Lahat ng Kabanata ng Ang Tatay kong CEO: Kabanata 1631 - Kabanata 1640
1747 Kabanata
Kabanata 1631
Humiga siya sa push bed at dahan-dahang pumikit habang tumutulo ang luha sa sulok ng kaniyang mga mata.‘Dayton Night…totoo nga talagang ang bata lang ang gusto mo!”Tinatrato siya nang napakabuti ni Dayton para lang mamanhid siya at paniwalain na mahal siya nito!‘Dayton Night, kinamumuhian kita!’Kinuyom ni Quincy ang mga kamao sa sobrang tindi ng kaniyang galit. Dadalhin niya ang anak at pagbabayarin si Dayton sa nagawa nito!Pinanood ni Terry ang pagtulak kay Quincy palabas ng ward. Saka siya nakatanggap ng tawag.“Tagumpay ba? Patay na ba siya?” Kuminang ang kaniyang mga mata.“Buhay man siya o hindi, hindi siya makakabalik sa ospital ngayon,” Sabi niya bago ibaba ang tawag.Siya ang nagplano ng aksidente ni Dayton, pero hindi niya inakalang magtatagumpay siya dahil maingat na tao si Dayton.Marahil ay hindi nakahanda si Dayton dahil nagmamali itong bumalik sa ospital. Iyon ang dahilan kung bakit nagtagumpay ang mga plano ni Terry.Tinurukan ng anesthetic si Quincy sa l
Magbasa pa
Kabanata 1632
Imposible para kay Quincy na isama ang kaniyang anak. Tinulak siya ni Terry sakay ng isang wheelchair at umiwas sa apoy pati na rin sa paningin ng iba. Saka sila lumabas sa isang side door!Paulit-ulit siyang lumilingon. Hindi niya kayang iwan ang kaniyang anak. Tumutulo ang luha sa sulok ng kaniyang mata. Sinumpa niyang babalik siya para hanapin ang kaniyang anak!Si Tia na nagtatago sa isang sulok ay pinanood ang malaking apoy na nakapalibot sa operating room. Kahit na ginawa ng lahat ang lahat ng makakaya para patayin ang apoy, wala nang magagawa para pahinain ang apoy.Tumawa siya na parang nababaliw. Karapat-dapat lang na mamatay si Quincy Lane!Kung hindi dahil kay Quincy, hindi siya magiging pipi. Kailangan niyang kunin ang buhay ni Quincy bilang kabayaran!…Matapos ang ilang oras, napatay din ang apoy. Tuluyang nasira ang operating room ng apoy.“Katapusan na natin. Nasa loob ng operating room ang Young Madam…”Nakatingin ang mga tauhan ni Dayton sa natupok na operatin
Magbasa pa
Kabanata 1633
“Nawalan siya ng malay. Mamamatay siya kung hindi siya makakatanggap ng treatment pagkatapos magkaroon ng malalang injuries,” Bumuntong-hininga ang security guard at umiling. Hindi pa siya kailanman nakakita ng isang taong handang dumaan sa hirap matapos makaranas ng malalang injuries. Walang pakialam ang lalaking ito kung mabuhay man siya o hindi.Napakarahas nito sa sarili. Isang marahas na lalaki!Kaagad na binuhat si Dayton ng kaniyang mga tauhan at dinala siya kaagad para makatanggap ng emergency rescue.Napakalala ng mga injuries ni Dayton. Bali ang mga buto sa buo niyang katawan, pero nagawa niya pa rin tiisin ang sakit at sumugod sa ospital para hanapin si Quincy. Napakalakas niya.Mabilis na ginamot ng doktor ang mga sugat niya. Kung mananatili pa siya sa ganitong kondisyon, maaari siyang mamatay.Nagising si Dayton pagkatapos ng tatlong araw.“Quincy…” Biglang dinilat ni Dayton ang mga mata. Ang una niyang instinct ay hanapin si Quincy.“Young Master, hindi kayo pweden
Magbasa pa
Kabanata 1634
