Lahat ng Kabanata ng Sir Ares, Goodnight! : Kabanata 41 - Kabanata 50
848 Kabanata
Kabanata 41
Walang alinlangang tumanggi si Jay. “Papa, mayroon na siyang bagong pamilya at sarili niyang mga anak. Hindi niya magagawang ibigay kay Jenson ang buo niyang pagmamahal. Pakiusap ‘wag mo sabihin kay Jenson na siya ang kaniyang ina. ‘Wag mo siyang paasahin para lamang masaktan siya.”Ang matandang lalaki ay tumingin sa galit na mukha ng kaniyang anak at nagpumilit, “Jay, kahit na ayaw mo sa kaniya, siya pa rin ang ina ni Jenson. Ang pagmamahal sa pagitan ng mag-ina kahit kailan ay hindi mapuputol. Bakit hindi mo buksan ang puso mo at hayaan silang makilala ang isa’t isa? Para kay Jenson.”Nang umalis si Jay sa study room ng matanda, siya ay mas nahihilo.Gabing-gabi na noong umalis sila sa bahay nina Lolo’t Lola. Naglakad si Jay palabas ng villa, karga si Robbie sa isang braso. Nasisiyahang kumaway si Robbie kina Lolo at Lola. “Paalam, Lolo. Paalam, Lola. Paalam, Tita Josephine.”Pagkatapos magpaalam, niyakap ni Robbie ang kaniyang Daddy. ‘Ang lakas naman ni Daddy. Kaya niya akong buhat
Magbasa pa
Kabanata 42
Pakiramdam ni Jay ay nakarinig siya ng isang malaking biro, ang malamig at gwapo niyang mukha ay naninigas sa lamig.‘Si Rose, isang magaling na estudyante si First Academy?’‘Tumingin dapat muna siya sa salamin bago magsabi ng ganoong mga kalokohan. Ang bawat estudyante sa First Academy ay isang bukod-tanging tao.‘Paano niya nagawang magsinungaling nang ganoon kay Jenson?’“Jenson,” nagsalita si Jay sa isang mahinang tinig, “Kahit na siya ay nakapagtapos sa First Academy, ang kaalaman at kakayahan niya bilang isang propesyonal ay hindi umaayon sa mga bagay na hinahanap ng Grand Asia. Hindi siya pwedeng kuhain ni Daddy kasi hindi ito magiging patas sa ibang mga kandidato.”Si Jay ay nadismaya sa walang hiyang mga kasinungalingan ni Rose, ngunit nag-aalinlangan pa rin siyang siraan si Rose sa harap ni “Jenson”.Ito ang kaniyang paraan ng pagprotekta sa kaniyang anak--ayaw niyang siya ang makasira ng magandang imahe ng kaniyang mommy sa kaniyang puso.Si Robbie ay mayroong malaking tiwa
Magbasa pa
Kabanata 43
Hindi niya sinasadyang paiyakin ang kaniyang Mommy ngunit pumayag siya kay Robbie na kumbinsihin ang kaniyang mommy na mag-apply sa Grand Asia.Hindi masyadong sigurado si Jenson kung paano ito simulan kaya sinubukan niya bigyan si Mommy ng maliit na pahiwatig gamit ang kaniyang ginuhit na larawan, tila sinusubukang sabihin kung gaano niya kailangan ang kaniyang Mommy.Umaasa siya na maiintindihan ng kaniyang Mommy ang mensahe sa likod ng larawan at uudyukin siya na tanggapin ang pagyaya na magtrabaho sa Grand Asia.Sa sandaling iyon, sinubukan siyang tawagan ni Jay. Tumingin si Rose sa hindi pamilyar na numero sa kaniyang telepono at hindi ito pinansin.“Mommy, ‘yong selpon mo!” Sabi ni Jenson, lumapit upang ibigay ang telepono sa kaniyang Mommy.Ang hindi makilalang numero ay pamilyar kay Jenson. Alam na niya kung sino ang tumatawag sa kabilang linya. Ito ay isang tawag mula sa kaniyang Daddy.Matulunging kinuha ni Jenson ang selpon ni Rose at ibinigay ito sa kaniya. Dahil ayaw niyan
Magbasa pa
Kabanata 44
