All Chapters of THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog) : Chapter 21 - Chapter 30
67 Chapters
Chapter 21: Makeover [2]
Pagdating namin sa palasyo ay abala ang mga tao; halos hindi na sila makausap. May mga taong nagde-design ng bulwagan at may nag-aayos ng mga ilaw. Lakad tabko ang ginagawa ng iba. Mamayang gabi na kasi ang kasiyahan at kailangan nilang matapos nang maaga ang pag-aayos.     “Ah, Betty, tutulungan ko muna sina Nana Senya sa kusina,” paalam ko kay Betty.     “You’re not doing anything, unless I told you so,” isang malamig na boses ang narinig ko. Si Zek nasa likod ko at mukhang kakarating niya lang. Saan ‘to galing? At may mga kasama siyang mga bisita. Yumuko ako kanya bilang pagbati.     “Provido, this is Liah, my Fiancée, attend her needs for the party,” saad niya sa isang babaeng blond ang buhok at maganda. Hindi naman ako maka-react sa sinabi niyang ‘fiancée’ dahil nagpapanggap nga akong bobo sa wikang Inglish. “You really have a good choice, darling,” saad nito. Habang nakangiti
Read more
Chapter 22: A Kiss
  Habang naglalakad ako papunta sa kwarto ni Zek, hindi ko mapigilan kabahan. Ano ba talaga ang plano ng lalaking ‘to. Nang makarating ako sa pinto ng kwarto niya ay agad na akong kumatok. Ilan katok pa ang ginawa ko bago ako buksan ng lalaki. Ang akala ko siya ang bubungad pero iba ang bumukas.     “Yes? Hello?” ani ni Ezra.     “Hi!” ani ko sabay yuko.     “Hello? Which kingdom are you from?” tanong niya. Nagtaka ako bakit ‘yon ang tanong niya.     “Mahal na Prinsesa, ako ‘to si Liah,” sabi ko.     “Huh? What? Wait?” sunod-sunod niyang tanong.     “Oo, ako ito, Mahal na Prinsesa.”     “You look like a real princess! Oh! Gosh! You look like a fairy!” bulalas niya.     “Nasa loob ba ang pronsi
Read more
Chapter 23: Celebration
  Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makarating ako muli sa bulwagan ng palasyo. Kinalma ko muna ang sarili bago tuluyan pumasok sa loob. Kailangan kong makalayo sa gano’n sitwasyon. Ano sa tingin niya ang inisip niya? Na gano’n ako kadaling makuha? Na kaya niya akong bilhin? Oo kailangan ko nang trabaho at kumita sa sarili kong sikap. Pero hindi ko kayang ipagbili ang sarili kong dignidad. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit gusto kong manatili sa tabi niya? Bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko? Naguguluhan na ‘ko. Tch.        “Liah?” napatalon ang puso ko nang marinig ko boses niya. Hindi ako lumingon ayokong makita ang mukha niya. Hinawakan ko ang manggas ng aking gown pataas nang kunti at naglakad sa gitna ng bulwagan.     “Listen everyone!” napahinto ako nang bigla siyang nagsalita nang malakas. Lahat ng tao sa bulwagan ay napatingin sa kanya. Lahat huminto at binigay sa k
Read more
Chapter 24: Red Lady
I see you beneath the tree fading slowly, Taking my hands to catch your memories, but you are far as your feelings. This one-sided love shaped my broken core. Dreaming of you beside me, but you're gone. Trying to flee from your days with me, It paints my lonely sun, around the sea. Seabirds sing a joyful woe; I can't stand but frown in the blue. ***   Gumuhit ang kirot sa puso ko nang matapos ko ang tulang binabasa ko. Ang lupit namang makalumbay nito. Nasa kusina ako at nagluluto habang nagbabasa. Tinuruan ako ni Nana Senya; fast learner naman ako kaya nakuha ko agad. Pagkatapos kong maboko ni Ezra ay kahit pa pa’no ay gumaan ang dibdib ko.    Naisip ko pa rin ang alok niyang paibigin ang kuya niya. Hindi ko alam kung paano gagawin ‘yon. Napahawak ako sa akin labi
Read more
Chapter 25: A Moment
  Umihip ang malamig na hangin sa paligid habang umuulan ng dahon ang mga puno na nasa paligid. Matamis at malalim ang halik na binibigay ni Zek. He’s making me melt with the intense feeling he is giving me; at tinutugon ko ito kahit na wala pa akong karanasan sa halikan. Ang haplos ng kanyang mga kamay sa aking likod ay nagbibigay ng kakaibang sensasyon. Parang gusto kong tumigil ang oras at damdamin na lamang ang sandaling ‘to. Hindi ko alam ang nangyayari sa isip ko pero ang alam ko. Gustong-gusto ko ang halik niya.     “Ahemmp... ahemmp!” isang malakas boses ang nagpatigil sa halikan namin si Zek.     “Marami naman kwarto sa loob ng palasyo baka gusto niyong pumasok, at do’n na ipagpatuloy ang halikan niyo?” ani ni Ezra habang natatawa.     Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Zek bago niya bitawan ang baywang ko, tumalikod sa akin at pumasok sa loob. Na para
Read more
Chapter 26: "Marry Me"
