All Chapters of CEO's Obsession: Chapter 51 - Chapter 60
106 Chapters
CO 51:
•Gaea• Kumunot ang noo ko nang makita ang sasakyan na papalapit sa pwesto namin ni Nicolai. Pinuntahan ako nito kanina sa bahay nang sinabihan ko siyang magta-taxi lang ako dahil hindi ako mahahatid ni Clyden dahil mag-uusap sila mamaya ni Cassandra. "Sino naman ang walang-hiyang driver na'to!" naiinis niyang saad. Kulang na lang yata ay murahin nito ang driver na dikit ng dikit sa kotse namin. "Pasensya ka na, Gaea, ah. Wait lang!" Ilalabas sana nito ang kanyang ulo nang biglang may nagpaputok. Pareho kaming napatili sa sobrang gulat, lalo na at muntikan na niyang ilabas ang kanyang ulo.  "Gaea, are you okay?" "I'm fine, Nicolai, dapat ikaw ang tatanungin ko n'yan. Hindi ka ba nasaktan?" nag-aalala kong tanong. Ngunit hindi pa siya nakakasagot nang may bumangga na naman sa gilid ng sasakyan namin.  "The f
Read more
CO 52:
•Gaea• Dalawang linggo ang matulin na lumipas natanggal na rin ang tubo sa bibig ko at si Samantha at Kristel ang palagi kong kasama ngayon. Ilang ulit nang gustong pumasok sa kwarto ko ngunit hindi ko hinahayaan.  Ngayon nga ay nasa labas na naman ito at nag-eeskandalo. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Samantha at papaalisin na naman sana ito nang hinawakan ko ang kanyang kamay. Lumingon ito sa akin nang may pagtataka.  "Kakausapin ko siya, Samantha, gusto kong magkausap kami nang masinsinan para hindi na siya ulit manggulo," mariin niyang saad. Tumango naman siya at marahang tinapik ang kamay ko at hinila papunta sa may pintuan si Kristel.  "Tawagin mo lang kami kapag may kailangan ka, okay?" saad nito nang lumingon siya sa akin. Tumango ako at malapad na ngumiti sa kanya.  "Samantha, pwede ko na bang makausap an
Read more
CO 53:
•Gaea• Kinabukasan ay pinatawag ako ni Doktora Clemen sa room na para lang sa baby ko. Ibinilin daw iyon ni Nicolai bago siya mamatay, at ibinigay raw nito ang buong personal savings niya para i-withdraw kay baby. Mas lumaki ang respeto ko sa kanya dahil sa pag-aalala nito sa anak ko. Hindi ko man siya nakita sa huling sandali niya pero sigurado akong masaya ito ngayon dahil nabuhay kami ni baby. Balang araw kapag nagkita kami ulit sa kabilang buhay ay hindi ako magsasawang magpasalamat sa kanya kahit araw-araw ko pang gawin iyon.  "Here you go!" masayang saad ni Doktora Clemen nang makapasok ako sa loob. Dala-dala nito ang sanggol na dalawang buwan na simula nang isinilang ko ito. Napangiti ako nang makita ang maliit nitonh katawan. "Buhatin mo siya, hija, hinahanap na niya ang init ng mama niya." Kinuha ko ito mula sa kanya at binuhat sa aking bisig. Ramdam ko ang
Read more
CO 54:
•Gaea•   "Mom—my!" Natatawa akong napating kay Clyden Nikolai habang tumatakbo ito papalapit sa akin. Dalawang taon na ang lumipas at sapat na sa akin iyon para muling manumbalik ang dati kong sigla lalo na at nasa tabi ko palagi si CN. "Come here! I want ka po rito sa tabi ko, mommy! Ay! Ako na lang po ang pupunta r'yan, my!" masaya niyang saad habang nagpapalakpak.       "Bilisan mo, baby, dahil naghihintay si mommy. Ilang minuto ba darating ang baby ko rito. Nami-miss ko pa naman siya nang husto," nakangiting asar ko sa kanya. Inilagay niya ang kanyang kamay sa bibig at humagikhik. Itinuro pa ako nito sa Tita Nene niya na nagbabantay sa kanya ngayon. "Baby Clyden Nicolai, nasaan na ba ang gwapong anak ko na iyo!" nakangiti kong tawag dito.      Mas lalong lumakas ang hagikhik nito dahil sa pagtawag ko sa kumpletong pangalan niya. Gusto raw kasi talaga niya ang pangalang ibin
Read more
CO 55:
•Gaea•   Nasa itaas sina CN at Nene pinapabantayan ko na muna ito sa kapatid ko dahil tumutulong ako kay mama na magluto ng mga pagkaing babaunin namin mamaya.   Maliligo kami mamaya sa beach resort na nirentahan ng mga pinsan ko para mas ma-enjoy namin ang bonding namin mamaya.   "Bumisita kayo ni Nicolai rito, Gaea, kapag wala kang trabaho, ha? Alam mo naman na mami-miss namin ng ama mo ang makulit namin na apo." Napatawa ako sa sinabi ni mama at tumango, ilang beses na niyang pinaulit-ulit na sabihin sa akin iyon. "Atsaka dapat nakahanda ka palagi kapag nagkikita kayo ng ama niya."     "Opo, ma, hindi ko po alam kung kailan kami ulit magkikita ni Clyden pero pinapalangin ko na sana hindi agaran..." Napabuntong-hininga ako habang iniisip ang magiging kahihinatnan ng muling pagkikita namin ni Clyden. "Sa tingin ko po ay hindi ko siya kayang harapin kapag biglaan kaming magkita."
