66'Leave alone my son or say bye to your brother.'Hindi mawala sa isip ko ang mga katagang huling sinabi ng mama ni Tyson bago niya ako iniwan mag-isa sa restaurant na iyon. Ni hindi ako makatulog sa isang araw na lumipas dahil nangangamba ako sa kapakanan ni Anton at nina Tiya Joan. Hindi ko pa man gano'n kakilala si Ma'am Ana ngunit alam kong kaya niyang gawin kung ano man ang sinabi niya. Alam kong kaya niya 'yon. May kapangyarihan siya para gawin 'yon. "Darling, you okay?"Napatingin ako sa gawing pinto nitong kwarto ni Tyson. Kanina pa ako nakaupo sa may kama habang hinihintay siya. Lumabas siya saglit dahil may tumawag sa kaniya.Dahan-dahan siyang lumapit sa gawi ko. Sumampa siya sa may higaan at gumapang palapit sa akin. Agad niya akong niyakap at marahan na pinaglaruan ang mga kamay ko."Do you have problem?" tanong niya. "I noticed you these past few days. You look bothered like there's something going on on your mind. Wanna tell me?"Hindi ako sumagot.Gumalaw siya at di
67“HAPPY BIRTHDAY, TINA!”Masayang binati ng mga taong kasama namin sa resort si Tina. Ikapitong kaarawan kasi nito. Dito ginanap sa resort kung saan may iba rin kaming kasama dahil public place pala ito. Nagkamali kasi ng sinendan si Manang kaya kahit na public place ito ay itinuloy pa rin namin ang okasiyon para kay Tina.“Blow the candle, baby.” Sabi ng katabi kong si Tyson.Nasa unahan kasi kami at nasa harap namin ang tatlong layer na cake na may design na mga Barbie. Katabi ko si Tyson habang karga niya si Tina at nasa gilid nila si Tj.Agad na hinipan ni Tina ang cake na muling nagpaingay sa mga tao na narito. Mahigpit naman na yumakap si Tina kay Tyson at hinalikan ito sa pisnge. Napangiti ako habang pinapanood sila.Nagtungo kami sa may lamesa namin at doon nagkwentuhan at nagsimulang kumain. Mabuti nalang talaga at medyo marami-rami rin ang handa ni Tina. May iba kasing bata na narito kaya binigyan nila ng pagkain. Ang iba naman ay tumanggi dahil mayroon din daw silang mga
68MAMA:HAve you come home already?MAMA:Tinatanong kita, babae!15 missed calls. Kakaupo ko palang sa sofa sa loob ng mansion nang ito ang bumungad sa akin. Tanghali na kami nakauwi dahil tangahli na nagising sila Tina. Napagod kasi sa kakalaro at pagbababad kahapon sa tubig kaya mga pagod. dumiretso na nga sila sa mga kwarto nila dahil inaantok pa sila pareho ni Tj. Sila Tyson at Joshua naman ay nilabas ang mga gamit namin. Tumulong din si Mel sa kanila. Huminga ako nang malalim habang binabasa ang mga message ni Ma'am Ana. Hindi lang isa, hindi lang dalawa kundi sampu. At lahat iyon ay iisa lang ang nilalaman. Puro 'nakauwi na ba kayo?' lang. Hindi ko alam kung bakit hindi niya pa alam kung nakauwi na ba kami o hindi. Hndi ba siya nagtanong kay Tyson o kay Cecille dahil alam kong malapit naman sila sa isa't isa. Marahan akong nagtipa ng mensahe para sa kaniya. Sa totoo lang takot pa rin akong makaharap siya. Pagtapos nang mangyari no'ng nakaraan, hindi ko alam kung kakayanin k
69MAMA:12 midnights, go outside. Someone will wait for you there and pick you up. If you want to see your brother alive then follow me. You probably don’t know what I can do, Jossa :)Buong gabi ako hindi mapakali. Buong gabi ako hindi makapag-isip ng maayos at tama. Hindi rin ako makausap ng maayos dahil tango at iling lang ang sagot ko. Magulo ang isip ko. Walang ibang nasa isip kundi ang kalagayan ni Anton. Paano siya napunta roon? Paano siya nakuha ni Ma’am Ana? Anong nangyari? Bakit gano’n ang hitsura niya sa litrato? Anong ginawa nila sa kapatid ko?Bakit ito ginagawa ni Ma’am Ana?“Sigurado kang ayaw mo talagang kumain? Kahit kaunti lang?” tanong ni Mel.Umiling ako.Kanina niya pa ako kinukulit at tinatanong na kung gusto ko nang kumain ngunit tanging iling lang ang sagot ko. Paano ako makakakain sa gano’ng sitwasiyon ng kapaitd ko? Wala akong gana.Nandito pa rin kaming dalawa sa may sala. Naiwan kaming dalawa dahil nagsipuntahan na ang iba sa kani-kanilang kwarto. Si Tyson
