Lahat ng Kabanata ng Pakawalan mo ako, Mr. Hill: Kabanata 41 - Kabanata 50
2346 Kabanata
Kabanata 41
Matapos papalitan ni Catherine ang kanyang SIM card noong hapong iyon, lumabas sa kanyang telepono na mayroon siyang sampung tawag na hindi nasagot.Ang mga tawag na ito ay mula kina Freya, Jeffrey, Sally, at marami pang ibang mga tao.Marahil ay nag-aalala ang mga ito matapos malaman ang nangyari noong isang araw?Sa loob-loob niya’y hindi niya mapigilang makaramdam ng pag-asam. Anuman ang dahilan, tinawagan pa rin nito si Sally pabalik.“Mom…”“Tinawagan mo na rin ako pabalik.” Galit ang tono ng boses ni Sally. “Gaanong katagal mo pa gusto riyan sa labas? Umuwi ka na, ngayon na!”Pumait ang kalooban ni Catherine nang marinig niya ang mga katagang ‘umuwi na’. “Tahanan ko pa rin ba ‘yan?”“Catherine, kung hindi ka uuwi ngayon, huwag ka na lang umuwi. Hindi mo na rin naman kailangan kaming kilalanin ng ama mo.”Ibinaba ni Sally ang tawag matapos niya itong sabihin.Pagkatapos nitong panandaliang mag-alinlangan, napagdesisyunan ni Catherine na umuwi. Kung sa bagay, sina Jeffre
Magbasa pa
Kabanata 42
“Ay dapat lang sa’yo, ano,” Sabi ni Sally sa isang nakasasakit na paraan, “Kaya ka pala hiniwalayan ni Ethan.”Tuluyang hindi makapagsalita si Catherine. Kahit ang pinakamaliit niyang bakas ng pag-asa ay naglaho.Ano ba iniisip niya. Sana’y hindi na lamang siya bumalik.Wala namang pakialam ang mag-asawang Jones sa katotohanan. Mas mahalaga pa rito, hindi mapapalitan si Rebecca.Nalulumbay na iniunat ni Catherine ang kanyang kamay. “Akin na ang aking telepono. Aalis na lang ako. Hindi na dapat bumabalik pa ang mga kahihiyang tulad ko. Hindi ako karapat-dapat na maiugnay sa inyong lahat.“Plano mo bang bibigyan ng kahihiyan ang pamilyang ito o sadyang manggugulo ka na lang sa labas?” Kutya ni Jeffrey. “Dito ka lang sa bahay ay pag-isipan mo ang mga ginawa mo. Kapag napagdesisyunan mo nang maging lantad, baka doon lang kita palayain.”Nang matapos magsalita si Jeffrey, ipinalakpak nito ang kanyang kamay. May mga gwardyang lumabas mula sa pintuan at agad na dinampot si Catherine.“
Magbasa pa
Kabanata 43
Matapos makaalis ni Shaun mula sa trabaho, pumunta siya sa isang pagpupulong patungkol sa isang international financial case noong kinagabihan.Sa sandaling binuksan niya ang ilaw pagkauwi niya ng bagay, tumakbo papunta sa kanya si Fudge. Patuloy itong nagme-meow habang niyayakap ang kanyang binti.“Na-miss mo ako masyado, huh?”Marahang kinusot ni Shaun ang kanyang ulo. Matapos ang ilang sandali, napansin niyang may hindi tama kay Fudge ngunit hindi niya ito masabi hanggang sa ikinuskos nito ang kanyang ulo sa tasang walang laman.Marahil ay nagugutom si Fudge.Hindi ba siya pinakain ni Catherine?Agad-agaran siyang nagbuhos ng pagkain sa lalagyan ni Fudge na mukhang gutom na gutom na.Pumasok si Shaun sa kwarto upang hanapin sa Catherine upang makita lamang na hindi pa ito nakakabalik. Nandilim ang kanyang itsura.Ang dami nang gulong kinasasangkutan nitong babaeng ito. Kalalabas niya lamang ng ospital at ngayong nakauwi na ito’y iniwan niyang gutom si Fudge.Hindi pa rin it
Magbasa pa
Kabanata 44
