Все главы Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Глава 111 - Глава 120
7044
Kabanata 111
“Ulitin mo nga ang mga sinabi mo?” Sabi ng galit na sales assistant “Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Kung hindi mo kaya, huwag kang pupunta sa isang high end na mall na kagaya nito. Alam mo nang mumurahin lang ang mga damit na suot mo pero nagawa mo pa ring magpunta rito. Paano na lang kung madumihan mo ang mga damit na nakadisplay dito? Kahit na madumihan mo pa ang mga ito, wala ka pa rin namang perang pambayad sa mga ito, sinasayang mo lang ang oras ko.” “Oo nga, tama ang mga sinabi ng babaeng iyan.” Dagdag ng mukhang mayamang babae “Hindi madali maging isang sales assistant. Kaya kung wala kang balak na bilhin ito, huwag mo na itong sukatin. Mayroong department store na malapit dito, mas bagay at mas kaya mong bilhin ang mga damit na tinitinda roon.” “Umalis na lang tayo.” Dahan dahang hinila ni Lily si Darryl habang bumubulong dito. Sa totoo lang, nangaasar lang si Lily kanina noong sabihin niya iyon kay Darryl at hindi niya talaga intensiyon na pilitin si Darryl na bilhin
Читайте больше
Kabanata 112
Wow!Agad na napahinga nang malalim ang mga taong nakapaligid sa kanila. “Wala na talaga siya sa kaniyang sarili!” “8,000,000 dollars? Para na siyang nagnakaw sa katirikan ng araw nito.” “Hindi ka naman uhaw sa pera ano? Siguradong hindi lalampas sa 8,000 dollars ang kabuohang halaga ng mga gamit na makikita sa stall mo ngayon.” Nagsalita rito ang lahat habang iniiling ni Yvonne at ng ilang mga nagmamayari ng mga antique stores ang kanilang mga ulo habang nakangiti sa tinitingnan nilang antique seller. Pero hindi nila inaasahang may isang taong lalapit mula sa kanilang likuran. “Eight million? Sige, kukunin ko na ito.” Tango ni Darryl matapos niya itong pagisipan nang isang sandali. Wow!Agad na nagkagulo ang lahat sa mga sandaling ito. Bibilhin niya ba talaga ito? Eight million para sa isang sira at kinakalawang na espada, wala na ba talaga siya sa kaniyang sarili? Agad ding napailing kay Darryl sa mga sandaling ito ang ilan sa mga mayari ng antique store na mala
Читайте больше
Kabanata 113
Matapos marinig ang mga sinabi ni Lily, ngumiti si Yvonne at tahimik na sinabing “Ok lang. Naniniwala ako kay Darrryl.”Naniniwala sa kaniya?Tatlong taon na silang kasal pero hindi pa niya nagagawang marinig kailanman na mayroong kaalaman si Darryl pagdating sa mga antique.Ang tanging alam niya lang ay wala nang ginawang kahit na ano si Darryl maliban sa paglalaba at pagluluto sa bahay, maliban dito ay wala na siyang kuwenta pagadating sa ibang mga bagay. Habang ang pamilya naman ni Yvonne ay kilala na sa industriya ng mga antique nang ilang henerasyon kaya paano magagawan ng mga itong makinig kay Darryl?Habang tinitingnan muli ni Darryl ang porselanang plato at sinasabing “Tingnan mo ang nakaukit na bulaklak dito, masyado itong makapal at mabilog. Hindi magagawa ng mga pugon ng mga pangkaraniwang tao noon na makagawa ng mga ganitong klase ng gamit, siguradong pugon na pagmamayari ng emperyo ang gumawa sa isang ito.”Agad na napahinga nang malalim ang lahat matapos marinig ang
Читайте больше
Kabanata 114
