Share

CHAPTER 1

UREA'S P.O.V.

"So here's the tea, everyone", panimula ni Tyranny.

Nagkumpulan naman kaming lima sa isang mesa atyaka nakinig sa sinasabi niya."

Ano?", naiinip na tanong ni Swiss.

"Leila's group lose the fight, so it means..." pambibitin niya atyaka itinaas ang kamay habang nakatingin sa mga ulap "we won!" sigaw niya.

Nagpalakpakan naman kaming lahat habang sumasayaw-sayaw naman sina Quinine at Cupola. Si Swiss naman ay agad na naglabas ng phone atyaka pinost yun sa facebook account niya.

"We won, b*tches!"

Binuksan ko naman agad ang phone ko nang may mag-message roon.

"The Funds of the City's Girl Gang Group is already transferred to Ms. Urea Grizzly Viseña's account. Congratulations. We expect your group to go in Red Blood's Building for your celebration. Thank you."

I gasp some air and felt different kind of feelings.

Happy... kase kami ang nanalo.

Scared... ngayong kami na ang mataas sa lahat.

Mas lalo ng manganganib ang buhay namin.

"Pupunta tayo sa Red Blood's Building mamaya to celebrate", balita ko sa kanila.

They all seated and get their phones.

"Where's the location?", Tyranny asked with a serious face.

"Red Blood's Building in front of the Mafia's Casino", sagot ni Quinine.

"Teka? Hindi ba napakalayo sa kalsada no'n?", tanong ni Cupola.

I nodded.

"So?... Are you scared, guys?", Swiss asked.

We remained silent.

Natatakot na ako matapos malamang kami ang panalo. Hindi sa buhay ko, kundi sa buhay ng mga kasama ko. Tiningnan ko ang mga ityura nila at bakas ang takot sa kanila. Kumpara sa posisyon namin dati ay mas delikado ngayon dahil malaki na ang sakop at pera na hawak namin. Mukhang kilala na rin kami ng ibang opisyal at maraming magbabanta samin pero hindi kami pwedeng magpaapekto. Pinasok na namin 'to kaya kailangan naming panindigan.

"Wear white dress on the party" bilin ko sa kanila.

Tumingin silang lahat sakin na parang naghihintay na bawiin ko ang sinabi ko.

I gave them a smile.

"Don't worry. Walang mangyayaring masama", dugtong ko atyaka umalis sa harap nila.

At RED BLOOD'S BUILDING

Nakaupo kaming lima sa isang V.I.P. table malapit sa stage habang maingay ang paligid. Paikot ang building na yun at parang nasa theater room kami. Nasa gitna ang mga tables. Nasa harap ang stage. Nasa kanan ang catering at nasa kaliwa naman ang photo booth. Sa second floor naman nakapwesto ang DJ at pati na ang dance floor, habang nasa baba naman ang mga nirerespetong mga tao sa organisasyon kasama na kami.

"Good evening, everyone" bati ng MC dahilan para tumigil din sa pagtugtog ang DJ "Nandito na ba lahat?" tanong niya atyaka inikot ang paningin.

"Yung Ace's po, mali-late daw", bulong ng isang babae sa MC na narinig din naman namin dahil sa malapit siya sa mic.

"Ace's?" patanong na sabi ni Tyranny "ngayon ko lang narinig yun" 

"Baka bago", sagot ni Quinine habang kumakain.

"Dahan-dahan nga sa pagkain, Quinine! Kaya di ka nagkakajowa eh! Takaw mo", sita ni Cupola.

Here we go again.

"Ahhh... mali-late daw po ang Ace's but we can manage to start this-", hindi na natapos sa pagsasalita ang MC nang biglang mamatay ang ilaw.

"Ow, yeah... here they are", sabi ng kung sino sa likod namin.

"Ano ba yan! Bastos! Kumakain ako eh!", reklamo ni Quinine.

Ilang segundo rin ang lumipas nang bumalik ang mga ilaw. Wala namang nagkulang saming lima pero may ibang tao na ngayon sa Stage. 

Anim na lalaki...

Tumingin sila sa direksyon namin...

Pero isa lang ang namumukaan ko...

