Lahat ng Kabanata ng Ang Tatay kong CEO: Kabanata 1661 - Kabanata 1670
1747 Kabanata
Kabanata 1661
Tama. Siya nga ang bata. Ang batang kamukha ni Dayton Night…Naramdaman ni Quincy ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso. Siya ba ang anak niya?“Sirius, pumunta ako sa bahay mo kagabi. Gusto mo bang pumunta sa bahay ko para maglaro?” Banayad na inimbita ni Little Cupcake si Sirius na nakatayo sa harapan niya. Laging mag-isa si Sirius. Isang himala para sa kaniya na kaya niyang tanggapin si Little Cupcake bilang kaibigan. Ayaw niyang magkaroon ng masiyadong maraming interaksyon sa kaniya.“Hindi. Gusto kong umuwi.” Pagtanggi niya nang hindi man lang pinag-iisipan.Kaagad na hinawakan ni Little Cupcake ang kamay niya nang makita niyang tumalikod na si Sirius para umalis. “Pinapalungkot mo ako. Best Friends na tayo ngayon, tama?”Kumunot ang noo ni Sirius at tinama ang sinabi niya, “Kahit na magkaibigan tayo, hindi tayo ganoon kalapit sa isa’t-isa.”“Wala akong pakialam. Mag-bestfriend na tayo ngayon. Pumunta ka sa bahay ko para maglaro!” Minanduhan na siya ni Little Cupcake.Hi
Magbasa pa
Kabanata 1662
Mula sa gilid ay pinapanood silang maglaro ni Quincy. Mahirap para sa kaniya ngayon na pakalmahin ang sarili.Nakatuon ang tingin niya kay Sirius. Heto ang anak niya. Ang batang araw-araw niyang pinangungulilaan sa nakalipas na apat na aon.Hindi mabilang na mga araw at gabi ang ginugol niya sa pag-iisip kung paano niya mababawi ang anak, pero hindi niya na alam ang gagawin ngayong nakita na niya ito. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin.Hindi niya alam kung ano ang sinabi ni Dayton sa bata para ipaliwanag sa kaniya kung bakit wala siya sa tabi niya pagkatapos niyang ipanganak.Mayroon ba siyang sama ng loob sa kaniya?Maraming mga bagay ang gusto niyang sabihin sa kaniya ngayon, pero natatakot siya na matakot niya ito. Natatakot siya na hindi siya nito kilalanin bilang ina.Tumalikod si Little Cupcake at nakita ang ina na nakatayo at nakatulala. Nagtanong siya, “Mommy, hindi ba’t ang sabi niyo po ay ipagluluto niyo kami ng hapunan?” Bakit kakaiba ang kinikilos ng nan
Magbasa pa
Kabanata 1663
Bahagyang nadismaya si Quincy. Mukhang kailangan niya pang galingan ang pagluluto niya.Kinampihan ni Little Cupcake ang nanay niya. “Bakit mo kinukumpara ang chef sa bahay mo sa mommy ko? Simpleng pagkain lang ang hinahanda ng mommy ko. Hindi mo matitikman ang mga pagkaing ito sa ibang lugar. Limited edition sila. Alam mo ba iyon?”Suminghal siya at sinabing, “Sa tingin ko ay hindi mo lang natikman ang mga luto ng nanay mo.”Mayroong maliit na pagbabago sa ekspresyon ni Sirius. Gayunpaman, mas lalo siyang tumahimik.Nalungkot si Quincy nang makita niya ang inakto ni Sirius. Tinanong niya ito, “Hindi ka ba madalas na ipagluto ng nanay mo?”Hindi niya inaasahang ipagluluto siya ni Dayton. Hindi siya magiging ganoong kabuting ama.Matapos ang maikling sandali, biglang sinabi ni Sirius, “Wala akong nanay.”Parang puno ng galit ang mga salitang iyon.Gulat siyang pinagmasdan ni Quincy.Nagtataka siyang tinanong ni Little Cupcake, “Huh? Wala kang nanay? Oh, tama, narinig kong divor
Magbasa pa
Kabanata 1664