70TYSON’S POINT OF VIEW:I opened my eyes when I don’t feel anything beside me. I saw nothing but an empty space. Where is Jossa? I roamed my eyes around the room and sat down but I saw nothing. I didn’t see nor hear her. Where did she go? Lumabas? Bumaba? Tumayo ako at nagsuot ng tee shirt bago lumabas ng kwarto. I walked towards the stairs and went down while still looking for her. Wala man lang good morning kiss?“Good morning, daddy!” Tina was the one who noticed my presence first. Actually she’s alone lying on the mat while doing something. Hindi niya kasama si Jossa?“Good morning, baby.” I came near her and kissed her forehead. “Where’s Tj?”“Sumama po siya kay Kuya Josh, e. I don’t know where are they po.” Sagot niya. “Anyway, daddy, where is Yaya Mommy po? Tulog pa po?”My forehead creased. “Why?”“Eh?” she looked surprised. “I want to ask for hep to this po kasi, daddy.” She pointed out the paper on the table. “Is she still asleep po? What time po kaya siya gigising?”I c
71Seven years later..."Jossa, sabay ka na sa amin kumain!"Nagpunas ako ng kamay at agad na nilakad ang kaunting distansya kung nasaan sila Klay at Tisoy, mga kakilala ko rito sa trabaho ko.Pitong taon na ang lumipas.Pitong taon na simula noong nangyaring iyon. Ni kailan ma'y hindi ko nakalimutan. Kahit kailan ay hindi nawala o nawaglit sa aking isipan ang mga pangyayaring iyon. Mga pangyayaring alam kong kahit balikan ko pa ay wala ng pag-asa na mabuo muli.Masakit, oo.Ngunit kahit na gano'n ay tanggap ko na. Tinanggap ko na bago pa man ako magdesisyon. Katulad nga ng sabi ko noon, para rin iyon sa aming lahat— para sa ikatatahimik naming lahat.Sa lumipas na pitong taon, umasa ako na hahanapin kami ni Tyson. Umaasa ako na babalik sila rito sa probinsiya at kukuhain ako— kami. Umasa ako na magsasama ulit kami. Umasa ako na hindi masisira ang anomang nabuo naming relasiyon.Ngunit nagkamali ako.Umasa lang ako.Ni anino niya ay hindi dumating— hindi nagpakita. Ang sakit kahit na
72"Magandang umaga po, tiyang."Amoy sa buong bahay ang niluluto niyang tuyo. Inayos ko ang uniporme at umupo sa may lamesa. Humarap naman si tiya sa akin at ngumiti habang hawak ang pang-prito."Maaga pasok mo ngayon?" tanong niya. "Si Nene gising na?"Nene ang tawag niya kay Teinia."Opo, tiyang, marami kaming gagawin sa hotel ngayon," sabi ko at kumuha ng plato na nasa mesa at nagsandok ng sinangag. "Tulog pa po baka maya-maya pa ang gising no'n."Narinig kong pinatay niya ang kalan at humarap sa gawi ko. Naglakad siya palapit sa akin dala ang isang plato na mukhang nilagyan niya ng niluto niyang tuyo. Nilapag niya iyon at umupo sa harapan ko.Nagsimula naman akong kumain. Siya nama'y nagsandok din ng kakainin niya."Totoo nga ang sinabi nila Bethy." Biglang sabi niya at tinignan ako.Naguluhan naman ako. Si Aling Bethy ay ang mananaya na nakatira sa kabilang kanto. Ano naman kaya ang kinwento niya kay tiya?"Totoo ang alin, tiya?" Kumuha ako ng tuyo at nilagay sa plato ko. "May s
73"Anong nangyari? Bakit siya dinala rito?"Agad akong sinalubong ni Adrian nang marating ko ang hospital dito sa bayan. Hindi ko alintana ang pawis at gulo ng hitsura ko basta makita ko lang na ayos ang kalagayan ng anak ko. "Sabi ng doctor ay pagod daw," paliwanag ni Adrian. "Buong araw kasi siya puro laro sa labas ng bahay. Pero okay na siya ngayon. Pinagpapahinga lang ng doctor. Pwede na natin siyang iuwi pagkagising niya." Nakahinga ako nang maluwag. Umupo ako at sinapo ang noo. Mabuti nalang at gano'n lang. Hindi ko ata kakayanin kung may magiging sakit siya dahil sa kapabayaan ko. Tumayo sa akin si Adrian at hinawakan ang balikat ko. "Sorry kung binigla kita." Mahinang sabi niya. "Nabigla at natakot lang din ako. Nagpanic na ko kasi ito ang unang pagkakataon."Umiling ako at tinignan siya. "Hindi, ayos lang. Mabuti nga't nasabi mo agad. Magkano ang babayaran?" "Hindi ko pa naitatanong. May pera ka bang dala?" tanong niya. "Sensiya ka na wala akong dala dahil sa pagmamadal