Ang pag-aapply ni Rose sa isang pwesto sa ilalim ng kaniyang pangangalaga ay mukhang nangangahulugan na hindi pa siya handa na tigilan ang kaniyang mga dating kalokohan.“Sige. Tandaan mong magtungo sa Human Resources Department sa headquarters ng Grand Asia, alas gis ng umaga. Sisiguraduhin ko na ang mga magtatanong sa ‘yo sa Human Resources Department ay bibigyan ka ng engrandeng pagsalubong.” Ngumisi si Jay at binigyang-diin ang salitang “engrande”.Nararamdaman ni Rose ang mabigat na pagmamaliit ni Jay sa kabilang linya. “Maraming salamat, Ginoong Ares!” Kahit na natatakot siya sa kung ano ang maaaring mangyari, nanatili pa rin siyang matatag.Pagkatapos niyang putulin ang linya, naglagay si Rose ng kaunting makeup.Kahit na ito ay kakaunti at natural na makeup lamang, ang mala-porselana niyang puting kutis at malambot na mukha ay nababalot ng maliit na kumot ng pulbos na tila pinagmumukha siyang matinong tao. Kasama pa ang kaniyang buhok na nakatali at ang kaniyang kulay lilang pa
Magbasa pa
Kabanata 45
Minaliit siya ni Jay.Marami ang mga computer sa headquarters ng Grand Asia. Ang mga computer para sa service desk sa unang palapag ay walang magandang defense system. Sa ganoong klase ng set up, kahit si Zetty ay walang kahirap-hirap na mapapasok ang mga ito.Dahil minamaliit siya ni Jay, patutunayan niya na mali siya....Si Jay ay nasa kalagitnaan ng isang pagpupulong at detalyadong nagpapaliwanag nang ang kaniyang laptop na naka-project sa main screen ay biglang nagdilim.“Ano’ng nangyari?” Ang senior management team ng Grand Asia ay kasama sa pagpupulong. Ang mga problemang teknikal ay hindi malaki ngunit ang magkaroon sila nito sa Grand Asia ay hindi normal. Ang lahat ay nagsimulang matakot nang kaunti.Sa sobrang bahala ni Grayson ay nagsimula siyang magpawis. Ito ang pangalawang beses na inatake ang Grand Asia ng mga hacker sa loob lamang ng isang buwan. Muntik na siyang balatan ni Ginoong Ares noong nakaraan. Nanginig siya nang maisip niya kung ano ang gagawin sa kaniya ni Gin
Magbasa pa
Kabanata 46
Tumango si Rose. “Oo, ako nga.” Nag-alok si Rose kay Jay ng isang maganda at mapagmataas na ngiti.“Sige.” Ang mga labi ni Jay ay napangiti rin, pero ang emosyon na nilalaman nito ay mahirap makita. “Sumama ka sa ‘kin.”Nang umalis si Rose kasama ang presidente, narinig niya ang mga interviewer na bumubulong ng dasal para sa kaniya, “Binibini, kung ako sa ‘yo, magdadasal na ako para sa sarili ko!”Hindi mapigilan ni Rose na makaramdam ng kaunting pagsisisi. Kahit na pwede niyang sabihin na personal na sinabi ni Jay na pwede niyang ihack ang kahit kaninong computer sa loob ng headquarters, walang nakapagsabi na hindi siya bibigyan ng gulo ni Jay dahil dito!Dinala ni Jay si Rose sa kaniyang pribadong opisina. Umupo siya sa yayamaning itim na sofa at tumingin sa babae sa kaniyang harapan gamit ang kaniyang mga mata na tila mata ng isang lawin, maiging nag-oobserba mula sa itaas.Ang makeup ni Rose ay natural, maayos, sariwa, at propesyonal. Ito ay bahagyang elegante rin at ito ay bahagya
Magbasa pa
Kabanata 47
Nanliit ang mga mata ni Jay nang pag-isipan niya kung ano ang nalalaman niya sa sikreto ni Rose.Noong nakaraang ilang taon, mayroon siyang inutusan na imbistigahan si Rose. Hindi niya maaaring pekehin ang mababang edukasyon niya. Ang kaniyang major sa kolehiyo ay tungkol sa literatura at pamamahayag. Ito ay total na walang koneksyon sa network security.Kaya paano niya natutunan ang kakaibang teknik na ito sa paghahack?Napagtanto ni Rose na kung hindi niya bibigyan si Jay ng malinaw na sagot, ang paghihinala ni Rose tungkol sa kaniya ay tiyak na hindi matatapos. Kung may uutusan si Jay na imbistigahan siya dahil doon, baka matuklasan niya ang tungkol kina Robbie at Zetty. Kung mangyayari ‘yon, pakiramdam ni Rose ay mas marami ang mawawala sa kaniya kaysa sa kaniyang makukuha.“Tinuro ko ito sa sarili ko,” biglang sabi ni Rose.Tumitig nang diretso si Jay sa mga mata ni Rose at napuno ng pagkalito ang kaniyang ulo. “Naging ganito ka kagaling galing lamang sa pagtuturo sa sarili mo?” ‘
