Share

CHAPTER 11

UREA'S P.O.V.

Kasalukuyan kaming nakikinig sa teacher namin sa unahan habang nagdidiscuss ito ng accounting.

"What is the difference between Financial Accounting and Management Accounting?", Miss Owlet asked.

Walang naglakas loob na sumagot sa tanong niya kaya nagtawag na ito.

"Yes, Ms. Lanuza?", tawag niya sa isa naming kaklase.

"No idea, maam", sagot nito.

"Help her, Ms. Avenir", tawag naman niya sa isa pa naming kaklase.

"Nakalimutan ko na po ma'am", sagot din niya.

"Nasaan ang mga utak niyo bakit hindi niyo masagot? Kakaturo lang niyan kahapon ah!", sermon niya.

"Financial accounting summarizes the financial information gathered within a specified period, and provides information that is historical while Management accounting contains forecasted information used by managers in planning", nagtinginan kami nang biglang sumagot si Tyranny.

"As expected, Ms. Sanchez. Kung ganyan ba lahat kayo edi maganda ang usapan natin lagi. Speaking of those two, what is a branch of accounting that provides an information for management accounting and financial accounting?", tanong ulit niya.

"Cost accounting", sabay-sabay naming sagot nina Tyranny, Swiss, Cupola at Quinine.

"Magagaling kayo, huh? According to Section 109 of Presidential Decree 1445 it is defined as-", natigil ang pagsasalita ni Miss Owlet nang sumingit si Swiss.

"It is defined as an accounting system which encompasses the process of analyzing, recording, classifying, summarizing and communicating all transactions involving the receipt and disposition of government fund and property and interpreting the result thereof. Government accounting, ma'am", sagot ni Swiss.

"Mahusay. Sige, kung may makasagot man nitong tanong ko ay bibigyan ko ang section niyo ng exemption sa exam" napangiwi ako "What are the strategic business and management skills that management accountants should also possess?" tanong niya.

Ilang segundo kaming natahimik. Naghihintay kung sino ang sasagot.

"Hindi niyo na alam?" tanong ni Miss Owlet "walang may-"

"Analysis, Strategy, Risk, Planning and Communication" singit ko atyaka agad na nagsulat sa board "Management accountants should be able to analyze information and use it to make business decisions. They should be able to formulate business strategies that will increase the company's wealth and create value for the company's shareholders. They should also know how to identify risks that can potentially have detrimental effects to the company and should also able to apply accounting techniques in the planning and budget creation phase of a business. And last, they should be able to identify information the management needs, and also explain the numbers to non-financial managers" mahabang paliwanag ko atyaka tumingin sa mga kasama ko "di na ako gagawa ng reviewer exempted na tayo"

Naghiyawan ang mga kaklase namin sa loob. Ang iba ay nagsasayaw pa. Hindi inaalala ang presensya ng teacher namin sa unahan.

"QUIET!" sigaw ni Miss Owlet kaya napatingin kaming lahat sa kanya "Class dismiss" dugtong niya atyaka nagmadaling lumabas ng room.

Pagkalabas na pagkalabas niya ay nagsigawan muli ang mga kaklase namin.. Ang iba ay lumapit sakin.

"Hulog ka talaga ng langit, Urea. Salamat sa sagot mo di na ako magre-review sa subject niya", sabi ni Angel sakin.

"Sinabi mo pa, neng. Jusko ang haba ng babasahin sa subject niya, hiyang-hiya yung Great Wall of China", napangisi ako sa sinabi ni Leona.

"Truth. Minsan nga naduduling na ako sa mga nakasulat doon eh", reklamo ulit ni Angel.

"But, thanks to Urea. You saved our lives, our future, our mind, our souls", saad ni Leona.

"Anong gusto mo, beh? Ililibre na kita", tanong ni Angel sakin.

"No thanks. Salamat pero may gagawin pa kase ako. Maybe next time", sagot ko sa kanila.

"Ganoon ba? Sige next time na lang siguro. Salamat ulit", sagot ni Angel sakin atyaka sila umalis sa harap ko.

Nang makaalis sila ay doon naman dumating sina Tyranny, Quinine, Cupola at Swiss.

"Tara na?" yaya ni Tyranny "excited na ako magsukat ng gowns" dugtong niya.

"Oo nga ako rin. I'm very excited", excited na sabi ni Quinine.

"Ngayon ka lang kase makakasuot ng gown, noh?", tanong ni Cupola sa kanya.

"Hindi, noh. Unang suot ko no'ng debut ko sa pagkabata. Pangalawa ngayon hehe", sagot ni Quinine.

"No wonder", sagot ni Cupola.

"Tara na", yaya ko sa kanila atyaka naunang lumabas sa room.

Naglakad na kami papunta sa parking lot. May mga sasakyan kaming dala kaya yun na lang ang gagamitin namin papunta sa mansion. Naroon kase ang mga gowns na susukatin namin. Tutal malaki naman ang mansion ay doon na nilagay ang lahat ng gagamitin para sa kasal na gaganapin na bukas.

"Kita-kita na lang tayo sa bahay", paalam ko sa kanila atyaka sumakay sa motor ko.

Ilang minuto lang ang binyahe namin nang mahinto kami sa harap ng gate. Inilapit ko ang motor ko sa guardhouse atyaka muling kinatok si manong.

