Lahat ng Kabanata ng Nakakahumaling na Pag-ibig : Kabanata 121 - Kabanata 130
908 Kabanata
Kabanata 122
Naglagay si Yi Jinli ng toothpaste sa isang toothbrush at kumuha na rin siya ng isang baso ng maligamdam na tubig, na binigay niya kay Ling Yiran. Hindi naman tumanggi si Ling Yiran, pero habang nagtutoothbrush ay nakatulala lang siya kay 'Jin' na parang wala sa sarili... Pagkatapos, kumuha si Yi Jinli ng maliit na twalya at binasa rin ito ng maligamgam na tubig. "Kaya ko na..." Nahihiyang sabi ni Ling Yiran. "Mas madali pag ako ang gumawa diba?" Tanong ni Yi Jinli. Sa isip ni Ling Yiran: 'Oo, mas madlai naman talaga kung ikaw, pero..... sobrang lapit kasi natin! Yung mga kamay mo...halos nakayakap na sakin... at noong binasa mo yung twalya, muntik mo na akong.......' Inangat ni Ling Yiran ang ulo niya para tignan si 'Jin', sa salamin, na nakatayo sa likod niya. Noon pa man din ay naggwapuhan na talaga siya kay 'Jin', pero ngayong naka suit ito, masasabi niya na trumiple ang kagwapuhan nito. Pero.... pakiramdam niya ay ibang tao na rin ito.... Matagal ng sinasabi ni Li
Magbasa pa
Kabanata 123
... Pagkatapos maghilamos ni Ling Yiran, muli siyang binuhat ni Yi Jinli pabalik sa kama, at sakto, nakahanda na rin ang mga pagkain. Kahit na simpleng lugaw lang, na may kasamang ibang mga putahe ang nakahain, sobrang malinamnam ang itsura nito, kaya lalong natakam si Ling Yiran at tumunog ng malakas ang tyan niya. "Ate, ang sabi ng doktor, dapat yung mga madadaling matunaw muna ang mga kainin mo hanggang sa makarecover ka." Nakangiting sabi ni Yi Jinli. Maingat na nilipat ni Yi JInli sa tray ang mga pagkain papunta sa maliit na lamesa sa kama ni Ling Yiran. At kahit sinong makakakita ng ginagawa ni Yi Jinli ay siguradong luluwa ang mga mata nito. 'Si Young master Yi, na tinatawag na diyos ng Shen City, ay nagsisilbi sa isang babae?!!!' Kinuha ni Ling Yiran ang kutsara at kumain, pero sa tuwing yumuyuko siya, paulit-ulit na dumadampi ang buhok niya sa pagkain. Kaya kukuha sana siya ng ipit, pero biglang lumapit sakanya si 'Jin', na may dalang ipit at suklay. "Ako na."
Magbasa pa
Kabanata 124
"Mukhang wala naman pong alam ang reporter na nakulong dati si Miss Ling. Ang alam niya lang po ay ang pangalan niya at ginigiit niya na gusto niya lang daw po talagang gumawa ng article tungkol sainyo," sagot ni Gao Congming. "Sige, wag niyo siyang pakakawalan hnggang hindi niyo nakukuha ang mga impormasyong kailangan niyo sakanya. Isa pa, diba ang sabi niya may nagpost daw sa social media ng picture namin ni Yiran? Alamin niyo kung sino yun at gawin niyo kung anong nararapat!" Walang emosyong utos ni Yi Jinli. "Masusunod po." Pagkabalik ni Yi Jinli sa VIP room, naabutan niyang kumakain pa rin si Ling Yiran ng lugaw, at habang tinitignan ito, bigla siyang nag-alala na paano nalang kung swinerte ang reporter at nakagawa talaga ito ng article. 'Coincidence lang ba talaga na may nakakita sakanila kagaibi, o..... may taong nasa likod nito?' Nang tignan ni Ling Yiran si Yi Jinli nagulat siya dahil nakita niya na nakakunot ang noo nito at mukhang problemado. Pero noong napansin
Magbasa pa
Kabanata 125
