All Chapters of CEO's Obsession: Chapter 41 - Chapter 50
106 Chapters
CO 41:
•Clyden• "Of course." Ang dalawang salitang iyon at ang nakangiti niyang mukha ang nagpabalik sa normal kong paghinga. "Bakit gan'yan ang itsura mo? Masama ba ang pakiramdam mo, Clyden?" Inilingan ko siya at niyakap nang mahigpit. "Akala ko kasi hindi ka sasama sa akin." Inilayo niya ako saglit sa kanya at marahang pinitik ang aking noo. "Hindi ko alam kung bakit mo ako dadalhin doon kahit wala naman akong kaalam-alam sa negosyo ninyo, pero may tiwala ako sa'yo, Clyden. Alam kong hindi mo ako pababayaan." Tumango ako at pinisil ang kanyang kamay. Hinawakan ko ang kanyang batok at hihilahin sana siya papalapit sa akin para gawaran siya ng halik nang tinawag siya ng direktor niya. May ipapatulong yata sa isang scene, nakagat ko ang aking labi sabay kamot sa aking mukha bago bumalik sa pwesto ni Krauss.  Natatawa ito habang nakatingin sa akin
Read more
CO 42:
•Gaea• Pagkarating namin sa taas ay dinala ako kaagad ni Clyden sa opisina niya. May mga empleyado roon na kakaiba ang tingin na ibinibigay sa akin ngunit wala naman akong pakialam sa kanila. Itinuro ni Clyden ang sofa na malapit sa may binatana ng opisina nito kaya kaagad pumunta roon at umupo. Sumunod naman siya sa akin at ipiniin ako roon.  "Hintayin mo lang ako rito, babe. Babalik din ako kaagad kapag natapos ang meeting," saad niya habang hinahaplos ang aking mukha. Tumango naman ako at hinawakan ang kamay niyang humahaplos sa aking mukha. "Kapag na-bored ka, buksan mo lang iyong pintuan na iyon. Kwarto ko iyon dito sa opisina para makapagpahinga ako kapag pagod sa trabaho."  Tinuro nito ang kulay puti na pintuan sa may kanang bahagi. Tumango naman ako at tumayo na para hilahin siya palabas. Sa tingin ko ay ilang minuto na ang lumipas nang magsimula ang
Read more
CO 43:
•Gaea•Warning: SPG"Gaea!" Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko si Clyden na tumawag sa akin. Tinaasan ko siya ng isang kilay nang makalapit na siya sa amin. "Saglit lang, Gaea, ako na ang maghahatid sa'yo. Hindi kita hahayaang umuwi ng mag-isa."  Pinagtitinginan na kami roon ng mga empleyado niya lalo na at sa labas ako ng building nila naghintay ng taxi. Pero sa tingin ko ay wala naman itong pakialam sa sasabihin ng iba basi sa inaakto nito ngayon.  "Bakit ka sumisigaw? Ang daming tao hindi ka ba nahihiya?" ani ko nang makalapit na siya sa akin. Hahawakan sana ako nito nang umatras ako para mapalayo sa kanya. Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa niya sa akin sa opisina nito kanina. "Anong kailangan mo? Kaya kong umuwing mag-isa, huwag ka ng mag-abala pa."  "Gaea, listen. I'm sorry. Hindi ko sinasadya iyon." Mapakla akong natawa sa
Read more
CO 44:
•Gaea•Warning: SPGAkala ko ay marahas ako nitong ibabagsak sa kama dahil sa halik nito, ngunit marahan lang ako nitong inilagay sa kama. "Why?" nagtataka kong tanong sa kanya. Ngumiti siya sa akin at inilagay sa tainga ko ang buhok kong nakakalat sa aking mukha.  "You and our baby's safety is my first priority," malambing niyang saad habang hinalik-halikan ang aking mukha. Napangiti ako at humawak sa kanyang leeg, pinagdiinan ko pa ang katawan ko sa kanya. "I love you."  Inayos nito ang pagkakahiga ko sa kama at marahan akong dinaganan. Hinubad niya ang pang-itaas kong damit kaya kaagad kong itinaas ang aking dalawang kamay para mapadali niya iyon. Hinayaan ko na rin siyang itapon ang aking bra kung saan niya gusto. Ang nais ko lang ngayon ay maramdaman ang labi at katawan niyang nakadikit sa akin. I miss him. Ilang linggo ri
Read more
CO 45:
•Gaea• Pagkatapos nang gabing iyon ay minsanan na lang kaming magkita ni Clyden. Naging sobrang busy ako sa tatlong linggo na lumipas dahil malapit nang matapos ang shooting. Pero hindi rin naman nagkulang si Clyden sa akin. Pag-gising ko sa umaga ay nagpapadala ito ng mensahe para paalalahanan ako na mag-ingat, at tatanungin kong kumain na ba ako. Tuwing lunch ay hindi nito kinakalimutan na padalhan ako ng pagkain sa set. Kapag pinapaalam ko naman dito na uuwi na ako ay pinapapunta kaagad nito ang driver niya para sunduin ako. Hindi rin naman nawawala ang komunikasyon naming dalawa dahil tumatawag naman ito tuwing gabi o di kaya'y binibisita ako nito kahit saglit lang. "Gaea, sasama ka ba sa aming mag-lunch?" tanong sa akin ni Kristel. Ito ang leading lady sa teleseryeng ginagawa namin. Maganda ito at mabait kaya madali lang kaming nagkapalagayan ng loob. "Buong team ang sasama
Read more
CO 46:
