Lahat ng Kabanata ng Sir Ares, Goodnight! : Kabanata 821 - Kabanata 830
848 Kabanata
Kabanata 821
“Young Master, sinasabi ng lahat na mahilig ang mga babae sa mga bad boy… Sa palagay ko, ayaw ni Binibining Severe sa isang maginoong tulad mo?”Napakunot ang mga kilay ni Cole. “Sa tingin mo ay hindi sapat ang pagiging masama ko?”Uh. Napahalumbaba si Carson.Pagkatapos ng mahabang sandali, nag-aalinlangang dinagdag ni Carson, “Masama ka, Young Master, pero nagpapanggap ka kasi, kaya paano makikita ni Binibining Severe ang tunay mong kulay?”Sinabi ni Cole, “Bale gusto mong makita niya ang tunay kong kulay? Paano kung matakot siya sa ‘kin?”Hindi gagana ang plano na ‘yon!Nag-isip nang matagal si Carson. “Nanghuhusga kaya si Binibining Severe base sa mukha?”Hinawakan ni Cole ang kaniyang mukha, tapos nagtanong nang may mahinang ngiti, “Mukha ba akong panget?”Noong nasulyapan ni Cole ang hindi halata at hindi maipaliwanag na mga mata ni Carson, sumimangot siya at pinakita ang kaniyang inis kung bakit ginawa ng kalangitan si Jay pagkatapos gawin si Cole.Maingat na sinabi ni Carson, “
Magbasa pa
Kabanata 822
“Magkano ba?”Marahil ay masyadong mayaman ang mga Yorks, kaya sa tuwing nanghihingi ng pera ang mga nakababata, hindi na tinatanong pa ng old master ang dahilan.Tumingin si Carson kay Cole. “Young Master, tinatanong ng old master kung magkano ang kailangan mo.”Sumagot si Cole, “Basta ‘yong hindi na mabilang.”Inulit ni Carson ang sinabi ni Cole, “Sabi ng young master na kapag mas marami ay mas masaya.”Nairita ang old master. “Alam na ba ni Silly Goose kung paano gumamit ng pera?”Si Carson ay walang masabi. Pagkatapos no’n, tumingin siya nang maigi kay Cole.Palaging nagrereklamo ang old master na ang young master ay walang alam kung paano gumastos ng pera, pero ang young master ay palaging nasa isang misyon, kaya wala siyang oras para gumastos ng pera.Kaya, binigyan ng old master si Cole ng palayaw na ‘Silly Goose’.Pakiramdam ng old master ay may kakaiba, kaya nagtanong siya, “Bakit niya ba kailangan ng ganito karaming pera?”Nananabik na sumagot si Carson, “Old Master, ang youn
Magbasa pa
Kabanata 823
Napalakas ang boses ni Anne, “Hindi lang basta gumana. Parang mahika! Ang sugat ni Sera ay gumaling agad sa loob lang ng isang gabi.”Si Angeline ay nabigla. Hindi niya inasahan na ang mga hindi kapani-paniwalang mga sinabi ni Cole ay totoo.Tumanggi si Angeline nang hindi diretso. “Tita Connors, ginagamit ko pa rin ang healing cream na ‘yon, kaya hindi kita pwedeng bigyan.”Iniisip niya si Jay. Ang isang taong may katayuan na tulad ni Jay ay palaging may tauhan na lumalapit at pinagbabantaan siya, kaya hindi maiiwasan para kay Jay ang masaktan. Kailangan niyang magtira ng ilan sa mga creams na ito para kay Jay.Gayunpaman, siya ay nag-aalala na baka hindi masiyahan si Anne, kaya kumuha si Angeline ng isa pang gamot sa tabi niya at binigay ito kay Anne. “Para sa ‘yo ‘to.”Para kay Anne, iyon ay parang pagbabalik ng nawala sa kaniya. Masaya siyang umalis.Tumingin si Angeline sa gamot at mga inumin at naalala niya ang sinabi ni Cole, “Ang mga ‘to ay mga gamot na hindi mo basta-bastang m
Magbasa pa
Kabanata 824
