Share

007: Gorgeous

Gumising ako ng may ngiti sa labi at kinuha ang aking cellphone.

Nauna na naman akong nagising sa alarm ko.

Ang saya talaga sa feeling kapag may nadiscover kang bago sa sarili mo tapos bonus pang nakahanap ka ng mga bagong kaibigan sa loob ng matagal na panahong paghihintay.

Dahil alam kong hindi 'yung pakikipag-away ni mama sa nanay ng kaklase ko 'nung elementary ang dahilan kung bakit nilalayuan ako ng lahat noon.

Alam ko na may something sa sarili ko kaya't ayaw nila akong kaibiganin.

Kung ano man 'yon?

Hindi ko alam.

Basta ang alam ko lang, ay ito na talaga siguro ako.

Nagmamadali akong kumilos at pumasok na sa School.

Mamaya pang hapon ang klase namin pero may meeting kami ngayon sa journ.

Siguro 'yung iba magrereklamo kasi ang daming gawain. Acads plus extra curricular na rush ba naman?

But the hell I care! Bakit ako magrereklamo 'e binigyan na nga ako ng chance ni Lord para patunayan ang sarili ko?

Kaya kong umangat kahit pakiramdam ko ay mag-isa ako buong buhay ko.

Habang nasa biyahe ay nagcheck muna ako ng Messenger at sunod-sunod ang tunog nito.

Ang daming pumasok na messages at galing lahat sa group chat ng The Phantom.

Nakakahiya tuloy sa ibang mga pasahero kasi hindi nakasilent ang phone ko.

Bakit ko pa gagawin 'yon, 'e wala nga akong kaibigan na makakausap diba?

Si Jodi lang, kaso wala akong pang Twitter or Telegram kaya wala akong matatanggap ngayon galing sa kanya.

"Nasan na kayo? Nandito na kami sa 3E1A. Bilisan niyo at pumunta na kayo dito." sabi ni Kang.

"Bakit hindi kayo nagsabi?" tanong ni kuya JM.

"Anong hindi 'e napag-usapan na 'yan kagabi di'ba? Pumunta na kayo dito magsisimula na kami magmeeting." seryosong sagot ni Ms. Myrtle.

"Sige ma'am papunta na po wag ka mahigh blood sakin. Bilhan na lang kita barbecue." pagbibiro ni kuya JM.

"Bilhan ka daw ng barbecue ma'am para doon ka mahighblood HAHAHAHAHAHAHAHA." paggatong pa ni Kang sa sinabi ni kuya JM.

"Bili ka din Kang tapos food trip tayo 'dun para sabay-sabay tayong ma highblood tapos hindi na tayo gagawa ng Dyaryo" pag-aaya pa ni kuya JM.

"Ma'am may tinatamad oh! Kick na nga yan!" pang-aasar ni Kang.

"Kapag nahighblood si Ms. Myrtle dahil kumain ng barbecue anong tawag?" pagsali ni Miggy.

"Edi Ms. Hassle! Laging higblood yun 'e sabi nga ni Chriselle sa'kin nagkwento siya once kinukuha daw siya bilang EIC ng Magdiwang tas 'nung umayaw siya pa galit." pagkwento ni kuya JM.

"Akala mo naman may kwenta siya 'e wala ngang sumasali sa kanila kasi hindi naman siya marunong." paglitaw ni Ahmad bigla para i-bash si Ms. Hassle.

"Tapos 'yung Dyaryo nila puro sulat niya lang din. Sariling sikap dugyot naman." pagdagdag ni Miggy.

"HAHAHAHAHAHAHA s***a ka Miggy." pagtawa ni Kang.

"Totoo naman 'e! Sariling sikap ka na lang bakit hindi mo pa galingan di'ba?" dagdag pa ni Miggy.

"Paano gagalingan 'e kung hindi naman talaga magaling?" pag realtalk ni Ahmad.

"Tanga Ahmad tanungin mo muna kung may talent ba muna siya sa Journalism. Baka nga kaya walang sumasali kasi 'di naman niya tinuturuan ng maayos." pagsali ni Kang sa bashing.

"S***a kayo, hindi niyo naman sinagot joke ko!" pagrereklamo ni Miggy.

"Ay nag joke ka ba Miggy?" pagtatanong kuno ni Ahmad.

"Kapag nahighblood si Ms. Myrtle dahil kumain ng barbecue anong tawag?" pagtatanong ulit ni Miggy.

"Edi bartle. Pwede ba ako magbartle ng dugo? Kailangan namin sample hehehe." pagsagot niya sa sarili niyang joke.

"Nag joke tas siya din sumagot" pagpuna ni Ms. Myrtle.

"Anong bartle? Barter?" pagtatanong ni kuya JM dahil hindi niya nagets 'yung joke.

"Bobo ka Miggy, barter yon!" pagtatama ni Ahmad.

"Kaya ka walang nakukuhang participants kasi ang korni ng jokes mo 'e." pang-aasar ni Kang.

