All Chapters of CEO's Obsession: Chapter 101 - Chapter 106
106 Chapters
CO 101:
•Gaea• Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa aking pintuan. Tiningnan ko si CN na mahimbing pa rin na natutulog bago marahan na bumaba sa kama. Tinungo ko kaagad ang pintuan at tiningnan kung sino ang kumakatok.  "Kailangan po kayo?" tanong ko sa kasambahay na nabungaran ko pagbukas ko ng pinto. Ngumiti naman ito sa akin habang tumatango, mas niluwagan ko pa ang pintuan para magkausap kami nang maayos. "Ano po ang kailangan niyo, nay?"  Medyo may katandaan na ito kaya iyon na lang ang ini-address ko sa kanya. "Ma'am, pinapatawag na po kayo nila Mr. Lee sa baba. Kakain na raw po, ma'am," pagbibigay-alam niya.  Hindi ko aakalain na sabay-sabay pala rito kung mag-umagahan lalo na at sinabi kagabi ng nakausap kong kasambahay ay minsanan lang magkita o nandito ang mga Lee. Sa dami naman ng negosyo nila ay naiintindihan ko naman ang mga ito.&
Read more
CO 102:
•Eychan• Napaatras ako nang akmang sasampalin ako nito. Hindi ako pwedeng lumaban pero kung kaya ko namang iwasan ay gagawin ko naman iyon makalayo lang sa gulo. Hindi porke't hindi ako lalaban ay magpapa-api na ako sa kanya nang ganoon kadali, hindi naman ako martyr lalo na at hindi ko naranasan na saktan ng aking mga magulang.  "Hindi ko alam kung ano ang nakita ng anak ko sayo para pakasalan ka," nakangisi niyang saad at tinitigan ako mula sa aking paa patungo sa ulo. "Wala ka namang ikakabuga at wala kang panama sa ibang babae na kilala ng pamilya namin." Nasaktan ako sa sinabi nito pero pinipilit ko pa rin ang aking sarili na kumalma. Pwede na nga yata akong patungan ng korona para sa pagiging kalmado ko. "Hindi po kasi siya bulag, tita, nakikita niya po iyong hindi niyo nakikita," balik ko sa kanya. Nakita ko ang litid ng ugat sa kanyang leeg nang ikuyom
Read more
CO 103:
•Third Person• Ang mga mabibilis na yapak ng mga paa dahil sa takbuhan ng mga nurse at pamilya ng pasyente ang mas lalong nagpagulo sa isipan ni Letecia. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Gaea sa kanya. Sinagip nito ang buhay niya sa kabila ng mga nangyari sa kanila. Hindi ito nagdalawang-isip na ibuwis ang buhay nito kahit halos itakwil na niya ito.  Napatingala ang ginang nang makita niya ang pares ng mga paa sa kanyang harapan. Sumalubong sa kanyang paningin ang nurse na puno rin nang pag-aalala ang mukha habang nakatitig dito.  "Ma'am, ginagamot na po ang daughter-in-law ninyo, kailangan niyo na pong pumunta sa emergency room para magamot din po kayo." Kumunot ang noo ng matanda at hinawakan ang noong itinuro ng nurse.  Nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin sa kamay niyang may dugo. Hindi nito ito iyon namalayan kanina dahil kaag
Read more
CO 104:
•Clyden• Limang oras na ang lumipas at kanina pa ako rito naghihintay ng susundo sa akin ngunit wala namang dumating. Siguro ay naging abala ito sa pagbabantay sa mag-ina ko kaya nakalimutan ni daddy ang pinag-usapan namin kanina. Tiningnan ko ang aking orasan at nang makita ang oras doon ay kaagad na akong nagtawag ng taksi para magpahatid sa hospital na kinaroroonan ni Gaea. Mabilis ang tibok ng aking puso, kinakabahan ako na makita si Gaea sa sitwasyon na kinasasangkutan nito ngayon. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang masaktan ito.  Simula nang ma-aksidente ito dati ay pinangako ko na sa aking sarili na iingatan ko na siya ngunit heto at nangyari na naman ulit. "Saan po tayo, sir?" tanong ng taxi driver sa akin nang makasakay na ako at maiayos na ang aking mga gamit.  "Sa Y General Hospital po, kuya," tugon ko sa kanya at kinuha muli ang cellphone
Read more
CO 105:
•Eychan• Napatingin ako sa dalawang taong kakapasok lang. Nahihiyang naglakad si tita papalapit sa akin habang si Clyden naman na nakasunod dito ay may malapad na ngiti. "Kukunin ko lang si CN para makapag-usap kayo nang maayos," usal niya nang makalapit na siya sa akin. Ngumiti ako at tumango sa kanya at pinatayo si CN para mabuhat niya ito. "Kakain muna tayo, big boy, okay? Kailangan natin ng lakas para bantayan si mommy."  "Okay po, daddy! Gusto ko pong maging strong para po hindi na ulit masaktan si mommy po." Napangiti ako sa pinag-usapan nilang dalawa at kumaway na sa kanila.  Mahina pa ang katawan ko dahil sa nangyaring aksidente, lalo na at kakagising ko pa lang. Pero gusto kong makausap si Tita Letecia hindi ako makatulog hanggat hindi ko ito nakakausap.  "Gaea, pinapatawag mo raw ako sabi ni Clyden?" mahinahon
Read more
Special Chapter: (Last Part)
•CN• Napatingin ako kay daddy na hindi mapirme sa kanyang kinatatayuan. Kahit naikasal na sila dati ay ganoon pa rin ang reaksyon nito ngayon. Walang pinagbago maliban na lang sa amin ni Corrine at ang pagtanda nila mommy ng ilang taon. Labing-limang taon ang lumipas ngunit wala man lang pinagbago sa nararamdaman nilang dalawa. Corrine and I always witness my parents sweetness and love. Sa ilang taon nilang pagsasama may awayan man ngunit hindi ko narinig maski isa sa kanila na nagsabi na maghiwalay, instead I always hear some comforting words. Iyong matatamis na salita ni daddy na nagpapatigil sa pagtatampo ni mommy. Lumingon ako sa may aisle nang marinig ko ang pagkanta ng wedding singer.  "Kuya, ang ganda ni mommy!" wika ni Corrine sa aking tabi habang nakatitig sa ina namin. Napangiti ako nang makita ang magandang mukha ni mommy. Wala man lang pinagbago sa
Read more
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status