Lumambot ang tono ni George. Gayunpaman, mukhang galit pa rin siya noong sinabi niyang, “Ang mga Severe at mga Titus ay hindi pwede sa isa’t isa. Ang mga Severe ay hindi pwedeng pakasalan ang kahit na sino sa mga Titus!”Umupo si Angeline sa isang gilid at pinanood ang mga nangyayari.Ang mga salita ni Seth ay parang mga karayom sa kaniyang likod.Para lang manakaw ang mga sikreto ng kabilang panig, ginawa pa niyang katotohanan ang pekeng drama na ito kasama si Yumi.Ayos lang ba na isakripisyo ang kaniyang kasal para lang makakuha ng pera at kasikatan?Napagpasyahan ni Seth na ilabas ang kaniyang trump card. “Ama, buntis si Yumi sa anka ko. Papakasalan ko siya kahit ano pa man ang mangyari.”Sa sobrang gulat ni George sa balita na ito ay hindi niya magawang makatayo nang maayos. “Ano’ng sinabi mo?”Sinabi ni Seth, “Magkasintahan na kami ni Yumi. Alam na rin ni Yosemite ang tungkol dito. Pumayag pa siya na hayaan kami ni Yumi na magpakasal.”Sumigaw si George. “Hindi pwede! Wala akong
Magbasa pa
Kabanata 825
“Hehe.” Bumungisngis si Anne. “Missus, kung hindi ka pa rin divorced kay Master Ares, siyempre ay hindi magiging makapal ang mukha namin sa pagkuha ng pera mo. Gayunpaman, hiwalay na kayo ngayon at naninirahan sa isang bahay na binili ng mga Severe at kinakain ang pagkain na binibigay ng mga Severe. Sa tingin mo ba ay dalawang pamilya pa rin tayo?”“Ganyan ang isipan ng isang magnanakaw!” Pagalit na sabi ni Angeline.Kapag mas nagsasalita si Anne, mas natutuwa siya sa kaniyang sarili. “Mali ba ako? Dinala mo ang mga anak mo sa Severe Manor, kaya dapat mong itrato ang lugar na ‘to bilang bahay mo at pagdaanan ang problema na ito kasama kayo. Master, sa tingin mo ba ay tama ako?”Natahimik si George.Sa sandaling iyon, ang lahat ng taong kumakampi sa ikalawang asawa ay nakatingin nang masama kay Angeline na para bang siya ang kalaban ng lahat.Biglang tumunog ang isang busina ng kotse sa labas. Sinira nito ang nakakasakal na hangin sa loob ng bahay.Tumayo si Shirley upang salubungin ang
Magbasa pa
Kabanata 826
Si Sera ay natuwa noong nakita niya si Angeline na sinusubukan ang kaniyang makakaya na magpaliwanag kay Jay.Dati ay iniisip niya na ang kanilang relasyon ay matatag at hindi nawawasak. Gayunpaman, hindi niya inasahan na ang kanilang relasyon ay mawawasak nang ganito.Si Angeline ay nawalan ng malaking suportang tulad ni Jay at pakiramdam ni Sera ay hindi na protektado si Angeline, ‘di tulad ng dati.Ang kaniyang mga mata ay puno ng pangungutya at inis kay Angeline.“Angeline, akala ko ba ay may kapangyarihan ka na gamitin ang pera na para sa mga bata sa anong paraan na gusto mo. Sino’ng nag-akala na ginagamit mo ang pera sa likod ni Master Ares.” Ang mga salita ni Sera ay puno ng pangungutya kay Angeline. Kasabay nito, ang kaniyang tono ay tila nagrereklamo siya kay Jay tungkol kay Angeline.Sigurado si Sera na kung malalaman ni Jay na ginagamit ni Angeline ang pera, siya ay magagalit.Mula sa sandaling iyon, magiging mahirap na para kay Angeline na makakuha ng pera mula kay Jay.Si
Magbasa pa
Kabanata 827
Nagsimulang magsanhi si Anne ng gulo. “Bakit ba ang hirap-hirap ng buhay ko? Noong bata ako, ang old master ay pinagbabawalan ako na pumasok sa Severe Manor. Lubos akong naghirap kasama ang mga anka ko sa labas. Ngayong matanda na ako at sa wakas ay may katayuan na, nawalan naman ng pera ang Pamilya Severe. Wala na ang villa ko at kailangan kong manihrahan sa bahay ng iba para lang kalabanin ako ng mga nakababata. Ayaw ko nang mabuhay pa nang ganito.”Pagkatapos ‘yong sabihin, mabilis na tumakbo si Anne sa pader at pagalit na hinampas ang kaniyang ulo roon.Nagbago ang ekspresyon ni George at sumigaw, “Pigilan niyo siya!”Dali-daling lumapit sina Sera at Seth upang pigilan si Anne. Si Sera ay umiiyak. “Ina, kung ayaw mo nang mabuhay, ano na lang ang mangyayari sa amin ni Seth?”Napakunot ang mga kilay ni Jay at pinanood ang pag-iinarte ng pamilya na iyon. Nagsimulang sumakit ang kaniyang ulo.Kapag si Angeline ang gumagawa ng eksena, magsisimula siyang umarteng cute para makakuha laman