  Nakakabingi ang katahimikan, tanging andar lang ng sasakyan ang maririnig.Pinaandar ni Luke ang Fm radio ng sasakyan. Tahimik pa rin si Elle, ni hindi ito kumikibo. Kasalukuyang bumabyahi papuntang Tyre para bisitahin si Liah.   "Elle," tawag sa kanya ng binata. Pero parang hindi niya ito naririnig hindi niya ito matignan. Mayamaya pa ay napuno ng malungkot na musika ang loob ng kotse. Umalingawngaw ang kantang, ‘No more corners’.   "If I don't believe in love, then why does this heart aching? Why does these tears never run dry? And there are no options but to cry and hide? And now, I am nothing.   Everything seems to be unfair even time and I can't find ways to figure out what might happen next, and this emptiness filled me, I'm still nothing.   And I know there's no way that someday, someho
Read more
Chapter 27: In His Bed
  "Mahal na Prinsipe, magandang gabi po," Bati ni Liah, habang cool na cool naman ang binata na pagmasdan siya. Nasa kwarto sila ng prinsipe. Nakangiti ang binata habang wala niyang sawang pinagmamasdan ang dalaga na nahihiya at namumula dahil sa ginagawa niya.   “Bakit? Anong kailangan mo?” malamig na tugon niya sa dalaga.   “Magpapaalam sana akong uuwi sa apartment,” mahinang sabi ng dalaga. Nag-iba naman ang templa ng mukha ng prinsipe nang marinig ang sinabi ng dalaga. “Bakit? Sinabi ko bang pwede ka nang umuwi?” galit na tugon ng prinsipe. Napaatras naman si Liah. Mababakas ang takot at pangamba sa mukha nito.   “K-kasi, Mahal na Prinsipe, day o-off ko naman p-po, s-sabi ni Nana Senya,” utal-utal niyang sabi habang takot na masigawan. Pero hindi nga siya nagkamali.   "No! No is my answer," matigas na sabi ng binata sabay tayo sa kama at pumunta sa bintana na parang may ini
Read more
Chapter 28: Lurking Foe
  Samantala habang masayang naglalakad si Luke at Elle sa gitna ng daan, hindi nila napansin na may sumusunod sa kanila. Bawat galaw ay nakikita ng nilalang na ito. Masaya, maingay at matao ang lugar dahil kasalukuyang nagdidiwang ang Corintho ng kanilang fiesta o pagdiriwang ng pasasalamat sa magandang ani.   “Manatili pa tayo ng isang gabi dito, Mahal?” sabi ni Luke. Nakangiting lumingon ang kanyang nobya at tumango. “Walang problema, Mahal. Siguradong magugulat si Liah kapag nakita niya tayong magkasama.”   “Siguradong matutuwa ‘yon kapag nalaman niyang ikakasal na tayo,” natatawang saad ni Luke.   “Sigurado, ‘yon.”   Sa sobrang saya nilang dalawa ay hindi nila napansin ang mga nilalang na sumusunod sa kanila hanggang sa bumalik sila sa kanilang apartment. Hawak kamay silang pumasok sa loob at pinagsaluhan ang matamis na halik.   “I still can’t believe na nobyo na
Read more
Chapter 29: Dark Witch
  EZEKIEL Hindi ko mapigilang magalit sa saril ko dahil sa hindi normal ang nararamdaman ko para kay Liah. Kailan ko lang siya nakilala at ganito na ang epekto niya sa akin. Hindi ko rin alam bakit ako nandito sa sulok nagtatago at minamanmanan siya. At dapat wala na rin akong pakialam kung sino man ang lalaking kasama niya. Iyon ang gusto kong mangyari pero hindi sumusunod ang utak ko. At naapektuhan ang buo kong sistema.   Nandito pa rin ako sa sulok, habang pinagmamasdan ko silang masayang pumapasok sa loob. Nakita ko si Liah, na parang hindi ito mapakali at putla-pulta siya. Ilan sandali pa ay nagulat ako nang marinig ko na tumunog ang akin witch tracker. Nang tignan ko ito ay laking gulat ko na marami itong nasasagap na enerhiya ng mga magkukulam. Napatingin ako sa paligid at nagmasid kung meron bang mga magkukulam.   “Bakit may mga magkukulam sa paligid ng apartment?” takang tanong ko. Ano  an
Read more
Chapter 30: Agustus
AMALIAH     Bago ako nawalan ng malay ay naramdaman kong maraming nakapaligid sa amin mangkukulam. Naamoy ko rin ang amoy ni Zek. Kaya mas lalo akong nag-aalala. Dahil baka malaman niyang isa akong magkukulam. Hindi ko rin alam bakit hindi na-detect ng tracker niya na mangkukulam ako. Hindi ko rin alam bakit nahimatay ako nang walang dahilan. Isang amoy na mabango ang nagpagising sa akin. Unti-unti kong inimulat ang aking mga mata.     “Liah,” tawag ng pamilyar na boses ni kuya.     Muli kong naamoy ang amoy ni Zek. Alam kong nasa malapit lang siya at ang amoy ng mga mangkukulam ay umalingawngaw sa paligid ng apartment. Hindi ko alam kung napapansin ba ng mga kapitbahay ang mga nilalang sa paligid. Nang tuluyan ko nang maimulat ang akin mga mata ay nakita ko si kuya at Elle. Bakas sa kanilang mga mukha ang pag-aalala.    
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status