Share

CHAPTER 2

UREA'S P.O.V.

Nasa school kami ngayon habang tinatapos ang group project namin sa T.L.E. And guess what kind of project is this... gardening. As expected, magkakasama kaming lima. We need to plant this seeds at patubuin para makapasa kami. Susubaybayan pa namin atyaka ipapakita sa teacher namin bago kami ipasa. Bumagsak kami sa subject niya dahil hindi kami nakapag-take ng exam na binigay niya no'ng nakipaglaban kami kina Leila.

"Gross! Bakit ba ang lagkit ng lupa!?", reklamo ni Cupola habang nagbubungkal ng lupa.

"Dami mong reklamo. Maghukay ka na lang", saad naman ni Quinine.

"Trip mo ko?", tanong ni Cupola sa kanya.

"Hindi" sagot ni Quinine atyaka binasa si Cupola ng tubig "trip na trip lang hahahaha" sabi niya atyaka nagmadaling tumakbo papalayo kay Cupola.

"Y*wa ka talaga, Quinine!!!!", sigaw ni Cupola atyaka hinabol si Quinine.

Tumakbo si Quinine papunta sa pwesto ni Swiss na abalang nagtatanim. 

"Gosh! Wag nga kayo dito!", saway ni Swiss kay Quinine at Cupola.

"Lintian ka, Quinine! Umalis ka diyan sa likod ni Swiss!", sigaw ni Cupola.

"Catch me, rebound girl", paghahamon ni Quinine.

Bigla na lang kumuha ng lupa si Cupola atyaka binato kay Quinine pero hindi sa kanya tumama yun kundi kay Swiss...

Nadumihan na ang uniform ni Swiss...

Ayaw na ayaw niya pa namang nadudumihan siya kaya nga todo ingat siya habang nagtatanim kanina.

Tinitigan niya ng masama si Cupola.

Patay...

Kumuha ng mga pandilig si Swiss atyaka ibinato kina Cupola at Quinine. Tumakbo naman silang dalawa papunta sa pwesto ni Tyranny.

"Oh, sh*t! Do not go here, y'all! Malapit ko ng matapos itong pagtatanim!", babala ni Tyranny pero hindi sila tumigil at mas lalo pang lumapit sa kanya.

Ibinato ni Swiss ang mga pandilig kina Cupola at Quinine pero natamaan no'n si Tyranny. Ano ba yan... asintado sa pagbaril pero duling sa paghahagis ng pandilig.

"D*mn, Swiss!", sigaw ni Tyranny atyaka siya kumuha ng lupa habang hinahabol ang tatlo na papunta na ngayon sakin.

Hindi pa man sila nakakalapit sakin ay tumakbo na ako palayo.

Akala niyo magpapatalo ako?

Kumuha ako ng lupa atyaka binasa yun para maging putik atyaka sila isa-isang hinagisan.

"Maduga ka, Urea!", sigaw ni Tyranny.

"Mas mabuti ng maagap!", sigaw ko pabalik.

Nakita kong umalis si Quinine at Cupola.

Pagbalik nila ay may dala na silang hose.

Teka, wag nila sabihing.

"Hahahaha!", tawa nila nang mabasa nila ako habang binabato naman ako nina Tyranny at Swiss ng lupa.

Ayoko na. 

Hindi sila patas.

Lumapit ako sa kanila atyaka inagaw ang hose kay Cupola at Quinine atyaka ko sila binasa. Ayan patas na.

Patuloy lang kami sa paglalaro at kinalimutan na ang gagawin namin.

"WHAT THE HELL IS HAPPENING HERE!", narinig naming sigaw ng teacher namin.

Okay... seryoso na.

Lumapit kami sa kanya habang nakatungo at maaamong tupa.

"Urea! Anong nangyari!, tanong niya sakin.

Tiningnan ko ang paligid. Makalat. Parang dinaanan ng bagyo. 

Nginitian ko si ma'am bago ako nagsalita.

"Aayusin na lang po namin", sabi ko sa kaniya.

"Dapat lang!" tiningnan niya kami isa-isa "Hindi kayo makakauwi hangga't hindi maayos dito" sabi niya atyaka na siya umalis.