Ang totoo ay laging mahina ang kondisyon ng kalusugan ni Sirius simula pa noong maliit pa lamang siya. Madali siyang magkasakit.Noong una, ginugugol ni Dayton ang lahat ng oras sa paghahanap kay Quincy. Noong panahon na iyon, hinayaan niya ang isang nanny at pediatrician na alagaan ang anak nya.Hindi niya pinagtuunan masiyado ng pansin ang pag-aalaga sa anak niya sa mga nakalipas na taon. Hindi siya nag-aalala basta walang sakit ang anak o mayroong doktor na gagamot sa bata kapag nagkasakit.Kaya naman, bihira lang mag-usap ang mag-ama. Madalas ay hindi rin gustong makipag-usap sa kaniya ni Sirius.Nasanay na si Sirius na mag-isang magpagaling sa mga sakit niya, kaya hindi niya inaasahang makatanggap ng pag-aalaga o pag-aalala ng sinuman.Bahagya siyang nabigla nang mapansin ang istrikto ngunit nag-aalala na ekspresyon ni Quincy. Hindi siya nito anak. Bakit sobra siyang nag-aalala sa kaniya?Kaya naman, patuloy niyang tinanggihan ang alok nito. “Iinom ako ng gamot kapag nakauwi
Magbasa pa
Kabanata 1665
Hindi sinabi ni Sirius sa butler kung gusto niyang umuwi. Nagtanong lang siya, “Nasaan ang dad ko?”“Ang Young Master…abala siya sa trabaho. Hindi siya makakauwi sa susunod na dalawang araw,” Tapat na sabi ng butler.Nagdilim ang mga mata ni Sirius. Ganito na naman ang nangyayari…Madalas ay butler, mga taga silbi at doktor lang ang nasa tabi niya kapag mayroon siyang sakit. Uuwi lang ang tatay niya mula sa trabaho kapag magaling na siya.“Bumalik ka na. Hindi ako uuwi ngayon. Mayroong mga tao na nagbabantay sa akin dito,” Sabi ni Sirius.Tiningnan ng butler si Little Cupcake at nagtatakang nagtanong, “Ang kaibigan mo ba ang mag-aalaga sa iyo?”“Aalagaan namin ng Mommy ko si Sirius. At saka, uminom na siya ng gamot para sa lagnat. Gagaling na siya kaagad.”Nagulat nang bahagya ang butler. Uminom ng gamot ang Little Young Master?Kailangan nilang magpakahirap para mapainom siya ng gamot noon. Mukhang mayroong sariling diskarte ang bagong kaibigan ng Little Young Master.“Umuwi
Magbasa pa
Kabanata 1666
Habang nananaginip, naramdaman ni Sirius na bumalik na ang nanay niya. Sinubukan niya ang lahat para alalahanin ang itsura ng ina, ngunit isang malabong imahe lang ang nasa isip niya.Sa likod ng utak niya ay mayroon nagsasabi na siya ang nanay niya. Mahigpit niya itong hinawakan at nilapitan. Gusto niya ng init at pagmamahal nito. “Mommy, huwag kang umalis…Huwag mo akong iwanan…”Ayaw na niyang maging isang bata na walang ina…Tumutulo ang mga luha sa sulok ng mga mata ni Quincy nang makita niya ang pagtawag ni Sirius sa ina habang mayroong sakit. Parang mayroong nakasaksak na kutsilyo sa puso niya sa sobrang sakit nito.Simula nang ipinanganak ang anak niya ay nalayo na ito sa tabi niya. Hindi man lang niya nakita ang itsura nito!Kung hindi sinunog ni Tia ang operating room, hindi siya mapipilitan na magmadaling umalis.Tia Smith…Hindi niya ito patatakasin sa pagbabalik niya ngayon!Hindi niya rin patatakasin si Dayton Night! Napakasasama nilang mga tao!Buong gabing binanta
Magbasa pa
Kabanata 1667
“Hindi! Bakit mo inaagaw sa akin ang mommy ko?” Si Little Cupcake na nagising kani-kanina lang ay tumalon pababa sa kama at tumakbo para yakapin ang nanay niya. Nakasimangot niyang sinabi kay Sirius, “Akin ang mommy ko. Hindi mo siya pwedeng agawin sa akin!”Tiningnan siya ni Sirius nang walang anumang bahid ng kahihiyan. “Hindi ko siya inaagaw sa iyo. Gusto ko lang na maging mommy ko rin siya.”“Hindi mo rin iyon pwedeng gawin. Akin ang mommy ko. Ako lang ang anak niya. Pwede mong hanapin ang totoo mong nanay kung gusto mo ng mommy.” Napakasensitibo ni Little Cupcake sa ganitong usapin. Lalo na at isa siyang bata na minsan nang inabanduna.Ayos lang ang anumang bagay, pero hindi niya kayang makihati ng nanay sa iba.Kumunot ang noo ni Sirius at tiningnan si Quincy. Nagtanong siya, “Ano sa tingin niyo? Ayaw niyo ba ng anak na lalaki?”“...” Hindi alam ni Quincy ang sasabihin. Paano siya makakasagot sa tanong na iyon?Mayroon siyang anak na lalaki. Siya ang anak niya, pero…hindi n
