HINDI matanggap ni Kate ang sagot ni Clarence kanina sa labas ng restaurant. Kitang-kita naman sa mga mata ng nobyo niya na may gusto ito sa kapatid niya. Hindi siya papayag na maagaw ni Mari si Clarence. Kailangan niyang gumawa ng paraan. But how? Kanina pa siya palakad-lakad sa hotel room niya. Kararating niya lang ng Baguio no’ng hapon mula Maynila gamit ang private helicopter ng Harrington para bisitahin si Clarence, ‘tapos madadatnan niya lang na kasama ang kapatid na kinamumuhian niya? Maya-maya pa ay biglang tumawag si Lydia na secretary ng lolo niyang si Cielo Harrington na ngayon ay chairman pa ng Harrington Group. “Yes, Lydia? Anong mero’n at napatawag ka?” inis niyang sagot dito. “Uh, Miss Kate. . . Wa-Wala na po si Don Cielo. Patay na po ang lolo niyo. Kailangan po kayo ngayon sa Manila.” Halos mabitawan ni Kate ang cell phone niya nang mapaupo siya sa kama. “Ano?! P-Paanong wala na si lolo? Anong nangyari?” mangiyak-ngiyak niyang tanong. Ang alam niya lang ay n
NAGSALUBONG ang mga kilay ni Kate nang makita niya si Clarence na sinusundan si Mari. Muling namuo sa puso niya ang galit dito dahil napapansin niyang nagkakamabutihan na ang dalawa. Inis na tumindig si Kate. “That bitch!” giit niyang sabi saka napakuyom ng kamay. Huminga siya nang malalim at nilapitan ang ina niyang si Silvana. “Mom, we need to talk,” aniya nang hawakan ang kamay nito saka hinila palayo sa mga bisita at kamag-anak. “What’s wrong, hija?” nababahalang tanong ng ina. Huminto sila sa likod ng chapel saka humarap si Kate kay Silvana. “Gusto ko nang magpakasal kay Clarence. Hindi ko na kayang maghintay, Mom!” Bahagyang napadilat ng mata si Silvana sa gulat. She didn’t expect that Kate would say this. Ngumiti siya rito saka nagsalita, “Why are you being hasty, my dear daughter?”“Ilang beses ko nang nakikita sina Clarence at Mari na magkasama, Mom. Hindi ko matiis na malayo si Clarence. Baka mamaya niyan ay maagaw pa ni Mari ang dapat sa akin!” desperadang salaysay
BIGLANG natahimik sina Clarence at Mari nang umalingawngaw sa apartment ang boses ni Kate. Nag-panic si Mari at natatarantang kinuha niya ang kanyang bag at ginala ang kwarto kung saan siya pwedeng magtago. She could feel her heart pounding in her chest. Agad na lumapit si Mari kay Clarence. “Sir Clarence? Anong gagawin natin? Saan ako magtatago?” “Hindi mo kailangan magtago, Mari.” Namilog ang mata ni Mari sa sinabi nito. “Ha? B-Bakit naman? Paano kung malaman ni Kate na nandito ako sa apartment mo?” “I don’t usually stay here kapag nasa Manila ako.Umuuwi ako palagi sa mansyon, so I have a reason naman. You don’t have to worry, Mari, ako na bahalang mag-explain.” Napapikit ng mata si Mari nang sampalin niya ang kanyang noo. Palagay niyang hindi tama ang ginawa niyang nag-stay siya ng isang gabi sa apartment ni Clarence. Mas lalong magagalit si Kate sa kanya. Mas lalong gugulo.“Clarence, where are you?” Lalong lumakas ang boses ni Kate na may pag-aalala at magpakadismayang tono.