Is it...?

"Syala talaga ng Ace's... laging may pa-turn off lights effect kapag dadating? Ganon?", tanong ng MC.

Inagaw naman ng isa ang mic sa MC atyaka ito nagsalita.

"Hi, everyone. Miss me?" ngumisi ito "It's me, Dupe Brew Lania"

Pinasa niya ang mikropono sa katabi niya.

"Yore Krill Villegas"

Pinasa niya rin ang mikropono.

"Wry Joust Cabruana"

Pinasa rin nito ang mikropono sa katabi niya.

"Vise Hue"

Pinasa rin niya sa katabi niya.

"Rosin Ize Tolentino"

Pakilala naman ng isa.

"I'm Zero", maiksing sabi ng isa.

"And we're The Ace's", sabay-sabay nilang sabi bukod sa lalaking nagpakilalang Zero.

"Ano ba yan? Napakatagal naman nila. Inaantok na ako, noh? May quiz pa kami bukas", reklamo ni Tyranny.

"Thank you, Ace's" sabi ni MC atyaka bumaba ang mga lalaking yun sa stage at naupo sa katabi naming mesa "So we will now call on the celebrants! The Newest Lead of Girl Gang Group!" saad ng MC atyaka naman kami tumayo.

Naglakad kaming lahat at hindi nakalagpas sa paningin ko ang tingin ng mga bisitang naroon. Nagpalakpakan ang mga tao habang nakatingin samin. Napadako ang tingin ko sa babaeng may dalang wine sa gilid.

Target 1..

Iniabot ng MC sakin ang mic atyaka umalis ang mga tao sa stage bukod samin at lumipat sa baba para panoorin kami.

"Target 1... near the stairs", pasimpleng bulong ko kay Swiss.

She's good in shooting. 

Walang palya kapag siya na ang bumabaril kaya bagay lang sa kanya ang pagka-maarte niya dahil may ibubuga naman talaga siya.

"Good evening,, everyone" napansin kong inilalabas na ni Swiss ang baril niya "We're so happy to know that we won and to be the Best Lead Girl Gang Group in our place. We know that we are not good enough to handle this organization but we promise to do our best for the sake of our future" napansin ko na may babaeng nakatitig samin sa second floor.

Sinadya kong umatras atyaka matapilok sa likod ni Tyranny "Target 2... second floor near the Dj" bulong ko sa kanya.

"Ano ba yan! Tatanga-tanga, Urea?", kunwaring sabi ni Tyranny.

Napansin ko namang nag-alala ang mga tao kaya I faked my laugh and continue my speech.

"Hahahaha! Sorry for that, everyone. Medyo tipsy lang ako but-" nakita kong naglabas na ng baril ang babae mula sa hagdan "Swiss!" sigaw ko dahilan para yumuko kaming lima atyaka maririnig ang putok ng baril ni Swiss at Tyranny.

Nagkagulo ang lahat at nag-unahang lumabas ng building habang kami ay nanatili sa loob. Nag-iba iba na rin ang ilaw sa loob pero hindi kami nahirapang makita ang mga kalaban namin.

D*mn. 

Inilabas ko ang caliber na dala ko atyaka kinasa yun. 

"Nasaan kayo?", tanong ko sa kanila gamit ang airpods na nakalagay sa tenga ko. 

Bago kami pumunta dito ay nakaplano na lahat.

"Second floor", rinig kong sabi ni Tyranny.

"Comfort room", sagot naman ni Quinine.

"Entrance", saad ni Cupola.

"Kitchen", sabi naman ni Swiss.

"Sige... nandito ako sa Stage... magkita na lang tayo sa parking lot", bilin ko atyaka nag-umpisang maglakad pababa ng stage. Sa sobrang laki ng venue at mga lamesang nandoon ay hindi ko malaman kung may nagtatago ba doon o wala.

"Hinahanap mo ako?", rinig kong sabi ng kung sino sa likod ko.

Hindi pa man ako nakakalingon ay nanakit na agad ang mukha ko dahil sa suntok na ginawa niya.

