Share

003: I Don't Wanna Live Forever

Sa wakas ang dami ko na ulit nakilalang mga tao!

Pakiramdam ko ay tinanggalan na ako ng posas.

Hindi ako makapaniwala dahil ang fairy tale nitong araw na'to kahit muntik na'kong mamatay.

Nagbukas ako ng twitter account ko at nag post ng picture ko na nakangiti at nakapangalumbaba sa lamesa at binabalandra 'yung bracelet na binigay sa'kin kanina ni Jashley.

Gumamit ako ng isang lyrics ni Taylor Swift para sa caption.

"I was enchanted to meet you." - Taylor Swift

Nakakuha 'yon ng doble sa bilang ng mga likes, retweets, at replies na madalas na natatanggap ko galing sa mga followers ko.

"Wow, you look gorgeous!"

"You're beautiful when you smile, please always wear that."

"I'm glad you've met someone today. FINALLY!"

Yes, you're right...

Finally.

Kinabukasan ay maaga akong gumising para pumasok.

Naglalakad ako papunta sa classroom ng bigla tumunog ang phone ko.

Huminto ako para basahin ang text message ni Jashley.

"Dito ka dumeretso sa gym nandito kami."

Pagkapasok ko sa gym ay nakita ko ang mga lalaking naglalaro ng basketball.

Agad kong nilibot ang aking mga mata upang hanapin sila Jashley at nakita ko sila sa pinakadulong upuan ng bleachers.

Naghintay pa muna akong lumipat sa kabilang ring ang mga naglalaro bago ako nagmadaling naglakad papunta 'don.

Medyo natagalan pa ako bago nakarating dahil nasa kabilang dulo sila.

"Kybelle!" rinig kong tawag sa'kin ni Jashley ng makita niya akong naglalakad papalapit at kumaway.

Ngumiti ako sa kaniya at nakita ko siyang pinausog si Rian na katabi niya para may maupuan ako.

Napangiti ako sa ginawa niyang 'yon.

She really treated me as her friend now huh?

"Bakit kayo nandito?" tanong ko sa kaniya pagkaupo.

"Nanonood ng practice nila Rayniel." aniya.

Doon ako muling napalingon sa mga naglalaro.

Mga kaklase ko pala ang iba dito.

Bakit hindi ko 'yun napansin kanina?

"Wala ba tayong klase ngayon?" tanong ko ulit sa kaniya.

"Absent si Ma'am Tina kaya naglaro muna sila." sagot niya.

"Buti at pinayagan sila?" nagtataka ko pa ding tanong.

"Kasali sa Basketball Team dito si Hans kaso sa Team B nga lang siya." nagkibit balikat siya.

Napatango nalang ako at ibinalik ang mga mata sa mga naglalaro para manood.

"Go Team Hans!" sigaw ni Mary para mag cheer at nakisali naman sa kaniya ang iba pati na rin si Jashley.

Gusto ko rin sanang makisali sa pag cheer nila pero nanahimik nalang ako.

Kahit mabait sila ay sa'kin ay hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay hindi ko pa kayang makipagsabayan sa kanila.

Maya-maya pa ay natapos na din ang laro at natalo ang team ng mga classmates namin.

"Olats! Sayang!" sabi ni Jerome.

"Okay lang 'yan pre! First try lang natin 'to. Madami pa tayong time para magpractice at magpagaling!" nginisian siya ni Dexter.

"Oo nga guise madami pang next time kaya magpalit na kayo at magsisimula na ang susunod nating klase." sabi naman ni Jashley.

Pagkaalis nila Dexter ay ang siyang pagdampot naman ni Jashley ng bola at niyaya ang iba pa naming kaklaseng babae para maglaro.

Nagtatawanan sila dahil walang kahit isa ang nakaka shoot sa kanila sa free throw line.

Lumingon sa'kin si Jashley at sinigawan ako.

"Kybelle, halika dito sumali ka sa'min!" aniya.

Umiling ako habang nakangiti bilang sagot at inirapan niya lang ako kaya mas lalo akong natawa sa inasta niya.

"Hoy!" Napabalik ang tingin ko sa kanila ng marinig ang sigaw ni Jashley.

Nakabalik na pala sila Jerome at inagaw nito ngayon ang bola kay Jashley.

Nagtawanan na naman sila dahil dinidribble ni Jerome ang bola at pinapalusot pa sa kaniyang binti kaya hindi ito makuha ni Jashley.

"Pahiram kasi naglalaro kami 'e!" sigaw ni Jashley sa kaniya.

"Tama na, baka magkasakitan lang kayo." sabi ni Jerome.

Napalingon si Jashley sa mga kasama niya at nakitang nag-aayos na ng gamit ang mga ito.

Tumayo na din ako at kinuha ang mga gamit namin ni Jashley at ibinigay sa kaniya ito.

