Share

CHAPTER 3

UREA'S P.O.V.

Tahimik akong naglalakad pauwi sa mansion habang nakatutok sa phone ko. Nakikipagchat ako kela Tyranny, Swiss, Quinine at Cupola habang nasa magkakaibang lugar kami. Gusto ko sanang maglaro ng Mobile Legends pero tinatamad ako. Sino ba namang hindi tatamarin eh hanggang ngayon Elite II parin yung rank ko. Weak.

Tyranny

Masarap ang hangin dito sa probinsya, guys. Di amoy Manila.

Swiss

Ow? Really? I wish I was there, Tyranny.

Quinine

Punta tayo diyan minsan pag di na tayo busy.

Cupola

Naku wag ka ng sumama, Quinine. Baka pairalin mo na naman yang pagka-bitter mo makakahanap pa tayo ng kaaway.

Quinine

Don't I, Cupola

Cupola

What?

Swiss

She's making her own word na naman.

Tyranny

Hahahahaha

Quinine

Don't I, guys... Di niyo alam?

Sa tagalog "Wag ako"

Tyranny

Sabi na dapat inuna nating itumba yang kagagahan ni Quinine kesa kay Leila, eh.

Swiss

I'm out.

Cupola

Nga pala, Urea. Nakauwi ka na ba?

Hindi ko namalayang malapit na pala ako sa gate namin dahil sa paglalakad ko. Hindi ko muna sila ni-replyan dahil kailangan kong ipakita sa guard ang ID ko. Nakaupo ito sa guard house habang hawak ang cellphone niya.

"Psst. Manong", tawag ko sa kanya.

Agad naman siyang tumayo at lumapit sakin.

"Ayy, Lady Urea. Dapat ho ay pumasok na kayo, kayo naman ang may-ari ng mansion", nagkakamot sa ulong sabi niya.

"Rules ay rules daw po sabi ni Dad, eh. Alam niyo naman ugali no'n", sabi ko sa kanya.

"Sige ho, pasok na kayo Lady Urea", sabi ni kuya sakin.

Bago pa man ako makapasok ay nilingon ko muna siya.

"Manong, anong nilalaro mo?", tanong ko sa kanya.

"Pasensya na ho, Lady Urea" napakamot siya sa ulo niya "Inaantok ho kase ako kaya nag e-ML ako. Wag niyo po ako isumbong kay sir, huh?" pakiusap niya.

"Sige po. Eh, ano na po rank niyo?", tanong ko ulit sa kanya.

"Mythic na po", sagot niya.

"Luh... sanaol po. Sige na po, papasok na po ako", paalam ko kay manong atyaka tuluyang pumasok sa gate.

Urea

Yeah... kakapasok ko pa lang sa gate.

Reply ko sa kanila atyaka ulit naglakad papasok ng mansion.

"Lady Urea, akin na po ang bag niyo", saad ng kasambahay namin atyaka ko iniabot ang bag ko sa kanya.

Nakatutok parin ako sa phone habang pumapasok sa mansion.

"Hello, sweetie", boses ni Dad yun ah.

Napalingon ako sa sala at nandoon na nga si Dad. Gosh! I miss him. Kailan pa siya nakauwi ng Pinas?

"Welcome home, Dad", sabi ko atyaka ko siya niyakap.

"Aww... my sweetie is still the same. I miss you, sweetie", sabi ni Dad atyaka ako niyakap ng mahigpit.

This what I called "home".

"Honey", rinig kong sabi ng kung sinong babae mula sa kitchen.

"Ow... I forgot, sweetie" sabi ni Dad atyaka lumapit sa babae "She's your Tita Nutlet Santos. Your soon to be mom" pakilala ni Dad atyaka niya inakbayan ang Nutlet na yun.

"Hello, sweeetie..." bati niya sakin "I have so-" hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita.

"I'll go upstairs, Dad", paalam ko kay Dad atyaka agad na umakyat patungo sa kwarto ko.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama atyaka kinuha ang phone ko.

Urea 

Who wants to have some fun?

Chat ko sa gc namin.

Tyranny

Sorry, Urea. I'm wth my family eh... 

Swiss

Sorry, Urea. Nasa studio ako ngayon for photoshoot eh.

Quinine

I wish, I can... my mom wants me to go with her in mall.

Cupola

Sorry, Urea. I'm busy with my music lesson eh.

Busy pala silang lahat. Hayyyst.

Urea

I understand. Keep safe, everyone.

I think I need to go by myself. Kaya ko naman siguro.

Kinuha ko ang black sando, black leather jacket, at black jeans ko mula sa cabinet.  Dumiretso agad ako sa comfort room ng kwarto ko atyaka naligo. Matapos no'n ay sinuot ko na ang mga damit ko. I also wore my black boots. After that, I proceed to my desk to put some make ups. Light make ups lang pero dapat mukhang mature para papasukin ako. All is set, I get my gloves and keys in the cabinet before I go downstairs.

"Urea, where are you going?", rinig kong tanong ni Dad pero hindi ko siya pinansin.

