Share

002: Red

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan na gano'n pa rin ang every day routine ko.

Magkukulong sa kwarto, mag-iisip kung bakit ganito ang pakikitungo sa'kin ng mundo, iisipin 'yung mga pangyayari na gusto kong mangyari sa buhay ko.

Hanggang sa hindi na kakayanin ng utak ko na mag-isip pa kaya idadaan ko naman sa paghagulgol sa isang sulok.

'Yan lang ang every day routine ko.

Mapabakasyon man 'yan o may pasok sa eskwela palagi lang akong nakakulong sa kwarto at lalabas lang kapag kakain o aalis na patungong paaralan until one day, I discovered the life in social media.

Loris and 63 others followed you.

Napangiti ako.

Nadagdagan na naman 'yung bilang ng followers ko dito sa twitter.

Ang mga taong 'yan, sila ang kasiyahan ko.

Pakiramdam ko belong ako dito sa online world dahil dito kaya kong ma express ang mga pighating nararamdaman ko hindi tulad ng mundong ginagalawan ko dito sa bahay.

Masaya dahil puro tawanan, maingay, at magulo, pero kahit gaano pa ito kasaya ay hindi ko madama.

Dahil wala akong halaga dito sa mundong ginagalawan ko.

Hindi ako napapansin kahit na anong gawin ko.

Kahit na may kailangan sila at alam nilang ako ang makakatulong sa kanila ay hindi pa rin nila ako kinakausap.

Namamanhid ako dahil sa pakikitungong ipinapakita nila sa'kin at hindi ko maramdaman ang sarili ko.

Nakakapagod umiyak habang nagtatanong sa Diyos kung bakit ganito kasaklap ang buhay ko.

"Have you heard the news?"

Mas napangiti ako ng may pag-aalala sa sarili ng mabasa ang chat ni Jodi, ang pinakapaborito kong tao dito sa online world.

"What news?" tanong ko.

"Ram is dead." sagot niya.

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya at nagtipa kaagad ng sagot.

"Ha? Ram? As in Ramkiel?" tanong ko ulit para maliwanagan.

"Yes." sagot niya ulit.

Napuno ng takot, kuryosidad at lungkot dito sa loob ng kwarto dala ng halo-halong nararamdaman ko ngayon.

"As in si user itsramkiel?" tanong ko ulit para masiguro.

"The one and only." pagkumpirma niya.

Si Ram? Bakit? Anong nangyari? Parang kahapon lang 'nung magkausap pa kami tapos ngayon kasama na siya ni Lord?

"What happened to him? Kelan pa?" tanong ko habang nagbabadya ng bumagsak ang mga luha ko.

Bakit ganito? Bakit kinuha sa'kin si Ram 'e isa siya sa mga taong nagpapasaya sa'kin! Ngayon ko pa lang nararanasan maging masaya tapos ipinagkakait na kaagad.

May expiration ba 'yun?

Dali-dali akong bumisita sa profile ni Ram pagkatapos ko mag reply kay Jodi.

"Ngayon lang daw. Ayaw sabihin kung bakit siya namatay pero nagsend ng picture 'yung nanay niya kay Sab legit daw talaga. Hindi nga ako makapaniwala 'e." ang sagot niya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng mabasa ko ang huling tweet ni Ram na smiley emoji tatlong araw ang nakakaraan.

Alam ko ang ibig sabihin 'nun kung hindi ako nagkakamali.

"Taga saan ba si Ram?" tanong ko ulit kay Jodi na puno ng kaba.

"Why? Sa Laguna. Don't tell me maglalamay ka?" tanong niya pabalik.

"Baka payagan." bulong ko sa sarili ko.

Bumungtong hininga ako bago nagtipa ng sagot.

"Alam mo namang kahit gustuhin ko hindi ako papayagan ano ka ba."

Dahil kahit hangin lang ako para sa pamilya ko, pagdating sa mga ganitong pagkakataon ay pinagbabawalan ako.

