All Chapters of CEO's Obsession: Chapter 31 - Chapter 40
106 Chapters
CO 31:
•Gaea• Nang makarating kami sa apartment namin ay kaagad ko siyang hinila papunta sa sofa para makausap ito nang maayos. Kinukusot nito ang kanyang mga mata kaya alam kong may problema ito. Kapag naiinis, nagagalit o nasasaktan ito at hindi niya mapigilan ang emosyon ay kaagad itong napapaiyak pero kung hindi naman labis ang sakit na nararamdaman nito ay gumagamit ito ng panyo kapag umiiyak dahil ayaw niyang masgasgasan ang kanyang mga mata. Kaya sa tuwing nakikita ko itong umiiyak at ginagamit niya ang kanyang mga kamay bilang pamunas alam ko na kaagad na may problema ito.  "Anong nangyari sa inyo ng lalaking iyon, Samantha?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Hinawakan niya ang aking mga kamay at tumingin sa aking mga mata. "Ginawan ka ba niya ng masama?"  "I really want to cancel the engagement party. I asked him to tell our parent
Read more
CO 32:
•Gaea• Simula nang araw na iyon madalang na lang tumawag si Clyden sa akin. Minsan ako pa ang tumatawag sa kanya dahil nami-miss ko na ito. Kung pwede lang sana itong puntahan sa China ay ginawa ko na ngunit bukod sa wala naman akong malaking pera na gagastusin para roon ay busy rin ako sa trabaho.  Tumayo ako sa aking kinauupuan at sinalubong si Beatrice na papasok sa opisina ko. Sa loob ng dalawang linggo kong pagtra-trabaho ko rito siya ang isa sa nakagaanan ko ng loob. Mabait ito at sa tuwing may kailangan ako sa kanya ay siguradong masasandalan ko ito.  "Hindi mo ba namamalayan ang oras, Gaea? Malapit na mag alas-dos ng hapon." Nagkamot ako sa aking noo at tiningnan ang malaking orasan na nakasabit sa taas ng aking pader.  "Kakain na nga, hindi ko naman kasi namalayan ang oras habang nagsusulat." Tinaasan niya ako ng kaliwang kilay at
Read more
CO 33:
•Gaea• Kahit nakapikit ako ay alam na alam ko na boses iyon ni Samantha ang aking naririnig. Iminulat ko ang aking mga mata at unti-unting ibinangon ang aking nanghihinang katawan. "Samantha," tawag ko sa kanya, dahil nakatalikod ito sa akin at may kinakausap sa labas ng kwarto. Nilingon niya ako at nag-aalalang tumakbo palapit sa akin, iniwan ang taong kausap niya roon. "Sino iyong kausap mo?" tanong ko sa kanya nang makalapit na siya sa akin.  "Si Kenneth. Sino ba 'yun? Naiinis ako sa kanya dahil kayo raw ang magkasama kanina pero hindi ka naman niya binantayan." Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila siya para mapaupo sa kama ko. Hindi naman obligado si Kenneth na bantayan at dapat niyang malaman iyon para makahingi siya ng tawad.  "He's my boss, Samantha, magkasama kanina kasi inaya niya akong kumain sa cafeteria. Hindi ko alam na mawawalan ako ng
Read more
CO 34:
•Gaea• Isang araw lang naman akong nanatili sa hospital at nang matapos akong i-check ng doktor at sinabi nitong pwede na akong makalabas ay sinabihan ko kaagad si Samantha. Noong una ay ayaw pa nito akong palabasin dahil gusto niyang makasigurado, pero nang nagpumilit ako ay pumyag din naman ito.  "Gaea, pwede ka na sa buhay mo na lang ikaw mag-trabaho hanggang sa maging maayos ang pakiramdam mo." Tatango sana si Samantha bilang pagsang-ayon nang hinawakan ko ang kamay nito at tiningnan sa may salamin si Kenneth. "May problema ba?"  "Okay na naman at sinabi iyon nang doktor kanina. Ayaw kong mag-trabaho sa bahay dahil..." Nilingon ko si Samantha at tiningnan ito sa mga mata. Gusto kong makita niya na hindi iyon ang gusto kong mangyari. Alam kong maiintindihan niya ako dahil alam naman niya ang lahat nang nangyayari sa buhay ko. "Dahil mabo-bored lang ako roo
Read more
CO 35:
•Gaea• Nandito na nga kami ngayon sa Youth Romance. Pinaghintay ko na lamang sa labas si Kenneth dahil mabilis lang naman ako. Ayaw ko rin na ma-bored ito sa loob dahil wala naman siyang gagawin doon.Maglalakad na sana ako patungo sa may cubicle ni Cybell nang may bumangga sa balikat ko. Kaagad ko itong nilingon para pangaralan nang makita ko si Russu. Wala na naman akong nararamdaman para sa kanya pero ang awkward na makita ito ngayon, lalo na at nasa sitwasyon ako na'to.Ipinagmamalaki ko pa sa kanya dati si Clyden, ngunit ngayon ay iniwan din naman ako nito ang mas malala pa ay nabuntis ako nito. Kaya nga kami naghiwalay ni Russu dahil hindi ko maibigay ang gusto niya, ngayon ay nabuntis ako ng bago ko pa lang na kilala.  "I'm sorry, hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Are you okay?" Napalunok ako dahil sa pambabara ng aking lalamunan. Bakit sa simpleng are you okay na iyon ay nas