Ngumisi si Xiao Ziyi at tinignan ang babaeng nasa likod ng lalaki. Sigurado siya na ito ang babaeng kasama ni Ling Yiran noong nakasalubong nila ito sa mall, kaya malamang magkaibigan sila, at kung hindi siya makakapag higanti kay Ling Yiran, edi sa kaibigan nalang nito!! Nang magtagpo ng tingin sina Qin Lianyi at Xiao Ziyi, naramdaman na ni Qin Lianyi na parang may masamang plano ito. At kagaya ng inaasahan, noong mag totoast na sila pagkatapos kumain, sinabi ng director na kung pwede isa-isa nalang silang lumapit kay Xiao Ziyi dahil nahihirapan itong tumayo. Pero noong si Qin Lianyi na ang makikipag toast, biglang inilag ni Xiao Ziyi ang kamay nito at sinadayang bitawan ang wine glass, kaya nagkalat ang wine sa sapatos nito. "Kung ayaw mong makipag toast sa akin, hindi naman kita pipilitin. Bakit kailangan mo pa akong tabigin. Isa pa, sana sinabi mo kanina kung ayaw mo pala akong kasama sa dinner niyo kasi aalis naman ako." Naiinis na sabi ni Xiao Ziyi. Pero si Qin Lianyi
Magbasa pa
Kabanata 126
At dahil masyadong biglaan ang pagkakatayo ni Qin Lianyi, dumausdos si Xiao Ziyi sa sahig at tumama ang paa nitong injured sa kanto ng upuan nito. Napasigaw ito sa sobrang sakit at noong sandaling makita ito ng mga kasamahan ni Qin Lianyi, nagmamadali ang mga ito na lumapit para alalayan ni Xiao Ziyi. "Qin Lianyi, ayaw mo na ba sa trabaho mo? Bakit ginawa mo yun kay Miss Xiao?!" Galit na galit na sabi ng direktor. "Tama ho kayo, ayoko na talaga sa trabahong to. Sawang sawa na ako. Halos wala nga akong sinasahod dito kahit pa magpaalila ako sainyo! Nakkaataw nga eh kasi hahayaan ko ang sarili ko na tratuhin ng ganito! Pasinghal na sagot ni Lianyi. "Sa tingin mo matatapos to kapag nagresign ka? Kakasuhan kita sa ginawa mo sakin!" Galit na sabat ni Xiao Ziyi. "Sige. Kakasuhan din kita kasi sinaktan mo ako! Pupunta ako sa ospital ngayon mismo para kumuha ng medical certificate at didiretso ako sa presinto!" Kinaway ni Qin Lianyi ang kamay niya para asarin si Xiao Ziyi. Nanako
Magbasa pa
Kabanata 127
Medyo bumabalik na rin ang lakas niya at hindi na siya kasing hina kumpara kahapon. Mula noong naospital siya, hindi niya na mabilang kung ilang beses ng tumawag sakanya ang mga kamag anak niya. Sari-saring mga dahilan....May iba na nagmamakaawa sakanya na iatras niya ang kaso, aty may iba naman na nakikiusisa kung sino ang mayamang lalaki na sumundo sakanya sa bahay ng mga Feng.... Ayon sa mga tumawag sakanya, sobrang dami raw na sasakyan ng mga pulis ang pumaikot sa bahay ng mga Feng noong gabing yun,ma siya ring gumising sa buong baryo nila. May ilan rin na umuutang sakanya dahil ayon sa mga ito, imposible raw na wala siyang pera at at bilang mga kamag-anak, responsibilidad niyang tulungan ang mga ito. Hindi pa rin makapaniwala si Ling Yiran sa tuwing naririnig niya ang salita "mayaman" dahil hanggang ngayon ay ni hindi niya nga alam kung sino ba talaga si 'Jin'. Pero isa lang ang malinaw sakanya na hindi pa nasasabi ni 'Jin'.... kung paano siya niligtas nito noong gabing
Magbasa pa
Kabanata 128
"Pero hindi pa naman ako sigurado." Hindi mapakaling sagot ni Qin Lianyi. "Nagkita kasi kami ni Xiao Ziyi at sinabi niya sakin na binaback upan ka raw ni Yi Jinli at pinapalabas niya na kayo raw. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi yun pero naisip ko lang na baka yung 'Jin' ay shotcut ng Yi Jinli. Hindi imposible... Base sa kutis ni 'Jin', mahirap talagang maniwala na pulubi ito, at kung kay Yi Jinli naman... wala itong kahit anong picture sa internet. Sinubukan ni Qin Lianyi na isearch ang pangalang Yi Jinli bago niya tawagan si Ling Yiran, pero wala siyang napala dahil puro nakatalikod lang malayo pa ang mga picture nito. Pakiramdam ni Ling Yiran ay para bang biglang tumahimik ang paligid niya, kahit pa tuloy-tuloy pa ring nagsasalita si Qin Lianyi. Habang pinagdudugtong niya ang mga bagay-bagay, lalo siyang natatakot... Kahapon lang, nalaman niyang hindi pala pulubi si 'Jin', kaya inisip niya na baka nga isa pa 'to sa pinaka mayamang tao sa Shen City. Kaya nga tinanggap niy