Naalala ko 'nung elementary ako, niyaya ako ng classmate ko na maglaro sa bahay nila pagkatapos ng klase tapos sinugod ako doon ni mama na may dalang pamalo at pinauwi ako.

Nagkasagutan pa sila 'nun ng mama ng classmate ko dahil ang sabi ng mama niya ay bakit daw ayaw akong payagan makipaglaro sa anak niya.

Pagkatapos ng araw na 'yon hindi na ako pinansin 'nung classmate ko kahit sa klase.

Palagi na din akong hinahatid sundo ni mama hanggang sa mag Junior High School ako.

Never ko talaga naintindihan 'yung takbo ng utak ng pamilya ko.

Hindi ko na alam kung saan pa ba ako lulugar sa pamamahay na 'to.

"Edi tumakas 'te! Ikaw na nga nagsabi sa'kin diba na hindi ka naman nila napapansin? Edi wala din silang pakialam kung mawala ka sa inyo kahit isang araw lang. 'Wag ka na kasi magpaalam ganyan na nga trato sa'yo magpapakabait ka pa rin?" reply niya na para bang sinasabi niyang ako na ang pinakatangang tao sa buong mundo.

"Ayoko Jods." pagdedesisyon ko.

"Try mo lang ano ka ba hindi 'yung nakakulong ka lang dyan sa kwarto mo palagi at kaharap ang computer. Unwind, unwind din 'te masaya 'yon!" pamimilit pa niya.

Hindi na ako nagreply pa kay Jodi at nag logout na.

Nawala na ako sa mood kumausap ng kahit na sino.

Akalain mo 'yon? Parang kahapon lang 'nung namamalimos pa ako ng makakausap tapos ngayon inilalayo ko naman ang sarili ko sa mga tao?

Naalala ko bigla ang mga memories namin ni Ram.

Siya 'yung pinaka una kong naging kaibigan dito sa twitter.

Siya 'yung unang nagfollow sa'kin tapos nanghingi ako sa kaniya ng iba pang followers hanggang sa mas dumami pa 'yon.

Palagi kaming magkausap sa messages hanggang umabot sa Telegram, Text, at Messenger.

Naglalaro din kami ng werewolf sa tele, connect 4, sabay kaming mag near group sa messenger at madami pang iba.

Si Ram ang unang nagparamdam sa'kin na deserve kong mabuhay kaya sobrang hirap para sa'kin na tanggapin 'yung sinapit niya.

I owe my life to him.

Nakatitig lang ako sa kawalan ng biglang tumunog ang alarm ko kaya napabangon ako bigla sa kama.

First day ngayon ng klase ko sa college kaya kailangan ko magmadali dahil hahanapin ko pa ang assigned room ko.

Nag-ayos na ako kaagad at pumunta sa kusina para kumain.

Wala na akong naabutan dahil nakaalis na sila mama at papa para pumasok sa trabaho.

Gano'n din si Kyrine para pumasok sa eskwela. Junior High School student na siya at nag-aaral siya sa Presto Academy na malapit sa company na pinagtatrabahuhan ni papa.

Ako naman ay sa Alwyn College nag-aaral bilang sophomore AB Journalism student. Dito na rin ako nag-aral ng Senior High kaso ang strand ko ay TVL. Late ko na kasi narealised na para sa akin pala ang pagsusulat kaya mabuti na lang talaga ay naging part ako ng The Phantom Publication noon na sobrang naenjoy ko kaya pinagpapatuloy ko ngayon ang journalism.

Pagkatapos ko kumain ay umalis na kaagad ako at ni lock ang bahay bago naglakad sa kanto para mag-abang ng jeep.

Walking distance lang sa school ang bahay namin pero dahil nagmamadali ako ay sumakay na ako.

Mayaman ang pamilya namin pero hindi naman ako belong sa kanila kaya sila lang 'yung mayaman kaya kailangan ko matuto tumayo sa sarili kong mga paa.

Although, nag-iiwan sila ng pera sa lamesa ng kwarto ko para may pambaon ako sa School.