Magbasa pa
Kabanata 828
“Jens, sino’ng nagturo sa ‘yo nito?” Naisip ni George na may taong may matinding karanasan ang nagturo kay Jens ng ganoong sakto at propresyonal na estimasyon.Seryosong tumingin sa kaniya si Jenson. “Bakit may magtuturo sa ‘kin ng ganito? Ang taong may utak ay kaya ring gawin ‘yon.”Si George ay mukhang naiilang.Si Anne ay nagbabalak nang masama. Ang bahay na ito ay nakapangalan kay Lady Severe at hindi naman nabibilang sa kaniya. Kung mabebenta niya ang lugar na ito, magagawa pa rin niyang makakuha ng pera.“Eh ‘di, tatlumpung bilyon. Isa naman tayong pamilya, eh. Ibebenta na lang natin ‘to.” Si Anne ay nasisiyahan. Ang presyong binigay ni Jenson ay ilang bilyon na mas mataas kaysa sa presyo sa market.Si Cole ay lubos na humanga sa kakayahan ni Jenson.Kahit na palaging malamig sa kaniya si Jenson, hindi siya nito pinigilan na matuwa sa bata. “Jens, bigyan mo si Daddy ng presyo. Ililibre kita ng pagkain mamaya.”Ngayon naman, si Jenson ay hindi nagalit. Sa kabilang banda, tumingin
Magbasa pa
Kabanata 829
Sinabi ni Cole nang may mukhang puno ng pagkainis, “Magprint ng pera? Kung gano’n ang ginagawa namin, mabagal lang ang pagpasok ng pera!”Noong sabihin niya iyon, ang lahat ng nasa bahay ay tumingin sa kaniya na para bang siya ay isang diyos.Minamaliit ng lalaking ito ang mga money-printing factories. Ano’ng klaseng kalokohan ito?Seryosong sinabi ni Jay, “Gumagastos ba kayo ng pera na para bang peke ang pera na ‘yon na sinusunog bilang alay sa patay?’Natawa si Angeline.Si Jay ay may matalinong bibig. Kayang-kaya niyang galitin ang iba sa loob lamang ng ilang sandali.Si Cole ay hindi nagalit. Sa kabilang banda, nagsimula siyang tumawa. “Isa kang ignoranteng mangmang.”Ang mga salitang iyon ay sinampal nang malakas ang mukha ni Jay.Walang pakialam si Anne sa pagtatalong nangyayari sa dalawa. Ang gusto lamang niya ay ang pera para sa bahay. “Master Ares, dahil handa ka namang maglabas ng limang daang bilyon para sa bahay, kailan namin makukuha ang pera?”Si Angeline ay natatakot na
Magbasa pa
Kabanata 830
Tinulak ni Finn si Jay at umalis.Sina Cole at Carson ay umalis na rin, Nakita nila si Angeline na pinapanood si Jay na umalis. Pagkatapos no’n, nagseselos na sinabi ni Cole, “Angeline, aalis na ako.”Sumagot lang nang mabilis si Angeline, “Sige.”Pakiramdam ni Cole ay may malaking pinagkaiba ng trato sa kaniya ni Angeline kumpara kay Jay. Kaya, naglakad siya palayo nang may madilim na ekspresyon sa kaniyang mukha.Tinawagan naman ni Jenson si Grayson.Pagkatapos sagutin ni Grayson ang tawag, masaya niyang sinabi, “Little Young Master, bakit bigla mo akong naisip? Natutuwa ako!”Malamig na sinabi ni Jenson, “Tigilan mo ‘yang kalokohan mo.”Nagsimulang umubo si Grayson noong narinig niya ito.Bakit ba unti-unting tumutulad ang batang ito sa presidente?“Opo, opo, opo. Ano ang kailangan mo, Little Young Master?” Tanong ni Grayson habang naglalambing kay Jenson.Sabi ni Jenson, “Gusto kong bilhin ang Severe Manor sa Swallow City. Alagaan mo ang bahay na ‘yon para sa ‘kin.”Ang kaniyang na
Magbasa pa
PREV
1
...
808182838485
DMCA.com Protection Status