"Jashley, tara na." pagyaya ko sa kaniya.

Kinuha niya naman ang mga gamit niya at humawak sa braso ko saka kami naglakad pagkalabas.

"Nagugutom ako." wika ni Jashley ng nakasimangot.

"Canteen tayo Ky!" paglingon niya sa'kin.

"May klase na tayo." sagot ko naman.

"Saglit lang naman tayo 'e. I take out ko nalang at sa classroom ko na kakainin." paghila niya sa'kin.

Lumingon siya sa mga classmates naming lalaki at nagpaalam.

"Una na kayo bibili lang kami sa canteen." aniya.

Kanin ang binili ni Jashley na may partner na kalamares dahil lunch time na samantalang ako ay bumili ng pitong malalaking chichirya kaya ganon nalang ang taka sa mukha sa Jashley ng magtanong ito.

"Chichirya para sa tanghalian?" nakataas kilay niyang sabi.

"May baon akong prutas at gatas." sagot ko.

"Wow healthy living tapos chichirya?" hindi makapaniwala niya pa ring tanong.

Tinawanan ko lang siya at kinuha na ang sukli.

"Salamat po." nakangiting sambit ko sa tindera at nginitian niya naman ako pabalik.

Napapansin kong simula ng pumasok ako ulit ngayong taon dito sa A.C. ay palagi na akong nakangiti hindi katulad noon na nakayuko lang ako at takot sa mga tao.

Nakakaginhawa pala sa pakiramdam ang maging masaya.

Pagkarating namin sa classroom ay pagod na pagod kami ni Jashley at mabuti na lang dahil wala pa ang prof namin.

May napansin akong lalaking nakaupo sa bandang dulo na hindi masyadong kita ang mukha dahil natatakpan ng ibang classmates ko.

Pansinin na matikas ang kaniyang katawan kahit nakaupo.

Napakunot ako ng noo dahil ka built niya ang isa sa mga lalaking nakilala ko.

Si Sean.

Pero alam kong impossibleng mangyari 'yon kasi estudyante lang din naman si Sean tulad ko.

He's wearing a plain light blue long sleeves polo, slacks, and black shoes.

Isinantabi ko ang mga iniisip ko ng marinig ang maiingay na jeep.

Nasa fifth floor kasi ang classroom namin sa first building kaya maririnig ang maiingay na sasakyan lalo na't dahil nakapwesto ako sa tabi ng bintana sa harapan.

Ngunit walang binatbat ang ingay ng mga jeep na ito sa ingay ng bunganga ng mga kaklase kong palaging nagtatawanan.

"Ang dami niyan Kybelle ah? Kaya mong ubusin lahat 'yan?" tukoy ni Luis sa mga bitbit ko.

"Para sa inyo 'to." nakangiti kong sagot sa kaniya at inabutan si Luis ng isa.

"Hala ang bait mo naman!" sabi ni Princess at kumuha ng sa kaniya.

"Thank You Kybelle!" sabi naman ni Lein at nginitian ko lang siya.

Lumingon akong muli sa harapan at kinalabit si Jashley.

"Pumili ka na ng gusto mo Jashley." pagkausap ko sa kaniya.

"Weh? Libre mo talaga 'to? Ang bait mo naman at gumastos ka pa ng 200 pesos para sa'min." hindi makapaniwalang sabi niya.

"Wala lang 'yan kumpara sa sayang binibigay niyo sa'kin." sagot ko ulit.

Biglang may pumasok na babae sa pintuan kaya napalingon kaming lahat.

She's wearing a black crop top, red heels, and a checkered pencil cut palda above the knee. Her hair is messy bun and she also has complete pieces of jewelry and whole makeup with red lipstick.

Fashionista!

"Hi?" nahihiyang sabi niya na may pilit na ngiti ng makitang lahat kami ay nakatingin sa kaniya.

Napaubo si Rayniel kaya sabay-sabay kaming napaiwas ng tingin.

"AB Journ?" pagbasag ni Jashley sa katahimikan.

Tumango naman ang babae at nagpakilala.

"Hi, I'm Kelley De Guzman! It's nice to meet you all I hope we can be friends." pagpapakilala niya.

"Of course!'' pagsigaw ni Rayniel kaya natawa kaming lahat.

"Can I seat beside you then?" natatawang sabi naman ni Kelley na ikinahiyaw ng lahat.

"That fast?!" paghalakhak ni Dexter.

"She's hot. Sana all!" bulong sa'kin ni Jashley.

"You're hot too." pag comfort ko sa kaniya.

"HOTdog maybe." sagot niya na ikinatawa ko.

Natahimik ang lahat ng may dumaan na lalaki sa gitna at tumayo sa harap.

"Good Afternoon class!" aniya.

'Yung lalaking tinitignan ko kanina sa likod!

Siya 'yung prof namin?!

