Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 2331 - Kabanata 2340
2479 Kabanata
Kabanata 2331
Huminto si Ava. Kaagad niyang naintindihan kung ano ang nasa isip ni Tom. Bumuntong-hininga siya, at isang ngiti ang lumitaw sa labi niya. "Inabandona ako ng mga magulang ko noong bata pa ako, pero kamakailan, nahanap nila ako nang magkasunod." Pagkatapos sabihin iyon ni Ava, nagkataon ay natapat sila na pula ang ilaw trapiko. Huminto ang kotse. Lumingon si Tom kaya Ava nang may bahagyang gulat at pagsisisi sa mga mata niya. "Kung totoo ito, nahihirapan talaga akong maniwala na gagawin ng isang talentadong taong kagaya ni Dr. Long ang ganito kaseryosong pagkakamali noong bata pa siya. Hindi kaya hindi lang kayo nagkaintindihan?" "Sa tingin ko, hindi." Itinanggi ito ni Ava. "Tinanong ko sila nang personal kung ginusto nila akong iwan noon at umamin sila." Pagkatapos marinig ang sagot ni Ava, puno pa rin ng pagdududa ang mga mata ni Tom. "Siguro minsan, ang mga bagay na nakikita ng sariling mga mata natin ay hindi ang katotohanan." "Pero totoo na hindi nila ako gusto."
Magbasa pa
Kabanata 2332
Nagdududang kinuha ni Madeline ang invitation card mula kay Jeremy. Pagkatapos itong buksan, nakita niya na hindi niya kilala ang pangalan sa invitation. Gayunpaman, nagulat si Madeline sa nilalaman ng invitation letter. "Ikakasal si Dan kay Naya?" Kumunot ang noo ni Jeremy. "Nakita ko ang invitation letter na'to habang may nagbabasa nito. Base sa mayabang na inaasta ni Naya, malamang ay ayaw niya ng hindi inaasahang problema. Iyon siguro ang dahilan kung bakit di niya tayo inimbitahan o kaya si Ava." "Gusto niya talagang madaliin ito para huli na ang lahat para may gawin tayo pagkatapos nito. Kahit na bumalik ang alaala ni Dan, imposibleng mabago ang katotohanan na kasal sila ni Naya." Binuking ni Madeline ang masamang plano ni Naya. Ganito rin ang nasa isip ni Jeremy. Tumingin siya sa harapan niya at nakita niya si Ava na nakikipaglaro kay Pudding."Linnie, sasabihin mo ba kay Ava ang tungkol dito?" Tinignan ni Madeline si Ava na may ngiti sa kanyang mukha at umiling. "Pup
Magbasa pa
Kabanata 2333
Nagsusukat si Naya ng isang wedding gown sa bridal shop. Pagkatapos matanggap ang tawag mula sa nanay ni Daniel, kaagad siyang nagmaneho pabalik. Nag-aalala siya na baka may sabihin si Madeline kay Daniel na negatibo tungkol sa kanya. Hindi niya gustong magkaroon ng problema sa ganito kaimportanteng oras. Sa bahay. Pinaupo ni Daniel si Madeline, pagkatapos ay inutusan ang katulong na magdala ng tsaa at merienda. "Ikaw ang kaibigan ni Ava, si Eveline." Tinignan ni Daniel si Madeline. Para bang kinukumpirma niya ang relasyon nila. Bahayang ngumiti si Madeline. "Tama ka, Dan. Ako ang kaibigan ni Ava, pero kaibigan mo rin ako. Matagal na tayong matalik na magkaibigan." Nag-isip nang malalim si Daniel na para bang iniintindi niya ang impormasyong binigay sa kanya ni Madeline. "Wala ka ba talagang naaalala sa nakaraan?" Tumingin si Daniel at umiling nang marahan. "Mukhang may humaharang sa nerves ko na papunta sa parte ng utak ko na may hawak sa alaala, kaya wala akong maalal
Magbasa pa
Kabanata 2334
