Share

CHAPTER 10

UREA'S P.O.V.

"Ang hina mo naman", sadbi ni Frazzie habang tinitingnan ako.

Nakaluhod ang isa kong paa sa lupa habang nagsisilbing alalay naman ang isa kong paa.

Hindi patas lumaban si Frazzie.

Ang usapan ay kaming dalawa lang ang maglalaban pero hindi siya sumunod. Nang umpisahan kong lumapit sa kanya ay pinalibutan ako ng mga tagasunod niya. Kung bibilangin ay mahigit sa benteng tao ang nakapalibot sakin. 

Katulad lang sila ni Leila.

Hindi patas lumaban.

"Ayokong makitang mamatay ka agad... gusto kong pahirapan ka" nakangising sabi ni Frazzie "papanoorin ko muna kayo" dugtong pa niya atyaka nagpunta sa gilid at naupo roon.

"Tsk. Ang usapan ay tayong dalawa lang. Mana ka talaga kay Leila... wala kayong isang salita", sabi ko.

"At naniwala ka naman? Uto-uto ka pala", sinungaling.

Hindi ko na siya sinagot atyaka hinarap ang mga kasamahan nito.

"Sige", saad ko atyaka sinenyas ang kamay ko para lumapit sila.

Unang lumapit sakin ang babae sa unahan ko.Sinipa ako nito na agad ko namang naiwasan atyaka pinilipit ang paa nito. Pagkatapos no'n ay may dalawang babaeng humawak sa mga kamay ko kasabay ng pagsugod ng isa para suntukin ako. Tumalon ako sa ere atyaka iniikot ang kamay ko dahilan para mabitawan nila ako. Isinakto ko ang pag-landing ko sa babaeng susuntok sana sakin. Sinipa ko ang tiyan nito dahilan para agad siyang mawalan ng malay. Pagkatapos no'n ay ang sabayang pagsugod sakin ng iba. Agad akong tumakbo papalayo na sinundan din naman nila. Isa-isa ang pagdating nila kaya naman mas naging madali saking bigyan sila ng tig-iisang suntok. Kung mapapansin ay hindi pa sila ganon kagaling sa pakikipaglaban. 

Hindi ako gustong pahirapan ni Frazzie. 

Gusto niya akong pagurin.

Ilang tao na rin ang napapabagsak ko pero mukhang hindi sila nauubos. Hindi magawang tumulong ng mga kasama ko dahil alam nilang may isang salita ako.

Kapag sinabi kong ako lang, ako lang.

Napaluhod ako nang matapos ko lahat. Hindi man sila namatay pero sapat na ang mga suntok at sipa ko para mawalan sila ng malay.

"Pagod ka na agad?", Frazzie asked me.

"Tsk." singhal ko "Hindi... warm up lang yun" pang-aasar ko.

Umirap ito atyaka magkakrus ang kamay na lumapit sakin.

"Mayabang ka parin?" dinuro-duro nito ang balikat ko "Kaya naiinis sayo si Leila dahil diyan sa ugali mo" tinulak-tulak ako nito at dahil sa pagod na ako at wala na akong balanse ay napapaatras ako "Ano? Tama diba?" 

"Kapag tinulak-tulak mo pa ako ay hindi mo na alam kung san ang kalalagyan mo", banta ko pero tinawanan niya lang ako atyaka tinulak ng malakas.

D*mn.

Tumayo ako atyaka siya sinamaan ng tingin.

"Tsk. Anong tingin yan? Matatakot na ba ako?", tanong niya sakin.

Kinuha ko ang baril ko atyaka itinutok sa kanya.

Agad naman siyang naalarma atyaka nahinto sa pagsasalita. 

"Alam mo bang ito ang baril na ginamit ko para patayin si Leila" humakbang ako papalapit sa kanya "Gusto mo bang sumunod sa kanya?"

"UREA!!!" tawag ni Tyranny sakin habang nanatiling nakatapat kay Frazzie ang baril ko

"May nakatutok na baril sayo!"

"Subukan mong iputok yang baril mo... papaputukin ko rin yang ulo mo", rinig kong sabi ng kung sino sa likuran ko.

Boses babae...

Pero hindi ko alam kung sino siya.

Hindi ako makalingon kaya itinapat ko parin ang baril ko kay Frazzie.

Hindi ako mamamatay ngayon dahil si Frazzie ang uunahin ko. 

"Isa!", sigaw ng babae sa likod ko.

Kinasa ko ang baril ko.

"Dalawa!",  bilang ulit nito.

Kakalabitin ko na sana ang gantilyo ng baril ko nang makarinig ako ng putok ng baril mula sa likod ko...

Pinakiramdamana ko ang sarili ko...

Walang masakit sakin...

Walang dugo...

"What the f*ck!", rinig kong sigaw ni Yore atyaka ko naramdaman ang pagyakap sakin ng kung sino mula sa likuran.

"K-Kagagaling mo lang sa ospital pero n-nakipag-away ka na naman...", mahinang sabi ni Zero bago siya mawalan ng malay.

Pareho kaming napaupo sa sahig dahil sa pagbagsak niya. Patuloy rin sa pagtulo ang dugo niya mula sa tama ng baril na nasa balikat niya. Nilapitan naman kami ng mga kaibigan niya at kasama ko pero hindi ko man lang magawang kumilos. Nakatingin lang ako sa sugat niya atyaka tinakpan yun, nagbabakasakaling hindi makalabas mula doon ang mga dugong natitira sa katawan niya.

