Share

Chapter 19

MATAPOS makuha ang mga dokumento ay hindi na muna kinausap ni Yumi ang tiyahin. Paulit-ulit niyang binasa iyon., hanggang sa kinabukasan ay napagpasiyahan niya ang dapat na iparusa sa dalawa.

"Tiyang Lourdes, samahan niyo ho ako sa patahian ng aking Papa, ngayon na!"

Aligagang sumunod si Lourdes sa kanya. Isang sakay lamang sa dyip ang kinaroroonan ng kanilang patahian at habang tumatakbo ang sasakyan ay samo't sari ang pumapasok sa isipan niya. Paano kung napabayaan na ang pinaghirapang itayo ng magulang niya? At sa tagal na ng panahon nang huli siyang magpunta roo'y nakalimutan na niya ang hitsura niyon. Sampung taon siyang inalila ng mag-ina at kaya pala hindi matapos-tapos mabayaran ang utang niya'y hindi pala iyon totoo.

Huminto ang dyip sa tapat ng warehouse. Sa natatandaan niya ay ganoon pa rin ang hitsura nito. Magmula sa kulay niyong kulay blue na paborito niyang kulay. Nandoon pa rin ang pangalan na 'Yumi's Tailoring Shop'. Ipinangalan iyon ng yumaong magulang niya sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status