Read more
CO 36:
•Gaea• Napatingin ako kay Samantha nang kinurot nito ang aking tagiliran. Tinaasan niya ako ng kilay bago nilingon ang dalawa na kahit nakapasok na sa apartment namin ay hindi pa rin maiwaglit ang tingin sa isa't-isa.  "Bakit mo nga dinala ang lalaking 'yan dito, Gaea?" Nagkibit-balikat lamang ako sa kanya at umupo na sa sofa. Binuksan ko ang tv at hindi na pinakinggan ang reklamo ni Samantha tungkol kay Kenneth. "Gaea—"  Pareho kaming natigilan na dalawa nang makita namin sa balita si Clyden at ang fiancee nitong su Cassandra. Hindi ako nakaimik nanatiling nakapokus lamang ang aking paningin sa lalaking may malapad na ngiti habang nakatitig sa camera. Hindi ko alam kung peke ba iyon o hindi dahil katulad naman iyon sa ngiting ibinibigay sa akin.  "Bakit parang ang saya mo r'yan?" bulong ko. Hindi ko alam kung nar
Read more
CO 37:
•Gaea• Pagkatapos ng araw na iyon ay naging busy na kaming lahat, kaya hindi na rin natuloy ang plano ni Kenneth. Anim na araw na rin ang matulin na lumipas, hindi naman na ulit nagparamdam sa akin si Clyden ngunit hinayaan ko na lang. Bukod sa busy ako ay inaalala ko rin ang kondisyon ng anak namin. Bawal akong ma-stress ng husto dahil mahina ang kapit ni baby. "Miss Gaea, gusto ko po talaga ang mga akda ninyo!" Napangiti ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Nasa fan meeting nga ako ngayon at nakikipag-usap sa mga readers ko. "Iyong Alcantara Series niyo po ang pinaka-paborito ko!" Mabuti na lang at pumunta ako rito, natutuwa talaga ako habang nakikipag-usap sa mga readers ko. Ang sarap lang sa puso kapag mat nakaka-appreciate sa gawa mo. "Thank you so much. Anong name mo?" tanong ko sa kanya habang pinipirmahan ang libro nito. "I'm really happy na
Read more
CO 38:
•Gaea• Hindi na ako nakapag-paalam sa kay Director Jeric nang hinila ako ni Clyden palayo roon. Nilingon ko muna saglit at kahit nasa malayo ako, I still mouthed I'm sorry to him dahil sa ginawa ni Clyden sa kanya. Nakita ko ang marahang pagtango nito kaya kaagad na rin akong tumalikod.  Nakarating kami sa ilalim ng punong mangga di kalayuan sa site. Sumandal ako sa may katawan ng puno habang nakatitig sa kanya, naghihintay sa sasabihin nito.  "Sino iyon, Gaea? May lalaki ka bang hinayaan na manligaw noong wala ako?" seryosong tanong niya. Iiling na sana ako nang muli nitong pinagmasdan ang dinaanan namin kanina.  "Ikaw itong hindi nagpaparamdam halos isang buwan tapos ako naman ngayon ang pag-iisipan mo nang masama. Okay ka lang?" taas-kilay kong tanong sa kanya. Ibinalik naman niya ang tingin sa akin dahil sa sinabi kong iyon. "Bakit ka b
Read more
CO 39:
•Gaea• Sinalubong kami ni Krauss pagkarating namin sa set. Akala ko kanina ay aalis na ito ngunit naghihintay pa rin pala ito sa amin. Nilingon ko si Clyden at hindi nga ako nagkakamali sa tinging ibinibigay nito. Walang emosyon ang gwapong mukha nito habang nakatitig kay Krauss. Napabuntong-hininga ako at nilingon ang kaibigan kong nagsasalita.  "I'm sorry, Krauss, pinaghintay ba kita? Akala ko kasi ay uuwi ka na kanina." Umiling siya at hinawakan ang aking kamay at hinila papunta sa kinauupuan ko kanina. Ngunit hindi pa kami nakakalayo nang hinila ako pabalik ni Clyden sa kanyang tabi at tinanggal ang kamay ni Krauss na nakahawak. "Clyden?"  "Girlfriend ko 'to. Kailangan mo munang humingi ng permiso bago mo siya ilayo sa akin," seryoso niyang usal sabay akbay sa akin. Napangiti ako at marahang tinapik ang kamay niyang naka-akbay sa akin. Lumingo
Read more
CO 40:
•Clyden•Hindi mawala ang ngiti sa aking labi habang nakatingin sa babaeng seryosong nagtra-trabaho. Gandang-ganda ako sa mukha ni Gaea kahit pawisan na ito at nakabuhaghag na ang kanyang buhok. Sa totoo lang maganda ito pero hindi naman ito ang klase ng babaeng tipo ko noon. Gusto ko iyong may mahabang biyas, balingkinitan ang katawan, maputi, pang-artista ang mukha, at mayaman. Hindi ko aakalaing mahuhulog ako sa simpleng katulad ni Gaea, ngunit kahit ganoon hindi ko naman pinagsisihan iyon. "Alam mo, Clyden, ang swerte mo kay Gaea." Napalingon ako kay Krauss dahil sa sinabi nito. "Maraming mga taga-hangang lalaki iyan, ngunit ikaw lang ang binigyan niya ng pansin. Atsaka may isang boss sa Youth Romance Publishing na binili ang kalahati ng shares ng kompanya para lang mapalapit kay Gaea." Naikuyom ko ang aking kamao habang nakikinig sa kanya. Kung hindi ako nagkakamali, si Russu
Read more
PREV
123456
...
11
DMCA.com Protection Status