Share

Suhol

Dahil sa hindi namin nahuli si Don Ysmael. Wala kaming nagawa kundi bumalik sa apartment. Habang sakay ng sasakyan na minamaneho ni Leo. Hindi ko maiwasang isipin ang mga binitawan niyang salita kanina. Tinatanong ko sa aking sarili kung may kulang ba sakin kaya hindi niya ako magawang mahalin. May mga katangian nang isang babae na gusto ni Leo na wala ako? Ayaw ko naman na ako ang una magsabi sa kaniya ng tatlong katagang iyon. Ayaw kong mapahiya. At tsaka ako nag babae, dapat lalaki ang unang magsasabi nang mga bagay na yun.

"Ang lalim ng iniisip mo Rhianna. Dahil ba ito sa hindi natin pagkahuli kay Don Ysmael?" tanong niya sakin.

Tumingin siya sa rearview mirror para tingnan ako. Gusto kong sabihin na mali ang sinabi niya. Gusto kong itama ang mga sinabi niya pero hinayaan ko nalang. Mas maganda na yun ang isipin niya. Tumango ako at nilingon siya.

"Oo. Pero alam ko naman na mahuhuli din natin siya. Darating din ang oras na masisilo natin siya. Alam ko naman nandyan ka e." wika ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status