"Kayo ho pala yan, Lady Urea" saad nito atyaka binuksan ang gate "kasama niyo ho ba yang mga kotse sa likod niyo?" tanong niya.

"Oho, kasama po sila sa kasal bukas", sagot ko kay manong.

"Ahh, sige ho pasok na ho kayo", sagot ni manong atyaka muling bumalik sa pwesto niya.

"Kuya!" napalingon ako sa likod ko nang tawagin ni Quinine si Manong "Ano na rank mo?"

Nagtatakang tumingin si manong sa kanya.

"Nakakalaro mo ako. Ako yung Queen na nakakalaro mo. Diba po Mickey Mouse yung name mo don?" tanong ni Quinine habang kita naman sa mukha ni kuya ang pagkapahiya "Ano na rank mo? Diba nag-end season?" tanong pa ulit niya na akala mo ay kasing edad lang ang kausap.

"Ahhh... E-Epic 2 po", nahihiyang sagot ni manong.

"Ahhh, eh si Minnie Mouse po?" napatingin si manong kay Quinine, kinakabahan "Yung ka-aylabyuhan mo po habang on-game tayo. Yung Angela user po tas laging napatong sa inyo" mas lalong nakaramdam ng kahihiyan si manong ng lumipat sa kanya ang tingin ko.

"Paktay ka talaga, manong. Nagpapapatong ka pala, huh?", pananakot ko kay manong.

Umiling-iling pa siya.

"Lagot ka kay manang", dugtong ko dahilan para lalo siyang matakot.

"L-Lady U-Urea... h-hindi naman ho a-ako nangangaliwa. W-Wag niyo po s-sabihin sa asawa ko, h-huh?", pagmamakaawa ni manong sakin.

"Naku, ako po eh tahimik lang pero si Quinine po ay naku...", sabi ko atyaka pinaandar ang motor ko papasok habang nakasunod naman ang mga kotse nila sa likod ko.

"HAHAHAHAHA! Goodbye ML ka na, manong!", rinig kong sigaw ni Quinine.

Siraulo talaga.

Nasa tapat na kami ng mansyon nang salubungin kami ni Dad kasama si Nutlet. Ayokong tawagin siyang Tita or Mommy dahil hindi ko naman siya kamag-anak at walang makakapalit kay Mom. Isa pa ay komportable ako sa gano'n.

"Lady Urea, akin na ho ang bag niyo", sabi ng isa sa mga kasambahay namin.

At ang asawa ni manong.

"Hay naku. Mga lalaki nga naman. Hangga't kayang lumandi, ay lalandi", saad ni Swiss nang makalabas siya sa kotse niya.

"So, humahabol ang ML sa panibagong dating app ngayon, huh?", natatawang sabi ni Cupola.

"Tsk. Hindi pa uso ang ML ay maharot na talaga sila", puna naman ni Tyranny.

"Hay naku bahala sila. Basta ako may taga-buhat ako sa ML", saad naman ni Quinine.

"Iiwan ka rin niyan", pambabara na naman ni Cupola.

"Ayos lang basta ako lang ang nag-iisang Carmila sa buhay ni Cecilion", sagot naman ni Quinine atyaka inirapan si Cupola.

"How's school, kids?", tanong ni Dad.

Lumapit ako kay Dad atyaka humalik sa pisngi niya.

"Well, Tito" panimula ni Swiss "Ang anak niyo ang nagligtas samin para hindi kami makapag-exam"

Tumingin sakin si Dad.

"Our teacher dropped a question and luckily, tama po ang sagot ni Urea so as a result... katulad po ng sinabi ng teacher namin ay exempted na kami kapag may nakasagot sa tanong niya", pagki-kwento ni Tyranny.

"Ow? Really?", di makapaniwalang tanong ni Dad.

"Yes, Dad", sagot ko.

"Awww... I know that you're really good, Urea" he tap my head "Me and your Mom are very proud of you, sweetie" Dad said and kissed me in my forehead.

Dad was really proud of me, as well as Mom. They never let me feel that I'm not good. Even if I fail sometimes, they were there to cheer me up.

"I'm proud of you, too", Nutlet said.

I just gave her a smile.

"Pumasok na kayo. Nasa taas ang mga gowns, Urea. Our maids will go with you para matulungan kayo sa pagsusuot, okay?", bilin ni Dad na tinanguan ko lang atyaka sila umalis sa harap namin.

Umakyat naman kami kasama ang mga kasambahay namin. Nang makapasok kami sa isang kwarto sa mansyon na pinaglagyan ng gowns ay halos mapanganga kaming lahat. Punong-puno ang kwartong yun ng gowns na nakasuot sa mannequins pero iba-iba ang kulay. Kada gilid ng kwarto ay may iba't-ibang mannequins na nakasuot ng gowns na naaayon sa isang kulay.

"Manang?" tawag ko sa isang kasambahay na kasama namin "Bakit ho madaming gown ang nandito?" tanong ko.

"Ang sabi ng Dad mo ay ikaw ang pumili ng kulay ng gowns. At kung ano daw ho ang mapipili niyo ay yun ang gagamiting motif sa kasal bukas", sagot ni manang.

Teka? Bakit ako ang papapiliin? Ako ba ang ikakasal?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status