kailan talaga sila.

"Anong gusto mong kainin?" napalingon ako kay Jedrick at lumapit sa kaniya para kumuha din ng pagkain.

"Shanghai syempre!" sabi ko.

"Mabubusog ka ba d'yan?" tanong niya.

"Sino ba nagsabing magpapakabusog ako?" tanong ko sa kan'ya, tinatarayan.

Hindi niya ako pinansin at nilagyan na lang ng pancit, chicken, biko at shanghai ang plato ko, nag-uumapaw.

"Hoy, ang dami! Sinabi ko na ngang ayoko kumain ng madami 'e." pagrereklamo ko habang ipinapadyak ang mga paa.

"Ubusin mo 'yan." utos niya at ibinigay sa'kin ang plato ko atsaka siya umalis, iniwan ako.

"Ayaw ko nga sabi!" sabi ko pa.

"Magagalit si Ram kapag nagtira ka ng pagkain, kukurutin ka niyan sige ka." sagot naman nito, nangongonsensiya.

Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kaniya sa tent para kumain ng nakabusangot pa din.

Hindi ako nagsalita at pilit na inubos ang pagkain sa plato ko.

Nasusuka na'ko!

Papansin kasi, bida bida.

Nang matapos akong kumain ay uminom agad ako ng tubig at lumayo sa kanila upang magpahangin.

Maya-maya naman ay sumunod sa'kin si Jedrick.

"Okay ka lang?" tanong niya.

"Oo." sagot ko at natahimik kaming dalawa ng nakatayo, pinapakiramdaman ang mga sarili.

Maya-maya ay napahawak ako sa bibig ko, napayuko at biglang tumakbo.

"Kybelle!" tawag niya sa'kin at hinabol ako sa C.R.

Naabutan niya akong nagsusuka kaya nilikom niya agad ang mga buhok ko at hinawakan ang likod ko.

Nang matapos ako ay agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Kita mo? Pinilit mo akong kumain ng madami 'e bawal nga sa'kin 'yon." sabi ko sa kaniya na ikinagulat niya.

"What? I'm sorry I didn't know... nagmamalasakit lang naman ako kasi ang payat mo." sabi niya, hininaan ang sinabi sa dulo, mukhang guilty.

"Kaya nga, I'm sick okay? I can't eat many at hindi na ako tataba kaya 'wag mo ng pilitin." pag-amin ko.

Napabuntong-hininga siya at muling nagsalita maya-maya.

"Okay... pero tayo ba pwede pang ipilit?" sabi niya.

Parang nawala ang sakit ng tiyan at ang nausea ko dahil sa narinig.

"Ano? Nagpapatawa ka ba?" sabi ko, pinipigilan ang sarili.

"Lahat ng pinipilit naiipit at kapag naipit bihira ng makaalis. May mga pangarap pa ako." sabi ko pa.

"but you said...

forever & always."

────────────────────────────────────────────────────

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status