"Barter ng dugo tapos kapalit ibang blood type. Papatayin mo ba kami Miggy?" pang-aasar din ni Ahmad.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" pagtawa ni Ms. Myrtle.

"'Wag kayo magdodonate kay Miggy kasi gagawa pa tayo Dyaryo." dagdag pa ni Ms. Myrtle.

"Oo nga s***a kayo pumunta na kayo dito. Trabaho tayo!" pagsermon bigla ni Ahmad.

"Akala ko nadala na sa kwentuhan gagawa pa din pala." kunwaring dissapointed na sabi ni kuya JM.

Tinigil ko na ang pagbabasa at pagtawa ng makarating na akong sa Walmart at tinago ang phone ko.

Grabe, ang saya talaga nila palagi.

Tatlong linggo pa lang kami magkakilala tapos parang close na agad sa isa't-isa.

Samantalang ako, sarili kong kapatid na kasama ko sa bahay mula ng ipanganak kami, hindi ko makabiruan ng ganyan.

Habang naglalakad papunta sa School ay bigla ulit tumunog 'yung phone ko.

"Si @Kybelle puro react lang." sabi ni kuya JM sa'kin.

"Lapit na'ko sa School, habol na lang ako." sagot ko.

"May dala ka ding barbecue?" pagbibiro ulit ni kuya JM.

"Seryoso ba 'yun? Kasi bibili talaga ako!" pagseseryoso ko naman.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA bilisan mo na pumunta ka na dito." pag-utos naman ni Ahmad sa'kin kaya sinunod ko siya at nagmadali na.

"Nandiyan ba si @Diana?" tanong ko ulit maya-maya.

"Gumagawa ako ng narrative report para sa immersion di ako makakapunta. Ikaw ba tapos ka na?" pagsagot naman niya agad.

"Oo, tinapos ko agad kasi madami pang gagawin sa journ 'e." pagsagot ko sa tanong niya.

Pagkadating ko ay nagsisimula na nga sila mag meeting. Pinag-uusapan nila 'yung mga past events na nangyari at kung may alam ba na makukuhanan ng data at photos.

"Yung nanalo si Manuel sa Math Contest pwede 'yun gawing hammer head." sabi ni Ahmad.

"Sige, ano pa? Uy, anjan na si Kybelle wala kang dalang barbecue?"pagpansin sa'kin ni Ms. Myrtle.

"Wala ma'am bakit gusto mo ba mahighblood?"pagtanong ko sa kanya pabalik.

"Oo nga ma'am sabihin mo lang sa'min kung gusto mo." sabi naman ni kuya JM.

"Hindi na kailangan, makita ko lang si Kang highblood na'ko kumukulo pa dugo ko." pang-aasar niya dito.

"Ang lakas talaga ng kamandag ko. Dapat pala nag MedTech na lang ako para instant volunteer ko lagi si Ms. Myrtle at hindi ko na kailangan maghanap. Di'ba, Miggy?" pang-iinggit naman nito.

"Wag niyo kong idamay diyan at Kang wag ka na magpakita dito para matapos na 'tong Dyaryo." pagbabalik niya ng sinabi ni Ms. Myrtle sa kaniya kanina.

Kahit nagmmeeting hindi pa rin nawawala 'yung asaran. Mabigat 'yung pinapagawa sa'min pero parang nagiging light dahil sa atmosphere.

At in fairness sa improvement ko dahil nakakasabay na ako sa kanila. One step at a time ika nga!

Napabaling ako sa katabi kong si Yuri na kaisa-isang nagsusulat sa notebook sa lahat ng tao dito.

"Anong sinusulat mo?" pagtatanong ko.

"Yung nakasulat sa board saka yung mga pinag-uusapan. Baka makalimutan edi mag-iisip na naman tayo mas mahihirapan lang."sagot niya.

"Ang sipag mo naman bakit sila hindi?"tanong ko ulit pero may halo ng pang-aasar.

"Okay lang 'yun saka isa lang naman talaga dapat ang magsulat. Magkakasama naman tayong lahat palagi 'e." seryoso pa din siyang sumagot.

Hindi lang pala maiingay at makukulit ang nandito dahil may seryoso din.

Ngayon alam ko na. Wala ng tanong na kailangan sagutin. Wala ng alinlangang namumuo sa isipan.

I belong here.

Magkakaiba man ng persona ang bawat isa, pagdating sa pagtuklas at paglantad ng katotohanan ay patuloy pa ring magkaka-isa ng magkasama.

Parang isang sinag ng araw na sa sobrang liwanag pati ang bahaghari ay nakiisa at nakisaya kaya ang buong paligid ay gumanda.

Kinuha ko ang phone ko at nagconnect sa wifi ng School at gumawa ng poetry para sa araw na 'to and I posted it on twitter.

I'm an actress,

you're buttress

and you made me breathless.

I count on using abacus,

you're so gorgeous.

────────────────────────────────────────────────────

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status