"What?", tanong ko nang lingunin ko ag mga kasama ko.

They were laughing at me.

Mga buang.

"HAHAHAHA! K-Kase... HAHAHAHA Y-Yung... HAHAHAHA", hindi man lang matapos ni Cupola ang sasabihin dahil sa tawa siya ng tawa.

"Yung mukha mo! Para kang taong grasa HAHAHAHA", sabi ni Tyranny.

Agad ko namang inilabas ang phone ko atyaka nagsalamin doon. 

Gosh! Bakit ganyan! Bakit andumi ng mukha ko!

"Picturan niyo bilis! Remembrance yan!", sabi ni Swiss atyaka agad na naglabas ng cellphone at nagselfie kasama kami.

"My gosh! Baka maisulat 'to sa World of Record! Sisikat tayo!", tuwang-tuwang sabi naman ni Quinine.

"Ang kinatatakutang leader ng lahat ng Girl Gang Group ay mukhang taong grasa ngayon HAHAHAHHAHA", tuwang-tuwa ring sabi ni Cupola.

"Saya kayo niyan?", poker face kong tanong sa kanila.

"Come on U-", hindi na natapos ni Tyranny ang sasabihin nang biglang tumunog ang phone ko.

Someone texted me.

"Watch this"

Sabi sa text atyaka may kasamang video na naka-attach.

Pinlay ko yun atyaka namin pinanood.

"Ilang kababaihan ang natagpuang patay sa damuhan malapit sa Albert's Highway. Ang mga babaeng ito ay napag-alamang namatay dahil sa putok ng mga baril na hindi rin matukoy kung saan nanggaling. Ang isang babae ay kinilalang si Leila Combis. 18 years old at kasalukuyang nag-aaral sa LPU. Wala pang pahayag ang mga kaanak ng mga biktima. Ako po si-"

Hindi ko na tinapos ang balita atyaka binack yun. Papatayin ko na sana ang phone ko nang makatanggap na naman ako ng text mula sa kung sino.

"Watch your back, Urea"

Matapos kong basahin yun ay nakita ko ang pag-aalala sa mukha ng mga kasama ko.

"What's with that face?", tanong ko sa kanila.

"Hindi na ba natin pwedeng ipaako na lang sa iba ang posisyon natin?", tanong ni Quinine sakin.

"Alam kong kaya natin... pero hindi ba masyado na tayong delikado...", sabi naman ni Cupola.

"Crap that" I said "We will not let them to hurt us, right? Ilang buwan lang ang termino natin bago ipasa sa iba. Magtiis muna tayo ng ilang buwan, okay? Kailangan natin 'to" paliwanag ko sa kanila pero nanatili lang silang tahimik.

"Paano ka, Urea? Ikaw ang pinag-iinitan nila", nag-aalalang sabi ni Tyranny.

I smiled.

"I was not afraid to die or put myself in the most dangerous situation. As long as I'm breathing, I promise to protect you all", sabi ko sa kanila.

Ilang segundo kaming binalot ng katahimikan hanggang sa magsalita si Swiss.

"So... hindi tayo maglilinis?", tanong niya dahilan para matawa kami.

Dahil sa balitang napanood namin ay halos hindi na namin naalalang maglilinis pala kami. Kinuha na namin ang mga pang linis na gagamitin namin atyaka kami naglinis at napagdesisyunang umuwi na.

Magkakaiba kami ng uuwian kaya hindi kami magkakasama. Si Cupola, Quinine, at Swiss ay sinundo ng mga service nila. Si Tyranny naman ay uuwi sa probinsya nila tutal bukas ay weekend na. Habang ako naman ay naglalakad pauwi ng bahay. Nakatira ako sa mansion ng mga Viseña na nakatirik sa gitna ng kakahuyan. May service din naman ako pero mas pinili kong maglakad dahil madadaanan ko ang dagat sa pag-uwi. Doon muna siguro ako tatambay. ayokong umuwi sa bahay. Sa tuwing nasa bahay ako ay mas lalo lang akong nalulungkot.

