Lahat ng Kabanata ng Ang Tatay kong CEO: Kabanata 1641 - Kabanata 1650
1747 Kabanata
Kabanata 1641
Akala niya noon ay si Dayton ang pinakamabuting asawa sa mundo. Akala niya rin ay siya ang pinakamabuting ama sa mundo.Hindi maayos ang kaniyang emosyon, kaya hindi naging madali ang pagbubuntis niya. Kinailangan niyang manatili lang sa bahay para mapalakas ang kapit ng anak na nasa sinapupunan.Noong araw na iyon apat na taon na ang nakararaan, nakaupo siya sa swing ng hardin dahil sa kaniyang pagkabagot. Umuwi si Dayton at tinabihan siya sa swing. Nakita nitong malungkot siya at nababagot, kaya sinabi nito sa kaniya na dadalhin siya nito sa isang isla para makapag-relax.Isinantabi pa nito ang lahat ng trabaho sa kumpanya para sa kaniya at sa kanilang anak.Hinahangaan niya talaga ito kapag naaalala niya kung paano nito nagawang umarte na parang isang perpektong asawa habang ginagamit siya.Pinagmukha ni Dayton na sobra siyang inaalala nito. Para bang siya ang sentro ng mundo nito.Sa huli, naintindihan niya rin na ginawa niya lang ang lahat ng iyon dahil sa batang nasa sinap
Magbasa pa
Kabanata 1642
Tinitigan ni Quincy si Renee na tumatawa nang malakas. Hinahangin ang buhok at mahaba nitong buhok na mas lalo siyang ginawang kaakit-akit at kahanga-hanga. Maliwanag ang ngiti nito habang nagniningning naman ang mga mata. Makikita ang tiwala ni Renee sa sarili.Ang ganitong klaseng tao ay gugustuhing lapitan ng iba, lalo na ang katulad ni Quincy na matagal ng napuno ang puso ng kadiliman dahil sa trauma na naranasan niya.Parang isang napakagandang sunflower ni Renee. Gustong lumapit ni Quincy sa kaniya upang makaramdam ng init mula rito, pero hindi siya naglakas-loob na gawin iyon.“Ate Quincy, palaging binabanggit ng tatay ko na napakagaling mo sa negosyo. Walang anumang deal na hindi mo nagawang ipanalo. Gusto ko rin matuto mula sa iyo. Gusto mo ba akong turuan?” Sinabi ni Renee ang kaniyang naiisip.Bahagyang nabigla si Quincy. “Gusto mong matuto kung paano magpatakbo ng isang negosyo?”Tumango si Renee at saka umiling. “Hindi naman. Ang totoo, nagpapatakbo ako ng isang bar n
Magbasa pa
Kabanata 1643
Hindi na siya nahawakan ni Quincy, kaya hinayaan na lang niya na mag-isang pumunta roon ang bata. Hindi malayo ang banyo, kaya hindi niya kailangang mag-aalala masiyado.Lumabas si Little Cupcake ng banyo at handa nang hanapin ang kaniyang mommy. Ngunit, nakalimutan niya kung dapat ba siyang lumiko sa kanan o kaliwa.Ang totoo, hindi siya magaling sa direksyon. Nagmamadali siya kanina kaya nakalimutan niya na ang lahat. At saka, pareho lang ang itsura ng interior design ng hotel sa kanan at kaliwa. Wala siyang makitang pagkakaiba.Anong dapat niyang gawin ngayon? Walang tao rito, kaya wala rin siyang mapagtatanungan.Nagdesisyon siyang lumiko muna sa kaliwa. Kung hindi niya mahahanap ang kaniyang mommy, babalik siya rito.Gayunpaman, napakasimple lang ng isipan niya. Malaki ang hotel na ito. Hindi niya nakita ang kaniyang mommy matapos dumako sa kaliwa. Gusto niyang bumalik sa pinagmulan niya kanina, pero nakalimutan niya na kung ilang liko ang ginawa niya.Sumimangot si Little C
Magbasa pa
Kabanata 1644