Magbasa pa
Kabanata 1668
Hindi nagpahinga si Dayton. Umalis siya kaagad para puntahan ang anak kahit na napapagod siya.Dumating siya sa bahay ni Little Cupcake.Si Renee ang nagbukas ng pinto para sa kaniya. Lumabas si Quincy para bumili ng almusal para sa mga bata.Kuminang nang malamig ang mga mata ni Dayton nang makita si Renee. Sigurado siya na ginagamit nito ang mga bata para lapitan siya.Kung hindi, bakit siya narito kung hindi siya ang nanay ni Little Cupcake?Niloko pa nito ang anak niya at dinala rito. Walang magandang intensyon ang babaeng ito!“Nasaan ang anak ko?” Tanong niya kaagad.Tinuro ni Renee ang loob at sinabing, “Nasa loob siya ng kwarto…”Pumasok sa loob ng bahay ang matangkad at matipunong katawan ni Dayton. Para bang pumapasok siya sa sarili niyang bahay. Wala siyang anumang respeto!Sumimangot si Renee at sumunod sa kaniya.“Sirius Night, lumabas ka!” Sigaw ni Dayton mula sa sala.“Oh, masamang tito, bakit kayo narito?” Nangamba si Little Cupcake nang makita si Dayton. Nat
Magbasa pa
Kabanata 1669
Samantala, napansin ni Dayton na hindi pa pumapasok ang anak niya sa kotse. Nilingon niya ito. “Anong problema? Hindi mo kayang umalis?” Tanong niya.Hindi ba kayang iwan ng anak niya ang batang babae na iyon?Habang mas lalo niya itong iniisip, mas lalo niyang napagtatanto na hindi mabuting mga tao ang Renee Sullivan at batang babaeng iyon.Hindi sinagot ni Sirius ang tanong ng tatay niya. Pagkatapos tingnan ang bahay, sumakay na siya sa kotse.Hindi nagtagal, umalis na ang itim na Maserati.Lumabas si Quincy sa gilid pagkatapos panooring umalis ang kotse. Tiningnan niya ang direksyon ng kotse at pinangako sa sarili na babawiin niya ang anak sa lalong madaling panahon!Sa kotse, tiningnan ni Dayton ang anak na hindi nagsasalita. Akala niya ay malungkot ito dahil ayaw nitong umalis sa bahay ng batang babae na iyon.Suminghal siya nang malamig at sinabing, “Anak, makinig ka sa akin. Hindi ka na pwedeng makipag-usap kay Little Cupcake!” Kailangan niya ng tapusin ang ugnayan nila.
Magbasa pa
Kabanata 1670
Halos tumilapon ang lahat ng pasahero ng sasakyan sa lakas ng banggaan!Kung hindi niya suot ang kaniyang seat belt, babangga si Dayton sa upuang nasa harapan niya.“Anong nangyayari?” Malamig niyang sigaw. Kahindik-hindik ang kinang sa kaniyang mga mata.Simula nang mangyari ang aksidente niya apat na taon na ang nakalipas na naging dahilan upang hindi niya maabutan ang panganganak ni Quincy kay Sirius ay nagkaroon siya ng mataas na standards sa kaniyang mga chauffeurs.Napaka bihasa ng kasalukuyan niyang chauffeur ngayon. Kung hindi, hindi siya magiging ligtas mula sa banggaan na ito,“Bigla na lang humarurot papunta sa atin ang kotseng iyon.” Sabi ng chauffeur sa kaniya matapos bumalik sa sarili. Nagawa niyang maikot ang kotse sa tamang oras dahilan upang bumangga ang kotse nila sa puno sa tabi ng kalsada.Si Finna na nakaupo sa passenger seat ay labis ang gulat. Nakita niya ang biglaang pagharurot ng kotseng iyon papunta sa kanila!“Tumingin ka roon, Young Master! Iyon ang k
Magbasa pa
PREV
1
...
165166167168169
...
175
DMCA.com Protection Status