All Chapters of The Obsession Of A Dominant Billionaire: Chapter 181 - Chapter 190
426 Chapters
63 - Ulan
Pero nasa bungad pa lang si Zyd ng bahay, tinaboy na siya ni Lianne. Sa pamilya ng babae, alagang-alaga siya at welcome na welcome sa bahay, pero pagdating kay Lianne... Hindi. Wala siyang pag-asa. "Ano ka ba, Lianne! Tatay 'yan ng anak mo. Bakit ba ayaw mo pagbigyan ng pagkakataon ang lalaking iyan? Tingin ko, mabait naman siya at mula Pensylvannia pa 'yan, oh. Mukhang pagod na pagod. Bakit hindi mo anyayahan sa loob ng bahay at makapagpahinga?"Nagyuko siya bilang bigay galang sa ama nito na lumabas din at pinakiharapan siya. Kagagaling pa nga lang niya sa Pensylvannia at nagpahatid lang ng chopper kay Cuhen sa probinsya ng babae. Nung unang dalaw niya rito, hindi rin siya pinaakyat at hanggang pintuan lang siya. Hindi rin niya nakita ang kaniyang anak o ang tamang sabihin, tinatago nito sa kaniya ang bata. Wala siyang karapatan magalit. Dahil sa totoo, ang may karapatan dito—— si Lianne lang. "Hayaan niyo siya. Hindi
Read more
64 - Take Me Back
Papikit pa lang si Zyd ng mata habang nakahiga sa may kalambutang sofa nang marinig niya ang matinis na boses ng kaniyang nag-iisang princess. Agad itong tumakbo papalapit sa kaniya at naglalambing."Daddy!"Mabilis  niyang tinanggap ang yakap nito at pinugpog ng halik ang ulo, "My baby princess. How's my baby?" Umupo siya at hinarap ang bata.Humagikhik naman ito at tinuro si Lianne na hindi na halos maipinta ang mukha sa sobrang inis. Malalaki ang hakbang nito ngayon na lumapit sa kanila saka kinuha sa kaniya ang bata. Muntikan pa siyang napapikit sa sumaging kamay nito sa kaniyang balat. "Magkumot ka!" Binato siya nito ng kumot. Ang lawak ng kaniyang ngiti nang saluin niya iyon saka nitong niyaya si Aerush na umalis. "Bye Daddy! Play tayo pagbalik namin, ah? Stay kayo d'yan." Kumaway sa kaniya ang bata hanggang sa makalabas ang mga ito ng bahay. Napabuntung
Read more
65 - Wakas!
Bumagsak ang buong mundo niya nang talikuran siya ni Lianne. Ando'n ang sigaw ng utak niyang habulin ang babae pero sa mga salitang binitawan ng babaeng minahal niya ng mas higit pa, pakiramdam ni Zyd, hinati ang kaniyang puso kasabay ng pag-guho ng kaniyang pag-asa na maibabalik pa niya ang dating sila.Wala. Wala na siyang pag-asa kahit konti. Napaupo siya sa lupa habang nakasunod lang ang kaniyang tingin dito na papalayo sa kaniya. Ganito pala kasakit... Ganito pala 'yong pakiramdam na ayaw na nung taong mahal mo, ganito pala kasakit kapag totoong nagmahal ka. Napakuyom siya ng kamao. Nagsimulang yumugyog ang kaniyang balikat at kahit anong pigil niyang huwag umiyak para lang sa puso niyang nawasak—— wala. Wala siyang nagawa nung sunod-sunod na nagsibagsakan ang mga luha niya at damang-dama niya bawat sakit sa araw na ito. B-bakit, Elhouette... Bakit... Bumuhos ang malakas na ulan. Dahan-dahan siyang nabasa pero hindi
Read more
Special Chapter