Sayang! Gwapo pa naman kaso prof ko pala.

"Good Afternoon Sir!" si Kelley lang ang sumagot sa maliit na boses.

Napatingin ako sa kaniya sabay napakunot ako ng noo.

Did I hear it right?

Nilalandi niya si sir sa tono ng boses niya!

Napabalik ako ng lingon sa harapan ng kinalabit ako ni Jashley.

"Nakatingin sayo si sir!" bulong niya.

Nakaramdam ako ng takot dahil baka mapahiya kaagad ako sa kaniya.

Napatingin ako sa kaniya at nakita kong nakatingin din siya sa'kin.

Umiwas ako ng tingin.

Bakit ba siya ganito?

There is something in him that I can't recognize.

Ang alam ko lang ay naaalala ko si Sean sa kaniya.

"My name is Michael Zulueta but call me Sir Mike instead," he said calmly.

"Please sign the attendance." ibinigay niya ito kay Serena na nasa pinakaunahan.

Nang ilapag ni Jashley ang papel sa desk ko ay tinitigan ko muna ito ng ilang segundo bago ko hinawakan at sinulatan.

Maingat ang pagkakahawak ko dito at binagalan ko ang pagsusulat ng aking pangalan.

Hindi ko alam kung bakit ko ginandahan ang sulat ng pangalan ko doon.

Pagkatapos naming makapag sign lahat ay isa-isa niyang binasa ang mga pangalan namin upang makilala.

"Serena Ramos." pagtawag niya.

Nagtaas naman ng kamay si Serena at ngumiti.

Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit.

Kanina pa rin ako hindi mapakali simula 'nung makita ko siyang nakaupo sa likod.

Napabalik ako sa reyalidad ng huminto na ito sa pagtawag ng pangalan kaya napatanong ako kay Jashley.

"Natawag ka na?" tanong ko sa kaniya.

"Oo kanina pa." sagot naman niya.

Muli akong napakunot ng noo na agad napansin ni Jashley.

"Bakit ganyan itsura mo?" tanong niya.

"Hindi ako natawag?" tanong ko pabalik.

Sakto naman ay nagsalitang muli si Sir Mike.

"May hindi ba natawag?" aniya.

Agad na nagtaas ng kamay si Jashley.

"Sir, si Kybelle po hindi natawag." pagbabalita niya.

Tinignan ni Sir Mike ang listahan at hinanap ang pangalan ko.

"Kybelle Syria Vargas." pagbasa niya sa pangalan ko sabay tumingin sa'kin.

Damn!

Ang swabe ng pagkakasabi niya ng pangalan ko!

Naramdaman kong pinagpapawisan ako na hindi ko alam ang dahilan.

"Sorry ha, na missed kita." sambit niya ulit.

Naghiyawan ang mga kaklase ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Grabe ka naman Sir, ngayon pa lang kayo nagkakilala ni Kybelle miss mo na agad?" kita ko ang pang-aasar ni Hans.

Napaiwas ulit ako ng tingin.

"That fast?!" pagtuloy naman ni Dexter gamit ang linya niya na ikinatawa ng lahat.

Binatukan naman siya ni Jerome.

I don't know how to react to that!

"Baka naman matagal na silang magkakilala?" pagsali din ni Kelley.

Nahihiya ako.

Tumingin ako kay Jashley para manghingi ng tulong.

Magsasalita na sana siya ng maunahan siya ni Sir Mike.

"Enough with that and let's start," he said.

Nagsimula ng manahimik ang iilan pero may mga nagbubulungan pa rin na iba tungkol sa nangyari at tumatawa na halatang nang-aasar.

Hindi ko nalang sila pinansin at nagsulat na.

Patapos na akong kumopya sa blackboard nang makaramdam ako ng vibration sa upuan ko kaya binuksan ko ang bag ko at sinulyapan ko ang phone ko.

Nakita kong may isang text message galing kay mama.

Pakiramdam ko ay nabasag ako sa aking nabasa.

"Iniwan na tayo ni Kyrine. Patay na siya anak." saad niya.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatulala habang nakatitig sa text ni mama at pilit na iniintindi ito.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Dapat ba akong magtaka? Ano nga bang sinapit niya?

Dapat ba akong masaktan at magsisi dahil hindi pa ako nakakabawi sa kaniya?

Nagpaunahang bumagsak ang luha sa aking mga mata.

Ngayon pa lang ako nagsisimulang lumaban sa buhay ko.

Ipaglalaban pa kita Kyrine.

Pero bakit mo ako iniwan?

Bakit tinapos mo na ang kwento nating hindi pa nasisimulan?

Bakit hindi ka lumaban katulad ng paglabang ginagawa ko ngayon?

I don't feel myself again.

I'm back to red ink...

that fast.

I don't wanna live forever.

────────────────────────────────────────────────────

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status