Nang kumonekta ang tawag, agad na pinindot ng antique seller ang speaker mode ng kaniyang cellphone.Mahahalatang ipinaparinig niya sa lahat ang usapan nila ng tao sa kabilang linya.“Hi, kuya Felix. Ako ito.” Sabi ng antique seller sa cellphone habang nakatingin kay Darryl.Kuya Felix?Matapos itong marinig, agad na nanginig ang lahat. Gaano karaming tao ba ang may pangalang Felix sa buong Donghai City? Maaari kayang… Nagisip ang lahat. Sa mga sandaling ito, isang malalim na boses ang maririnig sa kabilang linya ng tawag “Ano ang nangyari insan?”“Felix Blakely?”“Hayop, pinsan ang lalaking ito ni Felix Blakely?” Bakit magkakaroon si Felix Blakely na may net worth na ilang bilyong dolyar ng isang manlolokong pinsan?Totoo nga. Ang lalaki sa kabilang linya ay ang presidente ng Black Tiger Real Estate na si Felix Blakely. Kilala siya sa buong Donghai City bilang isang tao na hindi mo magagawang kalabanin!Agad na napuno ng pagaalala ang lahat lalo na ang ilan sa mga m
Читайте больше
Kabanata 115
Napuno ng pagkagulat ang antique seller na hindi tumigil sa pagtango. Hindi niya nagawang suwayin ang mga sinabi ng kaniyang pinsang si Felix.“Ibigay mo na ang cellphone kay Kuya Darryl!” Sabi ni Felix.Nang ibigay ng antique seller ang cellphone kay Darryl, maririnig ang nanginginig na boses ni Felix sa kabilang dulo ng linya.“Kasalanan ko ang lahat ng ito, Kuya Darryl. Hindi ko nagawang kontrolin ang asal ng aking pinsan. Pupunta na ako riyan ngayon para humingi ng tawad kay Miss Young..”“Hindi, hindi na kailangan…” Sabi ng nagugulat ding si Yvonne. Paano niya magagawang makita na humingi ng tawad si Felix sa kaniya habang nasa harapan ng maraming tao?Iniling ni Darryl ang kaniyang ulo at sinabing “Ok lang iyon, hindi mo na kailangan pang pumunta rito. Siguruhin mo lang na kokontrolin mo na nang maayos ang mga tao mo sa hinaharap. Mabuti na lang at ako lang ang nakaharap niya ngayon, kundi ay siguradong mapapasok ka sa isang malaking gulo nang dahil dito.”“Opo, wala pong p
Читайте больше
Kabanata 116
Isa talagang napakagandang tanawin ng pagsasama sama ng tatlong mga nagagadanahang binibini sa iisang lugar.Tiningnan ni Darryl ang mga ito habang nakaupo sa sofa. Matapos ang isang sandali ay nabored na siya sa mga ito kaya binuksan na lang niya ang TV para manood.Ah-choo! Ah-choo! Ah-choo! Ilang beses pang humatsing si Darryl, dito siya nagsimulang magkaroon ng runny nose.“Hayop, mukhang nagkaroon nga talaga ako ng sipon,” bulong niya sa kaniyang sarili habang kinukuha ang dalawang piraso ng tissue paper na kaniyang ipinangpupunas sa kaniyang ilong. Itinapon niya ang mga ito sa tabi ng coffee table kung saan niya kinuha ang remote ng TV para maghanap ng magandang palabas. Naghanap siya sa iba’t ibang channels ng Donghai TV, pero isang adult channel ang kaniyang napuntahan matapos pindutin ang ilan sa mga pindutan.Hayop! Ano bang klase ng TV ito? Bakit ito nagkaroon ng ganitong klase ng mga channel?”“Darryl, maipagkukuha ba kita ng ilang maiinom?”Naglakad si Yvonne mul
Читайте больше
Kabanata 117
Oh,no! Naririto na si Skyler Burr!Pinapagaan ni Darryl ang kaniyang loob nang marinig niya ang malakas ng tunog mula sa pagsipa ni Skyler sa pintuan papasok sa toilet.“Galit ka ba, Skyler Burr? Ako ang East King!” Sinubukan pa ring magkunwari ni Darryl nang walang kaideideya kung ano ba talaga ang East King.“Sige lang.” Sigaw ni Skylar. “Magkunwari ka lang na isang East Kung. Sisiguruhin kong iiyak ka ngayong araw.”Kasalukuyang nakatali ang tatlong mga babae na itinulak ng mga tauhan ni Skylar papasok sa sala ng mansiyon nina Yvonne. Hindi ordinaryong lalaki ang mga ito dahil sila ay itinuturing nang mga disipulo ng Heaven Cult!Dito na naging mabagsik si Darryl pero alam niya na wala siyang magagawa para labanan ang mga ito nang magisa. Kaya huminga na lang siya nang malalim para palamigin ang nagiinit niyang ulo.Isang maliit na ngiti ang nagpakita sa mga labi ni Skyler. “Sumunod ka sa akin,” bulong nito.Dito na siya naglakad papasok sa kuwarto. Wala nang magagawa si Darr