Read more
CO 56:
•Gaea•Hindi kami dumeretso sa bahay ni Samantha. Gusto raw itong regaluhan ni CN ng flowers dahil ngayon na lang sila ulit nagkita ng ninang niya, kaya dinala ko ito sa mall na malapit. "Anong flowers ba ang gusto mong ibigay kay Ninang Samantha mo?" tanong ko sa kanya. Nagkamot siya sa kanyang batok at nilibot ang kanyang paningin sa kinatatayuan namin. Nanlalaki ang mata nito sa tuwa nang may nakita siyang malaking teddy bear di kalayuan sa amin. Alam ko na iyon ang tinitingnan niya dahil sinusundan ko naman ang mga mata nito. "Huwag mong sabihin na iyang malaking bear ang ibibigay mo?" Labas-ngipin siyang ngumiti sa akin habang kinikisap ang kanyang mga mata. Napakunot ako sa aking noo dahil sobrang cute nito. "Mommy, like ko po iyong pink pero mas like ko po iyong white." Natawa ako sa sinabi nito at kinurot ang kanyang pisngi. "Sa tingin ko naman, CN, ikaw iyong may gusto at hindi si Ninang S
Read more
CO 57:
•Eychan• Wala akong pakialam sa mga matang nakatingin sa amin habang hawak-hawak ko ang kamay ni Thunder. Kailangan kong iwasan ang mga taong naroroon kung kinakailangan. "Eychan, alam kong may gusto ka sa akin pero maaga pa naman at may pasok pa tayong dalawa," bigkas ni Thunder na nakasunod sa aking likuran. "Gusto ko rin namang makasama ka pero ang—" Pareho kaming napatigil ni Thunder nang bigla akong mabangga sa babaeng nasa harapan namin ngayon. Tinaas ko ang aking paningin para humingi sana ng tawad ngunit natigilan ako ng makita ang mukha niya.Nanlalaki ang aking mga mata habang nakatitig sa kanyang mukha. Kung hindi ko lang kilala ang sarili ko ay tiyak kong mapagkakamalan ko na ako ay siya.Ganoon na gano'n ang itsura ko dati noong hindi pa ako nagtatago sa itsurang ito. Pati ang pananamit ko dati ay kagaya rin ng sa kanya."Ouch!" maarte nitong saad
Read more
CO 58:
•Gaea•"Thank you sa pagtanggap ng proyektong ito, Miss Gaea," nakangiting saad ni Jasmin. Tumango ako at tinanggap ang kanyang kamay. "Mauna na kami at kung may kailangan ka ay tawagan mo lang kami. Gusto lang talaga namin na maganda ang kalalabasan ng music video na ito." "Thank you rin sa inyo. Sige po." Hinayaan ko na muna silang naunang umalis bago sumunod sa mga ito. Dahil alam ko naman na hindi sasaktan ni Clyden ang anak namin ay tinapos ko muna ang meeting sa kliyente ko bago nagpaalam kay Miss Nancy na may pupuntahan akong importante. Dahil natapos ko naman ang lahat ng mga nakatambak na scripts kanina ay hinayaan na ako nito, lalo na at sa cafe ko naman dinala ang kliyente. Pagkarating ko sa address na ibinigay sa akin ni Clyden ay kaagad na akong bumaba sa kotse. Matataas ang gate no'n kaya hindi na makita ang bahay. Mabilis kong pinindot ang doorbell at nang tanungin ako ng guard
Read more
CO 59:
•Gaea• "Mommy, cry ka po?" tanong sa akin ni CN pagkalapit ko sa kanya. Umiling ako kaagad at lumuhod sa kanyang harapan at niyakap ito nang mahigpit. Nang kumalma ang aking puso ay kaagad akong lumayo sa kanya at tinitigan siya sa kanyang mga mata. "Red po ang eyes niyo, mommy, kaya alam po ni CN na cry po kayo," malambing nitong wika sabay haplos sa aking mukha.  Umiling ako at hinuli ang kamay niya at hinalikan iyon. Ako naman ngayon ang humaplos sa kanyang manipis na pisngi. "Hindi umiiyak si mommy. Alam mo ba na napuwing ako kanina roon sa likuran dahil maraming dust?" rason ko sa kanya.  Mula sa akin ay ibinaling niya ang tingin sa aking likuran, kaya kaagad kong nilingon kung sino ang tinitingnan nito. "Bakit cry ka rin po? Napuwing ka rin po ba like mommy?" puno ng kainosentehan na tanong nito kay Clyden.  Ngumiti naman ang huli at tumango sa t
Read more
CO 60:
•Gaea•Habang pinapatulog ako kay CN ay biglang tumunog ang aking cellphone. Napatingin ako sa screen no'n at dahil nasa kabilang side iyon ay hindi ko siya maabot hanggat hindi ako tumatayo. "CN," tawag ko sa pangalan ng anak ko para tingnan kung natutulog na ba siya. Narinig ko ang malalim nitong paghinga kaya napangiti ako at hinalikan siya sa noo. "Ang gwapo naman ng baby ko," nakangiti kong saad bago tumayo sa kama.  Inayos ko muna ang kumot niya bago pumunta sa kabilang bahagi ng kama at kinuha ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan doon ni Clyden. Hindi ko naman alam kung bakit ito tumatawag sa ganitong oras. Balak ko rin naman siyang tawagan kanina ngunit naisip ko na pupuntahan ko na lang siya bukas para makapag-usap kami nang maayos.  Nang muli itong tumunog ay kaagad kong sinagot iyon. "Bakit ka tumawag, Clyden?" bungad na tano
Read more
PREV
1
...
45678
...
11
DMCA.com Protection Status