Share

Chapter 18

"MAYUMI!" sigaw na nagpabalikwas ng bangon kay Yumi.

"May sunog! May sunog!" Naihilamos niya ang kanang palad sa sariling mukha, "Diyos ko, puwede ho bang paki-abisuhan ako 'pag sisigaw na si Tiyang Lourdes. Aatakehin ako sa atay eh!" Napahawak pa siya sa tapat ng dibdib dahil sa takot na mahulog iyon.

"Mayumi, kailan ka ba bababa riyan? Aba'y tanghali na ah!"

"Alas-sais pa lang ho, Tiyang, wala pang alas-dose!" aniya habang bumababa sa hagdan.

"Aba't namimilosopo ka na ngayon ha!"

"Magluluto na po ako ng almusal ninyo, ano pong gusto ninyong kainin?" Nakangiti siyang humarap sa naiinis na ginang.

Sinimangutan lamang siya nito, "Bahala ka na!"

Tinalikuran na siya ng ginang. Siya nama'y nagtungo na sa kusina upang makapaghanda na ng almusal. Isang buwan na ang lumipas buhat nang umalis siya sa mansyon. Hindi na niya gasinong iniisip pa si Vincent at ayaw na rin niyang isipin pa ang binata dahil tiyak na luluha na naman ang kanyang puso. Pero may mga oras din na hindi niya mapigili
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status