“Siguro hindi. Sabi kasi ni Freya na masyado raw biased ang mga Jones.”“Sige. Tignan ko.”Yamot niyang tinawagang muli si Hadley. “Pakialam kung saan huling nakita si Catherine.”Makalipas ang isang oras ay nagdala sa kanya si Hadley ng mga balita.“Pumunta si Miss Jone sa bahay ng mga Jones tatlong araw na ang nakalilipas. Pagkatapos ng ilang saglit ay pumunta ang mga Jones sa isang lumang bahay sa Pennington gamit ang kanilang sasakyat. Marahil ay nandoon siya.”“Ibig mong bang sabihin ay kinukulong nila si Catherine?”“Malaki ang posibilidad. Hindi naman pumupunta roon ang mga Jones maliban na lang kung sumasamba silang mag-anak. Isa pa, tago at napabayaan na iyong bahay na iyon.Mahigpit na hinawakan ni Shaun ang kanyang telepono. “Sunduin mo ako rito. Ako mismo ang pupunta sa lugar na iyon.”…At dahil malayo-layo ang Pennington sa kanila, inabot si Hadley ng tatlong oras bago sila makarating doon.Madaling araw na noon. Nang makalabas lamang ng sasakyan ni Shaun niya n
Magbasa pa
Kabanata 45
Itinakbo ni Shaun si Catherine sa pinakamalapit na ospital.Ikinuyom niya ang kanyang mga kamao habang hinihintay ito sa labas ng emergency room. Makalipas ang halos kalahating oras ay lumabas ang doktor at sinabing, “Kinidnap ba siya? Kung naghintay pa kayo ng isa pang oras bago siya itakbo rito, marahil ay hindi na rin siya kayang isalba kahit ng Diyos.”“Umayos naman ang kondisyon niya?” Napabuntong hininga si Shaun. Naalis na rin ang tinik sa kanyang lalamunan.“Oo, pero pumalya ang ibang parte ng kanyang katawan. Bukod pa rito, pabalik-balik ang kanyang lagnat.” Kumunot ang mga kilay nito noong dinagdag niyang, “Wala siyang naimon na tubig sa loob ng tatlong araw at marahil ay hindi rin siya nakakain ng kanin nang maayos. Malala pa rito’y marahil panis na ang kaning kinakain niya. Tantsa ko’y kinakailangan niya ng kalahating buwan bago gumaling.”Hindi lamang gulat, kundi’y tulala rin si Shaun. “Tao ba ‘yang mga Jones na ‘yan?”Bumagsak ang kaaya-ayang mukha ni Shaun. “Sabihi
Magbasa pa
Kabanata 46
“Mabuti namang alam mo iyon. Akala ko’y tatanga-tanga ka lang.”Hindi maipaliwanag ni Shaun ang pagkairita niyang makitang buto’t balat si Catherine. Nakasasakit na mga salita ang lumabas sa kanyang bibig. “Wala na akong naging payapang araw simula ng pakasalan kita. Ayokong makuwestiyon ng mga pulis kapag isang araw ay namatay ka na lang. Naiintindihan mo ba ‘yun?”“Wala nang susunod pang pagkakataon.” Kinagat ni Catherine ang kanyang maputlang labi upang pigilan ang mga nagbabadyang luha.Dumagasa kay Shaun ang pagkadismaya. Ayaw naman niyang patuloy na sermonan na lang ito, ngunit kailangan niya nang itigil ang paggawa ng mga kalokohang ganito.“Nasaan na ang phone na binili ko para sa’yo? Bakit ‘yon naiwan sa bahay ng mga Jones?”“Niloko ako ni mama para ibigay ito sa kanya.”“Ikaw talagang baboy ka.”“Alam mo, tama ka. Tawagin mo na lang akong Piggy Jones simula ngayon.”“...”Hindi naiwasan ni Chase na ilabas ang tawang ipinipigil niya, na siya namang nagpalambot sa maig
Magbasa pa
Kabanata 47
Mukhang gulat ang itsura ni Ethan, subalit nanlamig ang kanyang puso ng naalala niya ang lahat ng ginawa ni Catherine.Inaamin niyang minahal niya ito noon, ngunit hindi na ito karapat-dapat para pagtuunan pa niya ng kanyang patuloy na pagsasakripisyo.“Mag-iisip ako ng iba,” ‘ika ni Jeffrey.…Tatlong araw naospital si Catherine. Hindi na niya kaya pang manatili rito nang isa pang araw matapos ng paulit ulit niyang pamamalagi rito.Pagbalik niya sa Jadeite Bay ay nagulat siyang bahagyang bumigat ang timbang ni Fudge. Akala niya’y natural lamang kung ito’y manghihina sapagkat walang maayos na nag-aalaga rito nitong mga nakalipas na araw.Nang makauwi si Shaun kinagabihan, narinig siya nitong bumubulong habang pinapakain ang pusa. “Fudge, ‘wag ka na munang kumain masyado. Tignan mo na ang tiyan mo, oh. Para bang ika’y may dala-dalang mga kuting diyan.”Kumibit ang sulok ng kanyang labi. Palaki ng palaki ang buntis na tiyan ni Fudge habang lumilipas ang mga araw. Hindi na niya ito