Natatawang inabot ni Zyd ang cellphone kay Lianne. Takang inabot nito at nakakunot ang noong tumingin sa kaniya. "That's your phone. You give that to me before, remember?""Hindi mo 'to tinapon?"Ang lakas ng halakhak na kaniyang binitawan. Halos magkasamid-samid siya sa kakatawa habang 'di maipinta ang mukha ni Lianne. "Ang pangit ng mga selfie's mo. Lalo na 'yong mga pout lips pictures. Ah they're fucking ugly, for real."Sinapak siya nito at madilim ang mukhang tumayo. "Akala mo naman ang gwapo mo? Eh, mas gwapo pa si Henrik sa'yo. Min Dam pa tawag sa'kin. Sobrang sweet sa pandinig——""Mas gwapo ako," nalukot ang kaniyang mukha."No. Mas gwapo siya."Napakuyom siya ng kamao. Madilim ang kaniyang anyong tiningnan ang asawa,"You're lying. Mas gwapo ako dahil ako ang mahal mo.""No. Mas gwapo si Henrik sa'yo, no jokes."Tuluyang nalukot ang kan'yang
Read more
Special Chapter II
Nababagot na bumangon siya at nagtungo sa pintuan. Gusto niyang lumanghap ng hangin sa rooftop at punuin ang dibdib. Hanggang ngayon, presko pa rin ang sakit pero ‘di siya susuko. Natalo siya ni Gustavsson pero hindi siya naging captain ng isang team kung mabilis siyang sumuko. Kailangan niya pa rin sumubok kahit ilang beses siyang itulak ni Elhouette papalayo.Eksaktong pagbukas niya ng pintuan ang pagbiglang pagpasok ni Gustavsson. Kumuyom ang kaniyang kamao at nagpipigil siyang sunggaban ng suntok ito. Pinilit niyang kumalma at nilagpasan ito pero mabilis siya nitong hinawakan sa balikat.“McCluskey, spare me a minute. I need to talk you.”“For?”“About Lianne,” deritsahang sagot nito.Mapait siyang napangisi. “You have her. But don’t celebrate yet.”Tumango ito pero mataman siyang tiningnan. “No, it’s not about me and Lianne. It’s about you and her.”Natigilan siya sa sinabi ni Gustavsson. Napahugot siya ng malalim na hangin at niyaya ang lalaki na sa rooftop sila ng Hospital mag-
Read more
66 - Henrik x Trinity
Pigil ang luha at nakangiting hinarap ni Trinity si Henrik. Sa kaniyang mukha, walang mababakas na sakit. Para siyang isang dalagang binayayaan ng panahon sa gandang taglay niya na meron ngayon. Pero, hindi basihan ang kagandahan niya ngayon na tinatamasa para tuluyan pagtuunan ni Henrik ang kaniyang damdamin para rito.Sa lalaki, isa lamang siyang babae. Walang espisyal. Walang pwedeng ipagmayabang. Isa lamang siyang babaeng pinagkaloob ang sarili sa binata na walang anuman katugon. Walang label. Wala siyang pinaghahawakan.“Hey?”“Hey!” bigla siyang nanumbalik sa reyalidad nang maalalang nasa harapan niya ang lalaking kay tagal niyang pinangarap. Lalaking kay tagal niyang inaasam-asam na pansinin siya at heto, nagkatotoo ang bagay na iyon. Pero bakit hindi siya masaya? Bakit hindi niya damang-dama ang salitang iyon?“You look bothered,” puna nito at akmang aabutin ang kaniyang pisngi pero umiwas siya.Agad siyang nagbaba ng tingin at umatras. Nagkunwari siyang tiningnan ang kaniyang
Read more
67 - Shower Room
"Are you sure you don't want me to come-"Pinigilan ni Trinity sa pamamagitan ng halik ang labi ni Henrik. Pero saglit lang iyon, ayaw niyang pati ang maliit na tsansang makatakas saglit sa kaniyang kahibangan ay muling ipagkait ng panahon. Hangga't may natitira pang katinuan sa kaniyang pag-iisip, hangga't kaya pa niyang humakbang papalayo, gagawin niya na ngayon."I told you, ey?" Hinaplos niya ang pisngi nito. "Your team needs you. They won't last a day without you too. The greatest Henrik Gustavvson is needed by his team and not just only me.""But I need you too."Because I'm the one who's here... Gusto niyang sambitin ang mga katagang iyon pero nanatili lamang ito sa kaniyang isip. Ayaw niyang mas gawing komplikado ang lahat."Then, I can give you a ride-""Nope." Ningitian niya ito. "You need to take a rest. May game pa kayo bukas at ipaalala ko lang sa'yo, malapit na ang Stanley Cup Championship. Kailangan niyo pa pumasok sa playoffs kaya kailangan mo na magpahinga, okay?” Mul