"Hindi ka naman talaga magaling, Urea" saad ni Leila "Nagkataon lang na pagod ako no'ng araw na yun pero ngayon... fight me... may sapat akong tulog" dugtong pa niya.

Tumayo ako atyaka pinunasan ang mukha ko.

"Sanaol nakatulog", sabi ko sa kanya.

"Tsk. Daldal mo. Kaya ka nauunahan eh", mayabang na sabi niya.

"Di ako nauunahan... mas nauna nga akong manalo kesa sayo, diba?", sagot ko. Nang-aasar.

Agad itong lumapit sakin at susuntukin na naman sana ako nang bigla kong itapat ang baril ko sa noo niya.

"Say your last wish, Leila", sabi ko sa kanya.

Naririnig ko ang malalim na paghinga niya.

Matapang parin ang mga mata niya pero nakikita ang takot sa panginginig niya.

"Ang sama mo talaga, Urea", sabi niya.

"No. Mas masama ka", sabi ko atyaka ipinutok ang baril sa noo niya.

"W-Why did you kill her?", tanong ng lalaki na nasa likod pala niya.

Inirapan ko lang siya atyaka malalakad na sana palabas ng building nang harangan niya ako.

"H-Hindi ka man lang ba nakokonsensya sa ginawa mo?", tanong niya na naman.

So... here I am again. Trying to explain with this person who don't know anything. Ilang taon narin simula nang una akong makapatay ng tao.

Hindi ako nagsisisi kung uulitin ko ulit yun sa mga taong walang magandang naidudulot sa mundo. 

"Wag ka humarang", sabi ko sa lalaking nasa harap ko ayaka hinawi ang kamay niya.

"Hindi... ipapakulong kita", tumawa ako sa sinabi niya.

Buang.

"Dupe Brew Lania? Right?" tumitig lang siya sakin "One of that called Ace's?" hindi siya umimik "Tingin mo ako lang ang mapapahamak sa gagawin mo? We're both involve in an illegal organization, Mr. Lania. Kaya kahit gusto mo akong ipakulong ay hindi mo magagawa" sagot ko.

Ibinababa nito ang mga kamay niyang nakaharang sakin. 

"Dapa!", sigaw ko atyaka pinaputukan ang babaeng nasa likod niya.

Matapos no'n ay agad na akong umalis sa lugar na yun at iniwan siya. Bahala na siya diyan basta tatakas na ako.

Tumakbo na ako palabas ng venue nang may makabangga naman akong lalaki. Hindi ko pa man naiaangat ang ulo ko para tingnan ko kung sino yun ay agad na nitong hinila ang kamay ko papunta sa kung saan.

"Teka! Sino ka ba?", tanong ko sa kanya nang hilahin niya ako papunta sa kung saan. 

Lumaki ang mga mata ko nang makita ang grupo ni Leila. Hindi lang sila marami kundi maraming-marami. Humanap ako ng tatakbuhan pero wala akong makita hanggang sa mapunta kami sa likod ng isang kotse.

Inihiga ako ng lalaking yun sa likod ng kotse atyaka ito humarap sakin.

"You owe me one", sabi niya atyaka niya ako hinalikan... sa labi.

Hindi ko siya matulak dahil sa takot na baka makita ako ng mga kasamahan ni Leila pero bakit napaka-agresibo naman ata ng lalaking ito. Bakit niya ginagawa ito.

"Si Urea ba yun?", narinig ko ang boses ng katuwang ni Leila.

Lalapit ba sila?

Hinawakan ko ang leeg ng lalaking nasa harap ko atyaka pinagdiinan siya sakin para matakpan niya ako.

"Hindi ata siya yan. May jowa yan eh", sabi ng isa nitong kasama atyaka sila umalis papalayo sa lugar na kinaroroonan namin.

Nang mapansin kong wala na sila ay kusa na akong kumawala sa ginagawa namin. Nang matamaan ng ilaw ang mukha ng lalaking yun ay atyaka ko lang napag-alaman kung sino yun.

"Z-Zero?", tawag ko sa kanya.

Ngumiti siya sakin.

"You owe me one, Ms. Urea", sabi niya atyaka niya ako iniwan sa parking lot na nag-iisa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status