Nakaramdam ng kaunting hiya si Little Cupcake matapos siyang pagtawanan ni Sirius. Tumayo siya nang tuwid at sumagot, “Hindi! Hindi ko ang alam kung nasaan ang hilaga, timog, silangan, at kanluran!”“Hindi ba’t ibig sabihin niyan ay hindi ka marunong sa direksyon?” Inunat ni Sirius ang mga braso.“Sinabi ko na sa iyong hindi ganoon!” Namula ang maliit na mukha ni Little Cupcake. Medyo galit na siya ngayon.Ayaw makipag-away ni Sirius sa kaniya. At saka, hindi siya ang klase ng tao na maraming sinasabi. Mapanghamak niyang sinabing, “Bakit ako sumama sa isang hangal na hindi marunong sa direksyon?” Pagkatapos magsalita, tumalikod siya at bumalik sa kwarto.Kaagad na hinawakan ni Little cupcake ang manggas niya. Hindi na siya umaktong matapang ngayon. “Kuya, pwede mo ba muna akong tulungan na hanapin ang mommy ko? Ayos lang na iyon?”“Bitawan mo ako. Hindi mo ako kapatid.” Kumunot ang noo ni Sirius. Kanina na pa niya ito tinulak kung nangyari ito sa kaniya ng ibang araw.Gayunpaman,
Magbasa pa
Kabanata 1645
Nang maalala niya kung paano siya inabanduna ng ina pagkatapos siyang ipanganak, nalungkot siya at nagalit. Naiirita siyang sumigaw, “Anong pakialam niyo?! Bantayan niyo ang sarili niyong anak!” Saka siya tumalikod at tumakbo pagkatapos sumigaw.“Hay…” Gusto siyang tawagin ni Quincy, pero huli na. Naglaho ito sa isang kisapmata.“Mommy…” Naguguluhan siyang tiningnan ni Little Cupcake. Parang interesado siya sa batang lalaking iyon?Bumalik si Quincy sa sarili at tiningnan ang anak. “Sino ang batang lalaking iyon? Anong pangalan niya?”“Oh, nakalimutan kong tanungin ang pangalan niya. Hindi ko rin po alam kung sino siya. Nakita ko lang siya na mag-isang naglalaro ng building blocks sa isang kwarto, kaya naawa ako sa kaniya at sinama siya sa labas para maglaro. Pero, nakalimutan ko ang daan,” Matapat na sabi ni Little Cupcake.Makikita ang bahid ng pagkadismaya sa mga mata ni Quincy. Lumingon siya sa direksyon kung saan tumakbo ang batang lalaki. Kamukhang-kamukha niya si Dayton…H
Magbasa pa
Kabanata 1646
Nakasuot ng isang light gold-colored na dress si Renee ngayong gabi. Ang mahaba at maalon niyang buhok ay nakalugay sa kaniyang likuran na mas lalong nagpaganda sa kaniya.Suot ang kaniyang heels ay lumapit siya sa harapan nina Quincy at Little Cupcake. Nag-sexy pose siya sa harapan nila. “Anong tingin niyo sa outfit na ito? Suot ko ito para sa devoted na Young Master Night.”Kaagad siyang pinuri ni Little Cupcake. “Maganda ka sa lahat, Renee!”“Salamat sa papuri mo.” Pinisil ni Renee ang mukha ni Little Cupcake at tiningnan si Quincy. Saka niya sinabing, “Ate Quincy, samahan mo ako mamaya kay Young Master Night. Baka matulungan mo akong mahusgahan ang karakter niya.”Kumunot ang noo ni Quincy at nagtanong, “Bakit? Iniisip mo ba talagang magkaroon ng malalim na relasyon sa kaniya?”Tumaas ang kilay ni Renee at sinabing, “Kung mabuti siyang tao at ang tipo kong lalaki, pwede kong subukan magkaroon ng malalim na relasyon sa kaniya. Sa gayon, hindi ako mamaliitin ng sarili kong pamil
Magbasa pa
Kabanata 1647
“Hindi ko masasabi sa iyo ang tungkol diyan,” Walang emosyon niyang sagot.Bahagyang dumilim ang pakiramdam ni Renee nang makita niya ang masamang ekspresyon sa mukha ni Dayton. Suminghal siya at nagtanong, “Hindi ba’t kinasal ka na noon? Anong klaseng babae ang ex-wife mo?”Nanliit ang itim ng mga mata ni Dayton. Bukod sa anak niya, wala ng sinuman ang naglakas-loob na banggitin si Quincy sa harapan niya.Mas lumamig ang ekspresyon niya habang sinasabi, “Hindi kita ganoon kakilala. Pwede ka nang umalis ngayon.”Madalas ay palaging hinahabol ng mga kalalakihan si Renee. Lahat ng mga lalaking iyon ay gusto siyang aluin at suyuin. Wala sa kanila ang umakto na katulad ni Dayton. Hindi lang ito nagpakita ng hindi masayang ekspresyon sa kaniya sa simula pa lang pero gusto rin siyang paalisin nito?Gayunpaman, hindi siya mababaw na tao. Tumayo siya habang nakangiti. “Hindi tayo malapit sa isa’t-isa, pero hayaan mong bigyan kita ng isang payo. Mas maging magalang at mabait ka kapag nakik