Palagi namang puno ng pagkain ang refrigerator namin dahil madalas mag shopping si mama at Kyrine kaya wala akong problema.

Nagmamadali akong bumaba ng jeep dahil nastuck ako sa traffic papunta sa School.

Nagulat ako ng muntik na akong mabingi dahil sa pagbusina ng isang sasakyan habang tumatawid ako.

I ALMOST DIED!?

Sa sobrang gulat ko ay napako ako sa aking kinatatayuan.

At sa pagkakataong 'yon ay hindi ko na maramdaman ang sarili ko.

Namamanhid na naman ako.

Hindi ko namalayan na may humila na pala sa'kin at itinawid ako sa kalsada.

"Miss, are you okay?" tanong ng lalaki.

Muli akong lumingon sa kalsada kung nasaan ang kotseng muntik ng makasagasa sa akin at wala na ito.

"Miss? Are you hurt?" tanong niya ulit ng hindi ako sumagot.

Lumingon ako sa kaniya at nagsalita.

"Okay lang ako." maikling sabi ko bago tumalikod at maglalakad na sana paalis pero muli akong humarap sa kaniya.

"Salamat." sabi ko ng may tipid na ngiti.

"Kybelle nga pala." pagpapakilala ko sa kaniya sabay abot ng aking kamay.

Mukhang nagulat pa siya dahil nagpabalik-balik pa muna ang mga mata niya sa'kin at sa kamay na inaabot ko bago niya ito tanggapin at nagpakilala.

"Sean Charles. You can call me Sean." sabi niya na may mangha sa mukha.

Sandali akong natigilan ng may napansin akong isang lalaking familiar na naglalakad sa likod ng lalaking kaharap ko. Nakasuot ito ng sunglasses at balot na balot ng jacket ang katawan.

Ang init-init kaya?!

Nakaramdam ako ng inis ng magtama ang tingin namin kaya agad akong umiwas at isinantabi na siya sa isipan dahil baka nagkakamali lang ako kasi hindi naman gano'n pumorma 'yung lalaking nasa isip ko.

"Nice meeting you, Sean but I should go now, I'm late already for my first day kasi. Thank You for helping me!" paalam ko sa kaniya ng mabilis bago tumalikod at tumakbo papasok sa Campus.

Pagkarating ko sa classroom ay nandoon na ang ilan sa mga blockmates ko at nag-iingay na.

Umupo ako sa pinakaharapan dahil puno na sa likod.

Nagulat ako ng may tumabi sa'kin bigla na babae at kinausap ako.

Tama lang ang height niya at straight ang kaniyang buhok na hanggang balikat. Maliit lang ang kaniyang mukha at singkit ang mga mata. Nakasuot siya ng red na checkered dress na may ribbon sa bandang itaas na parang pang chinese tapos rubber shoes na white. Mayroon din siyang red lipstick, at rosy cheeks. Maputi ang kutis niya at makinis ang balat.

Mukhang artistahin.

May lahi ba siyang Chinese?

"Hi, anong pangalan mo?" tanong niya ng nakangiti kaya mas lalo siyang gumanda.

"Kybelle Syria Vargas." sagot ko na naiilang.

"Hi, Kybelle, I'm Jane Ashley Cortes but you can call me Jashley." sabi niya ng nakangiti pa rin.

"Hi, Jashley, it's nice to meet you!" ngumiti ako sa kaniya ng kinakabahan.

"Can I seat here beside you? Para may katabi ka! Hindi ka talaga nila tatabihan dito dahil mga team likod 'yang mga 'yan." tanong niya sabay dinilaan 'yung mga tao sa likod at tinawanan siya ng mga ito.

Mukha siyang isip bata.

"No problem." pagsang-ayon ko sa kaniya.

Wala din naman akong magagawa kahit na ayaw ko. Isa pa, hindi ko naman pag-aari itong classroom kaya wala akong karapatan na hindi siya paupuin.

"Paabot ng bag ko panget!" sigaw niya sa isang blockmate namin na lalaki sa likod.