Paupo na sana ako sa pampang nang makakita ako ng tao na nakatayo malapit doon habang sinisipa ang mga batong natatapakan niya. Naalala ko sa kaniya ang batang lalaking na nakilala ko sa pampang din na ito no'ng bata pa ako.

"Wag mong sipain... magagalit ang mga sirena at baka isumpa ka nila", sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

Narinig kong umismid siya.

"Still believing fairytales, huh?", saad niya.

"Hindi naman..." sagot ko atyaka siya nilingon "Wait? Dupe?" patanong na sabi ko dahilan para tumingin siya sakin.

Kapwa kaming nagulat nang makilala ang isa't-isa.

"I-Ikaw! Mamamatay tao!", tinakpan ko ang bibig niya.

"Lower your voice, pwede? Mamaya ay marinig ka nila!", saway ko sa kanya.

Tumango-tango naman ito atyaka ko na inalis ang kamay ko sa bibig niya.

"Bakit ka nandito?", tanong niya.

Naupo muna ako sa buhanginan atyaka siya sinagot.

"Nakatira ako malapit dito. Papahangin lang ako dito", sagot ko atyaka ipinikit ang mga mata ko.

"Did you see the news?", tanong niya.

Alam kong ang pagkamatay ni Leila at ng mga kasamahan niya ang tinutukoy niya. 

"Oo", tipid na sagot ko.

"Susuko ka na ba?", tanong niya sakin.

I opened my eyes and looked at him.

Well, he has a good looking face. Messy brown hair, thick eyebrow, long eyelashes, medyo singkit, pointed nose and a kissable lips. Doon ko lang napansin na nag-aaral kami sa iisang school dahil sa uniform na suot niya at mas ahead siya sakin dahil first year college na siya base sa ID niya.

"Hindi ako susuko" I gasp some air "Kapag sumuko ako ay malalaman nilang may organisasyong illegal sa lugar na ito" dugtong ko.

"Pero paano ang mga namatay? Ang mga naiwan... walang hustisya", tanong niya.

"Bago ka?" hindi siya sumagot "bago ba ang Ace's?" tanong ko ulit pero nnahimik lang siya "lahat ng parte sa organisasyon ay may mga sariling baho, Dupe... Kayo? Ilang tao na ba ang napatay niyo para manatili sa posisyon niyo? Parte ba kayo sa mga nangungurakot ng pondong dapat ay nakalaan sa mas nangangailangan? Ilang batas na ba ang nasuway niyo para sa sarili niyong kapakanan?" hindi parin siya sumasagot.

Tumayo ako atyaka siya tiningnan.

"The world is full of cruelty, corruptions, abused, danger, and unacceptable things, Dupe. You don't need to be banal or to be kind to everyone. You need to fight against life, you need to survive in this world not for your self but for the better future. You need to kill those people na wala namang ambag at mas lalo lang nagpapahirap sa atin", I turned my back after I said those words pero napahinto rin ako nang magsalita siya.

"Pagpatay ba ang laging solusyon?", tanong niya sakin.

Nilingon ko siya.

Tumayo na rin siya atyaka lumapit sakin.

"Yes... matagal na ang Ace's. Hindi kami parte ng mga taong nangongorakot... marami narin kaming batas na nasuway pero kahit kailan... hindi kami pumatay" makikita ang kalungkutan sa mga mata niya "Hindi pagpatay ang laging sagot para mawala ang mga taong sakit sa lipunan. Imbis na patayin, bakit hindi baguhin? Imbis na tapusin, bakit hindi simulan? Maniwala ka... may pag-asa pa... Hindi niyo kailangang pumatay ng tao para lang maresolbahan ang mga problemang pwede namang ayusin" matapos niyang sabihin yun ay nginitian niya lang ako atyaka naglakad palayo sakin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

"Kung patas lang lumaban ang tao, Dupe... wala na sanang karahasang magaganap pa"  bulong ko sa kawalan atyaka napatingin sa papalubog na araw "Sana sa susunod na paglubog ng araw ay matapang ang lahat na susuungin ang kadilimang sasalubong sa lahat"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status