Magbasa pa
Kabanata 1648
Halos mawala na sa sarili si Dayton. Ang taong nakita niya kanina ay kahawig ni Quincy!Hindi niya alam kung namalikmata lang siya, pero alam niyang kailangan niyang habulin ang taong iyon kahit na hindi man siya iyon.Saka siya pumasok sa isang area sa hotel. Gayunpaman, walang tao sa loob nito. Wala rito si Quincy.Naglakad siya sa unahan habang sinusuri ang paligid. Bukod sa mga hotel attendant na nilalagpasan siya, wala ng iba pang tao rito.Huminto si Dayton sa paglalakad. Sinandal niya ang matangkad at balingkinitang katawan sa malawak na floor-to-ceiling na bintana. Pakiramdam niya bigla ay naubos ang buong enerhiya ng katawan niya.Namalikmata siguro siya. Wala rito si Quincy.Napakalupit na babae. Apat na taon siyang nawala at walang anumang balita, kaya paano siya basta na lang lilitaw?Minasahe niya ang gitna ng kaniyang mga kilay habang binabalot siya ng pagod.Kapag bumalik siya…hindi na niya ito kailanman pakakawalan!Hinabol siya ni Hayley nang ilang sandali bago
Magbasa pa
Kabanata 1649
Saka siya lumingon kay Quincy at nagsisising sinabi, “Nakinig dapat ako sa iyo. Hindi dapat ako nakipagkilala sa ganoong klaseng lalaki. Nasayang lang ang oras ko.”Walang emosyon ang tono ni Quincy nang sumagot, “Mabuting bagay rin na nakilala mo siya.” Kahit paano, alam na niya ngayon kung gaano kasamang lalaki si Dayton.“Tama. Mayroong banquet sa hall ngayon. Mayroong mga pagkain at inumin sa baba. Bumaba tayo.” Isinantabi muna ni Renee ang sama ng loob niya.Umiling si Quincy at sinabing, “Medyo pagod ako. Ayaw kong gumalaw.” Ayaw niyang makita siya sa mga tauhan ni Dayton.“Mommy, pwede ba akong kumain kasama ni Renee? Medyo gutom na po ako,” Nagmakaawa si Little Cupcake sa kaniya.Tiningnan ni Quincy ang anak. Wala naman problema kung isasama siya ni Renee.“Sige, pwede kang sumama sa kaniya, pero hindi ka pwedeng umalis nang mag-isa.”“Huwag kang mag-alala, Ate Quincy. Aalagaan ko nang mabuti si Little Cupcake.” Pagkatapos magsalita, hinawakan ni Renee ang kamay ni Littl
Magbasa pa
Kabanata 1650
Naranasan na rin ni Dayton ang tunay na kahihiyan sa edad na 30.Hindi malaking bagay na basa ang pantalon niya. Pero ang malala, nasa isang nakakahiyang area ang basang parte.At saka, tumakbo ang batang babae na para bang mayroong malaking nangyari at sumigaw na basa ang pantalon niya!Kung hindi siya mukhang inosenteng bata, maghihinala siya na sinasadya niya itong gawin.Dito naman tumingin ang lahat sa kaniya. Kahit na sinusubukan nilang hindi tumawa nang malakas, ang ilan sa kanila ay hindi nakontrol ang mga sarili.Nagdilim ang mukha ni Dayton nang marinig niyang magtanong ang isang bata sa magulang nito, “Mommy, naihi ba ang titong iyon sa pantalon niya dahil hindi niya makontrol ang sarili niya?”Kaagad na tinakpan ng nanay ng bata ang bibig ng bata. “Huwag ka nang magsalita. Matanda na ang titong iyan. Paano siya..”“Bakit po siya naihi sa pantalon?” Naiintriga pa rin at natatawa ang bata.Tiningnan nang madilim ni Dayton ang batang babae sa harapan niya. Kung hindi l
Magbasa pa
PREV
1
...
163164165166167
...
175
DMCA.com Protection Status