Share

005: I Forgot That You Existed

"Her family doesn't love her."

"I pity you, Kybelle."

"I retweeted your poem. Thank me, pathetic girl."

Ilan lamang 'yan sa mga masasakit na salitang natanggap ko dahil sa ginawang pagkalat ni Val ng personal story ko.

I'm just starting to see the other side of the world but someone already blocks my way.

It was painful.

I don't think I can trust people again.

I cried the whole night because of that memory until I fell asleep.

Kinabukasan ay walang pasok kaya naisipan kong gumising ng maaga para pumunta sa gym.

Hindi ko yata kaya na mag stay lang dito sa bahay buong araw.

Dahil tiyak na magpapadala na naman ako sa sakit na nararamdaman ko.

Gusto ko munang umiwas sa mundo ng social media kahit saglit lang and have a healthy life.

Kahit papaano ay may mabuti ding naidulot ang pagkawala ni Kyrine dahil simula nang mawala siya ay hindi na gano'n kahigpit sa'kin sila mama kaya nakakalabas na ako ng bahay tuwing walang pasok.

Pero syempre may limitations pa rin kung saan lang ako pwedeng pumunta.

Pagkadating ko sa gym ay nagpalit kaagad ako ng damit.

Nakasandong puti at short ako na terno tapos white sneakers saka tinalian ko ang buhok ko.

Doon ako pumwesto sa treadmill na may kaharap na TV para nalilibang ako habang tumatakbo.

Makalipas ang trenta minutos ay may dumating na dalawang lalaki.

"Pre, dapat pala dati pa tayo lumipat dito sa gym na'to 'e. Hindi magkahiwalay ang babae at lalaki." rinig kong sabi 'nung isa.

Kita ko sa peripheral vision ko ang pagngisi nito.

Nakaramdam ako ng inis at mas binilisan pa ang kilometer ng threadmill at ng pagtakbo ko.

"Ayan ka na naman Jin baka mamaya mapaaway na naman tayo dito 'e." sabi naman 'nung isa.

Napalingon ako sa katabi kong babae ng bigla itong umalis.

"Umalis tuloy, tsk." rinig kong sabi ulit 'nung Jin.

"Nasaan na ba si Jedrick? Sabihan mo nagsisialisan na ang mga babae dito at kailangan na ng charms niya." dagdag pa niya.

"Papunta na daw siya." sagot naman 'nung isa.

"Tawagan mo nga Joven para sigurado. Baka mamaya mawala na naman bigla 'yun." pamimilit pa 'nung Jin.

Joven pala pangalan 'nung isa.

Hininto ko ang threadmill at nagpunas ng pawis saka ako bumaba.

Napatingin ako doon sa Joven at ng mapatingin din siya sa'kin ay bigla kong binaling ang tingin sa iba.

He has long brown curly hair, thick brows, and pinkish lips. He's also wearing a black shirt and pants.

Pumunta ako sa locker at kinuha ang mga gamit ko bago ako dumiretso sa comfort room para maligo.

Nagulat ako dahil ng mapadaan ako sa male comfort room ay nakita ko si Sean.

Nagtama ang mga tingin namin.

"Hi?" nahihiyang bati ko.

"Hey, you're Kyla right?" sabi niya habang nakataas ang kamay sa batok kaya kitang-kita ko ang adam's apple niya.

"It's Kybelle." sagot ko at tumawa.

"Oh sorry, dito ka din pala nag gym?" tanong niya na ikinagulat ko.

Marunong naman pala siya magtagalog 'e!

Naalala ko tuloy bigla si Sir Michael na kahawig niya.

"This is my first time actually." sabi ko sa kaniya.

"Why don't you make it regular so I could see you often?" tanong niya.

Nagulat ako sa sinabi niya pero parang wala namang malisya sa kaniya 'yon.

"I'll consider that." sagot ko.

"Where are you heading after this? Do you want to have some drink?" pagpapatuloy niya sa usapan.

"I'm going to the mall with my friends. Maybe next time we could hang out and drink 'coffee'." pag-alok ko sa kaniya as a sign of respect.

I emphasized the word 'coffee' dahil baka akala niya ay niyayaya ko siyang pumunta sa bar at mag-inom.

I'm scared to do that!

Baka mamaya kung ano pang magawa kong kalokohan habang lasing edi mas pinagkaitan na ako ng parents ko ng kalayaan?

"Sure, it's nice to see you again Bella." sambit niya at kinindatan niya ako bago pumasok sa loob.

Tulad niya ay dumiretso na din ako sa loob.

Habang naliligo ako ay naisipan ko na magpatugtog ng Lover ni Taylor Swift at sinabayan ito.

"Can I go where you go? Can we always be this close forever and ever? And ah, take me out, and take me home. You're my, my, my, my... lover." pagkanta ko.

Napahinto ako sa pagkilos ng biglang may idea na pumasok sa isip ko.

Paano kaya kung may manligaw ulit sa'kin?

Sasagutin ko ba?

I shook my head and I continue bathing.

It can't be.

I can't give love when I'm too fragile.

I can't give love when I don't know how to love myself.

Patapos na ako maligo ng biglang huminto ang tugtog dahil may pumasok na isang message galing kay Jashley at sabi niya ay nandoon na daw sila ni Kelley sa mall.

Pagkatapos kong mag-ayos ay napatingin na naman ako sa dalawang lalaking kasabay kong mag work out kanina.

Dumating na siguro 'yung isa pang hinihintay nila kanina dahil tatlo na sila doon na nag-iingay ngayon.

"Pre, bakit ba ngayon ka lang?" rinig kong tanong 'nung Jin.

"Napuyat ako sa article na sinusulat ko." sagot 'nung kausap niya.