Binato niya naman ito kay Jashley at tumama 'yon sa mukha niya kaya nagtawanan na naman sila.

Inirapan sila ni Jashley at umupo na sa tabi ko at humarap sa'kin.

"Section 1 ka dati?" tanong niya at tango lang ang isinagot ko.

"Alam mo ba pangarap ko dati mapunta sa section 1 kaso late ako nakapag enroll kasi nagkafamily problem kami. Dapat nga hindi na ako magproceed sa college." pagkwento niya.

"I'm glad you didn't stop." sabi ko habang nakatingin sa kaniya.

"Yeah, ayaw ko din kasi magsayang ng taon." sagot niya at hindi na ako umimik pa pero nagtanong na naman siya.

"Since when ka nagka interest sa Journalism? Do you have background already?" pambubusisi niya sa buhay ko.

Napabuntong hininga ako bago sumagot.

"Yes, I have. Nagkaroon ako ng Publication 'nung SHS." sagot ko.

"OMG same!!!! Ang saya noh?" sabi niya.

"True, lalo na kapag gusto mo talaga 'yung ginagawa mo." wika ko ng nakangiti, naaalala ang mga memories noon.

Biglang dumating 'yung professor namin for first period kaya naputol ang usapan namin ni Jashley.

Buong araw ay ganun ang nangyari. Nagpakilala lang silang lahat at nagbigay ng rules and regulations at ilan pang mga requirements sa kaniya-kaniya nilang subjects ngayon dahil first day pa lang naman.

"Tara na sa tambayan Jashley." pagyaya ni Rayniel, na isa sa mga blockmates naming lalaki dahil siesta time na.

"Mauna na kayo hinihintay ko pa si Kybelle." sagot niya.

"Sumama ka na sa kanila Jashley. Hindi pa naman ako gutom saka may dadaanan pa din ako." sabi ko sa kaniya.

"Sinong pupuntahan mo? Boyfriend mo?" tanong niya.

"Wala akong boyfriend sira!" sagot ko sabay tawa.

Ano naman ang pumasok sa kokote 'nun at naisip niya bigla na may boyfriend ako?

Never again.

"Jashley, tara na!" pagtawag ulit sa kaniya ni Rayniel.

"Sige, mauna na kami Kybelle! Ingat ka!" pagpapaalam nito sa'kin bago pumunta kay Rayniel na nasa labas ng pintuan at hinihintay siya.

Pagkaalis nila ay kinuha ko sa bag ko ang baon kong tubig at prutas na orange at pears at kinain ang mga 'yon.

Habang kumakain ay iniisip ko ang mga susunod na mangyayari sa buhay ko.

Alam kong magbabago na ang takbo nito dahil sa loob ng mahabang panahon nagiging bukas na ulit ang mundo sa'kin .

Inayos kong muli ang mga gamit ko atsaka ako lumabas ng classroom at naglakad-lakad para mas makapag-isip ng mabuti dahil pakiramdam ko ay mababaliw na naman ako.

Hindi ako pwedeng maging mahina dito dahil maraming mga matang nakatingin.

Hindi ko alam kung nasaang parte na ako ng A.C. pero nakita ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa harap ng tatlong mga lalaki na may hinaharass na isang babae dito sa isang medyo tagong lugar.

Manipis ang kaniyang mga labi, makakapal ang mga kilay, at bilugan ang kaniyang mga mata. Nakasuot siya ng skirt, naka make up at kulot ang buhok.

Porket nakasuot ng skirt haharassin na nila?!

"Anong ginagawa niyo?" Hindi ko napigilang hindi magsalita sa inis.

"T-tulungan... mo'ko." Pag-iyak ng babae sa'kin sa mahinang tono at kitang-kita ang hirap sa kaniyang pagsasalita.

Sisigaw na sana ako para humingi ng tulong pero bago ko pa 'yon magawa ay bigla nalang binitawan ng tatlong mga lalaki 'yung babae at tumakbo.