Magbasa pa
Kabanata 48
Nanlisik ang mga mata ni Jay nang makita niya si Rose na hinaharangan si “Jenson” tulad ng isang manok na pinoprotektahan ang kaniyang mga sisiw.Nakaramdam siya ng kaunting inis, anak niya si Jenson, eh. ‘Ang lakas naman ng loob niyang kuhain si Jenson mula sa akin?’“Halika rito, Jenson.” Inangant ni Jay ang kaniyang kamay at sinubukang kuhain palayo si “Jenson”.Yumuko si Robbie. Mahirap para sa kaniyang sundin ang utos ni Jay.Alam niya na ang kasalukuyan niyang pangalan ay “Jenson” at dapat ay sinusunod niya ang kaniyang Daddy.Gayunpaman, nakilala siya ng kaniyang Mommy bilang si Robbie at ang kaniyang Mommy ay hindi kailanman hahayaan siyang makuha ng kaniyang Daddy. Ang kaniyang Mommy at Daddy ay naglalaban dahil sa kaniya, ano ‘ng dapat niyang gawin?”Hinawakan ni Rose nang mahigpit si Robbie at hindi siya nagpapakita ng anumang senyales ng pagbitaw sa kaniya.Natatakot si Rose na kapag nadala si Robbie pabalik sa bahay ng mga Ares, malalaman ni Jay na mayroon siyang dalawang
Magbasa pa
Kabanata 49
“Kung bigla ka na lang maglalaho, paano ako parurusahan ni Daddy?” Patuloy na tanong ni Robbie.Si Grayson ay nagulat sa katanungan ni Robbie. “Kung maglalaho ako,” seryoso niyang sabi, “Malamang ay hindi iyon mapapansin ni Ginoong Ares.”Kumurap ang maliwanag na mga mata ni Robbie. “Oh, eh ‘di, mas maganda kung maglalaho ka?”Nagtatakang minataan ni Grayson si Robbie. “Hmm. Sa kanluran ba sumikat ang araw ngayon imbis na sa silangan? Medyo kakaiba ka ngayon, Master Jenson.”Tumayo si Robbie mula sa sofa at naglakad patungo kay Grayson habang nakataas ang kaniyang mga kamay. Mayroong maliit na ngiti sa kaniyang mukha.“Ginoo, dahil ba palasalita ako ngayong araw?”“Hindi lang iyon, pero mas maraming emosyon ang pinapakita ng mukha mo ngayong araw,” nag-iisip na sinabi ni Grayson.Nagpatuloy si Robbie na maglakad patungo sa kaniya. “Ginoo, kung itataas mo ang mga kamay mo, mayroon pa akong isang sorpresa!”Walang alinlangan at dahan-dahang inangat ni Grayson ang kaniyang mga kamay. Nang
Magbasa pa
Kabanata 50
Pagkatapos umalis ni Robbie sa Grand Asia, agad niyang tinawagan si Jenson sa kaniyang smartwatch at mabilis na sinabi kay Jenson ang tungkol sa nangyari—ang paraan kung paano mag-away ang kanilang Daddy and Mommy mula sa simula hanggang sa huli.Noong tapos na siya, nababahala niyang tinanong si Jenson para sa kaniyang opinyon. “Jenson, ano sa tingin mo ang dapat kong gawin ngayon? Mukhang nakilala ako ni Mommy. Iniisip niya siguro na nakuha ako ni Daddy. Sigurado akong malungkot ngayon si Mommy.”Nag-isip nang sandali si Jenson bago niya sabihin, “Magpalit na tayo ulit.”Napagtanto ni Robbie ang ibig sabihin ni Jenson pagkatapos ng ilang sandali. “Ang ibig mong sabihin ay magpalit ulit ng pangalan?”“Oo. ‘Yon lang ang paraan para hindi na maghinala sina Mommy at Daddy.” Sabi ni Jenson.“Siguro nga ito na lang ang paraan,” sabi ni Robbie. “Babalik na ako sa Splendid Town ngayon at bumalik ka na sa Horizon Colors.”“Sige.”Nang pagplanuhan ng dalawang bata ang susunod nilang galaw, sin
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
85
DMCA.com Protection Status