Lahat ng Kabanata ng Nakakahumaling na Pag-ibig : Kabanata 101 - Kabanata 110
908 Kabanata
Kabanata 102
Pinipilit talaga ng isang tita ni Ling Yiran si Lola Lu na ipakasal si Ling Yiran dahil nangako ang mag-asawang Feng na magbibigay ang mga ito ng 300,000 yuan sa oras na maipakasal si Ling Yiran sa anak ng mga ito. 300,000 yuan... katumbas na yun ng isang taon niyang sweldo! Pero kahit ano pa mang sabihin ng tita o ni Lolo Lu, hindi talaga makumbinsi ng mga ito si Lola Lu kaya bandang huli, nawalan na ng pag-asa ang tita niya at naiinis na sinabi, "Makinig kayo sakin mama at mga kuya, kapag hindi natin nakuha ang ibibigay na 300,000 ng at hindi nakabili ng bahay ang pamangkin ko, kayo ang sisisihin ko habangbuhay!" At bilang ina, sobrang nagalit si Lola Lu sa naging ugali ng anak. "Ikaw babae ka.... wala ka na ba talagang konsensya? Nakalimutan mo na ba kung anong mga nagawa ni Yiran para sa atin?" "Ma, past is past. Malayong malayo na 'yun sa totoong nangyayari ngayon. Hindi natin pwedeng sirain ang buong pamilya natin at yung kinabukasan ng mga anak natin dahil lang sa utang
Magbasa pa
Kabanata 103
"Tita, matagal na po akong hindi umiinom. Nakalimutan niyo na po ba na drunk driving ang naging kaso ko noong nakulong ako? Bakit iinom pa ako ulit?" Nakangiting sagot ni Ling Yiran na may sobrang galang na tono. Nang marinig ang sagot ni Ling Yiran, ngumiti nalang ang tita niya, pero halatang nainsulto at napahiya ito. "Ano ka ba. Iba naman ngayon no! Bagong taon ngayon at hindi ka naman magdadrive." Pagpupumilit ng isa niya pang tito. "Tama ang tito mo! Kung hindi ka iinom, hindi ba parang binabastos mo naman ata kaming mga nakakatanda sayo?" Sabat ng isa niya pang tito. "Tama na yan!" Biglang sigaw ni Lola Lu. "Mukhang pinakain niyo na talaga sa aso ang mga konsensya niyo. Gusto niyo ba talagang itulak si Yiran sa impyerno?" Noong sandaling yun, parang may dumaang angel na tumahimik ang lahat at kagaya ng inaasahan, gulat na gulat na tumingin si Ling Yiran sa lola niya. Tumingin si Lola Lu kay Ling Yiran at ipinaliwanag ang lahat, "Yiran, nababaliw na silang lahat. Gusto
Magbasa pa
Kabanata 104
Bukod sa pag'nguya, wala ng ibang ingay na maririnig sa loob ng VIP room dahil wala ni isa sakanila ang gustong magsalita. Maging ang nurse na likas na masayahin at madaldal ay wala ring lakas ng loob na mag-umpisa ng usapan dahil alam niya na hindi basta-basta ang mga taong kasama niya dahil ang mga ito lang naman ang mga pinaka makapangyarihang tao sa Shen City. Buti nalang noong patapos ng kumain si Old Master Yi ay may biglang sumagi sa isip niya, "Balita ko ilang araw ka na raw na hindi umuuwi?" "Opo." Walang emosyong sagot ni Yi Jinli. Hindi na siya nagugulat na alam ni Old Master Yi ang impormasyong ito dahil base sa pagkakakilala niya sa lolo niya, mula pagkabata niya ay marami talaga itong tauhan, kaya nga kahit sa sarili niyang bahay ay may tauhan rin ito na nagrereport ng mga babagay-bagay tungkol sakanya. "Saan ka umuuwi?" "Sa ibang bahay." "Bakit gusto mong tumira sa ibang bahay?" "Masyado kasing tahimik sa bahay ko." Sagot ni Yi Jinli, na walang bakas ng ka