•Gaea•Namulatan ng aking mga mata si Clyden na hinalik-halikan ang aking kamay. Puno ng pag-aalala ang mukha nito habang ginagawa iyon. Ngumiti ako at hinaplos ang kanyang buhok gamit ang malaya kong kamay. Mula sa pagkakayuko ay tumingala siya at tiningnan ako. Mabilis siya lumapit sa akin at ginawaran ang noo ng halik.  "Are you okay? May masakit ba sa'yo? Nagugutom ka ba? May gusto ka bang kainin?" Marahan akong natawa dahil sa sunod-sunod niyang tanong. Hinila ko ang kanyang kamay para huminahon ito at bumalik sa pagkakaupo sa aking tabi. "Hindi ba kayo nasaktan ni baby? Ano ba ang nangyari sa inyo? Nagulat na lang ako at tinawagan ako ni Samantha na dinala ka raw sa hospital—"  Umupo ako at dinampian ang labi niya ng halik. Natigilan naman siya habang nakatitig sa aking mga mata. Marahan nitong hinaplos ang aking mukha, namalayan ko n
Read more
CO 47:
•Gaea• Nagtatakang tumingin sa akin si Krauss habang papalapit siya sa kama ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya sa akin dahil sa nakita niyang pag-aaway namin ni Clyden, pero kahit ulitin ang oras ay gagawin ko pa rin iyon.  "Parang ang sweet niyo naman ni Clyden noong huli tayong nagkita. Bakit naman nag-aaway na kayo ngayon? May problema ba?" tanong nito at umupo sa gilid ng aking kama. "May dala akong prutas gusto mong kumain?"  Tumango ako at kinuha ang bag na hawak niya. Kinuha ko roon ang mansanas at ibinigay sa kanya ulit ang bag. Kinagat ko na iyon at hindi na pinabalatan sa kanya. Naiiling naman siyang nakatingin sa akin at ipinatong sa mesa ang bag.  "Hindi ko naman talaga balak na awayin siya. Ngunit sa tuwing isinusumbong ko sa kanya ang kaibigan niya ay hindi naman niya ako pinapaniwalaan. Nakakainis lang dahil mas nagmumukha pa
Read more
CO 48:
•Gaea• Tatlong linggo ang lumipas. Ngayon ay pupunta ako sa hotel kung saan ang set para sa last shooting. Masaya ako dahil malapit na ring matapos ang trabaho ko na pupunta sa mga set, at mananatili na lamang ako sa opisina. Tinatamad na akong maggagala lalo na ngayon at may maumbok na ang akin tiyan at madali na lamang akong mapagod. "Babe, tawagan mo lang ako mamaya, okay? Susunduin kita huwag kang umuwi ng mag-isa lalo na at delikado na ang panahon ngayon." Simula noong mag-away kami ay sa condo na ako nito umuuwi para raw mabantayan niya kami ni baby at hindi naman ako nagreklamo dahil palagi na namang umalis si Samantha kaya wala akong kasama sa apartment. "I'll see you later?" nakangiti niyang tanong.  Tumango ako at niyakap siya nang mahigpit. Kahit magkasama kami sa bahay ay palagi ko pa rin itong nami-miss. Hinalikan ko ito sa la
Read more
CO 49:
•Gaea• Hindi ko alam kung paano nagagawa ni Cassandra ang bagay na iyon. Sa maamo nitong mukha, hindi mo aakalain na makakagawa ito ng masama. Ngunit ang galit sa mga mata nito habang nakatingin sa akin hindi maipagkakaila na handa itong patayin ang taong nasa harapan nito sa mga oras na iyon. Hindi ko alam kung may ibang galit ba ito sa akin o kung talagang dahil lang iyon sa relasyon namin ni Clyden. Kung hihiwalayan ko ba si Clyden ay titigilan na ako nito? Pero paano naman si baby? Makakaya ko bang palakihin itong mag-isa? Ano ang sasabihin ko kapag naghanap ito sa ama niya kapag lumaki na siya? "Halika, Gaea, sa sofa ka umupo. Hindi pwedeng umupo ka sa malamig na sahig na'to." Napantingin ako kay Samantha Nicolai nang marinig ko itong magsalita. Sa pagkakaalam ko ay wala itong scene ngayon pero mabuti na lang at nagpunta siya rito at nasagip niya kami ng anak ko. "Hawakan mo ang kamay mo."&nb
Read more
CO 50:
•Clyden• Sinundan ko ng tingin ang papalayong si Gaea. Nasasaktan din naman ako sa tuwing nakikita ko itong umiiyak o nasasaktan ko, pero hindi ko rin naman pwedeng paniwalaan kaagad ang sinasabi nito. Kaibigan ko na si Cassandra mula pa noong bata kami. Siya itong tumulong sa tuwing pinapagalitan ako ng mga magulang ko. Siya rin ang sumasalo sa akin kapag nagpupunta kami ng barkada sa probinsya para lang mag-overnight. Palagi ako nitong sinasagip sa pamamagitan ng pagsama sa akin at sabihan si mommy na huwag mag-alala dahil nandoon naman siya. Hindi ko ito nakitang manakit ng ibang tao mula pagkabata kaya nahihirapan akong paniwalaan si Gaea. Lalo na at nag-away rin kami dati ni Cassandra dahil pinagbibintangan ito ng dati kong nobya at nalaman ko na lang na wala pala talaga itong kasalanan.  "I'm sorry, Gaea," mahina kong bulong. Bumalik ako sa pagluluto dah
Read more
PREV
1
...
34567
...
11
DMCA.com Protection Status