Share

Chapter 20

UMAWANG ang bibig ni Yumi sa narinig. Pinakatitigan niyang mabuti ang lalaking kaharap. Maya't maya pa ay malalim siyang napahinga.

"Bakit mo naman ako susunduin? Ipapakulong mo na ba ako?" taas kilay niyang tanong dito.

"Pupunta tayo sa England, remember?"

"Wow!"

"Anak, saan iyon?"

Mula sa dingding ng kusina ay nakikinig ang mag-inang Lourdes at Althea. Halos humaba na ang mga tainga nito mapakinggan lamang ng maayos ang pinag-uusapan ng dalawa.

"Malayong lugar iyon, Ma, at hindi natin kayang pumunta roon."

Naningkit naman ang mata ni Yumi. "Hindi ako sasama sa iyo. Mas nanaisin ko pang magpalaboy-laboy sa lansangan kaysa ang bumalik sa mansyon mo!" mariing niyang tugon.

"Mansiyon? Wow! Aba'y yayamanin talaga ang bisita ni Yumi," ani Lourdes.

Tumayo si Vincent at lumapit sa kaniya. Halos magmakaawa na ang anyo nito. "Please, asawa ko!"

"Ano raw? Asawa?

"Mukhang mayamang-mayaman nga siya, Ma. May kotse pa nga siya sa labas, iyon ho bang mamahaling sasakyan."

"Talaga?"

Pabulo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status