Nakatalikod siya sa'kin but he's wearing dark blue shirt, short, at black rubber shoes. Matikas ang tindig niya kaya halatang nag work out talaga siya.

"Baka naman kaya ka napuyat dahil naghihintay ka ng reply 'dun sa ka chat mo tapos tinulugan ka naman pala." sabi ni Joven.

"Sino 'yang ka chat mo pre? Chicks ba? Baka naman may kaibigan pakilala mo'ko." sabi ni Jin.

"Shut up, Jin." naiiritang sabi nito.

Hindi ko na narinig pa ang iba nilang pinag-uusapan dahil nagtungo na ako sa labas at umalis.

Nagulat ako dahil pagkasakay ko ng jeep nakita ko si Irish.

"Uyy, hi punta ka din sa mall?" tanong ko sa kaniya.

"Yes, are you alone? Because I am!" sambit niya.

"My friends are waiting for me there." sagot ko.

May tumawag sa kaniya kaya naputol ang usapan namin hanggang makarating sa mall.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko para itanong si Jashley kung nasaang lugar sila.

"Saan kayo?" tanong ko.

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago sumagot si Jashley.

"Food court." sabi niya.

Papasok ng sana ako ng mahagip ng paningin ko Irish sa bandang gilid at umiiyak.

Lumapit ako sa kaniya at nagtanong.

"What happened?" tanong ko.

"Pinapauwi na'ko ni mama kasi daw wala akong kasama at baka daw mapahamak lang ako." sabi niya.

"Do you want to join us instead?" pag-alok ko sa kaniya sabay ngumiti.

Pagkapasok namin ni Irish ay hindi na ako nahirapan hanapin kung nasaang banda ng food court sila Jashley kahit madaming tao dahil doon lang naman sila nakaupo sa unahan.

"Ang tagal mo." sabi ni Jashley.

"Sorry, dumaan pa ako ng gym." sabi ko naman.

"Kailan ka pa nag gym?" tanong ni Kelley.

"Ngayon lang." sagot ko.

"Si Irish nga pala, taga Business Management." pagpapakilala ko sa kanila.

"Hi, Irish I'm Jashley and she's Kelley." pagpapakilala ni Jashley.

"Hello, Irish." pagbati ni Kelley.

"H-hi... I'm Hannah Irish Reyes. Irish na lang for short." aniya at tumingin sa'kin na animo'y nanghihingi ng tulong dahil nahihiya siya.

She's so cute!

Naalala ko na naman tuloy bigla 'nung nakita ko siyang umiyak kanina.

I shook my head at sumama na sa kanila.

Kung saan-saan kaming apat nagpunta.

Nalibot na nga yata namin pati sulok nitong mall!

Bumili kami ng mga damit, bag at sapatos.

Naglaro sa arcade at nag KTV.

Balak pa sana namin manood ng sine kaso malapit ng mag gabi at hahanapin na daw si Irish.

Sayang!

Mabilis na nakapalagayan ng loob nila Jashley at Kelley si Irish kahit mahinhin ito at malayo sa personality nilang makasat.

Muli nilang pinasaya ang araw ko dahil sa walang katapusang biro nila at kakulitan.

Pagkauwi ko ay balik na naman sa sitwasyong malungkot ang buhay ko.

Humugot ako ng lakas ng loob para magbukas ng social media.

Bumungad na naman ang ilang mga mensahe galing kay Jodi.

Hindi ko na 'yon binasa pa isa-isa and I just told her that I'm fine.

Pero kahit ilang beses ko sabihin na okay lang ako hindi ko maipagkakaila na natriggered na naman ang emosyon ko at may naalala na namang pangyayari sa nakaraan.

Still, I'm thankful because I have very supportive friends, and that matters most.

"Mabuti naman at okay ka na. Huwag ka na ulit malulungkot ha?" sabi ni Eros.

"I can't promise you that." reply ko.

"That's fine, basta I'm here if you need someone to talk to. Don't hesitate to reach out to me okay?" pangangako niya pa.

"Yes, Thank You! I appreciate you a lot." pagpapasalamat ko sa kaniya.

"Have you written again today?" tanong niya.

"No." pag-amin ko.

"Why? Don't tell me hihinto ka na dahil lang sa nangyari kagabi?" dugtong pa niya.

"I don't know." sabi ko.

"Why? Akala ko ba okay ka na?" naniniguradong tanong niya.

"Yes, I'm really fine but I don't think I'm ready to showcase myself. You know I'm new in this field." pagpapaliwanag ko.

"Erin, you will never be ready for anything. You just have to do it." pagpapagaan niya pa sa loob ko.

"Do you think I can do it?" tanong ko sa kaniya.

"Of course, you can! Nagawa mo na 'nung una ano pa kaya ngayon di'ba? Huwag mo din sanang isipin na hindi porket nakaranas ka ng betrayal, lahat na ng tao ay 'yun na ang gagawin sayo. There are still people who see you're worth and I'm proud because I'm one of that!" patuloy niya pa.

"How sure are you you're one of that huh?" reply ko sa kaniya na may pang-aasar.

Buong gabi ay nagkulitan lang kami ni Eros at dahil sa kaniya ay nakalimutan ko sandali ang mga problema ko.

He's right.

I'm so lucky I have my friends who see my worth.

After that conversation with Eros, I really tried my best to be better.

I learned how to control my emotions.

I become more persistent and passionate about writing...

until I realized that this is my rescue.

I smiled as I tweeted my realization poem in that memory.

My life twisted

as they insisted.

In a tier, I got listed

and it was resisted.

I become consisted

until...

I forgot that you existed.

────────────────────────────────────────────────────

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status