Magbasa pa
Kabanata 129
"..." Hay, ang bilis nga namang kumalat ng chismis. "Bakit hindi mo siya dalhin sa mga gathering natin para makilala namin siya! Gusto kong makita kung anong itsura niya." Masayang sabi ni Ye Chongwei. Para kay Ye Chongwei, magandang balita ito lalo na't kilala nila si Yi Jinli bilang napaka ilap sa mga babae. kahit nga kay Hao Meiyu, na naging fiance nito noon, ay hindi manlang nila nakitang sweet ang kaibiga, kaya sobrang nakaka excite para sakanyang malaman na may pagka romantiko rin pala ang kaibigan nila, na talagang nagpadala pa ng napakaraming police cars para lang iligtas ang iisang babae. Kaya sa sobrang saya, dumiretso na siya kay Yi Jinli mismo. Pero kabaliktaran ang naramdaman ni Yi Jinli....Hindi niya alam kung bakit pero naiirita siyang marinig na interesado ang ibang lalaki kay Ling Yiran. Walang siyang balak na ipakilala ito sa kahit na kaninong lalaki at kung pwede nga lang ay gusto niyang dalhin ito a isang lugar na siya lang ang makakakita! Natatakot siya na
Magbasa pa
Kabanata 130
Tama.... Laro lang pala talaga ang lahat, laro sa pagitan ng isang mayaman at isang mahirap... 'Ito ba yung sinasabi niyang sasabihin niya sa akin kapag nakalabas na ako ng ospital? Magpapakilala siya tapos sasabihing tapos na siyang makipaglaro? ' Habang sobrang kalmado ni Ling Yiran, pakiramdam ni Yi Jinli ay sasabog na ang puso niya sa sobrang bilis ng tibok nito...Nakatayo lang ito sa harapan niya, pero pakiramdam niya sobrang layo nila sa isa't-isa... "Ikaw ba si Yi Jinli?" Muling tanong ni Ling Yiran. Walang nagbago, sobrang kalmado pa rin ng itsura niya, na para bang naghihintay lang siya ng isang simpleng sagot. Hindi maintindihan ni Yi Jinli kung anong nararamdaman niya pero nanginginig ang mga labi niya, at habang nakatitig kay Ling Yiran, hirap na hirap niyang sinabi, "Oo." 'Oo'... Isang salita, dalawang letra, pero sobrang lalim ng ibig sabihin....Sobrang nalungkot si Ling Yiran nang marinig ang salitang ito... Sa totoo lang, medyo sigurado na siya kanina, pero...
Magbasa pa
Kabanata 131
"Okay lang ba? Ate?" Huminga ng malalim si Yi Jinli nang sabihin niya ang salitang "Ate." Bakas sa tono ng boses niya na para bang nagmamakaawa siya na wag iwanan ni Ling Yiran. Para naman kay Ling Yiran, pakiramdam niya ay parang may nakadagan na bundok sa dibdib niya at hindi siya makahinga. Sabay na bumalik sina Ling Yiran at Yi Jinli sa VIP Room at pagkapasok na pagkapasok nila, pinalabas muna ni Yi Jinli ang nurse. Kaya silang dalawa lang ang natira. Nakaupo lang si Ling Yiran sa isang upuan habang nakayuko. Wala siyang ideya kung ano ba talagang gustong mangyari ni Yi Jinli. 'Siguro hindi pa siya nakuntento na halos mamatay na ako sa kulungan noon, kaya ngayon, gusto niya na siya mismo ang pumatay sakin.... pero... bakit niya ako niligtas noong New Year's Eve?' Dahil ba... alam niya na kapag mas pinatagal niya pa 'tong larong 'to at naging sobrang attached ako sakanya, mas masasaktan niya ako, tama? 'Pero sino ba ako para lumaban lalo na sa isang Yi Jinli? Siguro isa
Magbasa pa
PREV
1
...
1112131415
...
91
DMCA.com Protection Status