Share

Friendly Date

Rhianna'sPOV

Wala namang masama kung tatanggapin ko ang alok ni Brandon na kumain sa labas. Friendly date kumbaga. Ang iniisip ko ngayon ay si Leo. Paano kung magalit siya? Natigilan ako. Bakit naman siya magagalit? Wala naman kaming relasyon. Hindi porket sinabi niya sakin na gusto niya ako ay pag-aari na niya ako. Hangga't di niya sinasabi na mahal niya ako may karapatan akong tanggapin ang alok ni Brandon. Mahal? Imposibleng sabihin sakin ni Leo ang mga bagay na yun.

"Oo. Pwede." wika ko.

Pagkasabi ko nun. Lumabas si Leo sa kwarto na nakasuot na ng damit pang-itaas tsaka nagtungo sa kusina. Ni hindi man lang siya lumingon samin. Alam kong narinig niya ang mga sinabi ko. Nasa gilid lang ng salas ang kwarto niya. Samantalang ang kwarto ko naman ay mismong nasa harapan ng salas. Galit ba ito?

"Sige maliligo at magbibihis lang ako." wika ko at tumayo na.

"Sige hihintayin kita Rhianna." sagot ni Brandon.

Binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti. Tinungo ko na ang kwarto kung sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status