Read more
68 - When We Were Young
Nagising siyang Hospital ang kaniyang namulatan. Mabilis siyang bumangon at tiningnan ang kamay na may nakasaksak na IV fluid. Napakunot siya ng noo kung paano at bakit siya may ganoon at nasa Hospital.Pilit niyang inalala ang nangyari pero sumasakit lang ang kaniyang ulo. Hindi niya maalala. Ang tanging natatandaan niya, natulog siyang hindi nagbihis.“God, Trinity!”Tumama ang tingin ni Trinity sa bagong pasok na panauhin at ang kapatid niya itong si Serenity. Puno ng pag-alala ang buong mukha nito, larawan ng isang matandang kapatid na nag-alala sa nakakabatang kapatid.“What happened?”“I can't believe you were asking me what happened!” asik nito pero dahil likas na malambing na ang boses nito, para lamang siyang tinatanong nito sa malamyos na boses.Nagbalik siya ng higa at tiningnan ang kesame. Inalala niya ang nangyari. Maliban sa nag-aral siya sa primary at secondary na mataba at naging kumpulan ng tukso rati, hanggang sa pumayat siya, wala na siyang maalala kung bakit siya n
Read more
69 - Hideout
Hininto niya ang kaniyang sasakyan sa may kalayuan mula sa labas ng isang malaking bahay. Hindi ito mansyon tulad ng Williamson pero sapat na para makitang masaya ang nakatira ro'n sa loob ng malaking bahay na napapalibutan ng mga nagagandahang orchids.Ang kaniyang kamay ay hindi mapakali sa manibela. Pasilip-silip din siya sa loob at patingin-tingin sa orasang suot. May hinihintay siyang taong lumabas.“This is wrong... This is—” nauwi sa ere ang anuman sasabihin niya nang makita niya ang isang babaeng masayang lumabas at may bitbit na halaman sa isang kamay.Kasunod nito ay isang lalaking kasing-edad lang ng kaniyang ama at kitang-kita niya sa pagmumukha ng mga ito ang masayang pagmamahalan sa simpleng pamumuhay lang.Hindi halatang matanda sa edad na singkwenta. Nagmistula pa rin itong isang dyosa na kahit panahon na ang naniningil ng edad nito. Sobrang ganda pa rin ng ginang kahit saan ito tingnan.“M-mom...” parang may kung anong bumikig sa kaniyang lalamunan at ang planong kaus
Read more
70 - Marry
"Good evening, Ms. Williamson."Tumango siya sa nang sabay-sabay siyang batiin ng kaniyang mga staff sa kaniyamg restaurant. Hindi siya mahigpit sa mga ito, at hindi rin siya chill lang.Busy ang lahat at nakikita niyang maraming mga customer keysa noong huling punta niya rito. Dahil wala na siyang oras para magbilang ng mga customer, ang mga order na lang ng mga ito ang kaniyang kinuha.Ilang sandali pa ay naging busy na ang lahat sa pagluluto ng bawat order ng mga customer. Naging focus siya sa paghahanda ng dessert nang marinig niya ang hagikhikan ng ilan sa mga staff niyang babae. Napilitan siyang silipin kung ano ang nangyari at baka may nag-away.“What happened?”“Henrik Gustavvson is here, Ms. Williamson.” Halata naman na kinilig ang kaniyang mga staff. Tinuro nito ang gawi kung saan ang entrance door ng kaniyang restaurant.Habang siya ay natigilan. Tiningnan niya mula sa labas kung totoo ngang nandito ang lalaki at tama nga ang sinabi ng staff niya, nandito si Henrik pero hin
Read more
PREV
1
...
1718192021
...
43
DMCA.com Protection Status