"T-Tulong... t-tumawag kayo ng ambulansya... s-sige na... i-iligtas niyo siya", pautal-utal na sabi ko habang nakatingin kay Zero.

"Hello! Nandito kami sa abandonadong building malapit sa LPU... few kilometers away. May natamaan ng ligaw na bala dito. Marami ng dugo ang nawala sa kanya. Sige... Of course! Just go here now immediately!",  sigaw ni Yore sa cellphone niya.

"Sshhh... he'll be alright. Stop crying, Urea", pagpapatahan sakin ni Tyranny.

"Sh*t! This f*cking organization!" sigaw ni Wry "Bakit ba kase lumapit-lapit pa kami sa inyo! Hindi naman kami nadidisgrasya pero simula ng mapalapit kami sa inyo ay para bang nakabuntot narin samin yun! Kasalanan mo 'to, Urea! Kung hindi mo pinatay si Leila edi sana hindi ka nila ginagantihan ngayon", paninisi niya.

"F*ck you, Wry!" sigaw sa kanya ni Swiss "Bakit siya ang sinisisi mo? Hindi niya naman sinabing humarang si Zero sa kanya!" depensa niya.

"Tama si Wry", pagsasang-ayon ni Vise.

"Pati ba naman ikaw?", tanong sa kanya ni Quinine.

"Why? Totoo naman diba? We, Ace's never involved in any kind of this sh*t. We only helps some cops to arrest suspects even though we're part of an illegal organization. But when we met your group, every things changed", sagot nito.

"Hindi naman namin sinabing pumasok kayo sa buhay namin", mahinang sabi ni Cupola.

"Exactly, Cupola" sabi ni Rosin atyaka ako tiningnan ng masama "Only because of Urea kaya nangyari ang lahat ng ito. Tell me? Ano bang ginawa mo kay Zero bakit adik na adik yan sayo? Inakit mo ba siya? Nilandi mo? o baka naman pinakita mo yang-" hindi na natapos sa pagsasalita si Rosin nang makatikim siya ng sampal kay Tyranny.

"Tyranny...", tawag sa kanya ni Yore pero nanatili lang siyang nakatingin kay Rosin.

"We're very sorry kung napapahamak kayo dahil samin. Sorry kung napapasama kayo sa gulo namin. Sorry kung nabaril ang kaibigan niyo dahil samin... Pero wala kayong karapatang pagsabihan ng masasakit na salita ang kaibigan namin. Sino ba kayo? Nagkakilala lang tayo sa organisasyon pero hindi niyo alam ang buo naming pagkatao" paliwanag ni Tyranny "Pasensya na kayo kung nangyari ang lahat ng ito. Hihintayin lang namin ang paggaling ni Zero para hindi niyo masabing iresponsable kami sa nangyari. Pero pagkatapos no'n... miski anino namin ay hindi niyo na makikita" dugtong ni Tyranny.

"Tyranny... please, wag naman ganyan", pakiusap ni Yore.

"No. I will never changed my mind. Kung ano mang namamagitan sa 'ting lahat... kalimutan niyo na. Kakalimutan naming nakilala namin ang miyembro ng Ace's at kalimutan niyo na ring kilala niyo kami"

Matapos sabihin ni Tyranny 'yon ay siya namang pagdating ng ambulansya.

Agad nilang kinuha si Zero sa kanlungan ko.

Susunod sana ako nang pigilan ako ni Tyranny.

Umiling ito habang hawak ang kamay ko.

"T-Tyranny... k-kailangan niya ako", sabi ko sa kanya.

"He have his friends. Pabayaan na muna natin sila. Alam ko namang hindi nila papabayaan si Zero", sagot ni Tyranny sakin.

Pinanood ko na lang ang pagpasok ng mga kasamahan ni Zero sa ambulance bago sila mawala sa paningin namin.

"Nandito ba kayo kanina?", tanong ng pulis samin.

"O-Opo", sagot ko naman.

"Bakit kayo nandito?", tanong niya.

Ngayon ko lang naalalang kaharap ko ang grupo ni Frazzie kanina. Inikot ko ang mata ko para hanapin sila pero miski bakas ng anino nila ay wala akong makita. Hinawakan ni Tyranny ang balikat ko atyaka siya nagsalita.

"Galing po kami sa school nang makarinig kami ng putok ng baril. Na-curious po kami kaya kami nandito", sagot niya sa tanong ng pulis.

"Eh ang mga lalaking yun? Kilala niyo ba sila?", tanong ulit ng pulis.

Tinutukoy niya ang grupo nila Zero.

"Hindi po. Tulad ng sabi namin ay na-curious lang kami", sagot ni Tyranny.

"Talaga? Ikaw?" baling sakin ng pulis "Bakit may dugo ang damit mo? May mga pasa ka pa. Anong nangyari sayo?" tanong niya sakin.

"A-Ahhh... nadapa po kase ako kanina habang naglalakad kami papunta dito kaya may mga pasa ako", sagot ko.

"Talaga? Eh ano yang dugo mo? Galing yan sa naputukan ng baril kanina diba?", tanong niya ulit.

"Ahh... sinubukan ko po kasing pigilan ang pagtulo ng dugo niya", sagot ko na lang.

"Ganoon ba... Sige. Tutal wala naman pala kayong kinalaman ay hindi ko na kayo iimbitahan sa presinto. Umuwi na kayo", sabi ng pulis atyaka siya umalis sa harap namin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status