Nagsusukat ng mga wedding gown si Naya sa isang bridal shop malapit sa Graham Manor kaya hindi siya natagalan na makapunta roon. Higit pa roon, mabilis niyang pinaandar ang kotse niya sa buong biyahe kaya mabilis siyang nakarating. Narinig ni Madeline ang mga yabag at lumingon. Nang makita niya ang nagmamadaling ekspresyon ni Naya, bahagya niyang tinaas ang kanyang mapupulang labi. "Ms. Mendez, ang bilis mong nakarating. Natatakot ka ba na kapag nahuli ka ng isang segundo, masisira ko ang mga plano mo?" Nanlumo ang mukha ni Naya, pero dahil nandito si Daniel, alam niyang kailangan niyang umarte. Kaagad siyang sumagot ng may malungkot na ekspresyon, "Mrs. Whitman, hindi ko talaga naiintindihan ang ibig mong sabihin. Alam mo na matalik kayong magkaibigan ni Ava, pero hindi ito tamang paraan para tulungan ang kaibigan mo. Hindi mo ko pwedeng siraan nang paulit-ulit." Sa harap ng pekeng maskara ni Naya, malamig lang siyang tinitigan ni Madeline nang may hindi natitinag na ekspresyo
Magbasa pa
Kabanata 2335
Hindi niya gustong gumuho ngayon ang impresyon niya sa puso ni Daniel na pinaghirapan niyang buuin simula noong bata pa siya. Nang makita ni Madeline si Naya na huminto sa pagsagot, kuntento siyang ngumiti. Hindi na niya kinausap si Naya. Sa halip, hinarap niya si Daniel. "Dan, sa tingin ko may sagot ka na kung sino ba talaga ang nagsisinungaling at umaarte. Gusto ko lang sabihin sa'yo na huwag kang gagawa ng kahit na anong pagsisisihan mo. Pansamantala lang ang amnesia mo. Maaalala mo rin ang lahat. Sa sandaling iyon, maaalala mo rin kung sino ang tunay mong minamahal." Pagkatapos sabihin iyon ni Madeline, sinilip niya si Naya at tumalikod para umalis. Nakita ni Madeline na nakatitig sa kanya si Naya nang may napakaagresibong ekspresyon. Kalmado at aroganteng ngumiti si Madeline. "Wala naman talagang nakuha ang dashcam ko, pero sa huli ay inamin ng may-sala ang katotohanan sa katahimikan niya." “...” Napagtanto na ni Naya na naglakad siya diretso sa patibong ni Madeline.
Magbasa pa
Kabanata 2336
Hindi alam ni Daniel kung ano ang problema, ngunit sumakit ang ulo niya sa mabilis na pagkatok.“Dan, buksan mo ang pinto ngayon na!” Naririnig ang nagmamadaling boses ng nanay ni Daniel.Bumangon si Daniel at binuksan ang pinto. Nang makita niyang mukhang nababahala ang nanay niya, sumimangot siya.“Anong nangyari? Bakit nagmamadali kayong hanapin ako?”“May nangyaring masama kay Naya!” Idiniin ng nanay niya.Sa hindi malamang dahilan, kalmado si Daniel nang marinig niya ito. Nairita lang siya nang sobra.“Anong nangyari sa kanya?”“Nag-iwan siya ng isang suicide note at nagtangkang mag-overdose!” Hindi mukhang nagbibiro ang nanay ni Daniel. “Kasalukuyan siyang dinadala sa ospital ngayon. Hindi kami sigurado kung kakayanin ba niya. Dan, kailangan mo siyang puntahan kahit anong mangyari.”Nang malaman ni Daniel ang nangyari, hindi na siya nagpatagal pa. Kinuha niya ang kanyang coat at sumugod sa ospital kasama ang kanyang nanay.Lumabas ng emergency room ang doktor sa sandalin
Magbasa pa
Kabanata 2337
[Paalam, Dan. Dapat sumaya ka.]Sa huli, ito ay may lagda ni Naya Mendez.Isa itong suicide note kahit paano pa ito tingnan.Makikita ang kagustuhan ni Naya na mamatay mula sa mga salitang sinulat niya.“Dan, ginawa ito ni Naya para sa’yo.” Pinayuhan ng nanay ni Daniel si Daniel pagkatapos niyang basahin ang sulat ni Naya. “Ang tanga ni Naya na gawin ang bagay na ito dahil sa dalawang tagalabas.“Si Ava at Eveline ang pumatay sa kanya, sigurado ‘yan. Pero ang mas ikinalulungkot ni Naya na wala kang tiwala sa kanya, Daniel,” Diin ng nanay ni Naya. “Dan, nailigtas na si Naya, kaya dapat alagaan mo siya nang maigi hanggang sa gumaling siya. Narinig mo naman ang sinabi ng doktor kanina. Hindi mo pwedeng pasamain ang loob ni Naya.”Hindi kilala ni Daniel ang mga tao sa harapan niya, ngunit tumango siya nang tingnan niya ulit ang sulat ni Naya.Nang makita ng nanay ni Naya na tumatango siya, lalong gumaan ang pakiramdam nito. Subalit, nang maalala niya ang nilalaman ng sulat ni Naya,