Paglipas ng apat na taon.Nagdala ang butler ng isang grupo ng mga tagasilbi papunta sa artificial mountains sa hardin sa likuran ng villa. Pinalibutan sila ng mga artificial mountains.Tiningnan ng butler ang batang lalaki na nakaupo sa taas ng isang artificial mountain. “Little Young Master, hindi ba pwedeng sa loob ng bahay na lang kayo maglaro? Delikado riyan. Bumaba na kayo, okay?” Sinubukan niyang himukin ang bata.Gayunpaman, ang batang lalaki na nakaupo sa taas ng artificial mountain ay nagpanggap na hindi siya naririnig. Nakatuon ang atensyon nito sa building blocks na nilalaro niya.Pinunasan ng butler ang pawis sa kaniyang noo. Nadiagnosed ng doktor ng autism ang Little Young Master. Madalas ay mag-isa siyang naglalaro. Mahirap para sa sinuman na masabihan siya.Kahit na si Young Master Night, ang ama nito, ay hirap na makipag-usap sa kaniya. Gayunpaman, pinanganak siyang matalino. Noong nakaraan ay mayroong mga hackers na umatake sa database ng Night Corporation pero n
Magbasa pa
Kabanata 1635
Napakalupit ni Quincy. Hindi lang niya inabanduna ang sariling anak pero wala pa rin balita tungkol sa kaniya ngayon!Hinahanap niya ito sa mga nakalipas na taon. Ginamit na niya ang lahat ng paraan pero wala pa rin anumang balita.Para bang naglaho ito sa mukha ng mundo.Gayunpaman, sinasabi ng kutob niyang hindi lang basta-basta maglalaho nang ganoon si Quincy. Hindi magtatagal ay magpapakita rin ito.Kahit na ayaw nito sa sariling anak, siguradong gugustuhin nitong bawiin ang lahat ng pagmamay-ari ng mga Lane.“Nasaan ang mommy ko? Kailan siya babalik?” Tanong ni Sirius habang nakatingin kay Dayton.Bumalik sa sarili si Dayton matapos marinig ang sinabi ng anak. Gayunpaman, hindi niya masagot ang tanong nito.Gusto rin niyang malaman kung kailan babalik si Quincy.“Mayroong mommy ang lahat. Bakit wala ako?” Patuloy siyang kinukwestyon ni Sirius.Nagdilim ang ekspresyon ni Dayton. “Sino nagsabi na wala kang mommy?”“Bakit hindi ko siya kasama?” Hindi na iyon naiiba sa hindi
Magbasa pa
Kabanata 1636
Hindi niya alam kung narinig ni Dayton ang sinabi niya. Walang emosyong pumasok sa loob ng bahay si Dayton. Iniisip niya kung ang pagdadabog kanina ni Sirius. Nagtatago ito marahil sa loob ng kwarto niya at ayaw lumabas.Napansin ni Hayley na binabalewala lang siya ni Dayton. Inunat na niya ang kamay para hawakan ito sa braso. “Kinakausap kita. Nakikinig ka ba?”“Anong problema?” Hindi natutuwa ang ekspresyon sa mukha ni Dayton dahil napilitan siyang huminto sa paglalakad.“Nagkukwento ako tungkol sa mga Sullivan. Isa silang lumalaking lakas sa industriya. Kailangan mong mas magkaroon ng interaksyon sa kanila. Mas mabuting magkaroon ng isa pang kaibigan sa larangan ng negosyo kaysa magkaroon ng isa pang kalaban.”Kumunot ang noo ni Dayton at sinabing, “Benepisyo lang ang mahalaga sa larangan ng negosyo. Hindi habangbuhay ang mga kaibigan,” Sabi niya bago umakyat sa hagdan.“Hay, ang tigas ng ulo..Kahit na benepisyo lang ang mahalaga, mabuti pa rin na magkaroon ng short-term benefi
Magbasa pa
Kabanata 1637
Wala siyang sasabihin kay Tia kahit ilang beses man itong magtanong.Nararamdaman ni Tia na mayroong mali. Tinandaan niya ito. Kailangan niyang bigyan ng atensyon si Dayton at ang kinikilos ng kaniyang tiyahin……Isang grupo ng mga tao ang lumabas ng VIP passage ng airport.“Mommy, ito ba ang hometown mo?” Tanong ng isang batang babae na mayroong maikli at kulot na buhok at maamong mukha na dahilan para magmukha siyang manika. Napakaganda niyang tingnan.Ang babaeng tinatawag niyang mommy ay mayroong maikli at cropped na buhok. Nakasuot siya ng isang itim na leather shirt at pantalon. Nakasuot din siya ng isang pares ng itim na sunglasses. Napaka-astig niyang tingnan.Inalis ni Quincy Lane ang suot na sunglasses at pinagmasdan ang langit sa labas ng airport. Ito ang kulay asul na nakasanayan niya. Maraming taon niyang kinailangang iwan ang lugar na ito.“Oo, ito ang hometown ko.” Namiss niya nang sobra ang kaniyang hometown, pero ayaw niya rin dito dahil sa presensya ng lalaking