Magbasa pa
Kabanata 48
Bago pa man matapos ni Catherine ang kanyang sinasabi, may isang malaking kamay na biglang nagtakip sa kanyang bibig.Amoy tuyong palutsina ang kamay ni Shaun. Hindi niya inaasahang nakakapawi ang mahinang amoy na ito.Mas importante pa rito, ang init ng kanyang kamay!“Manahimik ka na.” Kumikislap ang mga mata ng lalaki sa ilalim ng mga lente ng kanyang salamin.Naramdaman niyang mag-init ang kanyang mga pisngi. Pagkatapos nitong tanggalin ang kanyang kamay at inilagay niya ang tasa ng oatmeal sa lamesa. “Siguro’y nagugutom ka matapos magtrabaho buong gabi.”Tinitigan niya ang oatmeal na may cinnamon sa ibabaw. Mukha nga itong nakakagana.“Catherine, pinapataba mo ako, huh?”“Uy hindi ah, maayos pa rin ang katawan mo.” Napanguso si Catherine. “Ayos lang din naman sa akin kung manaba ka. Marahil ay ako na lang ang pipiliin mo kapag wala nang magkakagusto sa iyo.”Tinignan siya nito, nanginig ang dulo ng kanyang labi. “Huwag na lang. Hindi ko kaya ang babaeng labas-pasok sa ospi
Magbasa pa
Kabanata 49
“Tandaan mo ‘yung ipinangako mo.” Kalmadong bumalik si Shaun sa kanyang kama.Nang payagan siya nitong pumasok, mabilisang inilatag ni Catherine ang kanyang kumot sa lapag na katabi ng kama nito.Saglit pa itong naging masigasig ngunit nakatulog din ito agad.Subalit maya-maya lamang ay nagising ito sa kanyang pag-iyak.“Pabukas ng pinto… Please… Ang lamig… Ang dilim… Natatakot ako.”Napabangon ito. Inilawan ng sinag ng buwan ang aninong nasa lapag. Mahigpit na tinatakpan ng babaeng nakapulupot ang kanyang tainga. Nanginginig sa takot ang kanyang katawan.“Gumising ka, Catherine. Binabangungot ka lang.” Tumayo si Shaun upang alisin ang mga kamay ni Catherine sa kanyang tainga.Subalit masyadong nalulong si Catherine sa kanyang masamang panaginip. Singputi ng mga kobrekama ang kanyang nasisindak na mukha.Wala nang magawa si Shaun kung kaya nama’y inihila niya si Catherine sa kanyang dibdib at marahang tinapik ang likuran nito.“Okay lang, ligas ka na ngayon…”May kakaiba sa b
Magbasa pa
Kabanata 50
“Tama na. Atakihin mo na ako ngunit ‘wag naman ang lahat ng mga babae.”“Ano naman kung gagawin ko?” Sagot ni Shaun, habang minamataan si Catherine.“Ikaw…” Sa pagkabalisa ni Catherine ay lumakad ito patungo kay Shaun upang ibalot ang kanyang mga kamay sa lalamunan nito.Ikinagulat naman ni Shaun ang biglaan at hindi inaasahang kilos ni Catherine.Nagpupumilit ba ng isang halik ang babaeng ito? Lumabas ang imahen ng mga malambot na labi nito sa kanyang isipan. Nag-alinlangan siya saglit bago siya makaramdam ng sakit sa kanyang pisngi.Kinagat siya ni Catherine.Pwersahan niya itong itinaboy habang tinakpan ng kanyang kamay ang parte ng pisngi nitong kinagat ni Catherine.Aso ba siya? Napakasakit!“Catherine, ano ba ang ginagawa mo? Huwag mong isiping hindi kita parurusahan sa ginawa mong ito.”Tila’y nagbabagang apoy ang kanyang mga mata. Nanginig si Catherine matapos niyang mapagtantuan kung gaanong katawa-tawa ang kanyang mga kilos.“Um… maipapaliwanag ko ito. Ito’y dahil…
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
235
DMCA.com Protection Status