Magbasa pa
Kabanata 105
Kinulong si Ling Yiran sa isang kwarto sa loob ng bahay ng Feng Family, kasama ang isang lalaking hindi niya kilala. Malamang yun ang.... baliw na anak ng Feng Family. Ginawa ni Ling Yiran ang lahat para manatiling kalmado. 'Kailangan kong makalabas dito, kahit anong mangyari!' 'Pero... paano? Hindi ako makatayo... Paano ako makakatakbo...' Noong binubuhat siya ng mga tito niya kanina, sinubukan niyang tumawag pero kinuha ng mga ito ang phone niya. 'Kahit anong mangyari, kailagan kong makatakas!' Pero ang tanong bakit si Jin... Bakit si Jin ang tinawagan niya? Una, nasa Shen City si Jin kaya imposibleng makarating ito kaagad. Pangalawa, ano namang magagawa ni Jin? Bakit hindi si Lianyi ang tinawagan niya, na pwede sanang makatawag ng pulis... Siguro nga hindi niya namamalayan na si Jin na unang pumapasok sa isip sa lahat ng bagay... Habang tumatagal, palabo ng palabo ang paningin ni Ling Yiran at ang naaninag niya nalang ay ang nakakatakot na lalaking tumatakbo papalapit
Magbasa pa
Kabanata 106
Gulat na gulat ang mag-asawang Feng at ang mga tito ni Ling Yiran habang pinanunuod ang mga pulis na maghalughog sa buong bahay at noong sandaling papasok na ang mga ito sa kwarto kung saan nagaganap ang "business" nila, hindi na napigilan ni Feng Kai na sumigaw, "Bakit niyo hinahalughog ang bahay namin? May... may karapatan ba kayong pumasok dito?" Sa takot na baka mapaano ang anak, gusto sanang pigilan ng mag-asawa ang mga pulis, pero hinarangan sila ng police-in-charge na kumausap sakanila kanina. Noong sandali ring 'yun, nadiskubre na ng mga pulis ang naka lock na kwarto. At parang sa mga pelikula, habang nasa climax na ng pag'reraid, may isa pang sasakyan ang dumating sa labas ng bahay ng mag-asawang Feng, na dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay.Natataranta ang police-in-charge na lumapit para i'report ang sitwasyon. "Nahalughog na po namin ang buong bahay, at may nag-iisang kwarto po ang nakalock. Posible pong nasa loob ang hinahanap natin." Habang nagsasalita ang p
Magbasa pa
Kabanata 107
Magkahalong awa para kay Ling Yiran at galit para sa sarili niya ang naramdaman ni Yi Jinli habang pinagmamasdan ang nakakaawa lagay ni Ling Yiran. 'Kanina, sobrang saya mong umalis ng bahay kasi excited kang makita ang lola mo, tapos ganito pala ang mangyayari sayo dito....Kung sana sumabay na ako sayo, sigurado hindi mo 'to mararanasan.' Lumapit si Yi Jinli para sana yakapin si Ling Yiran, pero lalo itong nanginig sa takot at hinigpitan ang paghawak nito sa bubog, kaya muli nanamang dumaloy ang sandamakmak na dugo mula sa kamay nito. "Ate, ako 'to. Wag kang matakot. Ligtas ka na ngayon, at wala ng ibang makakalapit sayo." Natatarantang sabi ni Yi Jinli. Base sa pagkatao ni Yi Jinli, hindi siya natatakot sa dugo, kaya nga kahit pa may duguang tao harapan niya noon ay hindi siya natatakot o nandidiri. Pero iba ang sitwasyon ngayon.... Natatakot siya sa dugo ni Ling Yiran... Natatakot siya na baka lalong lumala ang mga injury nito....Natatakot siya na baka maubusan ito ng dugo..
