All Chapters of My Secretary Owns Me (Tagalog): Chapter 31 - Chapter 33
33 Chapters
Chapter 31
“BABE, WAKE UP! Babe, you’re crying! Wake up!”  Napabalikwas siya nang maramdaman ang pagyugyog sa kanya nang malakas.  Bigla siyang napamulat ng mga mata. Mukha ng guwapong binata ang nabungaran niya. Matagal pa bago pumasok sa kanya na panaginip lang ang lahat ng iyon. Agad na niyakap niya ang binata nang mahigpit na halatang ipinagtaka nito.  “Oh, thanks, God! Akala ko iniwan n’yo na ako!” naiiyak na sabi niya.  “Mama!” Bumaling siya sa anak na namumugto na pala ang mga mata. Kinabig niya ito papalapit sa kanila ni Kent.  Buti na lang ay panaginip lang ang lahat ng iyon.  “Babe, what’s wrong? Kanina ka pa raw umiiyak sabi ng anak natin. Buti
Read more
Wakas
ISA-ISA SILANG BINATI ng mga dumalo kaya naman kanina pa niya nararamdaman ang pagod. Umalis ang asawa niya sa tabi niya kaya sinundan niya ito ng tingin. Nilapitan nito ang anak na karga ng yaya at hinalikan sa noo. Nakatulog na ito marahil sa pagod.  Nakita niyang umupo ito sa tabi ng mga dating kaklase nito noong kolehiyo.  Napangiti siya nang ngumiti si Kendra nang matamis. Isa iyon sa na-miss niya sa asawa. Lumingon ito sa kanya.  “I love you!” she mouthed, kaya tinugon niya ito. Nakita niyang lumapit ang kapatid sa asawa niya. Niyakap ito ng kapatid niya. Sa wakas ay tanggap na ng bunsong kapatid niya na si Keith ang relasyon nila ng asawa. Naiintindihan niya ang kapatid, si Kendra lang kasi talaga p
Read more
Special chapter
NAPATIGIL SA PAGHAKBANG si Kendra nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaki. Itatapon lang naman niya ang nabasag na bote sa likod. Naroon kasi sa likod bahay nila ang lagayan ng mga basag na bote."Matagal nang panahon iyon, Darlene. Ayoko nang pag-usapan iyon. Kung ano man ang sasabihin mo, sabihin mo na. Dahil ayokong makita tayo ng asawa ko dito. Marami nang pinagdadaanan ang asawa ko ngayon, ayokong makadagdag pa ito.""Yeah, I know. Pero sandali lang naman ito, Blake. Alam kong dala-dala mo ito noon pa man, maging si Kendra. Ngayon lang kasi ako nagkaroon nang lakas para makausap ka.""'Wag nang paligoy-ligoy, Darlene."Napabuga muna si Darlene ng hangin bago nagsalita, "Wala namang nangyari sa atin nang araw na nahuli tayo ni Kendra sa condo mo. Pinainom kita ng gamot noon, kaya akala mo, magdamag tayong magkasama at magkatalik."Napasapo siya sa bibig. "Oh, God! Bakit ngayon mo lang sinabi, Darlene? Bakit ang tagal mong tinago?""I'm sorry, ngayon lang kita na-corner nang
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status