Magsama sila niyang Nutlet niya. Dumiretso ako sa garahe atyaka inilabas ang motor ko. Gusto ko mag-motor papunta doon para easy tumakas after.

"Urea! Saan ka ba pupunta!?", halata na sa boses ni Dad na galit siya.

"Hayaan mo na lang siya, honey. Malaki na ang anak mo", singit naman ng Nutlet niya.

Epal 'to. Usapang pamilya, nakikisali. Inirapan ko lang sila atyaka pinaharurot ang motor ko. May sinasabi pa si Dad pero hindi ko na narinig dahil sa bilis ng harurot ko.

Ilang minuto lang ang lumipas at nasa loob na ako ng isang bar. Maraming tao sa loob.

Kadalasan ay mga nasa edad 20 and above na ata. Well, di ko naman sila masisisi kung nagpapakasaya sila dito para takasan ang mga problema nila or kung ano mang dahilan nila dahil tulad ko, gusto lang din nilang sumaya. 

"Isang bote ng beer nga po", sabi ko sa bartender.

"Ang galang mo naman, ma'am", sabi nito atyaka inabot ang beer sakin.

"Thanks", sabi ko atyaka lumipat ng pwesto.

There.

Walang tao.

Umupo ako sa isa sa mga upuan doon atyaka ininom ang beer ko habang pinapanood ang mga taong sumasayaw. Nakakahilo sila pati na ang mga ilaw. Normal lang naman yun sa isang bar per ewan ko bat nahihilo ako.

"Hey, Love" sabi ng isang lalaki sakin atyaka niya ako inakbayan "magaling ka namang umarte diba? save me from those flirty girls" sabi niya.

Nakita kong may sumunod nga sa kanyang mga babae. Magaganda at halatang malalandi nga. 

I looked at him.

"Sino ka ba?", tanong ko sa kaniya.

"Hey... It's me, Zero... Hindi mo ako naaalala?", sagot niya.

"Zero? Ahh si Zero yung hi-" biglang lumaki ang mga mata ko "What the f*ck!" sigaw ko dahilan para magtinginan samin ang ibang nandoon.

Gosh! Si Zero 'to? D*mn! Lasing ba ako? Bakit hindi ko siya nakilala agad?

"Come on, Love", sabi niya atyaka pasimpleng tinitingnan ang mga babaeng sumunod sa kanya.

"Halika na dito, pogi"

"Gosh! Ipagpapalit mo kami sa mukhang gangster?"

Siraulo 'to ah..

"Sayaw na tayo, Baby"

"Sama ka sakin, Babe... We'll go to heaven"

"Gusto mo bang sumama sa condo ko?"

Kakaloka 'tong mga babaeng 'to, ah?

"Please, save me. I told you last time that you owe me one, right? Its your time to return the favor", bulong niya sakin.

Ok, fine.

Kinuha ko ang bote ng beer atyaka binasag sa lamesa. Nagtilian naman ang mga babaeng yun habang ang iba ay nakatitig samin na parang nag-aabang sa kung anong susunod na mangyayari.

Itinutok ko ang basag na boteng yun sa mga babaeng nagyayaya kay Zero.

"Pag hindi kayo tumigil ay isasaksak ko 'to sa leeg niyo", babala ko sa kanila.

Napaatras naman sila atyaka nag-umpisang maglakad paalis pero matapang yung isa, pandak naman. Nag-flying kiss pa kay Zero. Lakas ng tama no'n.

"You deserve to have that position", alam ko ang tinutukoy niya.

"Hmm", sabi ko atyaka tumango-tango.

"Bakit nandito ka?", tanong niya sakin atyaka umorder ng isang bucket ng beer.

"Nagpapalamig ng ulo", sagot ko sa kanya.

"Bakit? May problema ba sa organisasyon?", tanong niya atyaka ininom ang beer na kakalapag lang sa table.

"Wala naman...", sagot ko.

"Ow... sa jowa mo?", natawa ako sa sinabi niya.

"Buang, wala ako no'n", sagot ko sa kanya.

"Really? Akala ko...", di makapaniwalang sabi niya.

"Hahahaha... maganda kase ako, noh?", pabirong tanong ko sa kanya.

"Yeah... you're pretty" seryosong sabi niya "Can I court you?"

Halos hindi ako makakurap dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Parang ang bilis naman...

"Wait? You're joking, right?", tanong ko.

"I'm dead serious, Urea" lumapit ito sakin "Give me the chance to court you. I will prove my self to you, Urea"

"Ano bang sinasabi mo, Zero? You're drunk", natatawang sabi ko sa kanya.

"No, I'm not. Siguro mabilis ako pero I want to know you more" tumawa siya "Nakakabakla pala manligaw" he chuckled.

"Seryoso ka ba?", seryosong tanong ko sa kanya.

Nakita ko ang sensiridad sa mata niya. Totoo bang... seryoso talaga siya? Paano kung pinagtitripan niya lang ako? 

"Oo... seryoso ako", sabi niya.

"Sige" nakita kong nagliwanag ang paningin niya "basta sabihin mo sakin kapag napapagod ka na"

"Hindi ako mapapagod, Urea", paninigurado niya.

Sana nga...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status