Agad naman akong lumapit sa kaniya para tulungan siya makatayo ng maayos.

"Ayos ka lang ba? Anong ginawa nila sayo?" tanong ko sa kaniya ng may pag-aalala.

"Salamat! Buti na lang at dumating ka ng hindi pa nila ako nagagalaw! Salamat, maraming salamat." aniya at nagpunas ng mga luha at pinagpagan ang kaniyang damit.

"Sila talaga 'yung certified manyak na mga gangsters dito na High School Students. Kahit College Students ay hindi nila pinapalagpas. Wala silang takot kahit na kanino. Nagulat nga ako 'nung tumakbo sila bigla ng dumating ka 'e!" dugtong niya sabay napa kibit-balikat sa pagtataka.

Maski ako ay nagtaka dahil sa nalaman ko na wala pala silang kinatatakutan.

Bakit nga ba biglang umalis 'yung mga 'yon ng makita ako?

"Dapat pinapareport niyo 'yon. Mas importante pa rin sa lahat 'yung safety ng students." sabi ko.

"May kapit kasi 'yung isa 'dun kaya walang magawa kundi hayaan nalang." sagot niya.

"Ako nga pala si Irish." pagpapakilala niya sa'kin.

"I'm Kybelle." sagot ko pabalik.

"Kybelle? Nice name!" pagtawa niya.

"Ikaw din." nakangiti kong sagot.

Ang gaan na kaagad ng loob ko sa kaniya katulad kanina ni Jashley.

Oo nga pala speaking of Jashley baka nakabalik na sila sa classroom!

"Sige Irish mauna na ako, mag-iingat ka na dyan ha?" pagpapaalam ko sa kaniya sabay takbo.

"Thank You Kybelle!" rinig ko

pang sigaw niya ng makalayo na ako.

Napangiti ako.

Pagkabalik ko sa classroom ay wala pa sila.

Ang tagal naman ng mga 'yon!

Ang iingay kasi kaya malamang nagtatawanan pa rin sila habang naglalakad!

Maya-maya ay dumating na sila at namatay na naman ang katahimikan dito sa paligid.

"Ky, binilhan kita ng pagkain saka ng inumin. Sensya na ayan lang nakayanan ko 'e!" sabi ni Jashley na ikinagulat ko.

Napatingin ako sa binili niyang dalawang skyflakes saka isang tubig.

Nararamdaman ko ng umiinit na 'yung mga mata ko.

Bakit ba kasi ganiyan siya kabait at binilhan niya pa ako ng pagkain kahit hindi ko naman sinabi?!

"OMG, Thank You! Hindi ko naman sinabing bilhan mo ako 'e! Magkano 'to lahat? Babayaran ko na lang nakakahiya naman!" nahihiyang sagot ko.

"Okay lang, ano ka ba!" sabi niya ng nakangiti.

"Ito pa pala Ky! May nadaanan kaming Bazaar ng mga estudyante doon sa baba kanina. Buy 1 take 1 kaya bumili ako sayo nalang 'yung isa."

Inabot niya sa'kin ang isang oval shaped gold bracelet na may hook clasp at sa gitna nito ay may nakaengraved na "forever friends".

Natouch naman ako!

Friend niya na ako?

Kinuha ko 'yung skyflakes at 'yung tubig at itinago sa bag ko.

Busog pa naman ako kaya mamaya ko na lang siguro kakainin.

"Wow, Thank You so much! Pero para saan naman 'to? Bakit sa'kin mo ibibigay 'e ngayon pa nga lang tayo nagkakilala?" tanong ko.

"Remembrance ng unang araw tayong nagkakilala! Saka ano ka ba hindi mahalaga ang panahon noh, hindi 'yon sukatan ng pagkakaibigan kasi mararamdaman mo 'yun ng kusa." pagpapaliwanag niya.

Isinuot ko sa kanang kamay ko 'yung bracelet na binigay niya.

I'm not the red ink anymore and...

burning red.

────────────────────────────

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Red Pado
Nice story ...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status