Magbasa pa
Kabanata 108
Lahat ng makakakita ng istura ni Yi Jinli, habang buhat-buhat si Ling Yiran, ay masasabing hindi basta-basta ang babaeng ito, at sobrang importante nito sa Young Master. Pero lahat ng mga nakakaalam ng totoong pagkato ni Yi Jinli ay nagpanggap nalang na walang nakita at narinig. Kasi ano pa ba sa mga tanong nila ang hindi nasasagot, hindi ba? Bakit mag-aaksaya ng oras ang pinaka makapangyarihang tao sa Shen City na pumunta sa isang maliit at masukal na baryo ng madaling araw para lang sa isang babae? At hindi pa dun natapos yun... gumawa rin ito ng sobrang agaw pansin na eksena. Kaya kahit ano pa man ang pagkatao ng babaeng 'to, sigurado na balang araw ay titingalain din ito sa buong Shen City. "Alamin niyo kung sino ang mga nasa likod nito. Lahat sila kailangang magbayad. Walang makakaligtas." Utos ni Yi Jinli. "Opo." Natatarantang sagot ni Gao Congming. Noong oras na yun, wala ng magawa ang mag asawang Feng kundi tignan ang anak nilang sumisigaw sa sakit, sabay tingin sa
Magbasa pa
Kabanata 109
"Okay lang." Sagot ni Yi Jinli, na para bang walang naramdamang kahit anong sakit. "Gaano pa ba katagal bago tayo makarating sa ospital?" "Nasa fifteen minutes po siguro." Sa lagay ni Ling Yiran, hindi papayag si Yi Jinli na dalhil ito sa ordinaryong ospital lang, kaya gusto niyang dalhin ito sa pinaka kilalang ospital sa Shen City. Pagkarating nila, may nag'aabang ng mga tao na inutusan ni Gao Congming para ireport ang mga nakuhang impormasyon ng mga ito sa ingredients ng gamot na pinainom kay Ling Yiran. Nag'aabang na rin ang grupo ng mga doktor, na hindi lang sa Shen City kilala kundi sa buong mundo dahil sa husay ng mga ito sa larangan ng medisina. Kaya lahat ng mga pasyente at empleyado sa ospital na nakakita sa eksena ay gulat na gulat dahil implosibleng simpleng kaso at ordinaryong tao lang ang dahilan ng pagdating ng mga doktor na 'to lalo na't dis oras na ng madaling araw. May ilang doktor na natatarantang hinahanap sa listahan ang gamot na nainom ni Ling Yiran, at
Magbasa pa
Kabanata 110
"Jin..." Hirap na hirap na sabi ni Ling Yiran.'Jin', pangalang madalas na naririnig ni Yi Jinli. Masaya siya tuwing naririnig niya ito mula sa nag'iisang taong tumatawag sakanya ng pangalang ito, pero ngayon....hindi niya maintindihan kung bakit parang dinurog ang puso niya nang sandaling marinig niya ito... Para bigla siyang naging isang poste na hindi makagalaw, at hinayaan lang si Ling Yiran na yakapin siya ng mahigpit. Hindi nagtagal, dahan-dahan itong bumitaw, ngumiti sakanya, at..... hinalikan siya... Sobrang hindi ito inaasahan, pero....hindi siya umiwas... Kung gugustuhin niya, pwedeng pwede sana siyang umiwas o pumalag, lalo na't alam niyang epekto lang ang lahat ng gamot na nainom nito... Pero....ayaw niyang umiwas....at hinding hindi siya iiwas.... Para bang... hindi niya kayang pigilan ang sarili niya, na sabik na sabik rin sa halik ni Ling Yiran... Habang padiin ng padiin ang halik nito...lalo siyang nag'iinit na para bang may iba pa siyang gustong gawin....
Magbasa pa
Kabanata 111
Sunod-sunod ang tanong ni Hao Yimeng, at habang tumatagal ay lalong namumutla ang mukha ni Xiao Zigi. "Pwede bang tama na?! Ano ba yang mga pumapasok sa isip mo. Nagkataon lang ang lahat!" Pasigaw na sagot ni Xiao Zigi. Pero hindi nagpaawat si Hao Yimeng at tuloy-tuloy pa rin siya sa pagsasalita, "Zigi, ano bang nangyayari sayo?! Nakalimutan mo na bang engaged na tayo at ilang araw nalang ay wedding na natin?! Diba dapat lang naman na pagusapan natin to?" Hindi nakasagot si Xiao Zigi. Gusto naman talaga niyang umamin kay Hao Yimeng dahil lalong bumibigat ang pakiramdam niya habang tumatagal. Lalo pa at pinagdidiinan ng mga magulang niya na baka may feelings pa siya kay Ling Yiran. Dahil hindi naman yun totoo... at matagal na siyang naka moved on! Alam niya kung mangyayari sakanya kapag nadulas siya, pero ayaw niya rin namang pagdudahan siya ni Yimeng. Huminga ng malalim si Xiao Zigi at noong mas kalmado na siya, muli siyang nagsalita, "Yimeng, makinig ka... May mga bagay
Magbasa pa
PREV
1
...
910111213
...
91
DMCA.com Protection Status