Magbasa pa
Kabanata 2338
Mukhang mababaliw na ang nanay ni Naya sa sobrang galit pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Karen para protektahan si Madeline.Inilabas niya ang sulat na nakuha niya mula kay Daniel at galit na ibinato ang papel kay Karen.Pagkatapos itong masalo ni Karen, tiningnan niya nang nagtataka ang nanay ni Naya.“Ano ‘to? Bakit mo ‘to binato sa akin?”“‘Yan ang suicide note ng anak ko!” Mukhang isinigaw ng nanay ni Naya ang salitang ito habang nagkikiskisan ang mga ngipin. “Karen, tingnan mo ang suicide note ng anak ko. Tingin mo pa rin ba walang kasalanan ang daughter-in-law mo?”Nang marinig ni Madeline ang galit na pananalita ng nanay ni Naya, naalala niya ang nangyari nitong umaga noong nagpunta siya sa Graham Manor.“Suicide note ni Naya?” Kumunot ang noo ni Ava at naglakad sa likuran ni Karen kasama si Pudding.Pagkatapos buksan ni Karen ang sulat, kaagad nakita nila Madeline ang laman ng sulat.Ang mukhang nagigipit at nalulungkot na reklamo ni Naya ay nakasulat dito. Pinag
Magbasa pa
Kabanata 2339
Marangal na sinabi ni Madeline at inabot ang sulat sa nanay ni Naya.“Sige lang. Pwede mo akong siraan sa internet, at pwede ka rin kumuha ng mga bayaran para atakihin ako nang buong lakas nila. Pero kung tingin mo magiging tama ka sa paggawa mo nito, edi mas mangmang ka pa sa bunsong anak ko.”“...” Sunod-sunod na pinagalitan ni Ava at Madeline ang nanay ni Naya. Namutla ang mukha nito sa galit.Kinuha niya ang sulat mula sa kamay ni Madeline at galit na tinuro si Madeline. “Eveline, huwag mong akalain na pwede kang maging matapang at mayabang dahil lang sinusuportahan ka ng mga Whitman at mga Montgomery. Gusto kong makita kung paano ka makakapagpatuloy sa pagyayabang mo kapag ibinunyag ko ang katotohanang pinilit mong magpakamatay ang anak ko sa internet!”Galit na tinuro ng nanay ni Naya si Madeline at kaagad na lumingon pagkatapos pagbantaan ito. Pag-alis ng nanay ni Naya, lalong gumaan ang pakiramdam ni Madeline, ngunit nag-aalala si Ava para kay Madeline. “Maddie, kaila
Magbasa pa
Kabanata 2340
Ang totoo, nagpapanggap lang talaga na may sakit si Naya. Ang pagbabalak niyang magpakamatay ay isa lamang palabas na ginawa niya.Masigla siya at hindi man lang nasaktan ang katawan niya.Nang lumabas ang nanay niya upang bumili ng pagkain, komportable niyang hawak ang kanyang phone at binabasa ang mga masasamang salitang binabato ng mga netizen kay Madeline.Sa sandaling ito, bigla niyang narinig ang tunog ng isang taong binubuksan ang pinto. Akala niya nagpunta si Daniel upang makita siya, kaya kaagad niyang ibinaba ang kanyang phone at nagpanggap na mahina. Subalit, nang makita niyang si Ava ito, natulala siya saglit. Hindi siya nagsalita at tiningnan lang niya si Ava nang mukhang nagtataka. Patuloy siyang nagmukhang nanghihina.“Ava, anong ginagawa mo dito? Sinong nagpapasok sa’yo sa ward ko? Ayaw kitang makita.” Kumunot ang kilay ni Naya at tinignan si Ava nang mukhang nandidiri.“Mom, nasaan ka? Mom?” Tinawag ni Naya ang nanay niya sa direksyon ng pinto nang parang nanghihi
Magbasa pa
PREV
1
...
232233234235236
...
248
DMCA.com Protection Status