PAGKABALIK nina Clarence at Kate sa Hotel de Sinclair ay hindi na nag-aksaya pa ng oras si Kate na ipasapubliko ang kanilang engagement. She posted on social media sharing a photo of them together with smiles with a caption.Thrilled to announce our engagement! Excited for this next chapter together. #MyForever #SoonMrsSinclair. Nagdagsa ng mga mensahe ng pagbati mula sa mga kaibigan, pamilya, at mga kakilala sa post ni Kate sa Instagram. The comment section was filled with heart emojis and expression of excitement. Minsan nakaka-receive sila ng tawag sa mga kilalang tao sa industriya, mga text messages, at kahit bulaklak ay pinapadalhan sila ng mga ito. “Omg! Guys look! Trending ngayon sa Instagram or even on other social media platforms ang engagement nina Kate kay Sir Clarence!” excited na sabi ni Lina nang mapahinto siya sa pag-scroll sa cell phone. Hindi makapaniwala si Mari sa narinig niya, agad siyang lumapit kay Lina at hinablot ang cell phone ni Lina. Napakunot na lang ng
NAMUTLA sa gulat si Kate dahil sa nangyari kasabay no’n ang pagsikip ng dibdib niya. Pinipilit niya ang sarili niyang intindihin lahat ng sinabi ni Clarence pero ni isang rason ay walang pumapasok sa isip niya. Parang gusto niya na lang mamatay dahil sa kahihiyan. How can her boyfriend humiliate her? At sa harap pa mismo ng mga bisita niya. Tila naging dramatiko ang paligid dahil sa nangyaring rebelasyon. Kahit si Mari ay hindi rin makapaniwala sa sinabi ni Clarence. Maya-maya pa’y nilapitan ni Kate si Clarence. Bigla na lang gumilid ang luha sa mata niya habang nakatingin siya rito. “C-Clarence, hindi ito totoo, hindi ba? Y-You can’t be married. We’re engaged!” nauutal niyang sabi habang pinipigilang h’wag tumulo ang luha. Sinulyapan lang ni Clarence ng masama si Kate. “Huli ko na rin nalaman na kasal pala ako, Kate. The guy you're talking last time, the fuck-buddy guy was actually me.” Halos manghina ang mga tuhod ni Kate sa narinig niya, mabuti na lang ay agad na naibalik
“CLARENCE . .” gulat na sambit ni Mari sa pangalan nito. Agad na iniwasan ni Mari ang tingin niya kay Clarence. May kung anong init siyang naramdaman sa buo niyang katawan kasabay ng paglakas ng kabog ng dibdib niya. Pulang-pula na ang mukha ni Mari. Hindi niya alam kung paano niya haharapin si Clarence pagkatapos ng confession nito. Nang maramdaman ni Clarence ang pag-aalinlangan ni Mari ay napakamot siya sa likod ng kanyang ulo saka napatingin rin sa malayo. The atmosphere fell into an awkward silence. Hindi inaasahan ni Mari na ibubunyag ni Clarence ang feelings na ‘yon. Sino ba siya para magustuhan ni Clarence? Isa lang naman siyang hamak na empleyado, at itinakwil na rin siya ng Harrington. Wala siyang maipagmamalaki rito. Nakakahiya para sa kanya na maging asawa ni Clarence. Nagbaba ng tingin si Mari, iniiwasan niyang makipag-eye contact kay Clarence. Hindi rin siya sigurado sa isasagot niya rito. Tumikhim si Clarence para basagin ang katahimikan. Nilakasan niya na lan
IBA ang pakiramdam ni Mari pagpasok niya sa lobby ng hotel. Tanaw niyang nagsisikan ang mga tao sa sulok at tahimik na pinag-uusapan siya. Kumalat ang balita tungkol sa marriage status nila ni Clarence dahilan ng pagsira ng engagement party ni Kate. Habang papalapit si Mari sa front desk ay para bang nawala ang pagiging palakaibigan nina Lina at Olivia. Iniiwasan na siya ng mga ito. Kahit ang ibang mga conceirge at mga staff ay iniiwasan siya ng tingin. Maya-maya pa ay malakas na tumunog ang telepono. Sasagutin sana ni Mari ang tawag na ‘yon nang marinig niya ang ilang mga usap-usapan ng mga tao sa paligid. “Sina Sir Clarence at Mari na ba talaga?” bulong ng isang babae sa kaibigan nito. “Oo, sabi ng kaibigan kong nag-organizer sa event. Kawawa nga si Ma’am Kate.” “Ahhh. Kaya pala minsan nakikita kong magkasama sila ni Sir Clarence.” “Tapos alam mo ba ang mas nakakagulat? Parte din pala si Mari sa Harrington Family, anak siya ni Robert Harrington, pero itinakwil siya dahil nak
MALUNGKOT ang mukha nina Lina at Olivia nang mabalitaan nilang mag-re-resign na si Mari. Nahihiyang nilapitan nila si Mari habang nag-aayos ito ng mga gamit sa locker room nila. “Mari,” mahinang sambit ni Lina sa pangalan nito saka hinawakan ang ibabang bahagi ng unipormeng pang-itaas at hinila. “Uy, iiwan mo na kami?” panguso tanong niya pa rito. “Oo nga, Mari, bakit mo naman kami iiwan?” tanong naman ni Olivia. Huminto si Mari sa ginagawa niya saka siya pilit na ngumiti. Huminga muna siya nang malalim saka hinarap ang mga ito. “Kailangan kong umalis, hindi dahil sa nahihiya ako sa nangyari do’n sa party pero sa kapakanan na lang din ng lahat.” “Dahil ba kay Kate?” tanong ni Olivia. Napawi ang ngiti ni Mari saka lumungkot ang mukha. “Isa pa 'yon, Olivia. Ayoko na rin kasi makaharap si Kate dahil kumukulo lang ang dugo kong makita siya,” inis na sabi ni Mari. “Pero, Mari, naguguluhan kami. Kung stepsister mo siya ibigsabihin no’n, e, hindi siya tunay na Harrington? Hind