Magbasa pa
Kabanata 1638
Kinagabihan, dinala ni Quincy ang anak sa bahay ng mga Sullivan para sa welcome dinner.Naghanda ang mga Sullivan ng welcome dinner para sa kanila. Hinintay ng mga ito ang pagdating nila.Mayroong dalawang anak na babae sina Mr. at Mrs. Sullivan. Kasal na ang kanilang panganay na anak, kaya wala ito sa bahay. Dalaga pa ang bunso nila, kaya nasa bahay pa ito. Siya ang anak sa labas ni Carter Sullivan pero kinikilala siyang parte ng pamilya. “Miss Quincy, narito na kayo. Tuloy kayo,” Binati sila ni Carter Sullivan sa pinto kasama ang asawa at anak.“Salamat sa pagsalubong sa amin.” Tumawa si Quincy.“Dapat lang ito. Kung wala ka, wala rito ngayon ang mga Sullivan.” Pinapasok sila ni Carter sa loob ng bahay habang sinasabi, “Tuloy kayo.”“Oh, napakagandang bata. Miss Quincy, anak mo ba siya?” Nakangiting tanong ni Mrs. Sullivan.“Opo. Batiin mo ang lahat, Little Cupcake.”Magalang na nagsalita si Little Cupcake, “Nice to meet you po, tito at tita.” Saka siya lumingon sa magandang
Magbasa pa
Kabanata 1639
Tiningnan ni Quincy si Renee na nakaupo sa tapat niya. Nagsimulang kumain si Renee nang hindi sila pinapansin. Ngumiti siya at sinabing, “Hinahangaan ko rin kayo sa pagkakaroon ng napakagandang anak.”Sinulyapan ni Mrs. Sullivan si Renee. Hindi niya ito totoong anak. Anong dapat hangaan sa kaniya?“Ate Quincy, huwag mo akong purihin sa pagiging maganda. Natatakot akong mag-backfire iyan sa akin,” Sabi ni Renee matapos sumimsim ng wine.“Backfire? Anong ibig mong sabihin?” Hindi naintindihan ni Quincy.Nagkibit-balikat si Renee at malakas ang loob na sinabing, “Alam kong pinanganak ako nang mayroong magandang itsura, pero hindi ko kailangan na purihin ako ng iba tungkol doon. Paano kung marinig ng diyos ang mga papuri at magdesisyon na bawiin ang lahat ng ganda ko?”Hindi maintindihan ni Quincy kung bakit iyon naiisip ni Renee. Ngumiti na lamang siya at sinabing, “Kung ganoon, hindi na kita pupurihin.”“Anong klaseng ganda ang binigay sa iyo nang ipinanganak ka? Hindi ka nagsesery
Magbasa pa
Kabanata 1640
Nang marinig ni Quincy na pumayag si Renee na pumunta sa isang blind date kasama ni Dayton, labis siyang nabigla. “Sigurado ka? Huwag mong isipin kung gaano siya katapat. Minsan na siyang nakasal at mayroon din anak. Ayos lang ba sa iyo iyon?”Komento niya dahil ayaw niyang mahulog si Renee sa patibong ni Dayton. Hindi ito mabuting tao.Napakasamang tao ni Dayton. Wala ng mas nakakaalam nito bukod sa kaniya.Masayang ngumiti si Renee at sinabing, “Ayos lang. Makikipagkita lang ako sa kaniya. Baka hindi niya ako magustuhan. Kung hindi pa niya nakakalimutan ang dati niyang asawa, hindi siya mahuhulog sa akin.”Mayroon pang gustong sabihin si Quincy pero tama si Renee. Hindi madaling basahin si Dayton. Kung hindi ka niya magagamit, hindi siya mag-aabalang tingnan ka.Pagkatapos kumain, inimbita ni Carter si Quincy sa kaniyang study para mag-usap.Sinabihan ni Quincy si Little Cupcake na makipaglaro sa hardin kasama ni Renee.Sa study, pinakita ni Carter sa kaniya ang lahat ng finan
Magbasa pa
PREV
1
...
162163164165166
...
175
DMCA.com Protection Status