Читайте больше
Kabanata 118
”Masuwerte ka at nakita moa ko ngayong araw dahil kung hindi ay sinisiguro ko sayong hihintayin mo na lang ang iyong kamatayan.” Sabi ni Darryl habang inilalagay ang Bicolor Flower sa palayok na nasa ibabaw ng stove. Sinimulan na rin niya ang paghahanda sa iba pang mga sangkap.Maliban sa Bicolor Flower, nangangailangan din ang antidote ng rice vinegar at mga petal ng peony flower. Ginulat ni Darryl si Skyler habang pinapanood kung paano nito gawin ang antidote.Ginagawa na ba talaga niya ang antidote na para rito? Alam niya ba talaga ang recipe sa paggawa nito o nagkukunwari nanaman siya na alam ang tungkol dito? Ang antidote para sa Heaven Cult Elixir… paano ito nagawang malaman ng ibang tao maliban sa aming Grandmaster?Bumaha ang mga tanong sa isipan ni Skuyler at sa wakas ay nagpakita na rin ang isang elixir sa kamay ni Darryl. Tapos na siya!“Kainin mo ito,” Utos ni Darrly habang inilalagay ang pill sa bibig ni Skyler. Kahit na nagmukhang kalmado si Darryl, napuno pa rin siya
Читайте больше
Kabanata 119
”Pakawalan mo na kami Darryl. Sino rin ba ang mga taong ito? Ano ang ginagawa nila rito?” Tahimik na itinanong ni Lily.“Wala lang iyon,” Iling ni Darryl sa kaniyang ulo. “Ni hindi ko nga kilala ang mga iyon. Nagkaroon lang ng hindi pagkakaintindihan matapos nila akong mapagkamalan bilang tao na kanilang hinahanap.”Hinding hindi niya sasabihin sa kahit na sino ang pagiging isa niyang Hall Master, siyempre. Sabagay, hidni naging maganda ang reputasyon ng Heaven Cult sa lahat.Habang tinatanggal ang tali ng tato, narinig nilang bumukas ang pinto na agad sinundan ng matinding galit.“Darryl? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!”Tumingin siya sa pinto kung saan nakita nila ang ama ni Yvonne na si Kingston Young. Tumayo ito sa pinto habang ipinapakita ang nagdidilim nitong mukha at napupuno ng takot at galit nitong mga mata. Bahagyang gumalay ang dulo ng kaniyang mga mata nang dahil sa kaniyang mga nakita.“Oh, diyos ko! Nako po!” Napahawak na lang si Kingston sa kaniyang dibdib haban
Читайте больше
Kabanata 120
”Ano ang mga pinagsasabi mong iyan, Dad? Kailan ko ba ginustong…” Ipinadyak ni Yvonne ang kaniyang mga paa habang namumula ang kaniyang mukha.Kahit na direkta niya itong nasasabi, hindi pa rin niya napigilan ang pagpasok ng mga imahe ni Darryl sa kaniyang isipan. Masyadong mahirap para sa kahit na sinong malaman ang iniisip ni Darryl. Palagi niyang sinusurpresa ang lahat. At ayon sa ibang tao, isa lang siyang basura, isang duwag at walang kuwentang tao. Pero, ang kilala niyang Darryl ay isang taong kasing misteryoso ng karagatan. At agad siyang napapanatag sa bawat sandaling kasama niya ito.Kakaiba ang bagay na ito… bakit niya magagawang magisip ng ganitong mga bagay? Nagbublush na inisip ni Yvonne.Matapos umalis sa bahay nina Yvonne, ipinarada ni Lily ang sasakyan sa entrance ng isang supermarket.“Darryl, bakit hindi mo kaya ihatid si Jade pauwi?” Sabi ni Lily “Magogrocery na muna ako para maipaghanda ka ng hapunan ngayong gabi.”“Ipaghahanda mo ako ng hapunan?!” Nagugulat na
Читайте больше
Предыдущий
1
...
1011121314
...
705
DMCA.com Protection Status